wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Summative Test

Total questions: 50

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, at pangyayari.

a)

Pandiwa

b)

Panghalip

c)

Pangngalan

d)

Pangalan

2.

Alin ang pangngalan sa pangungusap na nasa ibaba. " Ipagdiriwang ni Dexter ang kanyang kaarawan sa Lunes."

a)

Dexter, kaarawan, Lunes

b)

Ipagdiriwang, kanyang, kaarawan

c)

Dexter, kanyang, kaarawan

d)

Ipagdiriwang, dexter, kanyang

3.

Ito ang salitang ginagamit na pamalit sa pangngalan.

a)

Pangngalan

b)

Pandiwa

c)

Pang-abay

d)

Panghalip

4.

Alin ang panghalip sa pangungusap sa ibaba? "Kami ay galing sa Baguio noong Sabado, malamig at maganda doon."

a)

Baguio, Sabado

b)

Kami, Doon

c)

Malamig, maganda

d)

galing, noon

5.

Ano ang ibig sabihin ng "kalihim ng kagawaran"?

a)

tagatago ng mga dokumento

b)

sumusulat ng mga alituntunin

c)

tagapamahala ng isang ahensya ng pamahalaan

d)

bumibisita sa mga paaralan

6.

Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Si Mark ay nagtuturo sa San Roque Elementary School.

a)

Pandiwa

b)

Panghalip

c)

Payak

d)

Pangngalan

7.

Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? Ang dahon ng Oregano ay mainam panglunas sa ubo at sipon.

a)

mabuti

b)

nararapat

c)

mabisa

d)

malala

8.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? Di matatawaran ang pagseserbisyo ng ating alkalde bunga nito marami nang negosyo ang namuhunan sa atin.

a)

walang kuwenta

b)

walang kapantay

c)

walang serbisyo

d)

wala sa nabanggit

9.

Ano ang apat na kayarian ng pangngalan?

a)

payak, maylapi, inuulit, tambalan

b)

pangngalan, pandiwa, maylapi, tambalan

c)

inuulit, payak, pandiwa, kayarian

d)

inuulit, payak, pangngalan, kayarian

10.

Ito ang kayarian ng pangngalang walang katambal at panlapi, hindi rin ito inuulit kundi isa itong salitang ugat lamang.

a)

payak

b)

pandiwa

c)

inuulit

d)

tambalan

11.

Ito ay kayarian ng pangngalang mayroong dalawang magkaibang salita na pinagsasama upang makabuo ng bagong salita.

a)

Payak

b)

Panghalip

c)

Tambalan

d)

Panao

12.

Ito ay mga panghalip na ginagamit bilang panghalili sa ngalan ng tao. halimbawa: ako, kami.

a)

Pangngalan

b)

Pandiwa

c)

Panghalip panao

d)

Panghalip

13.

Alin sa sumusunod ang tamang gamit ng salitang "bukang-liwayway"

a)

Nakapasok kami sa pinto kasi bukang-liwayway

b)

Magandang panuorin ang bukang-liwayway sa tabing dagat

c)

Bukang-liwayway ang aming bahay

d)

Magandang makarating sa bukang-liwayway

14.

Ito ay pangngalang may salitang-ugat o bahagi ng salitang-ugat na inuulit.

a)

Panghalip Panao

b)

Pangngalan

c)

Inuulit

d)

Tambalan

15.

Ano ang ibig sabihin ng teknolohiya?

a)

Mga bagong kagamitan

b)

Mga gadyet

c)

Mga kaalaman sa Siyensya

d)

Paggamit ng kaalaman sa Siyensya upang mapakinabangan ng tao

16.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa kayarian ng Pangngalan?

a)

Payak

b)

Maylapi

c)

Inuulit

d)

Panao

17.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may Panghalip Panao?

a)

Ako ay nag-aaral nang mabuti.

b)

Si Jorge ay nagluluto ng ulam.

c)

Ang bata ay naglalakad papunta sa Salvacion.

d)

Naglalaro si James ng Grow a Garden.

18.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mayroong pangngalan?

a)

Siya ay masipag.

b)

Siya at si Ben ay naglalaro ng Grow a Garden.

c)

Kaming lahat ay nagkakaisa.

d)

Kaming lahat ay nag-aaral ng mabuit.

19.

Alin ang panghalip sa pangungusap sa ibaba.

"Saamin ang asong iyan, siya ay mabait at di nangangagat"

a)

Aso, Mabait, Nangangagat

b)

Ang, Asong, Iyan

c)

Saamin, Iyan, Siya

d)

Saamin, Iyon, Siya

20.

Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa Pangngalang Tambalan.

a)

Kapitbahay

b)

Magpinsan

c)

Kapit Tuko

d)

ama

21.

Ito ay tumutukoy sa bilang ng Pangngalan.

a)

Kayarian ng pangngaalan

b)

Kailanan ng panghalip

c)

Kayarian ng panghalip

d)

Kailanan ng pangngalan

22.

Ano ang kailanan ng pangngalan ng salitang mag-iina?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Tambalan

d)

Maramihan

23.

Ano ang kailanan ng pangngalan ng salitang magkapatid?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Wala sa nabanggit

24.

Ano ang kailanan ng pangngalan ng salitang pinsan?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Wala sa nabanggit

25.

Ano ang kailanan ng pangngalan ng salitang mga laruan?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Tambalan

26.

Ang ______________ ay nagsasaad tungkol sa dami o bilang ng tinutukoy na tao. Ito ay isahan, dalawahan o maramihan.

a)

Pandiwa

b)

Pang-abay

c)

Kailanan ng panghalip panao

d)

Kailanan ng pandiwa

27.

Ano ang kailanan ng panghalip panao ng salitang ikaw?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Wala sa nabanggit

28.

Ano ang kailanan ng panhalip panao ng salitang kayo?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Wala sa nabanggit

29.

Ano ang kailanan ng panhalip panao ng salitang kaniya?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Wala sa nabanggit

30.

Ano ang kailanan ng panhalip panao ng salitang tayong dalawa?

a)

Isahan

b)

Dalawahan

c)

Maramihan

d)

Tambalan

31.

Ang _____________ ay tumutukoy sa katangiang pagkakilkilanlan sa pangalan. ito ay maaring Panlalaki, Pambabae, Di-tiyak o Walang Kasarian.

a)

Kayarian ng Pangngalan

b)

Kasarian ng Pangngalan

c)

Kayarian ng Panghalip

d)

Kasarian ng panghalip

32.

Ano ang Kasarian ng Pangngalang Ginoong Lleno?

a)

Panlalaki

b)

Pambabae

c)

Di-tiyak

d)

Walang kasarian

33.

Ano ang Kasarian ng Pangngalang Inay?

a)

Panlalaki

b)

Pambabae

c)

Di-tiyak

d)

Walang Kasarian

34.

Ano ang Kasarian ng Pangngalang Lamesa?

a)

Panlalaki

b)

Pambabae

c)

Di-tiyak

d)

Walang Kasarian

35.

Ano ang Kasarian ng Pangngalang Guro?

a)

Panlalaki

b)

Pambabae

c)

Di-tiyak

d)

Walang Kasarian

36.

Ano ang uri ng panghalip na tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit upang ipanghalili sa mgaitinuturong tao o bagay? halimbawa ito, nito, ganito, ganiri, iyan, niya, diyan, iyon, at doon.

a)

Panghalip Panao

b)

Panghalip Pamatlig

c)

Panghalip Pananong

d)

Panghalip Panaklaw

37.

Ito ang mga salitang ginagamit na pantanongsa tao, hayop, lugar, at pangyayari at sa mga pangungusap na nangangailangan ng sagot. Halimbawa: ano, sino, at alin

a)

Panghalip na panaklaw

b)

Panghalip panao

c)

Panghalip pananong

d)

Panghaliip na pamanggit

38.

Ito ay ginagamit na pansaklaw sa bilang, dami,kaishan at kalahatan ng pangngalan. halimbawa lahat, madla, sinuman, alinman, anuman at pawang.

a)

Panghalip Panaklaw

b)

Panghalip Pamanggit

c)

Panghalip Panao

d)

Panghalip Pananong

39.

Ito ang mga salita o parirala na ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang pananalita, kaisipan o ideya. Halimbawa: raw, daw, at diumano.

a)

Panghalip Panao

b)

Panghalip Panaklaw

c)

Panghalip Pananong

d)

Panghalip Pamanggit

40.

Ito ay mga salitang ginagamit sa pagsasaad ng pag-aari ng isang bagay. Halimbawa: akin, amin, atin, iyo, inyo, kaniya at kanila.

a)

Panghalip Panaklaw

b)

Panghalip Paari

c)

Panghalip Panao

d)

Panghalip Pamanggit

41.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay maliit. (P_ng_ok)

(a)  

42.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay makatawid. (n_k_t_l_y)

(a)  

43.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay nakabubuti (ma_n_m)

(a)  

44.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay hindi mapantayan.(di-ma_ata_ar_n)

(a)  

45.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay madumi. (ma_ung_s)

(a)  

46.

Ito ay isa sa apat na kayarian ng pangngalan. (t_mb_l_n)

(a)  

47.

Ito ay ang aklat na isinulat ni Dr. Jose Rizal tungkol sa sakit ng lipunan. (N_li Me T_ng_re)

(a)  

48.

Ito ay aklat tungkol sa mga pang-aapi ng mga mananakop. (El F_libust_rism_)

(a)  

49.

Siya ang ating pambansang bayani (Dr. _os_ P. R_za_)

(a)  

50.

Ang ibig sabihin ng salitang ito ay salamangkero. (m_dy_k_ro)

(a)