Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ARPAN 7

Total questions: 30

Worksheet time: 28mins

Name
Class
Date
1.

Kung ikaw ay nakatira sa Vietnam, sa anong subregion ka napapabilang?

a)

Mainland Southeast Asia

b)

Inner Asia

c)

Insular Southeast Asia

d)

Central Asia

2.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?

a)

Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao

b)

Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa pananim

c)

Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan

d)

Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao

3.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag sa konsepto ng Heograpiya?

a)

Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

b)

Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng wika at kultura ng isang pamayanan.

c)

Ang heograpiya ay tumutukoy sa pag-aaral ng distribusyon at alokasyon ng likas na yaman.

d)

Ang heograpiya ay pag-aaral sa pinagmulan ng tao.

4.

Ano ang implikasyon ng KLIMANG TROPIKAL sa pamumuhay ng mga taga-rito?

a)

Makakapal ang kanilang mga kasuotan bunga ng matinding lamig.

b)

May malalawak na disyerto na sagana sa mga mineral at ginto.

c)

Sagana sa mga yamang-likas tulad ng kagubatan, mga pananim at rekado.

d)

Nagyeyelo ang paligid bunga ng makapal na niyebe.

5.

Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng mahalagang papel na ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng mga Asyano?

a)

Nagsisilbi itong panirahan ng mga tao

b)

Nakakapagbigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao

c)

Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para sa pananim

d)

Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan

6.

Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa isang bansa?

a)

I.Sapagkat ang likas na yaman ang tumutustos sa mga pangangailangan ng mamamayan.

b)

II.Sapagkat ang likas na yaman ay nagbibigay ng karangalan sa isang bansa.

c)

III.Ang likas na yaman ang pinagkukunan ng mga hilaw na materyales.

d)

IV.Ang likas na yaman ang nagbibigay ng yaman sa bansa.

7.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pamumuhay ng mga tao. Ano ang inyong gagawin upang higit na mapakinabangan ang likas na yaman at makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?

a)

Gagamitin ng wasto ang mga likas na yaman upang makatugon sa pangangailangan ng tao.

b)

Hindi makikialam sa mga usapin sa likas na yaman dahil ito ay usapin ng Pamahalaan.

c)

Kinakailangang iluwas ang mga produkto sa ibang bansa upang higit na pakinabangan ng mamamayan.

d)

Hindi na gagamitin ang mga likas na yaman upang higit na mapagyaman.

8.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa taglay na likas na yaman ng Timog Silangang Asya?

a)

Ang Timog-Silangang Asya ay mayaman sa langis at petrolyo.

b)

Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng pinakamalaking deposito ng ginto.

c)

Ang Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa industriya ng telang sutla.

d)

Ang Timog-Silangang Asya ay nagtataglay ng malalawak na kagubatan.

9.

Alin sa sumusunod ang HINDI naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng rehiyon ng Timog-Silangang Asya?

a)

Salat sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog Silangang Asya.

b)

Ang rehiyon ng Timog Silangang Asya ay nangunguna sa larangan ng magagandang aplaya o beaches.

c)

Ang Timog Silangang Asya ay kilala sa mala-paraisong mga pulo at baybayin na may pinong-pinong buhangin.

d)

Ang Timog-Silangang Asya ay tahanan ng mga natural wonders o kahanga-hangang tanawin na likha ng kalikasan.

10.

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya na sagana sa yamang likas. Sa katunayan ang bansang ito ang nangunguna sa pagluluwas ng mga produktong at sa buong mundo.

a)

barley at oats

b)

langis ng niyog at kopra

c)

ginto at uling

d)

rubber at jute

11.

Anong bansa sa rehiyon ng Timog Silangang Asya matatagpuan ang pinakamaraming puno ng Teak?

a)

Brunei

b)

Myanmar

c)

Cambodia

d)

Vietnam

12.

Ang bansang ito sa Timog-Silangang Asya ay may malaking deposito ng langis at natural gas, gayundin ang 35% ng liquefied gas sa buong daigdig.

a)

Malaysia

b)

Singapore

c)

Indonesia

d)

Brunei

13.

Sagana sa likas na yaman ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya dahil na rin sa tropikal na klimang nararanasan dito, maliban sa isang bansa nito na maliit lamang ang lupang agrikultural ngunit nagsisilbing sentro ng kalakalan at komersyo ng rehiyon. Alin sa sumusunod ang bansang iyon?

a)

Malaysia

b)

Singapore

c)

Indonesia

d)

Brunei

14.

Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya pangunahing prodyuser ng rubber sa buong daigdig?

a)

Malaysia

b)

Singapore

c)

Indonesia

d)

Thailand

15.

Ang Timog-Silangang Asya ay mayroong malawak na katubigan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda at shellfish. Bukod sa pagsasaka, ano pa ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano na naninirahan dito?

a)

Pagmimina

b)

Pag-aalaga ng hayop

c)

Pangingisda

d)

Pagtotroso

16.

Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit patuloy na nababawasan ang natural na ekosistema sa kasalukuyan MALIBAN sa:

a)

Pagbabago ng klima

b)

Pagtaas ng populasyon

c)

Pagtatanim ng halaman

d)

Polusyon sa tubig

17.

Ito ay tumutukoy sa pagkaubos at pagkawala ng mga puno sa gubat.

a)

climate change

b)

deforestation

c)

polusyon

d)

urbanisasyon

18.

Libo-libong tao ang nakiisa sa tinatawag na Earth Hour upang mabawasan ang pagtaas ng katamtamang temperatura sa daigdig. Alin sa sumusunod na mga suliraning pangkapaligiran ang nais tugunan sa pahayag?

a)

Global warming

b)

Habitat

c)

Ecological Balance

d)

Deforestation

19.

Saang pamilya ng wika nabibilang ang wikang Filipino?

a)

Afro-Asiatic

b)

Niger-Congo

c)

Indo European

d)

Austronesian

20.

Bakit mahalaga ang wika sa mga tao?

a)

dahil wala silang maipapahayag na mensahe kung hindi sila magsasalita

b)

dahil kailangan nila ito sa pang-araw-araw na pamumuhay

c)

dahil ito ang nagbibigay sa tao ng pagkakakilanlan

d)

dahil gusto nila ng may sariling wika

21.

Si Anna ay lumipat sa Malaysia at napansin niyang karamihan ay Muslim. Ano ang dapat niyang gawin bilang respeto sa paniniwala ng nakararami?

a)

Suotin ang mga damit na moderno lang

b)

Unawain ang kanilang mga paniniwala

c)

Huwag pansinin ang pagkakaibang iyon

d)

Pilitin silang sundin ang gusto niya

22.

Ano ang pangunahing dahilan ng paglaganap ng relihiyon sa rehiyong ito?

a)

Dahil sa mga giyerang panrelihiyon

b)

Dahil sa mga misyon ng dayuhan

c)

Dahil sa pagkakahiwalay sa mundo

d)

Dahil sa likas na yaman ng lupa

23.

Alin sa mga sumusunod ang tawag sa rehiyon ng Vietnam, Laos, at Cambodia?

a)

Insular Southeast Asia

b)

Western Pacific Region

c)

Mainland Southeast Asia

d)

Northern Asian Division

24.

Paano nakaaapekto ang anyong-lupa sa pagkakaiba-iba ng wika sa Timog-Silangang Asya?

a)

Nahahati ang wika dahil sa pisikal na balakid

b)

Ang kabundukan ay nakakapagpalawak ng wika

c)

Napagsasama ang mga wika sa baybayin lamang

d)

Ang wika ay pareho sa bawat pulo o isla

25.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing relihiyon sa Thailand?

a)

Kristiyanismo

b)

Budismo

c)

Islam

d)

Hinduismo

26.

Ito ay tumutukoy sa mga gawain na may kaugnayan sa produksyon ng halaman at hayop kasama na ang paglilinang ng lupa.

4 lines
27.

Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi, kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion o pagpapalit-gamit ng lupa.

4 lines
28.

Paggamit ng tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa.

4 lines
29.

Maliit na bansa ngunit mayaman ang ekonomiya ng bansang Brunei. Mahigit sa kalahati ng taunang kita nito ay nagmumula sa pagluluwas ng krudo, petrolyo at natural gas.

4 lines
30.

Ang pagdami ng subdivision ay magreresulta sa unti-unting pagkawasak ng tirahan ng mga hayop.

4 lines