wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Ap 7: Paghahating Heograpiko ng mga Rehiyon sa Asya QUIZ

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang ibig sabihin ng salitang "Asya" na nagmula sa salitang "ASU"?

a)

Kanluran

b)

Hilaga

c)

Silangan

d)

Timog

2.

Aling kontinente ang itinuturing na pinakamalaki sa buong mundo?

a)

Aprika

b)

Europa

c)

Asya

d)

Hilagang Amerika

3.

Ilang pangunahing pananaw ang ginagamit sa paghahati-hati ng Asya sa mga rehiyon?

a)

Isa

b)

Dalawa

c)

Tatlo

d)

Apat

4.

Sa pananaw na Eurocentric, saan ibinabatay ang paghahati ng Asya sa mga rehiyon?

a)

Sa lokasyon ng mga bansa sa Asya.

b)

Sa layo o lapit nito sa Europa.

c)

Sa kultura at kasaysayan ng mga Asyano.

d)

Sa topograpiya at klima ng rehiyon.

5.

Ano ang pangunahing batayan ng pananaw na Asiancentric sa paghahati ng Asya sa mga rehiyon?

a)

Ang impluwensya ng mga Kanluranin.

b)

Ang laki ng teritoryo ng bawat bansa.

c)

Ang sariling katangian ng Asya tulad ng lokasyon, klima, topograpiya, kultura, at kasaysayan.

d)

Ang bilang ng populasyon sa bawat rehiyon.

6.

Ano ang pangunahing batayan sa paghahati ng Asya sa mga rehiyon na tumutukoy sa kinaroroonan ng isang lugar?

a)

Klima

b)

Topograpiya

c)

Lokasyon

d)

Kultura

7.

Aling rehiyon sa Asya ang kilala bilang "The Industrialized Region"?

a)

Timog Asya

b)

Silangang Asya

c)

Kanlurang Asya

d)

Timog Silangang Asya

8.

Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa Mainland Southeast Asia?

a)

Pilipinas

b)

Indonesia

c)

Thailand

d)

Singapore

9.

Alin sa mga sumusunod na bansa sa Timog Asya ang tinatawag na "Himalayan" dahil sa lokasyon nito sa kabundukan ng Himalayas?

a)

India at Pakistan

b)

Nepal at Bhutan

c)

Bangladesh at Sri Lanka

d)

Maldives at Afghanistan

10.

Anong katangian ang karaniwang inilalarawan sa Kanlurang Asya?

a)

"The Industrialized Region"

b)

"Land of Mysticism"

c)

"The Muslim World"

d)

"Little China"

11.

Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya ayon sa paghahating heograpiko?

a)

Tatlo

b)

Apat

c)

Lima

d)

Anim

12.

Aling rehiyon ng Asya ang matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng kontinente?

a)

Timog Asya

b)

Silangang Asya

c)

Timog Silangang Asya

d)

Kanlurang Asya

13.

Aling paglalarawan ang tumutukoy sa rehiyon ng Silangang Asya?

a)

Ang rehiyon na kinabibilangan ng China at Japan.

b)

Ang rehiyon na kinabibilangan ng India at Iran.

c)

Ang rehiyon na kinabibilangan ng Turkey at Saudi Arabia.

d)

Ang rehiyon na kinabibilangan ng Russia at Kazakhstan.

14.

Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pananaw ng Eurosentriko at Asyacentriko tungkol sa Asya?

a)

Ang Eurosentriko ay naniniwalang mas mataas ang kultura ng Europeo kaysa Asyano, habang ang Asyacentriko ay naniniwalang may sariling kabihasnan ang mga Asyano bago dumating ang mga Europeo.

b)

Ang Eurosentriko ay naghahati sa Asya sa tatlong rehiyon, habang ang Asyacentriko ay naghahati sa Asya sa limang rehiyon.

c)

Ang Eurosentriko ay nakasentro sa Europa, habang ang Asyacentriko ay nakasentro sa Asya.

d)

Lahat ng nabanggit.

15.

Ano-ano ang mga pangunahing batayan na ginamit sa paghahati-hati ng mga rehiyon sa Asya?

a)

Lokasyon, katangian ng klima, topograpiya, kultura, at kasaysayan.

b)

Populasyon, ekonomiya, pulitika, at relihiyon.

c)

Laki ng teritoryo, bilang ng bansa, at likas na yaman.

d)

Wika, tradisyon, at pamahalaan.