wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO QUIZ BEE 2025

Total questions: 40

Worksheet time: 21mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa pangalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.

a)

Pangngalan

b)

Pandiwa

c)

Pang-uri

d)

Pang-abay

2.

Ito ay tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik. 

a)

Pambalana

b)

Pantangi

3.

Ito ay tumutukoy sa pangkaraniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, gawain, o pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik. 

a)

Pambalana

b)

Pantangi

4.

Ito ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod ng pangungusap.

a)

Pangngalan

b)

Panghalip

c)

Pandiwa

d)

Pang-abay

5.

Ito ay ginagamit panghalili sa ngalan ng tao.

a)

Panghalip

b)

Panao

c)

Pamaraan

d)

Panggaano

6.

Ito ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.

a)

panaklaw

b)

panggaano

c)

pamaraan

d)

pamatlig

7.

Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pangngalan o panghalip. Ito ay nagsasaad ng uri o katangian ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

a)

Pang-abay

b)

Pang-uri

c)

Pandiwa

d)

Panghalip

8.

Ito ay nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at at iba pang pang-abay.

a)

Pang-abay

b)

Pang-uri

c)

Pang-ukol

d)

Pandiwa

9.

Mahusay na manunulat si Lualhati Bautista.

a)

Pang-abay

b)

Pang-uri

10.

Dapat magtulungan ang mga mamamayan _____ Pilipino upang mabawasan ang mga suliraning panlipunan. Anong pang-angkop ang dapat gamitin?

a)

g

b)

na

c)

ng

11.

Uminom ng gamot ang batang pasyente.

Anong pokus ng pandiwa ang nakasalungguhit na paksa sa pangungusap

a)

tagaganap/aktor

b)

ganapan

c)

dahilan

d)

layon

12.

2. Ate Minda, talaga bang bigay ng Nanay mo ang lapis na ____________ (malapit sa kausap)?

a)

ito

b)

dito

c)

iyan

d)

doon

13.

Si Ariane ay matulungin at mabait na bata.

Piliin ang pangngalang simuno sa pangungusap.

a)

Ariane

b)

matulungin

c)

mabait

d)

bata

14.

Ang Bundok Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Anong kaantasan ng pang-uri ang nakasalungguhit sa pahayag?

a)

lantay

b)

pahambing

c)

pasukdol

d)

panlarawan

15.

5. Si Alexa and babaeng nakatayo kanina sa labas.

Anong gamit ng pangngalan ang nakasalungguhit sa pangungusap?

a)

simuno

b)

kaganapang pansimuno

c)

pamuno

d)

layon ng pang-ukol

16.

Ang mga Pilipino ay nagkakaisa para makamit ang layunin ng bansa.

Anong aspekto ng pandiwa ang nakasalungguhit sa pangungusap?

a)

perpektibo

b)

perpektibong katatapos

c)

imperpektibo

d)

kontemplatibo

17.

Sino-sino ang mga pupunta sa pagpupulong bukas?

Anong uri ng panghalip ang nakasalungguhit sa pahayag?

a)

panao

b)

pamatlig

c)

panaklaw

d)

pananong

18.

Si Padre Salvi’y nangubli sa isang haligi.

a)

nagtago

b)

natakot

c)

nanghamak

19.

Kinalagan ni Elias si Ibarra.

a)

pinupuntahan

b)

pinakawalan

c)

 sinagi

20.

Tinabig ng prayle ang kamay ni Ibarra.

a)

sinagi

b)

pinakawalan

c)

sugarol

21.

Anong bahagi ito ng liham pangkaibigan?


Kumusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nagkita mula nang makatapos tayo sa elementarya. Marami nang naganap sa aking buhay ang hindi ko pa naibabahagi sa iyo. Nariyan ang nadapa ako sa pagkikipaglaban sa volleyball at nasugatan ang aking tuhod.

Nasasabik akong makita ka muli. Nais ko na ring matikmang muli ang kalamay ng iyong inay na si Aling Leleng.

Sa susunod ay marami pa akong ikukwento sayo. Mag-iingat ka palagi, pinsan. Hanggang dito na lang muna.

a)

Lagda

b)

Pamuhatan

c)

Bating Pangwakas

d)

Bating Panimula

e)

Katawan ng Liham

22.

Isinasaad nito ang magalang na pamamaalam ng sumulat sa sinusulatan o ang relasyon ng sumulat sa sinusulatan.

a)

Bating panimula

b)

Katawan ng Liham

c)

Bating Pangwakas

d)

Pamuhatan

23.

Isinasaad nito ang kumpletong tirahan ng sumulat at ang petsa kung kailan ito isinulat.

a)

Pamuhatan

b)

Lagda

c)

Bating Panimula

d)

Bating Pangwakas

24.

Isinasaad nito ang magalang na pagbati at ang pangalan ng taong sinusulatan.

a)

Katawan ng Liham

b)

Bating Pangwakas

c)

Bating Panimula

d)

Lagda

25.

Ito ay nagpapahayag ng matinding kalungkutan at pakikiramay sa isang taong namatayan ng mahal sa buhay.

a)

Liham ng Pagbabalita

b)

Liham ng Pasasalamat

c)

Liham ng Pagbati

d)

Liham ng Pakikiramay

26.

Ito ay naglalaman ng paanyaya para sa pagdalo sa isang natatanging pagtitipon o pagdiriwang.

a)

Liham ng Pangungumusta

b)

Liham ng Pagbati

c)

Liham ng Paanyaya

d)

Liham ng Pakikiramay

27.

Ginugunita ngayonang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Naga City.

a)

Pasalaysay

b)

Patanong

c)

Padamdam

d)

Pautos

28.

Bakit tinaguriang Quince Martires ang Naga City?

a)

Pautos

b)

Patanong

c)

Pasalaysay

d)

Padamdam

29.

Mabuhay ang bansang malaya!

a)

Patanong

b)

Pautos

c)

Padamdam

d)

Pakiusap

30.

Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.

a)

Pautos

b)

Padamdam

c)

Patanong

d)

Pasalaysay

31.

PANGUNGUSAP:

Saklolo Tulungan nyo kami


Alin sa dalawa ang may tamang bantas para sa pangungusap na nasa itaas?

a)

Saklolo! Tulungan n’yo kami!

b)

Saklolo, tulungan n'yo kami.

32.

PANGUNGUSAP:

Ipinanganak si Bb Lena Flores noong ika 7 ng Agosto 1990


Alin sa dalawa ang may tamang bantas para sa pangungusap na nasa itaas?

a)

Ipinanganak si Bb. Lena Flores noong ika-7 ng Agosto 1990.

b)

Ipinanganak si Bb. Lena Flores noong ika-7 ng Agosto-1990.

33.

PANGUNGUSAP:

Talaga Totoo ba ang sinasabi mo


Alin sa dalawa ang may tamang bantas para sa pangungusap na nasa itaas?

a)

Talaga? Totoo ba ang sinasabi mo?

b)

Talaga! Totoo ba ang sinasabi mo?

34.

Ginagamit upang ihiwalay sa pangungusap ang salitang ginagamit na palagyong panawag.

a)

,

b)

'

c)

!

d)

-

35.

Ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

a)

Kuwit (,)

b)

Kudlit ( ' )

c)

Tutuldok ( : )

d)

Tuldok- kuwit ( ; )

36.

Malapit na ang laban ni Manny Pacquiao kay Mayweather Jr. Saang bahagi ng pahayagan ito matatagpuan?

a)

Balitang Isports

b)

Anunsyong Klasipikado

c)

Pangunahing Balita

d)

Editoryal

37.

Ibig mong alamin ang pananaw o pakahulugan ng publisher o palimbagan sa isyu tungkol sa unang 100 araw ng Presidente. Alin sa mga sumusunod ang sasangguniin?

a)

Pahinang pang-isport

b)

Kolum ng isang manunulat

c)

Editoryal o pangulong tudling

d)

Balitang Pampamayanan

38.

Mga balita tungkol sa artista,palabas na pelikula,programa sa telebisyon at iba pa. Naririto rin ang crossword puzzle, komiks istrip at horoscope.

a)

Editoryal

b)

Pamukhang Pahina

c)

Libangan

d)

Lifestyle

39.

Dito makikita ang mga ibat-ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo, bahay, lupa, sasakyan at iba pang kagamitang ipinagbibili o kaya’y pinauupahan.

a)

Anunsiyo Klasipikado

b)

Pamukhang Pahina

c)

Balitang Pandaigdig

d)

Lifestyle

40.

Mga balitang nagaganap sa iba’t ibang panig ng mundo ang tinataglay ng bahaging ito.

a)

Balitang Pandaigdig

b)

Isport

c)

Anunsiyo Klasipikado

d)

Obitwaryo