NEW
Font size
WorksheetsQuiz Modyul 1
Total questions: 11
Worksheet time: 4mins
Ano ang tunay na layunin ng lipunan
Katiwasayan
Kasaganaan
Kabutihang Panlahat
Kapayapaan
Sa panahon ng bagong normal. aling kilos ang nagpapakita ng kabutihang panlahat?
Pagkokomento sa social media
Pagsunod sa social distancing
Pagbubukas ng negosyo
Pagrereklamo sa pamahalaan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamaliit na sektor ng lipunan?
Pamahalaan
Paaralan
Bahay- aliwan
Pamilya
Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao sa pagiging panlipunan.
Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay.
Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
Ang tao bilang bahagi ng lipunan ay tinatawag na social being o panlipunang nilalang. Suriin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang higit na nagpapaliwanag sa pahayag na ito.
Ang tao ay kailangan ang iba upang mabuhay
Ang tao ay nabubuhay na kabilang sa isang lipunan.
Ang tao ay hindi maaaring mabuhay para sa kanyang sarili lamang.
Ang tao ay nilikha na hindi perpekto at kailangan ang iba upang mapunuan ang kanyang mga kakulangan
Bakit mahalagang hanapin ng tao ang mamuhay sa lipunan?
Dahil likas para sa kanya ang magbahagi sa kanyang kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
Dahil sa kanyang kagustuhan mula sa materyal na kalikasan
Dahil siya ay pwedeng mabuhay na mag-isa.
Dahil siya ay nilikhang perpekto.
Ito ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalagang nasa isang particular na lugar
Pamahalaan
Lipunan
Barangay
Komunidad
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng pagkamit ng kabutihang panlahat?
Paglilingkod sa Diyos
Pagpapahalaga sa Karapatang Pantao
Makikipamuhay sa kapwa tao
Pag-aalaga at pag-iingat sa kalikasan
Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na ang ibig sabihin ay:
Kapwa
Pangkat
Nagkakapareho
Common
Alin sa mga pangungusap ang nagbibigay kahulugan sa pahayag ni Dr. Manuel Dy, na “binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao”?
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang kanilang mga kontribusyon ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil ang lipunan ang nagbubuklod sa lahat ng tao.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalinsabay nito ay ang lipunan ay hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao
Paano mo maipapaliwanag ang konsepto ng kabutihang panlahat?
Ito ay ang kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
Ito ay ang kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
Ito ay ang kabutihan ng lahat ng tao
Ito ay ang kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
