Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pangangailangan ng Tao at Kahalagahan

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Kailangan din ito ng tao upang makaligtas mula sa anumang panganib.

a)

Paniniwala

b)

Edukasyon

c)

Kultura

d)

Seguridad

2.

Ito ay mahalaga para sa mga bata upang matuto silang magbasa at magsulat.

a)

Paniniwala

b)

Edukasyon

c)

Kultura

d)

Seguridad

3.

Tungkulin nila na tiyaking natutugunan ang mga pangangailangan ng mga bata.

a)

Magulang

b)

Guro

c)

Pulis

d)

Doktor

4.

Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pasyalang pinupuntahan ng pamilya?

a)

Himpilan ng bombero

b)

Munisipyo

c)

Sinehan

d)

Ospital

5.

Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng pagkakaroon ng mga pangarap?

a)

Natututong magsikap

b)

Nagiging malikhain

c)

Nagiging basagulero

d)

Napalalakas ang pananalig sa may Maykapal

6.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng tahimik na paligid sa pag-aaral?

a)

Nawawala sa pokus

b)

Madaling unawain ang binabasa

c)

Mahirap unawain ang tinuturo ng guro

d)

Hindi komportable ang upuan

7.

Ito ay ang proseso ng paghanap ng impormasyon tungkol sa isang bagay.

a)

Pagsusulat

b)

Pagbabasa

c)

Pananaliksik

d)

Pagbibilang

8.

Ito ay ginagamit upang maipakita ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

a)

Timekeep

b)

Timescale

c)

Time table

d)

Time line

9.

Ito ay listahan ng mga pag-aaralan sa paaralan.

a)

Kurikulum

b)

Bokasyon

c)

Semestre

d)

School record

10.

Ito ay batayan ng mga dapat sundin sa pamilya, sa paaralan, sa komunidad, sa trabaho, at iba pa.

a)

Direksiyon

b)

Balita

c)

Tuntunin

d)

Panuto

11.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang gawain upang makapasok ka sa paaralan sa tamang oras?

a)

Pagiging aktibo sa klase

b)

Pagkain ng ice cream tuwing umaga

c)

Mabagal na pagkilos tuwing umaga

d)

Gabi pa lang ay handa na ang gamit para sa paaralan

12.

Ito ay salita na tumutukoy sa maayos o magandang gawain.

a)

Wasto

b)

Mahusay

c)

Mabuti

d)

Klaro

13.

Ito ay listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin sa silid-aralan.

a)

Homeroom

b)

Guide Rules

c)

House Rules

d)

Good Rules

14.

Ito ay gawain bago magsimula ang pasukan kung saan sama-sama ang mga boluntaryo sa paglilinis sa paaralan.

a)

Linis Pampaaralan

b)

Brigada Eskuwela

c)

Buwan ng Paglilinis

d)

Cleanup Drive

15.

Ito ay gawaing isinasagawa upang malaman kung natuto ang mga mag-aaral.

a)

Report Card Day

b)

Parent-Teacher Day

c)

Markahang Pagsusulit

d)

Kompetisyon sa Paaralan

16.

Itinuturing ang tradisyon na ito bilang pinakabanal na buwan ng mga Muslim.

a)

Ramadan

b)

Eid al-Fitr

c)

Islam

d)

Eid al-Adha

17.

Ipinagdiriwang ito ng mga Muslim bilang hudyat na ganap nang nagawa ng pag-aayuno sa buong buwan.

a)

Ramadan

b)

Eid al-Fitr

c)

Islam

d)

Eid al-Adha

18.

Ipinagdiriwang ito ng mga Muslim kung saan nagsasalo-salo ang pamilya, binibisita ang mga kaibigan, at nagbibigayan ng mga regalo.

a)

Ramadan

b)

Eid al-Fitr

c)

Islam

d)

Eid al-Adha

19.

Isang okasyon ng muling pagsama-sama ng mga kaanak na matagal nagkawalay.

a)

Pista

b)

Bagong Taon

c)

Reunyon

d)

Kaarawan

20.

Ipinagdiriwang ito tuwing ika-1 at ika-2 ng Nobyembre.

a)

Araw ng mga Lolo at Lola

b)

Araw ng mga Ina

c)

Araw ng mga Patay

d)

Araw ng mga Ama

21.

Anong pagpapahalaga sa pamilya ang ipinapakita ng gawaing ito? Sama-sama ang mag-anak sa pagdarasal.

a)

Pananampalataya

b)

Paggalang

c)

Pakikisama

d)

Edukasyon

22.

Anong pagpapahalaga sa pamilya ang ipinapakita ng gawaing ito? Ang mga bata ay nagmamano sa nakatatanda.

a)

Pananampalataya

b)

Paggalang

c)

Pakikisama

d)

Edukasyon

23.

Anong pagpapahalaga sa pamilya ang ipinapakita ng gawaing ito? Ang mga magkakapatid ay nagbibigayan sa panonood ng telebisyon.

a)

Pananampalataya

b)

Pagsasamahan ng mga kasapi

c)

Pakikisama

d)

Pagkakabuklod-buklod ng pamilya

24.

Ang araw ay sumisikat sa __________.

a)

Timog

b)

Hilaga

c)

Kaunlaran

d)

Silangan

25.

Ang araw ay lumulubog sa __________.

a)

Timog

b)

Hilaga

c)

Kanluran

d)

Silangan

26.

Ang ikalawang direksiyon na ito ay makikita sa pagitan ng hilaga at silangan.

a)

Timog-silangan

b)

Hilagang-silangan

c)

Hilagang-kanluran

d)

Timog-kanluran

27.

Ang ikalawang direksiyon na ito ay makikita sa pagitan ng timog at silangan.

a)

Timog-silangan

b)

Hilagang-silangan

c)

Hilagang-kanluran

d)

Timog-kanluran

28.

Ang ikalawang direksiyon na ito ay makikita sa pagitan ng timog at kanluran.

a)

Timog-silangan

b)

Hilagang-silangan

c)

Hilagang-kanluran

d)

Timog-kanluran

29.

Ang salitang ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.

a)

Pang-aalipusta

b)

Pananakop

c)

Pakikilahok

d)

Pakikipagtulungan

30.

Ang salitang ito ay tumutukoy sa pagtutulungan ng bawat isa upang makamit ang isang layunin.

a)

Kooperasyon

b)

Pangangailangan

c)

Limitasyon

d)

Pag-uutos

31.

May dalawang uri ng klima sa Pilipinas: tag-init at _________.

a)

tagtuyot

b)

tag-bagyo

c)

tag-ulan

d)

taglamig

32.

Ang mapaminsalang pangyayari na nagdudulot ng panganib sa buhay ng tao at hayop, at ng pagkawasak sa mga ari-arian at imprastruktura ay tinatawag na __________.

a)

klima

b)

kalamidad

c)

lokasyon

d)

panahon

33.

Ito ay isang uri ng natural na kalamidad na nabubuo dahil sa mga pangyayari sa ilalim ng dagat tulad ng lindol at pagsabog ng bulkan.

a)

Sunog

b)

Tsunami

c)

Lindol

d)

Bagyo

34.

Ito ay isang uri ng natural na kalamidad na may dalang malakas na hangin at mabigat na buhos ng ulan.

a)

Sunog

b)

Tsunami

c)

Lindol

d)

Bagyo

35.

Ito ay isang uri ng natural na kalamidad na biglaang pag-uga ng lupa dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa.

a)

Sunog

b)

Tsunami

c)

Lindol

d)

Bagyo

36.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat gawin tuwing may kalamidad?

a)

Makinig ng balita sa radyo.

b)

Mamasyal sa mall.

c)

Maghanda ng emergency kit.

d)

Huwag lumabas ng bahay kung hindi kailangan.

37.

Ito ay isang uri ng kalamidad na gawa ng tao na ang kadalasang mga sanhi ay ang paglalaro ng posporo o kandila, naiwang nakasinding kalan, ilegal na pagkabit ng koryente, at iba pa.

a)

Sunog

b)

Tagtuyot

c)

Baha

d)

Pagguho ng lupa

38.

Isang gawain kung saan sama-sama ang mga tao sa pagtatanim ng mga halaman o puno ang _________.

a)

clean-up drive

b)

waste management

c)

school gardening

d)

tree planting activity

39.

Isang malalim na hukay kung saan tinatapon ang mga nabubulok na basura gaya ng balat ng prutas, tuyong dahon, tirang pagkain, at iba pa ang _________.

a)

styrofoam

b)

kompost pit

c)

kemikal

d)

Wala sa mga pagpipilian

40.

Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang hindi nakasisira sa mga likas na yaman ng iyong komunidad?

a)

Paggamit ng mga plastik

b)

Pagtatanim ng mga puno

c)

Paggamit ng dinamita

d)

Pagtatapon ng mga basura sa mga daluyan ng tubig

41.

Ito ay isang estruktura na pook-pasyalan ng mga tao.

a)

Museo

b)

Parque

c)

Tanghalan

d)

Silid-aklatan

42.

Sa estruktura na ito ginaganap ang mga pagtatanghal o malalaking programa ng komunidad.

a)

Museo

b)

Parque

c)

Tanghalan

d)

Silid-aklatan

43.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpakikita ng paggalang sa komunidad?

a)

Paggalang sa tradisyon

b)

Paggalang sa sarili

c)

Paggalang sa paniniwala

d)

Paggalang sa ritwal

44.

Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng isang bata?

a)

Mag-aral nang mabuti

b)

Magkaroon ng tirahan

c)

Tumulong sa mga gawaing bahay

d)

Pangalagaan ang pangalan

45.

Ang pakikipagtulungan ay maaring ipakita sa sarili, pamilya, at ___________.

a)

komunidad

b)

tirahan

c)

paaralan

d)

Wala sa mga pagpipilian

46.

Maaaring makiisa sa gawaing ito tuwing may mga komunidad na nasasalanta ng bagyo, lindol, o iba pang kalamidad.

a)

Clean-up drive

b)

Outreach activity

c)

Relief operation

d)

wala sa mga pagpipilian

47.

Itinuturo nito kung saan ang mga pangunahin at sekundaryang direksiyon.

a)

Absolutong lokasyon

b)

Prime meridian

c)

Relatibong lokasyon

d)

Compass rose

48.

Ano ang tawag sa posisyon na maaaring matukoy ang lokasyon ng isang lugar batay sa mga katabing lugar nito?

a)

Absolutong lokasyon

b)

Prime meridian

c)

Relatibong lokasyon

d)

Compass rose

49.

Ano ang tawag sa posisyon ng isang lugar batay sa tiyak na punto sa daigdig gamit ang guhit latitud at guhit longhitud?

a)

Absolutong lokasyon

b)

Prime meridian

c)

Relatibong lokasyon

d)

Compass rose

50.

Ano ang tawag sa mga linyang pahiga o pahalang sa mapa at globo?

a)

Meridyano

b)

Ekwador

c)

Paralelo

d)

Punong meridyano

51.

Ano ang tawag sa mga linyang patayo sa mapa at globo?

a)

Meridyano

b)

Ekwador

c)

Paralelo

d)

Punong meridyano

52.

Ano ang tawag sa mga linyang naghahati sa daigdig sa hilaga at timog?

a)

Meridyano

b)

Ekwador

c)

Paralelo

d)

Punong meridyano

53.

Ang mga yaman na nakukuha sa dagat, ilog, lawa, at iba pa ay tinatawag na _________.

a)

anyong-lupa

b)

anyong-tubig

c)

yamang-lupa

d)

yamang-tubig

54.

Ano ang ahensiya ng pamahalaan na nag-aabiso tungkol sa taya ng panahon, bagyo, at pagbaha?

a)

DENR

b)

PAGASA

c)

DOLE

d)

DPWH

55.

Ano ang tawag sa tahasang pagsira ng kagubatan sanhi ng pagkaubos ng mga puno?

a)

Deforestasyon

b)

Polusyon

c)

Pagbabagong klima

d)

Pag-init ng daigdig

56.

Ano ang tawag sa pangmatagalang pag-iiba ng mga karaniwang lagay ng panahon o weder (weather) sa isang lugar?

a)

Deforestasyon

b)

Polusyon

c)

Pagbabagong klima

d)

Pag-init ng daigdig

57.

Anong salita ang tumutukoy sa pananalig sa isang bagay na walang matibay na patunay kung totoo ito?

a)

Tradisyon

b)

Kultura

c)

Kaugalian

d)

Paniniwala

58.

Ang pagbili o paggamit ng produkto ng mga mamimili ay tinatawag na __________.

a)

distribusyon

b)

produkto

c)

produksiyon

d)

pagkonsumo

59.

Ang pagbili ng mga kalakal mula sa ibang bayan, lalawigan, o rehiyon ay tinatawag na __________.

a)

pag-aangkat

b)

pagluluwas

c)

distribusyon

d)

serbisyo

60.

Ang kaunlaran na tumutugon sa kasalukuyang pangangailangan nang hindi nasisira ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon na tugunan ang kanilang mga pangangailangan ay tinatawag na _________.

a)

mapapanatiling katahimikan

b)

mapapanatiling kaayusan

c)

mapapanatiling kaunlaran

d)

Wala sa mga pagpipilian