NEW
Font size
S
M
L
XL
WorksheetsGMRC QUIZ
Total questions: 25
Worksheet time: 19mins
Name
Class
Date
1.
Ano ang kahulugan ng PWD?
a)
People with Differences
b)
People with Disabilities
c)
People with Determination
d)
People working Duties
2.
Ano ang wastong paraan ng pakikitungo sa mga PWD?
a)
Iwasan sila dahil iba ang kanilang kalagayan
b)
Magpakita ng malasakit at respeto sa kanila
c)
Tawanan sila upang matuwa sila
d)
Huwag silang kausapin upang hindi sila mapahiya
3.
Ano ang pangunahing layunin ng batas para sa mga PWD?
a)
Ihiwalay sila sa lipunan
b)
Bigyan sila ng espesyal na pribilehiyo nang hindi nagtatrabaho
c)
Protektahan ang kanilang karapatan at bigyan sila ng pantay na oportunidad
d)
Pilitin silang gawin ang lahat ng gawain mag-isa
4.
Alin sa mga sumusunod ang hindi isang halimbawa ng PWD?
a)
Isang taong may kapansanan sa paningin
b)
Isang taong gumagamit ng wheelchair
c)
Isang taong matangkad at malusog
d)
Isang taong may problema sa pandinig
5.
Bakit mahalaga ang pagkilala sa kontribusyon ng mga PWD sa ating lipunan?
a)
A. Upang magbigay-aliw sa kanila
b)
B. Upang ipakita na kaya nilang tumulong sa lipunan sa kabila ng kanilang kalagayan
c)
C. Upang hindi sila mahirapan sa buhay
d)
D. Upang sila ay mapansin ng iba
6.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit sa PWD?
a)
Pahiramin muna ang kaklaseng PWD ng bolpen para makasali sa pagsusulit.
b)
Pagtawanan ang kinukutya na PWD.
c)
Sigawan ang taong may kapansanan.
d)
Tumulong sa PWD at hihingi ng kapalit.
7.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipag-ugnayan sa PWD?
a)
“Pilit kong inuunawa kung bakit ka nahuli, pero sana umalis ka ng bahay nang mas maaga.”
b)
”Bakit ba nahuli ka na naman?”
c)
“Sana sa susunod hindi kana huli sa usapan natin.”
d)
“Tatlumpong minuto na akong naghihintay sa iyo!”
8.
Ito ay tumutukoy sa panghihikayat sa iba na tumalima sa mga alituntunin sa pamayanan na siyang mahalagang gampanin para sa ligtas, maayos, at mapayapang lipunan
a)
matapat
b)
masinop
c)
matapang
d)
masunurin
9.
Mahalaga na ang bawat pamilya ay mulat sa mga _________sa pamayanan upang ito ang kanilang maging gabay sa pakikitungo sa lahat ng naninirahan sa pamayanang kanilang ginagalawan
a)
. Isyu
b)
balita
c)
. tuntunin
d)
kaganapan
10.
Ang mga tuntunin sa pamayanan ay sadyang ginawa upang maging batayan ng pamilya sa _________
a)
pagkilos
b)
paghusga
c)
pagpapakilala
d)
Pakikipag-ugnayan
11.
Ang pagtupad ng pamilya sa alituntunin sa pamayanan ay mahalagang gampanin para sa ligtas, maaayos at mapayapang ______________
a)
baryo
b)
lipunan
c)
tahanan
d)
samahan
12.
Ang pagiging masunurin ay unang natututuhan ng mga bata sa _______. Ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa mg utos at bilin ng nakatatanda.
a)
kapatid
b)
pamilya
c)
kaibigan
d)
Tagapag-alaga
13.
Ang pamilya ay may mahalagang papel sa pamayanang kaniyang ginagalawan. Ang mahalagang papel na ito ay ang ______________sa mga alituntunin sa pamayanan.
a)
pagtupad
b)
pagsasabi
c)
pagbabasa
d)
pagsusulat
14.
Ang katangian ng tao na nagpapakita ng pagtanaw sa magandang gawa at mapagbigay na kilos ng kapuwa ay pagiging ________________.
a)
matulungin
b)
mapagmalaki
c)
mapagpasalamat
d)
mabilang sa trabaho
15.
Ano ang pangunahing katangian ng isang mabuting lider?
a)
Mahigpit at laging nag-uutos
b)
Nagpapasya ng mag-isa nang walang konsultasyon
c)
Laging inuuna ang kanyang sarili
d)
May malasakit sa kapwa
16.
Bakit mahalagang pumili ng mabuting lider sa paaralan?
a)
Upang magkaroon ng magarbong selebrasyon tuwing eleksyon
b)
Upang magkaroon ng maraming taga sunod.
c)
Upang matiyak ang kaayusan at maayos na pamamahala sa paaralan
d)
Upang matutunan ng mga mag-aaral kung paano mandaya
17.
Ano ang ibig sabihin ng pagiging responsable bilang isang lider?
a)
Pagtupad sa mga tungkulin ng may integridad at katapatan
b)
Pagsunod lamang sa utos ng iba
c)
Pagpapakita ng lakas sa lahat ng pagkakataon
d)
Pagpapatahimik sa mga kasapi ng grupo
18.
Ano ang dapat gawin ng isang lider upang makuha ang tiwala ng kanyang mga kasama?
a)
Manindak at gumamit ng dahas
b)
Maging tapat, bukas sa ideya ng iba, at maging mabuting halimbawa
c)
Maging mahigpit at hindi makinig sa opinyon ng iba
d)
Huwag pakinggan ang mungkahi ng kanyang grupo
19.
Ano ang epekto ng pagkakaroon ng mabuting lider sa isang pamayanan?
a)
Nagkakaroon ng sigalot at di pagkakasundo
b)
Nananatili ang kaayusan, respeto, at pagkakaisa
c)
Lumalaki ang problema sa pagitan ng mga mamamayan
d)
Nawawala ang pagtutulungan sa loob ng pamayanan
20.
Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang mabuting lider-estudyante?
a)
Hindi nakikinig sa mungkahi ng iba
b)
Tumatanggap ng puna at iba pang kritisismo
c)
May abilidad sa pagharap sa mga pagsubok at paghahanap ng solusyon
d)
May kakayahang mamuno sa mga pagpupulong at iba pang mga gawain.
21.
Ano ang pangunahing kahulugan ng katapatan?
a)
Pagsasabi ng totoo at paggawa ng tama
b)
Pagsunod lamang sa gusto ng iba
c)
Paggawa ng isang bagay kahit hindi ito totoo
d)
Pagtatago ng katotohanan
22.
Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa isang pamayanan?
a)
Upang maiwasan ang parusa
b)
Upang makuha ang tiwala ng ibang tao
c)
Upang laging purihin ng iba
d)
Upang makuha ang anumang gusto
23.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng katapatan sa salita at gawa
a)
Pagtanggap ng pera na hindi sa iyo at hindi pagsasauli nito
b)
Pagsasabi ng totoo kahit mahirap itong gawin
c)
Paggawa ng pangako pero hindi ito tinutupad
d)
Pag-iwas sa responsibilidad upang hindi mapagalitan
24.
Ano ang dapat gawin kung may natagpuang pitaka na hindi sa iyo?
a)
Kunin ito at itago
b)
Ibalik ito sa may-ari o sa awtoridad
c)
Hatiin ito sa mga kaibigan
d)
Gastusin ito agad bago pa makita ng iba
25.
Paano naipapakita ang katapatan sa pamilya?
a)
Pagsisinungaling upang hindi mapagalitan
b)
Pagpapanggap na may sakit upang hindi utusan
c)
Pagtulong sa gawaing-bahay kahit walang nagsasabi
d)
Pagtatago ng lihim kahit ito ay makakasama sa iba
Reset
