NEW
Font size
WorksheetsCOPERNICUS Pre Test sa Araling Panlipunan 8
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ang mga nilalang sa daigdig ay nabubuhay at kumikilos sa lithosphere, hydrosphere, atmosphere, at biosphere. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa mga bahagi ng daigdig?
Ang mga bahagi ng daigdig ay malalaki.
Ang mga bahagi ng daigdig ay maganda
Ang mga bahagi ng daigdig ay magkakaugnay.
Ang mga nilalang sa daigdig ay mahilig maglakbay
Ang daigdig ay natatanging planeta sa atin Solar System. Ito ay may kakayahang sumuporta ng buhay dahil sa mga katangiang piskal na taglay nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng natatanging katangian pisikal nito?
Malawak na rainforest
Malalawak ng glaciers
Makukulay ang bahura
Mga naglalakihang man-made dam
Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag nagkaroon ng malaking populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Alin sa sumusunod na mga pangugusap ang nagpapahayag na may umiiral na kabihasnan o sibilisasyon?
Kapag ang tao ay may hanapbuhay
Kapag ang tao ay may nalinang na relihiyon
Kapag ang tao ay marunong bumasa o sumulat
Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
Isa sa mga pinaka-unang teorya tungkol sa pagbuo ng mga kabihasnan ay ang Teorya ng sistemang hydraulic. Alin sa sumusunod na mga sinaunang kabihasnan ang ginagamit upang patunayan ang teoryang ito?
Aztec
Cretan/Minoan
Inca
Sumerian
Bakit itinuturing na isang mahalagang pamana ng Sinaunang Ehipto ang mga pyramid?
Dahil naging libingan ito ng mga pharaoh ng Ehipto.
Dahil napakalaki ng mga pyramid at halos umabot sa mga ulap.
Dahil maraming ginto, alahas, at kayamanang nakatago sa loob ng mga pyramid.
Dahil natatangi at kahanga-hanga ang arkitektura at paraan ng pagtatayo ng mga pyramid.
Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan.Alin sa sumusnod ang nagpapaliwanag sa sistemang Caste?
Ang lahat ng tao ay pantay pantay.
Dalawa ang pag –uuri ng tao sa lipunan.
Ang mga tao ay may iba’t ibang gawain sa lipunan.
Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at bawat antas ay may kaakibat na tungkulin at karapatan.
Ang bawat sinanunang lipunan ay mayroon kanya-kanyang estrukturang panlipunan na nakabatay sa kanilang kalinangan o kapaligiran. Ang sistemang Caste ng India ay isang halimbawa nito. Sa anong kondisyon nakabatay ito?
Natatanging galing at talino ng isang tao.
Katayuan sa lipunan ng magulang ng isang tao.
Ang ninuno ay mula sa angkan ng kanilang diyos.
Taglay na ari-arian at yaman ng pamilya ng isang tao.
Kabilang sa mga tradisyon ng pamilyang Hindu ang ipagkasundo ang pag –aasawa ng kanilang anak na babae. Sa ilalim ng relihiyong ito, umaasa lamang ang mga kababaihan sa kanilang asawa sapagkat hindi silang nabibigyan ng man. Ano ang nais ipahiwatig ng mga naunang pahayag sa katayuan ng mga kababaihan sa relihiyong Hindu?
Itinuturing na sagrado ang mga babae sa relihiyong Hindu.
Sa ilalim ng relihiyong Hindu pinaniniwalaan na dapat pangalagaan ang mga kababaihan.
Ang mga Hindu ay naniniwala na dapat bigyan ng pantay karapatan ang mga lalaki at babae.
Higit na pinapahalagahan ang mga lalaki sa pamilyang Hindu samantala mababa ang pagtingin sa mga kababaihan
Sa Asya nagsimula ang karamihan ng mga pangunahing relihiyon sa daigidig. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga relihiyong Abrahamic?
Christianity
Islam
Juadaism
Shintoism
Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa aitn nagmula ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa damdaming ito?
Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing pundasyon ng kasalukuyan
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng daigidig?
Matukoy ang mga lugar na makikitaan ng mga templo.
Makilala ang mga bansang mahilig sa mga pagkaing maaanghang.
Malaman ang mga museo na maaaring pasyalan sa iba pang bansa sa daigdig.
Maunawaan at mapahalagahan ang interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay daan sa pagkakakilanlan at pagtugon sa nagbabagong kapaligiran
Maraming bagong kaisipang Panlipunan ang nagbuo sa panahon ng Enlightenment.. Alin sa sumusunod ang maling pagsasabuhay ng bawat kaisipan?
Ang social contract ay nakikita sa pagiging lingkod-bayan ng mga mga pinunong halal ng taumbayan
Ang isang lipunang nagpapahalaga sa karapatang pantao ng bawat mamamayan ay sumusunod sa kaisipang liberalism.
Ang isang pamahalaan na pinamumunuan ng iisang pinuno na umaako sa lahat ng kapangyarihang politikal ay naniniwala sa absolutism.
Ang separation of powers ay nakikita sa pagkakaroon ng makapangyarihang sangay tagapagpaganap (executive) na sinusunod lamang ng Korte Suprema.
Bago ang maganap ang himagsikan sa France, ang mga taong kabilang sa Third Estate ng ang bumuo sa pinakamalaking bahagdaan sa kanilang lipunan. Anong uri ng mga tao ang kabilang rito?
Mga peasants na nakatira sa mga lalawigan
Iba’t ibang uri ng mga mangagawa sa mga lungsod.
Mga mayayamang may-ari ng lupa at mga kasapi ng simbahan
Ang mga banker, may-ari ng factory, mangangalakal, propesyonal, at artisan
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga dahilan ng pagsisimula ng Age of Exploration?
God
Gold
Good
Glory
Sakaku ang tawag sa patakaran ng mga Hapones na binubuo ng isang serye ng mga direktiba noong panahon ng Edo o Tokugawa. Bakit ipinatupad ng mga Hapones ang patakarang Sakaku?
Dahil sa pagdududa ng mga Hapones sa mga hangarin ng mga Kanluranin sa kanilang bansa.
Dahil sa pagnanais na makakuha ng ginto, pilak, at iba pang yaman upang mapalakas ang kanilang ekonomiya.
Dahil sa kagustuhan ng mga Hapones na mapabilang ang bansang Hapon sa mga mauunlad na bansa sa mundo.
Dahil hindi nagustuhan ng mga Hapones ang pagdagsa ng mga dayuhan at pagpapakilala ng iba’t ibang batas at panuntunan.
Nang mamatay ang pinuno ng Imperyong Mughal na si Humayan, pinalitan siya ng kanyang anak na si Akbar. Bakit itinuturing na dakila ang pamumuno ni Akbhar the Great sa Imperyong Mughal? A. Siya ay namuno sa batang edad na trese anyos.
Siya ay namuno sa batang edad na trese anyos.
Tinularan niya ang uri ng pamumuno na nagbigay-diin sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.
Naging mahigpit si Akbar sa pagpapatupad ng mga batas ng relihiyong Islam at ipinakulong ang lahat ng mga hindi susunod sa Quran.
Isa siyang masigasig na patron ng Panitikan, hinikayat ang pagpaparaya sa relihiyon at humingi ng karunungan mula sa mga banal na tao ng lahat ng pananampalataya.
Ang Ang konsepto ng "White Man's Burden" at ang paniniwala sa kataas-taasang lahi ang naghikayat sa mga Europeo na ipalaganap ang kanilang sibilisasyon at kultura upang "sibilisahin" at "gawing makabago" ang mga lipunang Asyano na kanilang nakatagpo.Ano ang nais ipahiwatig ng mga naunang pahayag?
Nagdulot ito ng kalupitan, pang-aabuso sa mga lokal na tao at paglabag sa kanilang mga karapatan.
Nakapagbigay ito ng malaking kita sa mga Kanluranin na ginamit nila upang palakasin ang kanilang ekonomiya at impluwensya sa buong rehiyon ng Asya.
Naging daan sa pagsasagawa ng proyektong pang-imprastruktura tulad ng mga daan at irigasyon na naging kapaki-pakinabang sa huling yugto ng kanilang kolonyal na pamamahala.
Ang imperyalistang pag iisip na ito ay pinalakas ng isang pakiramdam ng higit na kahusayan sa kultura at ang pagnanais na magpataw ng mga halaga ng Kanluranin sa mga bansang hindi Europeo.
Alin ang hindi kabilang sa mga pangunahing motibo sa likod ng paglawak ng kapangyarihang imperial ng Europa sa Asya noong ika -19 na siglo?
Ideolihikal na motibo
Motibong pang- kultural
Motibong pang - ekonomiya
Pampulitiko at Estratehikong Motibo
Ang Enlightenement ay tinawag ding kilusang Intelektuwal na binubuo ng mga kilalang iskolar tulad ni Thomas Hobbes, Voltaire, Rousseau at Baron de Montesquieu. Paano nakatulong ang kanilang mga aral sa pagkamulat ng mga Europeo mula sa panahon ng Midieval?
Ang kanilang mga ambag ang bumuhay sa mga paniniwalang paganismo.
Pinalawak nito ang pananaw na ang mga Europeo ang may pinakamagandang lahi ng mundo.
Nagpakilala sila ng mga bagong relihiyon na nagtuturo ng mga arak na taliwas sa paniniwalang Katoliko
Humikayat sa paggamit ng katuwiran,.kaalaman at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.
Basahin at suriin ang dalawang pangungusap:Mga Pinuno ng Himagsikang Amerikano
• Si Heneral George Washington ang nahirang na unang pangulo ng USA.
Ang pangunahing may-akda ng Saligang Batas ng USA ay si Thomas Jefferson.
Ang dalawang pangungusap ay parehas na mali.
Ang dalawang pangungusap ay parehas na tama.
Ang unang pangungusap ay mali samantalang ang ikalawa ay tama.
Ang unang pangungusap ay tama samantalang ang ikalawa ay mali.
Bago ang maganap ang himagsikan sa France, ang mga taong kabilang sa Third Estate ng ang bumuo sa pinakamalaking bahagdaan sa kanilang lipunan. Anong uri ng mga tao ang kabilang rito?
Mga peasants na nakatira sa mga lalawigan.
Iba’t ibang uri ng mga mangagawa sa mga lungsod.
Mga mayayamang may-ari ng lupa at mga kasapi ng simbahan
Ang mga banker, may-ari ng factory, mangangalakal, propesyonal, at artisan.
Pagsunud-sunurin ang mga mahahalagang kaganapan noong French Revolution.
1. Pagtawag ng pagpupulong ng mga Estates General
2. Pagkakatatag ng National Assembly
3. Pagbagsak ng Bastille
4. Reign of Terror
1,2,3,4
2,3,4,1
Paano nabago at naging isang maunlad na nation- state ang Japan sa tulong ng Meiji Restoration?
Dahil sa pamamahala ng mga Shogun
Dahil sa pagsasara ng ekonomiya ng Japan sa ibang bansa.
Dahil sa pagpapakilala sa modernisasyon at pagbuo ng Konstitusyon
Dahil sa pagpapakilala at pagiging sentralisado ng relihiyong Confucianism.
Paano nakaapekto ang Back to Africa Movement ni Marcus Garvey sa maraming mga Aprikano?
Nakabalik si Garvey sa Africa at nagtatag ng sariling bansa
Nagkaroon ng pagnanais ang mga Aprikano na maging rebolusyunaryo.
Ninais ng mga Aprikano na mapaunlad ang Aprika patungo sa modernisasyon.
Naging inspirasyon sa nakakarami na ipaglaban ang karapatan ng mga Aprikano o ang tinatawag na “Black Nationalism
Maraming tinuturong sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig. Anong sanhi ang nagmula sa pagnanais na magkaroon ng sarili at malayang estado ang iba’t ibang pangkat etniko ng Europa?
imperyalismo
militarism
nasyonalismo
sistema ng alyansa
Nabigla ang sangkatauhan sa naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pagnanais na maiwasan ito sa hinaharap, nagsagawa sila ng mga hakbang upang hindi na ito maulit. Alin sa sumusunod ang hindi naging hakbang sa panahong ito?
Ipinatayo ang League of Nations upang bantayan ang kapayapaan ng daigdig
Lumagda sa kasunduan na nagbabawal sa paggamit ng mga armas kemikal.
Tuluyang pinalaya ng mga bansang Kanluranin ang kanilang mga kolonya sa Asya at Aprika.
Lumagda sa mga kasunduan na naglimita sa dami ng mga barkong pandigma at iba pang armas
Bakit itinuring na ”outbreak” ang Spanish Flu o Influenza noong matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig?
Madali itong napuksa
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa sistema ng pagamutan sa mundo.
Naitala ang mahigit 25 milyong tao ang namatay sa sakit na ito sa maikling panahon
Naging sanhi ito ng panibagong hindi pagkakaintindihan sa maraming bansa sa mundo
Suriin kung tama o mali ang dalawang pangungusap sa ibaba. Pagtrato ng Nazi Germany sa mga Jew noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 1. Galit ang mga Nazi sa mga Jew kaya marami sa kanila ang pinatay sa mga concentration camp. 2. Kinilala ng daigdig ang ginawang ito ng mga Nazi bilang Holocaust, ang sistematikong paglipol sa isang lahi.
Ang dalawang pangungusap ay parehas na mali
Ang dalawang pangungusap ay parehas na tama
Ang unang pangungusap ay tama samantalang ang ikalawa ay mali.
Ang unang pangungusap ay mali samantalang ang ikalawa ay tama
Paano nakaapekto ang ideolihiyang politikal na Totalitaryanismo sa kasaysayan at sa kasalukuyan?
Ang pamahalaan ang may hawak o kontrol sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga tao.
Nalimitahan ang mga natatanging karapatan tulad ng malayang pagkilos at pagsasalita
Napilitan ang mga tao na tanggapin ang nakasayang uri ng pamumuhay at sikilin ang kanilang sariling kalayaan.
Dahil lahat ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga pagawaan ay pagmamay-ari ng gobyerno, nanatiling nakaasa ang mga mamamayan sa kung ano ang ibibigay ng pamahalaan.
Sino ang dalawang pinuno ng bansa na unang nagplano na bumuo ng isang samahang papalit sa Liga ng mga Bansa?
Churchill at Mussolini
Roosevelt at Churchill
Stalin at Hitler
Stalin at Roosevelt
Ano ang pagkakasunud –sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
1. Inatake ng Japan ang Pearl Harbor at Clark Airbase
2. Mabilis na sinalakay at sinakop ng Japan ang halos lahat ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, Burma, Netherlands East Indies at Pilipinas
3. Nagdeklara ng pakikidigma ang USA laban sa Japan
4. Ang U.S. ay naghulog ng mga bombang atomika sa Hiroshima at Nagasaki
1,2,3,4
1,3,2,4
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Cold War?
Direktang paglusob sa mga mahihinang bansa.
Alitan sa ideolohiya’t kapangyarihan na walang direktang pag - atake
Labanan ng ideolohiya’t kapangyarihan na may kasamang pag–atake
Pagbomba ng mga kabilang na bansa sa buong mundo ng nuclear bomb.
Alin ang HINDI mabuting epekto ng Cold War?
Paranoia
Umunlad ang Scientific Research
Nagkaroon ng innovation dahil sa Space Race
Natulungan ang mga bansa matapos ang WW2
Alin sa mga sumusunod ang sattelite na ipinadala ng Amerika sa kalawakan?
Apollo 1
Diwata 1
Explorer 1
Sputnik 1
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI wasto tungkol sa konsepto ng Neokolonyalismo?
Neokolonyalismo ang tawag sa pagkontrol sa mga di-maunlad na bansa ng mga maunlad na bansa sa pamamagitan ng hindi direktang paraan.
Ito ay kinasasangkutan ng mga pangkat ng mga bansang dati nang nasakop noong panahon ng Kolonyalismo at ngayon ay may sari-sariling kasarinlan.
Ang kahulugan nito ay lumawak sa paglipas ng panahon upang magamit, sa pangkalahatan, sa mga lugar kung saan ang kapangyarihan ng mga mauunlad na bansa ay ginamit.
Ang neokolonyaslismo ay unang ginamit pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang tukuyin ang patuloy na pag-asa o pagdepende ng mga dating kolonya sa mga dayuhang bansa.
Paano nakaapekto ang Perestroika at Glasnost sa kalagayan ng mga bansang kasapi sa Unyong Sobyet?
Naging demokratiko ang USSR.
Tuluyang nabuwag ang USSR noong 1991.
Umangat ang ekonomiya ng mga bansang kasapi sa USSR
Nagkaroon ng repormasyon sa paraan ng pamamalakad ng mga bansang kasapi sa USSR.
Ano ang implikasyon ng pagkakabuwag ng USSR sa makabagong kasaysayan ng Russia at ng daigdig?
pag –usbong ng mga malalayang estado
Dumami ang mga umaasang nasyon sa Amerika
Wala itong naidulot na pagbabago sa geopolitical landscape ng mundo
Nanatiling kontrolado ng Russia ang daloy ng kalakala,pamumuhunan at merkado ng enerhiya.
Ang United Nations ay ang samahan na itinatag upang pangalagaan ng kapayapaan ng daigdig. Anong ahensya ng UN ang pinakaimpluwensya para sa kaayusan at kapayapaan ng daigdig?
General Assembly
International Court of Justice
Security Council
World Bank
Saang bansa unang nakita ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome?
Australia
China
Philippines
Vietnam
Sino sa sumusunod ang posibleng mayroong SARS?
May lumitaw na maliliit na butlig sa balat ni Kresta
Maghapong masama ang pakiramdam ni Ali dahil masakit ang kanyang likod.
Iniinda ni Art ang pananakit ng kanyang kalamnan na sinabayan ng mataas na lagnat at pagtatae.
Masakit ang tyan ni Ella dahil nakakain sya ng panis na ulam mula sa birthday na kaniyang dinaluhan.
Paano posibleng maiwasan ang mga airborne diseases tulad ng SARS?
Madalas na paghuhugas ng kamay
Iwasang kumain ng mga produktong mula sa China.
Mainam na makihalubilo sa mga tao sa labas ng bahay.
Iwasang takpan ang bibig at ilong kapag bumabahing o umuubo.
Ang karaniwang itinataguyod ng economic globalization ay ang pagpapalawak ng malayang kalakalan (free trade) sa pagitan ng mga bansa. Alin sa sumusonod ang hindi mabuting epekto ng malayang kalakalan?
Nakatutulong sa pagpapakalat ng bagong teknolohiya
Napananatili ang mabuting ugnayan sa pagitan ng mga bansa.
Nakapag-aambag ito sa paglaki ng utang ng mga mahihirap na bansa.
Nabibigyan nito ang mga konsumer ng mas maraming produktong pagpipilian.
Alin ang HINDI epekto ng Global Financial Crisis sa Pilipinas?
Paggalaw ng piso
Pagtaas ng pondo
Pagbaba ng exports at remittance
Pagbaba ng Foreign Direct Investment (FDI).
Bilang isang mag-aaral paano ka makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng krisis pinansiyal lalo na sa pamilya?
Bilhin ang lahat ng pangangailan at luho mo.
Bumili ng isang sako ng asukal upang hindi maubusan.
Bilhin kung ano lamang ang kailangan at matutong magtipid
Gamitin ang lahat ng oras at mobile data sa pakikipag-tsismisan sa kaibigan
Sino sa mga tao sa ibaba ang nakakatulong sa paglutas ng climate change?
Lahat ng gadgets ni Lena ay nakabukas habang siya ay natutulog.
Para mas maganda ang buhok ni Amy, araw araw siyang naglalagay ng hair spray.
Wala daw maayos na tapunan sa school kaya kung saan saan na lamang tinatapon ni Andrea ang kanyang basura.
Sinisigurado ni Jada na malinis ang kanyang paligid sa pamamagitan ng pagwawalis at pagtatapon sa tamang tapunan.
Paano mo maisasabuhay bilang isang Pilipino at Asyano ang paggalang sa pagkakaiba-iba ng kultura, relihiyon at paniniwala ng mga tao?
Panggagaya at panunukso sa mga kaugalian at paniniwala ng ibang tao.
Pag-iwas sa pakikisalamuha sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala.
Pagpapalaganap ng sarili mong paniniwala at panlilibak sa iba pang pananampalataya.
Pagpapahalaga at paggalang sa tradisyon at paniniwala ng iba kahit naiiba ito sa iyong kinagisnan.
Suriin ang dalawang pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ang mga ito at tama o mali. Cultural Globalization 1. Para sa mga nagtataguyod ng mas malawak na ugnayan kultural sa pagitan ng mga bansa, ito magreresulta sa isang global village; ang kamulatan na ang lahat ng tao sa daigdig ay may iisang kapalaran. 2. Para naman sa mga tutol, ito ay pagpapakita ng cultural imperialism; ang hangarin ng mga malalakas na bansa na makontrol ang kapuwa bansa.
Ang dalawang pangungusap ay parehas na mali
Ang dalawang pangungusap ay parehas na tama.
Ang unang pangungusap ay tama samantalang ang ikalawa ay mali.
Ang unang pangungusap ay mali samantalang ang ikalawa ay tama.
Alin sa mga sumusunod ang hindi epekto ng globalisasyon?
Ang mga impormasyon ay madali ng lumaganap dahil sa internet.
Naging madali ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang estilo ng pananamit,musika, palabas at mga babasahin ay nagkakahalo halo na rin dala ng globalisasyon.
Naging mahirap ang pagluluwas at pag-aangkat ng mga produkto at mas dumami ang mga free trade agreements.
Hindi naunawaan ni Fe ang leksiyon ng iyong guro at nababagot sa kaniyang pakiramdam kaya nawalan siya ng interes na makinig. Dahil dito wala siyang natutuhan sa itinuro. Sinisi niya ang iyong guro. Sang-ayon ka ba kay Fe?
Di sang –ayon dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos
Di sang –ayon dahil may pananagutan ang tao sa kanyang kilos
Sang-ayon dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
Sang- ayon dahil kailangang mapaganda ang leksyon para hindi nakababagot sa mag –aaral.
