wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Values Education Long Quiz

Total questions: 25

Worksheet time: 14mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahalagahan ng pamamahala ng emosyon sa buhay ng tao?

a)

para sa ikabubuti ng ating sarili lamang

b)

para sa pagkamit ng tunay na kaligayahan lamang

c)

para sa ating relasyon sa pamilya at kapuwa lamang

d)

para sa ikabubuti ng ating sarili at sa ating relasyon sa pamilya at sa kapuwa

2.

Paano makatutulong ang positibong pananaw na itinuro ng pamilya sa pagharap sa mga hamon sa buhay?

a)

magtaguyod ng pagkakaisa

b)

bawasan ang stress at anxiety

c)

magbigay ng emosyonal na suporta

d)

magturo ng katatagan at adaptabilidad

3.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga gawaing nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga

positibong pananaw na gabay ang pamilya?

a)

pag- aalaga sa kalusugan

b)

pagtulong sa iba ng may kapalit

c)

pagpapalakas ng komunikasyon

d)

pagkakaroon ng family bonding

activities

4.

Habang nagsasalita ka sa harap ng klase, napansin mong pinagtatawanan ka ng ilan mong kaklase. Ano ang

iyong mararamdaman sa ganitong sitwasyon?

a)

Saya

b)

Hiya

c)

Galit

d)

Katuwaan

5.

Hindi ka pinansin ng matalik mong kaibigan matapos mong yayain siyang kumain. Ano kaya ang maaaring

damdamin mo?

a)

Inis

b)

Galak

c)

Pagpapatawad

d)

Katuwaang-loob

6.

May problema sa bahay na hindi mo lubos na naiintindihan. Ramdam mong apektado ang buong pamilya.

Ano ang makatutulong sa’yo upang manatiling positibo sa gitna ng sitwasyon?

a)

Maging mapagmatyag at manahimik

b)

Magtanong at makinig sa mga magulang

c)

Magduda sa sinasabi ng matatanda

d)

Iwasan ang usapan at lumayo

7.

Nangailangan ng tulong ang iyong kaibigan at hindi mo alam kung paano tutugon. Sa ganitong sitwasyon,

kanino ka dapat lumapit upang magabayan ng tama?

a)

Sa kaklase na hindi mo kilala

b)

Sa pamilya upang humingi ng payo

c)

Sa ibang kaibigan na minsan ka nang niloko

d)

Sa mga hindi mo pinagkakatiwalaan

8.

Hindi natuloy ang planong pamamasyal ng inyong pamilya dahil sa biglaang problema. Paano mo haharapin

ang sitwasyong ito nang may positibong pananaw?

a)

Magalit at sisihin ang magulang.

b)

Maging mapunahin at magreklamo

c)

Unawain ang sitwasyon at magpasalamat na buo pa rin ang pamilya

d)

Magkulong sa kwarto at magtampo

9.

Habang nasa kantina, nakita mong walang baon ang kaklase mo at nakaupo lamang sa sulok. Ano ang maaari

mong gawin upang maipadama ang malasakit sa kanya?

a)

Tawanan siya kasama ng iba

b)

Alukin siya ng bahagi ng iyong baon

c)

Balewalain ang kanyang kalagayan

d)

Sabihan siyang magbaon na lang bukas

10.

Isang araw ay nakita mo ang iyong kapatid na malungkot dahil sa pagkatalo sa paligsahan. Ano ang

pinakamainam mong gawin?

a)

Sabihin sa kanyang ‘buti nga’

b)

Ipagwalang-bahala siya

c)

Yakapin siya at sabihing ayos lang matalo

d)

Umiwas at maglaro na lamang

11.

Paano mo maipapakita ang positibong pananaw kapag bigo ka sa isang bagay?

a)

Sisihin ang iba

b)

Tumanggap ng pagkatalo at matutong bumangon

c)

Magalit sa sarili

d)

Huwag nang subukan muli

12.

Bilang isang anak, paano mo maisasabuhay ang gabay ng iyong pamilya sa panahon ng pagsubok?

a)

Layuan ang pamilya

b)

Pakinggan ang kanilang payo

c)

Magkulong sa kwarto

d)

Iwasan ang usapan

13.

Nakita mong may batang umiiyak sa kalsada dahil naiwan siya ng magulang. Ano ang gagawin mo?

a)

Tawanan siya

b)

Tanungin kung anong nangyari at tulungan siya

c)

Iwasan siya

d)

Isama siya sa panunukso

14.

Ang iyong kaklase ay may kapansanan at madalas na iniiwasan ng iba. Ano ang iyong gagawin?

a)

Gaya-gayahin siya

b)

Hikayatin ang iba na isali siya

c)

Umiwas rin

d)

Isama siya sa panunukso

15.

Sa gitna ng isang sakuna, anong aral mula sa pamilya ang dapat mong tandaan?

a)

Unahin ang sarili

b)

Magtulungan at magmalasakit

c)

Magalit sa sitwasyon

d)

Magtago at umiwas

16.

Isinabuhay ng iyong kapatid ang tamang paggalang sa matanda. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Tawanan siya

b)

Ipagmalaki at tularan

c)

Sabihing pabibo siya

d)

Pagsabihan na sayang sa oras

17.

Sa kabila ng hirap sa buhay, patuloy na nag-aaral ang iyong kaibigan. Ano ang aral dito?

a)

Magreklamo lang palagi

b)

Magpatuloy at magkaroon ng pag-asa

c)

Umiwas sa eskwela

d)

Umayaw na lang

18.

Nahulog ang pagkain mo sa harap ng maraming tao. Sa ganitong sitwasyon, ano ang mararamdaman mo?

a)

Hiya

b)

Saya

c)

Galit

d)

Katuwaan

19.

Natuwa si Marco nang marinig niyang binanggit ng guro ang kanyang pangalan bilang isa sa pinakamataas

ang marka sa pagsusulit. Bakit kaya siya natuwa?

a)

Dahil napatunayan niyang kaya niya

b)

Dahil gusto niya lamang magpakitang-gilas

c)

Dahil kinopya niya ang sagot

d)

Dahil gusto niyang mapansin ng kaklase

20.

Pagkatapos ng mahabang araw ng paggawa ng proyekto, napagalitan si Lia ng kanyang magulang dahil

hindi pa siya nakakatulong sa gawaing bahay. Hindi siya kumibo at pumasok na lang sa kanyang silid.Ano ang

pinakapangunahing damdaming nararanasan ni Lia sa pagkakataong ito?

a)

Galit

b)

Pagkalito

c)

Lungkot

d)

Pagmamahal

21.

"Nang hindi ako pinayagang sumama sa field trip, parang gumuho ang mundo ko," sabi ni Claire sa

kanyang kaibigan. Batay sa sinabi niya, ano ang nararamdaman niya?

a)

Inis

b)

Lungkot

c)

Inggit

d)

Pagdududa

22.

Tuwing naririnig ni Miguel ang kantang madalas nilang pakinggan ng yumaong lolo, siya ay natitigilan at

naluluha. Anong damdamin ang maaaring bumabalik sa kanya?

a)

Galit

b)

Lungkot at Pananabik

c)

Saya

d)

Pagkagulat

23.

"Hindi ako makapaniwala! Totoo ba ‘to?" Sambit ni Alvin nang makita ang kanyang pangalan sa listahan ng

nanalo sa patimpalak. Ano ang emosyong ipinapahiwatig ng kanyang sinabi?

a)

Pagkabigo

b)

Pagkabigla at tuwa

c)

Pagkasuya

d)

Pagdududa

24.

Ang iyong kaibigan ay palaging negatibo sa mga nangyayari. Paano mo siya matutulungan?

a)

Layuan siya

b)

Hikayatin siya na tumingin sa positibo

c)

Sabihing wala siyang pag-asa

d)

Iwasan ang pag-uusap

25.

Ano ang pangunahing tungkulin ng pamilya sa pagbubuo ng positibong pananaw?

a)

Manira ng loob

b)

Magbigay ng suporta at pagmamahal

c)

Magpalaganap ng galit

d)

Maglayo-layo