Font size
WorksheetsFILIPINO 9 POST-TEST
Total questions: 63
Worksheet time: 37mins
YOUR NAME (Last name, First name, M.I)
YOUR SECTION?
Gender? (Male or Female)
Male
Female
Sa palagay ni Lea, ang anak na si Maya ay mananalo sa beauty contest dahil sa pagiging simple nito sa entablado. Alin sa mga salita/ parirala ang pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon?
sa palagay
dahil sa
sa beauty contest
pagiging simple nito
“Sa aking palagay, tama lang na magsama-sama sa isang tahanan ang magkakapamilya kahit pa ang mga anak ay may asawa na para makapagbigay sila ng suporta sa isa’t isa”. Ang ginamit na pagbibigay opinyon sa pahayag ay.
sa
lang
para
saaking palagay
“Nagugutom siya ngunit wala siyang makain, dahil wala siyang pera”. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
walang matirhan
kawalan ng pag-asa
kahirapan sa buhay
gusto niyang makarating sa siyudad
1. Mabagal man o mabilis , pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
2. Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan
3. Ang bawat paghakbang ay may mararating
4. Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan
Ano ang maaaring maging pananaw ng sinomang babasa ng bahagi ng tula sa itaas ukol sa paksang ginamit ng may akda?
Kultura ang pangunahing sentro ng kanyang tula.
Ang may akda ay mas malalim na pag-ibig sa Kalayaan ng kanyang bayan.
Pag-unlad ang unang hakdang upang mapagtagumpayan ang mithiin ng bawat bayan.
Pagkakaisa at pagtutulungan ang kaniyang nais na paraan upang hindi mamatay ang kultura.
1. Mabagal man o mabilis , pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
2. Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan
3. Ang bawat paghakbang ay may mararating
4. Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan
Ang sumusunod ay mga damdaming maaaring mangibabaw sa sino mang bumasa ng bahagi ng tula sa itaas maliban sa:
kapanabikan
kaligayahan
kapaitan
kahirapan
Kahit noong musmos pa, may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa, gumigising ito para hangarin ang pagsasarili at kalayaan, paghahangad na makatayo mag-isa. Aling mga salita ang tumutukoy sa kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
Kalayaan
kagustuhan
paghihimagsik
kamusmusan
Ang salitang patutunguhan at mararating ay may kasingkahulugan na;
Destinasyon sa buhay
Matamong gawain sa lugar
May pupuntahang lugar
Maisakatuparan ang layunin
1. Mabagal man o mabilis , pahintu-hinto man o tuloy-tuloy
2. Ang bawat paghakbang ay may patutunguhan
3. Ang bawat paghakbang ay may mararating
4. Ang bawat paghakbang ay may pagsasakatuparan
Alin sa mga taludtod ang may magkasalungat na pahayag?
1 at 2
3 at 4
1 at 2
2 at 3
Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa nabasang bahagi ng sanaysay?
hiwalayin
pahayag
ikulong
pagsasama
Siya’y nagtagumpay dahil sa kanyang pagsisikap. Ano ang pang-ugnay na maaaring gamitin sa pangungusap?
dahil sa
kaya
saka
samantala
“Sa aking pananaw, hindi kailangang ikahon ang isang babae o ikulong sa bahay at piliin ang kanyang magiging kabiyak dahil sa may kalayaang pumili ng kanilang mapapangasawa.” Alin sa sumusunod ang halimbawa ng pang-ugnay na ginamit sa pahayag?
ang
dahil sa
na
sa
BOY: ”Bakit napilay po kayo Tiyo Simon? Totoo bang sabi ni Mama parusa daw iyan ng Diyos? TIYO SIMON: Sinabi ba ng mama mo iyon? Anong ekspresyon ang nagpapahayag ng katotohanan ang nakapaloob sa nakasalungguhit na pahayag?
daw
iyan
ng
totoo
”Kailangan ka nga namang sumama sa simbahan, Boy. Kung gusto mo…kung gusto mong isama ako ay maghintay kayo at ako’y magbibihis…Magsisimba tayo!”. Ang ipinakitang karakterisasyon ni Tiyo Simon sa nabasang pahayag ay _______________ .
marupok na tao
masipag na tao
matulunging tao
may pagpapahalaga sa Panginoon
Alin sa mga salitang nasa ibaba ang magbibigay kahulugan sa relasyong namamagitan sa inyong dalawa ng kapatid na lalaki ng iyong mga magulang?
magtiyo
tiyuhin
tiyo
tito
Simula nang mapasakamay ni Tiyo Simon ang manyikang pag-aari ng batang babae ay nagkaroon ng pagbabago sa direksyon ng kanyang buhay. Ang bahaging ito ng akda ay nagpapakita ng katotohanan sa buhay ng tao na:
Ang Panginoon ay madaling magparusa sa mga nakakalimot sa kanya.
Ang kamatayan lamang ang makakapagbigay sa atin ng tiyak na katahimikan.
Kahit ang pinakasimpleng bagay ay maaaring magturo ng aral at magbigay direksyon sa ating buhay.
Kailangan munang magkaroon ng hindi kaaya-ayang pangyayari bago magising ang tao sa katotohanan.
“ Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako!” Batay sa pahayag ng tigre, ano ang mapupuna sa naging pakikitungo nito sa tao?
Nangibabaw sa tigre ang galit niya sa mga tao.
Naging mabangis ang tigre dahil sa gutom.
Hindi tumupad ang tigre sa kanilang usapan.
Pinakita ng tigre sa tao ang katapangan niya.
Nakiusap ang tigre sa tao ngunit ito ay nagdadalawang isip kung tutulungan ang tigre sapagkat baka siya ay kainin nito. Nangako naman ang tigre na hindi nito kakainin ang tao, dahil na din sa awa ay tinulungan ng tao makaahon ang tigre. Ngunit ang gutom na tigre ay hindi tumupad sa pangako at akmang kakainin niya ang tao. Nakiusap muna ang tao sa tigre na kung sakali ay humingi ng hatol sa puno ng pino kung siya ba ay dapat kainin ng tigre. Ipinaliwanag ng tao ang nangyari ngunit ang tugon ng puno ay “Anong alam ng tao sa utang na loob? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na kami’y inyong pinuputol!” sige tigre, kainin mo ang taong iyan.
Ano ang damdaming nangibabaw sa puno ng pino sa kanyang naging pahayag?
paghihiganti
pagkabahala
pagkalungkot
pagpapatawad
Bakit nakaramdam ng pag-aalinlangan sa simula ang tao upang tulungan ang tigre?
Nakaramdam siya ng takot.
Nagmamadali siya.
Hindi niya ito mai-ahon sa hukay.
Wala siyang pakialam.
Ano ang tamang pagkakaayos ng sumusunod na salita batay sa antas ng emosyon ng mga ito?
I. galak
II. saya
III. tuwa
IV. ligaya
IV-III-II-I
II-III-I-IV
I-III-II-IV
III-I-IV-II
Sa naging Hatol ng Kuneho, paano siya mai-uugnay sa mga tao pagdating sa pagbibigay ng hatol?
I. Pinakinggan niya ang panig lamang ng tigre.
II. Pinag-isipang mabuti ang desisyon.
III. Patas siyang magbigay ng desisyon.
IV. Naging padalus-dalos ang desisyon.
I at III
II at IV
II at III
I at IV
Ano ang tamang pagkakaayos ng sumusunod na salita batay sa antas ng emosyon ng mga ito?
I. hinagpis
II. lungkot
III. lumbay
IV. pighati
I-II-III-IV
IV-III-I-II
III-II-IV-I
IV-III-II-I
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi itonangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Batay sa nabasang halaw ng sanaysay, malinaw na ang may akda ay may malawak na pananaw sa:
I. Suliraning panlipunan ng bansa.
II. Diskriminasyon sa mga babae.
III. Kalagayan ng mga babae sa lipunan.
IV. Labis na pang-aabuso sa mga babae.
I at III
I at II
II at III
IV
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Ano ang binibigyang pagpapahalaga ng may akda batay sa talata?
I.Pantay na karapatan para sa mga kababaihan.
II.Pagtulong ng mga babae sa mga gawaing bahay.
III.Higit ang paggalang sa mga kalalakihan.
IV.Kailangan niya ng kakampi sa kanyang adhikain.
I at IV
II at III
I at III
II at IV
Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Ano ang layunin ng may akda batay sa talata?
I. Itaas ang dignidad ng mga kababaihan sa lipunan.
II. Ilahad ang maling sistema sa lipunan
III. Ilahad ang pagbabago sa gampanin ng mga babae.
IV. Ilahad ang maling pagtrato sa mga kababaihan.
I at III
II at IV
I, III at IV
I, II at III
“Ang mga babae ay walang kalayaang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa lipunan”. Anong kaisipan ang nais ipabatid ng pahayag?
Tanging gawaing bahay lamang ang kanilang tungkulin.
Hindi napapansin ang kakayahan ng mga kababaihan.
Pag-aalaga ng pamilya ang trabaho ng mga babae sa lipunan.
Walang karapatan at boses ang mga kababaihan sa lipunan.
Higit na mapanghamon ang lagay ng mga kababaihan ngayong kasalukuyang panahon. Ano ang kahulugan ng salitang ‘mapanghamon’?
napauunlad
nagbabadya
nanunubok
yumayaman
Mayroon pa ring mga kumpanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaeng lider nito. Ano ang kahulugan ng pariralang ‘hindi makatarungan ang pagtrato’?
Kahinaan ng mga kababaihan ay nangingibabaw pa rin.
Kawalan ng boses ng mga kababaihan.
Kawalan ng disiplina ng mga kababaihan.
Patuloy na diskriminasyon sa mga kababaihan.
"Kung nahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang kahusayan at kahinaan ng isang indibidwal, ito’y maaaring mauwi sa diskriminasyon para sa indibidwal”. Ano ang ipinapabatid sa atin ng pahayag na ito?
I.Kawalan ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.
II.Pagkakaroon ng limitadong gawain ng mga babae sa lipunan
III.Panghuhusga sa abilidad at kakayahan ng mga babae.
IV.Pagiging pantay ng mga lalaki at babae sa lipunan
I at II
III at IV
I, II at IV
I, II at III
“Ang karapatan at kalagayan ng mga kababaihan ay umuunlad kung ihahambing sa 50 taon nang nakalipas”. Anong kaisipan ang nais ipabatid ng pahayag?
May pagbabago sa kalagayan ng kababaihan sa paglipas ng panahon.
Maayos na nakapamumuhay ang mga kababaihan mula pa noon.
Nananatiling mahirap ang kalagayan ng kababaihan sa lipunan.
Walang pag-asenso sa kalagayan ng mga kababaihan.
Sa pagbabasa ng parabula, alin sa sumusunod ang higit na dapat malinang sa isang tao?
tiwala sa sarili
kasipagan
kabutihan
kagandang-asal
“Naku, Zac tumigil ka na nga riyan, panay ang bola mo.” Ano ang pagpapakahulugang metaporikal ng salitang may salungguhit?
pagbibiro
pagdrible
pang-aasar
paglalaro
Ang bawat manggagawa ay nakatatanggap ng pare-parehong upa sa kanilang pagtatrabaho. Ano ang literal na kahulugan ng salitang may salungguhit?
buwis
bayad
utang
renta
Ngunit wala pa rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon. Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras nang magbukas ng kaniyang tindahan ay nakabenta siya ng kasuotang pang- army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa Silangang tulay ay nagkulay talong ang labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan. Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo. Ngunit naging inspirasyon sa kaniya ang pagbili ng mga karpintero. Mas mabuting maghintay kaysa umayaw
dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka di ba?
Batay sa kuwento, paano mailalarawan ang kultura ng mga Tsino pagdating sa pagnenegosyo?
Huwag maging magastos.
Mag-ipon ng malaking puhunan.
Huwag kaagad panghihinaan ng loob.
Maging madiskarte sa pagtitinda.
Ang Buwang Hugis
Isinalin sa Filipino ni Dr. Romulo N. Peralta
Noong unang panahon, may isang mangingisda na nagpaalam sa kaniyang
asawa na lumuwas sa kabayanan upang mamili ng mga gamit sa pangingisda.
Nagpabili ang kaniyang asawa ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at
isang suklay na hugis buwan. Sinabi ng kaniyang asawa na upang hindi niya
makalimutan, tumingala lamang siya sa kalangitan at makikita niya ang
buwang hugis-suklay.
Anong uri ng akdang pampanitikan ang nasa itaas?
alamat
parabula
nobela
epiko
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang- maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang ubasan. Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Alin sa sumusunod ang simbolikong kahulugan ng salitang ubasan ayon sa akda sa itaas?
kasiyahan
kaguluhan
kalungkutan
kaginhawahan
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan. Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?” Ayon kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli”. Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan (Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Alin sa loob ng talata sa kahon ang halimbawa ng matalinghagang pahayag?
Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na.
Kayo ba ay naiinggit dahil ako’y nagmamagandang-loob sa iba?
Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.
Mayroon bang nakaalam kung kailan tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais ipakahulugan ng pariralang may salungguhit?
pagsisimula
pagwawakas
kaguluhan
katapusan
Ikaw ay naatasang bumigkas ng tula sa isa sa mga programa ng inyong paaralan, alin sa sumusunod na patnubay sa pagbigkas ng tula ang dapat mong isaalang-alang upang maging mahusay ang iyong pagbigkas.
I. pagtayo
II. paggalaw
III.pagkumpas
IV.pagbigkas
III at IV
II at III
I at IV
II at IV
Kung ikaw ay gagawa ng elehiya para sa iyong mahal sa buhay na pumanaw na, ano-anong elemento ng elehiya ang isaalang-alang mo sa iyong paggawa?
I. tema
II. tagpuan
III.kabanata
IV.bahagi
II at III
I at IV
I at II
I at III
Ikaw ay pinapagawa ng iyong guro ng elehiya, alin sa sumusunod na gabay ang maaari mong isaalang-alang upang mas maging mabisa at makabuluhan ang iyong gagawin?
I. Laging isaisip at isapuso ang pagkilala sa taong pag-aalayan nito.
II. Hayaang malayang maisulat ang naiisip ngunit marapat na basahing muli pagkatapos.
III.Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
IV.Isaalang-alang ang paggamit ng wika sa pagbuo nito.
I, II, III
II, III at IV
I, II, III at IV
I, III at IV
Sa paanong paraan nagkakatulad ang dalit at elehiya?
I. parehong uri ng tulang liriko
II. parehong nagpapahayag ng damdamin ng makata
III.parehong malungkot ang pinapaksa
IV.parehong kinukumpasan
I at III
II at IV
II at III
I at II
Sa paanong paraan nagkakaiba ang dalit at elehiya?
Ang elehiya ay tungkol sa pagkawala ng mahal sa buhay habang ang dalit ay pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos.
Ang elehiya ay tungkol sa pagpupuri at pagpaparangal sa Diyos habang ang dalit ay pagkawala ng mahal sa buhay
Ang elehiya ay tulang liriko habang ang dalit ay tulang pasalaysay
Ang elehiya ay tulang pasalaysay habang ang dalit ay tulang liriko
Anong uri ng tunggalian ang madalas na nagkakaroon ng paglalabanan sa pagitan ng tao at ng kanyang kapwa.
tao vs. lipunan
tao vs. sarili
tao vs. tao
sarili vs. lipunan
Anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa isipan ng tao.
tao vs. lipunan
tao vs. sarili
tao vs. tao
sarili vs. lipunan
Anong uri ng tunggalian ang nagaganap sa tao laban sa isang pangyayaring pang kalikasan?
tao vs. lipunan
tao vs. sarili
tao vs. tao
sarili vs. kalikasan
Lumabas siya upang patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero. Tinanong ng babae. “Anong klaseng cabinet ba itong ginawa mo?” “Bakit, anong masama sa ginawa ko?” Sumagot siya, “Masyadong makipot ang ibabaw na compartment.” “Hindi.” “Anong hindi?” Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Isang Libo’t Isang Gabi (One Thousand and One Nights) Nobela -
Anong uri ng tunggalian ang masasalamim sa pahayag sa itaas?
tao vs. lipunan
tao vs. sarili
tao vs. tao
sarili vs. lipunan
Ano ang maipupuna sa pagpapalitan ng paninisi ng alperes at kura sa nangyari sa dalawang sakristan at kay Sisa?
Hindi magkasundo at laging nag-aaway ang alperes at ang kura.
Mas makapangyarihan ang kura kaysa alperes.
Ang pagsisisihan ay walang maidudulot na maganda.
Ang pamumuno ng higit sa isa ay nagbibigay daan sa pagtuturuan kung may naganap na pagkakamali.
Bakit sinabing si Kapitan Tiyago ay kasundo ng Diyos?
Dahil hindi siya lumalabag sa sampung utos ng Diyos.
Dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan tulad ng pagpapamisa at pagpapadasal.
Dahil sa madalas niyang pagsisimba.
Dahil sa koleksyon niya ng mga santa at santo sa kanyang silid.
Ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala, na sa kapuwa tao ay di magtatamong pala.” Ito ay halimbawa ng pagbibigay-kahulugang.
talinghaga at idyoma
konotasyon at denotasyon
tindi ng kahulugan o pagkiklino
paggamit ng kontekstuwal na kahulugan
Mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon at sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito, nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Ito ay halimbawa ng pagbibigay-kahulugang.
talinghaga at idyoma
konotasyon at denotasyon
tindi ng kahulugan o pagkiklino
paggamit ng kontekstuwal na kahulugan
Anong aral mula sa Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Sisa ang tumatak sa iyong isipan?
Ang isang babae ay hindi dapat nagpapaabuso sa kahit na kanino, sa ibang tao man o sa sariling asawa.
Matutong ipagbalan ang karapatan at tumayo sa sariling mga paa na hindi umaasa sa ibang tao.
Mahalin ng lubos ang mga anak dahil sila ay yaman na hindi kayang tumbasan ng kahit anoman.
Lahat ng nabanggit
Sa iyong palagay, anong damdamin ng isang ina ang mangingibaw matapos malaman na sa nagdaang mga taon o buwan ay buhay ang kaniyang pinakamamahal na anak?
Maghihiganti sa mga taong nang-abuso at lumapastangan sa anak.
Manghihinayang sa mga taon, buwan, araw at oras na hindi kapiling ang anak.
Masisiyahan at magpapasalamat sa Poong Maykapal sapagkat sa kabila ng lahat ay buhay ang anak.
Makararamdam ng poot sa anak sapagkat matagal nagpakita.
Batay sa akda, “Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kaniyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na isinama siya sa kuwartel”. Ito ay isang halimbawa ng kawalan ng hustisya at karapatan, bilang isang mamamayan ano ang iyong gagawin kung ito ay kasalukuyang nangyayari sa iyo?
Gagamitin ko ang social media upang ipahayag ang pangyayaring ito at ipamulat sa mga tao ang ganitong uri ng pamamaraan.
Lalapit ako sa mga organisasyon at tao na maaaring tumulong upang makamit ko ang hustisya.
Pupunta ako sa PAO (Public Attorney’s Office) upang kumuha ng abogado na magtatanggol sa akin para makapit ko ang kalayaan.
Lahat ng nabanggit
Mula sa akda, “Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kaniyang mga balak ang kanilang ama”. Dapat bang makaramdam ang isang asawang babae ng pagkabahag sa kanyang asawang lalaki sa kabila ng pisikal at emosyonal na pananakit nito?
Oo, dahil sa kabila ng lahat asawa pa rin niya ito at dapat itong bigyan ng pagkakataon.
Maaari, dahil kahit papaano ay mahal niya ito bilang asawa at ito ang ama ng kanyang mga anak.
Depende, kung ito ay mayroon pang pag-asa na magbago at maging isang mabuting ama’t asawa sa hinaharap.
Hindi, dahil ang ganitong uri ng tao ay hirap nang magbago. Higit sa lahat, ang tunay na lalaki ay hindi nananakit ng isang babae lalo’t ng kanyang sariling mga anak.
Sa pahayag na ito mula sa akda, “Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob. Sa madalang na pag-uwi ng kaniyang asawa, nakatitikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayonman, para kay Sisa ang lalaki ay ang kaniyang bathala at ang kaniyang mga anak ay anghel”. Masasabi mo ba na ito isang magandang katangian ng isang babae?
Oo, dahil bilang asawang babae tungkulin nilang pagsilbihan ang kanilang asawa at anak.
Hindi, dahil walang sinoman ang mayroong karapatan na saktan ang isang tao, anoman ang kasarian nito.
Oo, dahil bilang babae dapat silang magpasakop sa kanilang mga asawang lalaki.
Hindi, sapagkat ang babae ay dapat marunong tumayo sa kanyang sariling paa at marunong ipaglaban ang kanyang karapatan.
Ang sumusunod ay mabuting katangian na taglay ni Sisa bilang isang ina. Maliban sa;
Si Sisa ay isang mapagmahal na ina sa kanyang dalawang anak na si Basilio at Crispin.
Si Sisa ay maasikasong ina sa kanyang mga anak dahil pinaghahanda niya ito ng makakain.
Si Sisa ay isang pabayang ina sa kanyang mga anak.
Si Sisa ay maalalahaning ina sa kanyang mga anak na tinuturing niya bilang mga anghel.
Ano ang nasa loob ni Don Tiburcio sa pagkapangasawa kay Donya Victorina?
Masuwerte siya ng napangasawa si Donya Victorina.
Mahal niya si Donya Victorina kaya niya pinakasalan.
Si Donya Victorina ang babaeng nakatadhana para sa kanya.
Mabuti na raw kaysa mamatay siya sa gutom.
Ang balak na pakikipagtuos ni Ibarra kay Padre Damaso ay di natuloy sa halip ay pakikipagkasundo na lamang alang-alang kay Maria Clara. Ang kasalungat na kahulugan ng pakikipagtuos ay.
Pakikipag-away
Pakikipagkasundo
Pakikipaglaban
Pakikipag-usap
Ano ang kahulugan ng sinabi ni De Espadaña matapos tingnan si Maria Clara na “May sakit ngunit mapagagaling”?
Isa siyang huwad na manggagamot.
Isa siyang magaling na manggagamot.
May malubhang sakit si Maria Clara.
Malapit ng gumaling ang sakit ni Maria Clara.
Bakit malungkot ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria sa prusisyon?
May sakit si Maria Clara kaya malungkot ang pag-awit.
Nababanaagan ni Maria Clara ang madilim na kinabukasan ng pag-iibigan nila ni Ibarra.
Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ibarra.
Kawalan ng panahon sa kaniya ni Ibarra dahil sa maraming pinagkakaabalahan.
