wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pre-Test_Socio-Emotional Learning (SEL)

Total questions: 10

Worksheet time: 50mins

Name
Class
Date
1.

1.    Isang mag-aaral ang nagpakita ng agresibong kilos dahil sa stress sa bahay. Bilang guro, paano mo mas mapapangalagaan ang kanyang socio-emotional na kalagayan nang hindi agad nagpapataw ng parusa?

a)

Bigyan agad ng sulat para sa magulang

b)

Kausapin siya ng pribado upang maunawaan ang pinanggagalingan ng emosyon

c)

Ipagpaliban ang isyu para hindi maabala ang klase

d)

Iharap siya sa klase upang humingi ng paumanhin

2.

2. May dalawang mag-aaral na madalas magtalo. Paano mo gagamitin ang SEL upang turuan sila ng mas makabuluhang pakikipag-ugnayan?

a)

Pagsabihan silang huwag nang mag-usap

b)

Paghiwalayin ang kanilang upuan

c)

Ipa-role play ang maayos na pag-aayos ng alitan at paghingi ng tawad

d)

Tawagin ang kanilang magulang

3.
  1. 3. Bilang guro, paano mo masasabi na ang isang aktibidad ng emotion wheel ay epektibo sa paglinang ng self-awareness ng mga mag-aaral?


a)

Kapag mas nakapagsasalita ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang damdamin

b)

Kapag masaya ang mga mag-aaral habang gumagawa nito

c)

Kapag nagpakita ng mas mataas na marka sa pagsusulit

d)

Kapag mabilis na matapos ang aktibidad

 

4.
  1. 4. Isang guro ang palaging nagpapakita ng mahinahong kilos kahit sa mahirap na sitwasyon. Paano ito makakaapekto sa socio-emotional development ng mga mag-aaral?


a)

Matututo silang huwag na lang magsalita

b)

Makikita nila ang huwarang asal sa pamamahala ng emosyon

c)

Masasanay silang itago ang tunay na damdamin

d)

Hindi ito mahalaga sa emosyonal na pag-unlad

5.
  1. 5. May batang umiiyak dahil hindi siya napili na lumahok sa aktibidad. Bilang guro, paano mo magagamit ang Validation sa paraang makakatulong sa emosyonal niyang katatagan?


 

a)

Iwasan siyang kausapin muna

b)

Pagsabihan siya na matuto sa pagkakamali

c)

Sabihing huwag nang umiyak dahil simpleng laro lang iyon

d)

Tanggapin ang damdamin niya at hikayatin siyang magsalita tungkol dito

6.
  1. 6. Nakita mong si Julio ay laging nag-aalok ng tulong sa kaklase ngunit minsan ay nasusungitan siya. Paano mo mapapalakas ang kaniyang social awareness?

 


a)

Turuan siyang unawain ang pinagdadaanan ng iba at huwag magtanim ng sama ng loob

b)

Sabihin sa kanya na huwag na lang tumulong

c)

Turuan siyang ipaglaban ang sarili

d)

Ihiwalay siya sa kaklase

7.

7. Nagbigay ka ng breathing technique lesson sa klase. Paano mo malalaman kung natutunan ito ng mga mag-aaral at nailalapat sa totoong buhay?

 

a)

Kapag naaalala nila ito sa recitation

b)

Kapag tumatawa sila habang isinasagawa

c)

Kapag itinuturo nila ito sa ibang mga mag-aaral

d)

Kapag ginagamit nila ito tuwing may emosyonal na hamon

8.
  1. 8. Isang magulang ang lumapit sa iyo at nagsabing nagagamit ng anak ang SEL strategies sa bahay. Ano ang sinasabi nito tungkol sa epekto ng iyong pagtuturo?

a)

Dapat ulitin pa ang istratehiya

b)

Mahina ang disiplina ng magulang

c)

Mas mabuti sigurong huwag nang turuan ang SEL

d)

May epekto ang SEL na itinuro sa konteksto ng tahanan

9.
  1. 9. May mag-aaral na laging nagagalit kapag natatalo. Paano mo gagamitin ang SEL upang tulungan siyang pamahalaan ang damdamin niya?

a)

Iwasan siyang isali sa laro

b)

Turuan siya ng coping techniques tulad ng deep breathing at positive self-talk

c)

Pagsabihan siya sa harap ng klase

d)

Palitan ang panuntunan ng laro para manalo siya

10.
  1. 10. Nakita mong hindi lahat ng mag-aaral ay kumportable sa feelings check-in tuwing klase. Ano ang pinakamagandang gawin upang mapanatili ang SEL practice na isinasaalang-alang ang damdamin ng lahat?


a)

Pumili ng ibang paraang mas akma sa klase tulad ng pagguhit o sulat

b)

Ipilit pa rin dahil bahagi ito ng aralin

c)

Iwasan na lang ang feelings check-in

d)

Huwag nang pansinin ang mga nahihiya