NEW
Font size
WorksheetsREVIEW QUIZ- Noli Me Tangere
Total questions: 30
Worksheet time: 14mins
Ano ang pangunahing layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
Magbigay-aliw sa mga Pilipino
Ilantad ang katiwalian sa ilalim ng pamamahala ng Espanya
Makilala sa larangan ng panitikan
Ipakita ang kagandahan ng kulturang Pilipino
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kondisyong panlipunan noong isinulat ni Rizal ang nobela?
Pag-aabuso ng mga prayle sa simbahan
Malayang pagpapahayag ng mga Pilipino
Kahirapan ng mga mamamayan
Kawalan ng edukasyon para sa mga Indio
Ano ang kahulugan ng pamagat na Noli Me Tangere?
"Huwag Mo Akong Lapitan"
"Huwag Mo Akong Salingin"
"Mahal Kong Pilipinas"
"Kalayaan para sa Lahat"
Anong pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang nag-udyok kay Rizal na isulat ang nobela?
Pananakop ng mga Amerikano
Pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Espanya
Katiwalian at pang-aapi sa mga Pilipino
Pakikidigma ng Espanya sa ibang bansa
Sa anong aklat hinango ni Rizal ang inspirasyon sa pagsusulat ng Noli Me Tangere?
The Wandering Jew at Uncle Tom's Cabin
El Filibusterismo at Florante at Laura
The Prince at The Bible
Don Quixote at The Social Contract
Ano ang naging epekto ng paglalathala ng Noli Me Tangere sa lipunang Pilipino noon?
Pinabayaan ng mga Espanyol
Ipinagbawal at sinunog ng mga prayle
Ginamit bilang aklat-aralin sa mga paaralan
Pinuri at pinondohan ng pamahalaang Espanyol
Ano ang papel ni Maximo Viola sa paglalathala ng Noli Me Tangere?
Siya ang nagdisenyo ng pabalat ng aklat
Siya ang sumulat ng pambungad na pahina ng nobela
Siya ang nagpahiram ng pera upang maipalimbag ang aklat
Siya ang naging pangunahing karakter ng nobela
Sa kasalukuyang panahon, paano pa rin makikita ang mga suliraning tinalakay sa Noli Me Tangere?
Patuloy na katiwalian sa gobyerno
Pang-aabuso ng kapangyarihan ng ilang opisyal
Diskriminasyon laban sa mahihirap
Lahat ng nabanggit
Ano ang pinakamahalagang aral na maaaring mapulot mula sa Noli Me Tangere?
Ang edukasyon ay susi sa pagbabago
Ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa buhay
Dapat laging sundin ang utos ng simbahan
Ang kayamanan ang batayan ng tagumpay
Sa iyong pananaw, ano ang dahilan kung bakit maraming Pilipino noon ang hindi agad naghimagsik laban sa Espanya?
Dahil mahal nila ang mga Espanyol
Dahil wala silang interes sa kalayaan
Dahil sa takot at kawalan ng armas
Dahil sa maayos na pamahalaan
Aling karakter sa Noli Me Tangere ang sumasalamin sa pagmamalupit ng mga prayle sa panahon ni Rizal?
Pilosopo Tasyo
Don Rafael
Padre Damaso
Elias
Ano ang ibig ipakahulugan ng tauhang si Crisostomo Ibarra sa konteksto ng nobela?
Isang Pilipinong lumalaban sa pang-aapi
Isang prayleng nagtatanggol sa bayan
Isang indiong duwag at mahina
Isang Kastilang matulungin sa mga Pilipino
Ano ang simbolismo ng pagmamalupit kay Sisa at sa kanyang mga anak?
Ang kawalan ng hustisya para sa mahihirap
Ang masayang buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya
Ang mabilis na paglutas ng mga problema sa lipunan
Ang pantay na pagtrato sa mahirap at mayaman
Paano inilalarawan si Maria Clara sa nobela?
Isang matapang na lider
Isang dalisay at konserbatibong dalaga
Isang rebelde
Isang makapangyarihang babae
Ano ang pangunahing motibo ni Padre Damaso sa mga kaganapan sa nobela?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Paghihiganti kay Ibarra
Pag-aalaga kay Maria Clara
Pagkakaroon ng kapangyarihan at kontrol
Ano ang papel ni Padre Salvi sa nobela?
Isang mabait na pari
Ang pinakamalupit na tauhan
Isang paring may pagtingin kay Maria Clara
Kaibigan ni Ibarra
Ano ang ipinaglalaban ni Elias sa nobela?
Pagtanggap ng mga Kastila sa mga Pilipino
Pagpapalaya ng mahihirap mula sa mga Kastilang mananakop
Pagpaparami ng ari-arian
Pagbabago ng relihiyon
Sa iyong palagay, paano mo mararamdaman kung ikaw ay nasa kalagayan ni Crisostomo Ibarra na bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang mga pangarap ng iyong ama?
Masaya at puno ng pag-asa
Naguguluhan at nalilito
Malungkot at puno ng takot
Walang pakialam sa mga nangyayari
Ano sa tingin mo ang epekto ng pagiging mapagmalupit ni Padre Damaso kay Maria Clara?
Nagdudulot ito ng takot at pagkabigo kay Maria Clara
Nagiging sanhi ng matinding galit kay Ibarra
Nagpapalakas ng loob kay Maria Clara
Walang epekto kay Maria Clara
Kung ikaw si Elias, paano mo mararamdaman sa mga pangyayaring nagaganap sa paligid mo bilang isang matapang na piloto at tagapagtanggol ng mahihirap?
Pagkabigo sa laban para sa katarungan
Pagmamahal sa bayan at pananampalataya
Pagka-dismaya at kalungkutan
Pagkalito at pagkapagod
Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Sisa, isang ina na nawalan ng mga anak, sa kabila ng kanyang pagpapakasakit?
Pagkawala ng pag-asa at depresyon
Pag-ibig at pagpapatawad
Pagka-madamdamin at galit
Pagkabigo ngunit may lakas na magpatuloy
Kung ikaw si Basilio o Crispin, ano ang mararamdaman mo sa mga paghihirap at pagkamatay ng iyong ina sa kamay ng mga mapang-abusong pari at Kastila?
Pagka-bigo at galit sa sistema
Pagkatalo at kawalan ng saysay
Pagkatakot ngunit may pananampalataya
Pagkakasunduan sa mga pwersa ng mga Kastila
Ano ang epekto ng pag-ibig ni Sisa sa kanyang mga anak sa nobela, at paano ito nagbubukas ng mga isyung panlipunan?
Nagsasaad ito ng hindi pag-aalaga sa mga anak
Nagpapakita ito ng matinding pagmamahal
Nagiging sanhi ito ng hidwaan sa pamilya
Nagbibigay ito ng inspirasyon sa mga tao
Sa kasalukuyan, paano mo maipapakita ang diwa ng pagiging makabayan na ipinakita sa Noli Me Tangere?
Pagtangkilik sa sariling wika at kultura
Pagpapakita ng malasakit sa kapwa Pilipino
Pagsali sa mga gawaing nagpapabuti sa bayan
Lahat ng nabanggit
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang nagpapakita ng katotohanan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol. Ano ang isang isyung ipinakita sa nobela na makikita pa rin sa kasalukuyan?
Ang pag-iral ng kolonyalismo sa Pilipinas
Ang pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan
Ang malayang pamumuhay ng lahat ng Pilipino
Ang pagsamba ng mga Pilipino sa mga dayuhan
Paring mapagmataas at tinitingnan ang sarili bilang superyor sa lahat. Dating kura-paroko ng San Diego at nakaaway ni Crisostomo sa isang hapunan.
Padre Salvi
Pilosopo Tasyo
Padre Damaso
Ten. Guevarra
Pinalutang ni Rizal sa karakter ng babaeng ito ang pansasamantala sa mga babae. Ginahasa siya ng isang pari na nagdulot ng labis na kalungkutan at kamatayan.
Maria Clara
Pia Alba
Doña Victorina
Sisa
Mangangalakal na taga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara
Tenyente Guevarra
Alperes
Kapitan Tiago
Don Filipo
Ano ang buong pangalan ni Rizal?
Jose Protacio Mercado Rizal Y Realonda
Jose Protacio Morales Rizal y Realonda
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Jose Burgos Protacio Y Realonda
Ilang magkakapatid sila Dr. Jose Rizal?
10
11
12
13
