wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KARUNUNGANG-BAYAN

Total questions: 10

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang kasanayan, at karanasan na ipinamamahagi at ipinapasa mula sa henerasyon hanggang henerasyon sa loob ng isang komunidad o bansa. Ito ay naglalaman ng mga tradisyon, kultura, sining, at iba pang aspeto ng buhay na nagbibigay-kahulugan sa identidad at pagkakakilanlan ng isang bayan.

(a)  

2.

Ito ay isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan, o katotohanan.

(a)  

3.

Ito ay ang mga salitang patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.

(a)  

4.

Nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong na nangangailangan ng talas ng isip.

(a)  

5.

Ito ay iba sa salawikain sa dahilang ito'y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin dito.

(a)  

6.

Ito ay isang uri ng palaisipang nasa anyong patula. Ito ay kadalasang kaisipang patungkol sa pag-uugali, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

(a)  

7.

" Utos na sa pusa, utos pa sa daga."

a)

A. Bugtong

b)

B. Salawikain

c)

C. Kasabihan

d)

D. Palaisipan

8.

" Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim."

a)

A. Salawikain

b)

B. Palaisipan

c)

C. Karunungang-bayan

d)

D. Bugtong

9.

"Kung gusto mong tumagal ang aking buhay, kailangan ako ay mamamatay."

a)

A. Sawikain

b)

B. Salawikain

c)

C. Palaisipan

d)

D. Bugtong

10.

Gumawa ng isang Bugtong o Salawikain na alam ninyo. Maaaring sarili ninyong gawa o kaya ay galing sa mga matatanda sa inyong lugar. Ilagay ang inyong sagot sa ibaba.

4 lines