Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 20

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Pumunta ka sa isang aklatang-bayan. Hinihingi ang impormasyon ng iyong tirahan.

a)

Ibibigay mo ang address ng iyong paaralan.

b)

Ibibigay mo ang kumpletong address ayon sa hinihingi.

c)

Ibibigay mo ang buong pangalan ng tatay at nanay mo.

d)

Alamin muna bakit hinihingi.

2.

May dumating sa bahay ninyo na bagong katulong o kasambahay. Gabi na at bukas pa uuwi ang mga magulang ninyo.

a)

Patuluyin mo siya at patulugin sa gabi.

b)

Hayaan mo siyang maghintay sa labas ng bahay.

c)

Ipagbibigay alam sa kaniya na ang mga magulang mo ay umalis pa at uuwi ang mga ito kinabukasan.

d)

Pabalikin siya kinabukasan.

3.

May dumating, nagpapakilalang kolektor ng appliances. Wala sa bahay ang nanay at tatay mo. Hinihingi niya ang cellphone number ng mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?

a)

Hindi papasukin ang tao at tawagan ang iyong ina sa cellphone.

b)

Papasukin ang tao sa bahay at papaghintayin sa tawag ng iyong ina.

c)

Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.

d)

Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

4.

May isang van na huminto sa tapat ng bahay ninyo. Lumabas ang isang lalaki at nagbalitang naaksidente ang kapatid mo at kasalukuyang nasa ospital. Nasa trabaho pa ang mga magulang mo. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan na sumama sa ospital.

b)

Ikaw na lang ang sasama sa ospital.

c)

Ipaaalam sa mga magulang ang nangyari at hintayin ang kanilang desisyon.

d)

Magtatanong sa kapitbahay ano ang gagawin.

5.

Lilipat ka ng papasukang paaralan. Kakailanganin ang mga impormasyon ng pamilya mo sa iyong mga sasagutin. Alin sa sumusunod ang hindi kasama?

a)

Buong pangalan ng tatay at pinagta-trabahuhan niya.

b)

Pangalan ng nanay mo sa pagkadalaga.

c)

Iyong mga kaibigan at nakaraang mga kaklase.

d)

Edad at pangalan ng iyong mga kapatid.

6.

Nakita mo sa facebook na kinansila ang pasok dahil sa malakas na hangin at pabugso-bugsong ulan.

a)

Maniwala at huwag ng pumasok.

b)

Sasabihin sa ina na walang pasok dahil sinabi ito ng iyong kaklase.

c)

Itanong sa guro kung totoo ang impormasyong iyong nabasa.

d)

Alamin sa mga kaibigan kung totoo na walang pasok.

7.

Nag-chat ang kaibigan mo tungkol sa programa para sa Buwan ng Wika. Nagtatanong siya kung ano ang isusuot sa palatuntunan. Ano ang gagawin mo?

a)

Isusumbong siya sa guro dahil hindi siya nakinig.

b)

Hayaan na makadalo sa palatuntunan ng paaralan na walang dala.

c)

Ipagbigay alam sa kaibigan ang mga palabas at kung ano ang dapat.

d)

Ibigay agad sa kaniya ang lahat ng impormasyong nalalaman tungkol sa programa sa Buwan ng Wika.

8.

Isang araw, kumatok sa pinto ang isang lalaki at sinasabing kaibigan siya ng kaniyang mga magulang. Pinapasok naman siya ng bata sa kanilang bahay kaya malayang nakapagnakaw ang kawatan. Kung ikaw ang bata, ano ang iyong gagawin?

a)

Hindi papasukin ang tao at tatawagan ang iyong ina upang itanong kung totoong kaibigan siya.

b)

Papasukin ang tao sa bahay at pahihintayin sa iyong ina.

c)

Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.

d)

Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

9.

Una mong nabasa sa inyong group chat na mayroong Clean-Up Drive sa inyong paaralan upang maiwasan ang pagbara ng estero at makaiwas sa sakit na dengue. Batid mong hindi pa ito alam ng iyong mga kaklase at kaibigan. Ano ang gagawin mo?

a)

Ipagbibigay alam at hihikayatin ang mga kaibigan mo na sumama sa Clean-Up Drive.

b)

Ikaw na lamang ang sasama sa Clean-Up Drive

c)

Ipaaalam sa mga kaklase kung tapos na ang Clean-Up Drive dahil marami pa namang pagkakataon.

d)

Wala ang sagot sa mga nabanggit.

10.

Nalaman mo sa isang pagsaliksik sa social media na ang palagiang paglalaro ng mobile legend ay nakakasama. Alam mo na ang iyong kapatid na lalaki ay palaging naglalaro nito. Ang gagawin mo ay…

a)

Sabihin na iwasan ang palagiang paglaro ng mobile legend dahil may masamang epekto ito.

b)

Sasabihin sa magulang ang iyong natuklasan.

c)

Hahayaan ang kapatid.

d)

Pagagalitan ang kapatid.

11.

Tinatanong ka ng principal ng pangalan ng mga magulang mo.

a)

Isusulat mo sa papel ang mga pangalan nila.

b)

Sasabihin mo ang buong pangalan ng mga magulang mo.

c)

Itanong muna sa guro kung ano ang gagawin mo.

d)

Alamin sa mga kaibigan kung ano ang ginawa nila.

12.

Sa application form kailangan mong isulat ang petsa ng kapanganakan ng nanay mo.

a)

Tatanungin mo ang kuya mo kung sasagutin ito.

b)

Sasagutin at isusulat mo ang petsa.

c)

Mamaliin ang petsa.

d)

Laktawan ang tanong sa application form.

13.

May census enumerator ng Barangay na dumating sa bahay ninyo. Hinihingi niya ang cellphone number ng tatay mo. Ano ang gagawin mo?

a)

Ibigay mo dahil saulado mo ito.

b)

Papasukin ang tao sa bahay at pahintayin sa iyong tatay.

c)

Humingi ng opinyon ng kapitbahay kung papasukin ang tao.

d)

Isara ang pinto at hayaang maghintay ang tao sa labas.

14.

Inaalam ng taong ka-chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat mong ilihim sa kaniya?

a)

Buong pangalan mo

b)

Tirahan at edad mo

c)

PIN ng ATM mo

d)

Pangalan ng mga

15.

Inaalam ng taong ka-chat mo ang pagkakakilanlan mo. Alin sa mga ito ang dapat mong ilihim sa kaniya?

a)

Buong pangalan mo

b)

Tirahan at edad mo

c)

PIN ng ATM mo

d)

Pangalan ng mga miyembro ng pamilya mo

16.

Si Mang Andoy ay matagal nang nagtatrabaho sa Munisipyo. Siya ay kinagigiliwan ng lahat sapagkat taos-puso niyang ginagampanan ang kaniyang tungkulin. Dahil dito, hinihingi ng Mayor ang pangalan ng kaniyang anak upang gawing scholar ng bayan. Ano ang dapat gawin ni Mang Andoy?

a)

Isulat ang palayaw ng anak sa kontratang papel.

b)

Isulat ang totoong pangalan ng anak sa kontratang papel.

c)

Huwag susulatan ang kontratang papel. Baka isa itong panluluko.

d)

Ipapasulat sa kasama ang hinihingi ni Mayor.

17.

Nasa ika-anim na baitang si Nilo. Handa na siyang pumasok sa mataas na paaralan sa susunod na pasukan. Maagang nanghihingi ng lista ng mga mag-aaral ang Mataas na Paaralan ng Piddig. Hinihingi ang mga impormasyong nauukol sa kaniyang sariling pamilya. Nasagot niya lahat ang mga ito. Tama kaya ang ginawa ni Lino?

a)

Oo dahil kailangan ng paaralan ang mga impormasyong ito.

b)

Hindi dahil baka gamitin sa masama ang mga impormasyong naibigay sa paaralan.

c)

Hindi dahil mali ang pagbibigay ng anumang impormasyon kahit kanino.

d)

Walang tamang sagot.

18.

Ang Munisipyo ay naglalaan ng pundo para sa kabataan. Sa bakasyon, may dalawampung araw na pagtatrabaho ang ilalaan sa paglilinis ng kalsada, mga parke, at iba pang pampublikong lugar. Tinatawag itong summer job. Gusto mong mag-apply. Hinihingi sa aplikasyon ang petsa ng kapanganakan ng inyong mga magulang. Hindi mo alam ang tamang petsa. Ano ang gagawin mo?

a)

Sagutan mo ng mga petsang hula mo lang.

b)

Tanungin sa kaklase ang petsa ng kapanganakan ng kanyang magulang at gayahin nalang.

c)

Huwag nalang sagutan

d)

Sabihin sa kawani ng munisipyo ang totoo na hindi moa lam ang petsa ng kanilang kapanganakan.

19.

Nagbakasyon ang buong pamilya sa Baguio. May nakilala kang isang mestiso. Tinulungan ka niyang maghanap ng bangko na pagkukunan mo ng pera. Ano ang susunod mong gagawin?

a)

Ibigay mo ang PIN ng ATM mo para mapadali ang pagwithdraw.

b)

Kunin ang kanyang cellphone number at gawing textmate

c)

Magpasalamat sa kanyang tulong at ibigay ang iyong address

d)

Huwag na huwag kang magbibigay ng kahit anong impormasyong pribado dahil hindi mo pa siya higit na kilala.

20.

Nabalitaan mo sa iyong facebook account na may isang matandang babae na palaboy-laboy. Nalaman mo na ang nasabing matanda ay ang ina ng tatay mo. Ano ang nararapat mong gawin?

a)

Puntahan mo at tulungan para makauwi.

b)

Puntahan mo kaagad ang matanda at pagalitan siya.

c)

Huwag nalang pansinin.

d)

Tawagan mo ang iyong tatay at siya nalang ang sumundo.