NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit Blg. 2 [Ekonomiks 9]
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Si Ana ay may ₱100 lamang. Gusto niyang bumili ng bagong lapis na ₱20 at kumain ng merienda na ₱90. Ano ang dapat niyang gawin upang magamit nang mahusay ang kanyang yaman?
Bilhin pareho
Mangutang para makuha pareho
Pumili sa kung alin ang mas kailangan
Huwag bumili ng kahit ano
Si Marco ay may pagsusulit bukas ngunit may basketball game ang kanyang tropa ngayong gabi. Kapag pinili niyang mag-review imbes na maglaro, anong konsepto ng ekonomiks ang naipapakita?
Implasyon
Division of labor
Opportunity cost
Produksiyon
Ang nanay mo ay naghahanda ng hapunan. Ipinapagawa niya ang paghiwa ng gulay sa ate mo at ikaw naman ang maghugas ng pinggan. Anong konsepto ang pinaiiral dito?
Efficiency
Opportunity cost
Trade-off
Division of labor
Gusto mong bumili ng milk tea at school supplies, pero sapat lang ang pera mo para sa isa. Pinili mong school supplies. Ano ang isinuko mo?
Trade-off
Implasyon
Produksiyon
Suplay
Kung ikaw ay bibigyan ng ₱500 para sa proyekto at pagkain, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng efficiency?
Iubos sa pagkain
Ilaan lahat sa proyekto
Hatiin sa pagkain at proyekto ayon sa kailangan
Itabi ang pera
Habang bumibili ng gamit sa palengke, napansin mong mas tumaas ang presyo ng mga gulay. Anong konsepto ang inilalarawan nito?
Demand
Implasyon
Suplay
Kalakalan
Si Liza ay nagtayo ng online shop. Siya ay gumagawa at nagbebenta ng accessories. Ano ang papel niya sa ekonomiya?
Konsumer
Prodyuser
Suplayer
Tagapamahala
Pinili ng iyong pamilya na bumili ng bigas at gulay imbes na mag-order ng fast food upang makatipid. Anong matalinong desisyon ito sa ekonomiks?
Opportunity cost
Efficiency
Demand
Kalakalan
Ano ang tawag sa pag-aaral ng ekonomiks sa antas ng indibidwal na sambahayan at negosyo?
Makroekonomiks
Mikroekonomiks
National Budgeting
Industrial Economics
Pinili mong bumili ng aklat imbes na bumili ng pagkain. Pag-uwi mo, nagutom ka nang sobra. Ano ang iyong opportunity cost?
Ang presyo ng aklat
Ang sakit ng tiyan mo
Ang pagkaing isinuko mo
Ang pagsusulit sa susunod na linggo
Ikaw ay senior high student at binigyan ka ng magulang mo ng ₱1,000 para sa buong linggo. Gusto mong ipambili ng bagong earphones ang kalahati, pero kailangan mo rin ng bond paper para sa proyekto at pamasahe. Bilang isang matalinong tagagamit ng yaman, ano ang pinakamainam na gawin?
Bumili ng earphones dahil “reward” mo naman ito sa sarili mo
Bumili muna ng kailangan sa proyekto at pamasahe, saka ipunin ang natira
Bumili ng earphones at maglakad pauwi para makatipid
Ipa-load lahat ng pera dahil hindi mo naman lagi ginagamit ang proyekto
Ikaw ay pinuno ng isang youth organization sa barangay. May nalikom kayong maliit na pondo mula sa donasyon. Ang iba gusto itong gamitin sa outing, pero ikaw ay naniniwala na mas makabubuting gamitin ito para sa school supplies drive. Bilang isang lider, ano ang nararapat na hakbang?
Gumawa ng botohan at sundin kung ano ang gusto ng nakararami
Gumawa ng panibagong fundraising para ma-satisfy ang dalawang layunin
Gumamit ng pondo sa outing dahil ito ang ikinatutuwa ng lahat
Ikampanya ang long-term impact ng school supplies drive para magbago ang isip ng iba
Ipinagkatiwala ka ng iyong pamilya na mamili ng grocery para sa buong linggo. Ngunit habang nasa grocery ka, nakita mo ang iyong paboritong gadget na naka-sale. Ano ang matalinong desisyong dapat gawin?
Biliin ang gadget, tapos humingi na lang ulit ng pera
Ibalik ang kalahati ng grocery items para magkasya ang budget
Tuparin ang orihinal na layunin ng pera at huwag magpadala sa tukso
Bumili ng gadget at isiping makakabawi ka naman sa susunod
Bilang mag-aaral, napansin mong kulang ang resources ng inyong paaralan – luma ang libro, at kaunti ang kagamitan sa laboratory. Bilang aktibong lider ng student council, paano mo magagamit ang konsepto ng efficiency para makatulong?
Umasa na lang sa tulong ng LGU
Magpropose ng project na makikinabang ang marami gamit ang maliit na pondo
Magreklamo sa DepEd online
Hikayatin ang mga guro na mag-solicit mula sa alumni
Kung may pagkakataon kang mamili sa pagitan ng pagiging working student o full-time student, pero alam mong pareho silang may benepisyo at sakripisyo, ano ang dapat mong timbangin ayon sa opportunity cost?
Ang kikitain mo kung magtatrabaho ka
Ang oras at focus mo sa pag-aaral kung mag-aaral ka lang
Ang benepisyong isinuko mo sa hindi mo piniling option
Ang dami ng trabahong mapapasukan mo sa hinaharap
