WorksheetsTagisan ng Talino
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang pambansang awit ng Pilipinas?
Bayang Magiliw
Lupang Hinirang
Perlas ng Silanganan
Ang Mamatay ng Dahil sa Yo
Alin ang tambalang salita?
negosyo
politika
hanapbuhay
taon-taon
Sa pangungusap na ito, alin ang sanhi?
Pinahahalagahan ko ang wikang pambansa kaya ito ay ginagamit ko nang wasto.
Pinahahalagahan ko ang wikang pambansa
Kaya ito ay ginagamit ko nang wasto
Ang wikang pambansa
nang wasto
Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapahayag ng OPINYON?
Kabiserang panlalawigan ng Ilocos Sur ay Vigan City.
Kilala sa tibay at ganda ang mga hinahabing kumot at serbilyeta ng mga Ilocano.
Sa aking palagay, ang mga Ilocano ay pinakamagaling sa paghahabi (weaving) ng kumot at serbilyeta.
Ang mga Ilocano ay mga mamamayan ng Rehiyon 1 at iba pang bahagi ng Rehiyong Ilocos.
Alin ang parirala sa mga sumusunod na pahayag?
(Sadyang isinulat sa maliit na titik ang umpisa ng mga pahayag at wala itong panapos na bantas.)
ang mga nakatira sa baybayin ay gumagawa ng mga bagay na yari sa luwad
ang iba naman ay gumagawa ng sombrero, basket at banig
upang maipakilala rin ng mga Ilokano ang mga pagkain nilang bagnet, pinakbet at dinengdeng
masisipag at matitiyaga sa pagtatanim sa bukid
Alin ang simuno sa pangungusap na ito:
Masisipag at matitiyaga ang mga Ilocano sa pagtatanim sa bukid.
matitiyaga ang mga Ilocano
ang mga Ilocano
sa pagtatanim sa bukid
masisipag at matitiyaga ang mga ilocano
Alin sa mga pangungusap ang nasa karaniwang ayos?
Malaki ang impluwensiya ng social media sa pagpapalaganap ng impormasyon.
Ang impluwensiya ng social media sa pagpapalaganap ng impormasyon ay malaki.
Karamihan sa mga Ilocano ay matitipid.
Ang Metro Manila ay sumailalim sa state of calamity dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha.
Alin sa mga pahayag ang nasusulat nang wastong gamit ang kuwit na bantas?
Mahal kong Sarah!
Magdadala kami ng mga aklat, pagkain, at iba pang kagamitan.
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Sasama ka ba sa Brigada Eskwela bukas?
Anong uri ng pangungusap ayon sa gamit ang pangungusap na:
Maaari ka bang maanyayahang sumayaw sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Biyernes?
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
Alin ang may wastong pagkakagamit ng antala sa pahayag?
Ipaglalaban ko/ ang katarungan ko.
Ipaglalaban/ ko ang katarungan ko.
Ipaglalaban ko ang / katarungan ko.
Ipaglalaban/ ko ang katarungan/ ko.
Alin sa mga pahayag ang nagsasabi na si Alice ang nanalo sa paligsahan?
Hindi si Alice, ang nanalo sa paligsahan.
Hindi, si Alice ang nanalo sa paligsahan.
Hindi si Alice ang nanalo sa paligsahan.
Hindi, si Alice, ang nanalo sa paligsahan.
Anong uri ng pangungusap ayon sa kayarian ang pahayag na nasa ibaba?
Isinasabuhay ko ang ating kultura at hindi ko ito ikinahihiya.
Ito ay Payak na pangungusap dahil ito ay may isang buong diwa.
Ito ay Hugnayang pangungusap dahil ito ay binubuo ng sugnay na makapag-iisa at sugnay na di-makapag-iisa.
Ito ay Tambalang pangungusap dahil ito ay nagtataglay ng dalawang buong kaisipan.
Ito ay Langkapan dahil ito ay binubuo ng dalawang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-iisa.
Ano ang kahulugan ng salitang “pukawin” sa pangungusap na:
Nais kong pukawin ang mga natutulog na diwa ng mga Pilipino
upang maisabuhay nila ang pagtulong sa pamayanan.
natutulog
diwa
gisingin
makatulong
Alin ang may naiibang uri ng pangngalan?
kapayapaan
kaunlaran
kalayaan
kaklase
Ano ang kasalungat na salitang “tandang”?
inahin
impo
diko
tiya
Alin sa mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap ang nagpapahayag ng kahulugang “konotasyon”?
Nagbibigay nang malinis na hangin ang mga halaman at punongkahoy.
Huwag kang lumapit sa nagbabagang apoy at baka mapaso ka.
Isang magandang rosas ang anak niyang si Nene.
Malaking bato ang tumama sa kanyang ulo kaya ito ay dumugo.
Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?
Ingles
Filipino
Pilipino
Tagalog
Aling pangungusap ang nasa lantay na kaantasan ng pang-uri?
Ang asul na karagatan ay napakaganda.
Ang sariwang hangin ay mahalaga sa atin.
Mas matibay ang punong narra kaysa sa ibang puno.
Pinakamalinis ang ilog sa aming bayan.
Alin ang pandiwang ginamit sa pangungusap na nasa ibaba?
Ang mamimili mismo ang naglalagay ng kanilang kailangan sa mga dala-dalang bote o lalagyan sa mga ‘Kuha sa Tingi’ station sa sari-sari stores.
Mamimili
Naglalagay
Lalagyan
Sari-sari
Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
Jose Rizal
Ninoy Aquino
Manuel Quezon
Apolinario Mabini
