WorksheetsYunit I – Aralin 4
Total questions: 47
Worksheet time: 25mins
Ang _____ sa mga kagandahang asal ang pagtanaw ng utang na loob. Kung baga sa mga hiyas-ang pagkamatapatin, pagkamahabagin, pagkamayunurin, pagkamatiisin, pagkamatimpi, pagkamapagkumbaba, at pagkamapitagan ay sama-samang bumubuo ng mga makakaugnay na mga butil ng hiyas ng pagkatao ng isang nilalang, at ang pinakapalaawit nito ay ang karunungang tumanaw ng utang na loob.
pinakatampok
utang na/ng loob
tao
hayop
bagay
Isang dalub-isip ang nagsasabing ang tanging kasalanang maaaring magawa ng tao sa ibabaw ng daigdig ay ang huwag tumanaw ng _____.
pinakatampok
utang na/ng loob
tao
hayop
bagay
Aniya pa'y maaaring ipagpatawad o makatagpo ng pagpapaupaya sa puso ng _____ ang lahat ng mga kasalanan ay hindi dapat ipagpatawad.
pinakatampok
utang na/ng loob
tao
hayop
bagay
Sa tinurang iyon ng palaisip ay mahihinuha na natin kung gaano ang kahalagahan ng pag-aangkin ng katangiang matutong tumanaw ng _____.
pinakatampok
utang na/ng loob
tao
hayop
bagay
Ngunit agad-agad tayong magiging batik ng lipunang iyon kung mapapakilala tayo ng kawalan ng _____ sa kaninumang dapat nating kilalaning nakapagdulog sa atin ng madling kabutihan.
Higit nga sa lahat ng mga hiyas ng pagkatao ay dapat nating taglayin ang pagkakaroon ng isang damdaming kumikilala ng _____.
pinakatampok
utang na/ng loob
tao
hayop
bagay
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio
Itong katagalugan, na pinamamahalaan noong unang panahon ng ating tunay na mga kababayan, noong hindi pa tumutuntong sa mga lupaing ito ang mga _____, ay nabuhay sa lubos na kasaganaan at kaginhawaan. Kasundo niya ang mga kapitbayan at lalu-lalo na ang mga taga-Hapon, sila ay kabilinan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya't dahil dito'y mayaman at kaasalan ng mga lahat.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio
Bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga _____.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio
Dumating ang mga _____ at dumulog na nakikipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo'y aakayin sa lalong kagalingan, at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio
Gayon man, sila'y ipinailalim sa taal na kaugalian ng mga _____ na sinasaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumukuha ng kaunting dugo sa kani-kanilang mga ugat, at yao'y inihalo't ininom nilang kapwa, tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na hindi magtataksil sa pinagkayarian.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Andres Bonifacio
Ito'y siyang tinatawag na Sandugo ng Haring Sikatuna at ni Legaspi na pinakakinatawan ng hari sa _____. Ngunit nang ito'y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong dantaong mahigit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan; ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin na ang kasalatan at kadayukdukan. Ginugugol natin ang yaman, dugo at sampu ng buhay sa pagtatanggol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na ayaw pumayag na sa kanila ay pasakop, at gayon din naman nakipaglaban sa mga Intsik at mga Olandes na nagbalak na umagaw sa kanila nitong Katagalugan. Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga ginawa nating paggugugol ang nakikitang kaginhawaang ibinigay sa ating bayan?
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siyang naging dahilan ng ating paggugol? Wala kundi pawang kataksilan ang ganti sa ating pagpapala. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong gigisingin sa kagalingan? Bagkus tayo'y binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating _____. Iminulat tayo sa isang maling pananampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating _____. At kung tayo'y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang nagiging kasagutan ay ang itapon at itayo sa piling ng ating minamahal na mga anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karaka-rakang nilalapatan ng malahayop na kabangisan.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ngayon, wala nang maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan. Ngayon, lagi nang ginagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at mga panambitan, buntong-hininga at hingpis ng makapal na ulila, balo't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na _____
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Ngayon, tayo'y malulunod na sa nagbabahang luha ng Ina na sakit na buhay ng anak, sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan, na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tingga na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam. Ngayon, lalo't lalo tayong nabibiliran ng tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may inilagatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katwirang na sumisikat sa _____ ay malinaw na itinuturo sa ating mga mataong malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang liwanag niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga kukong nag-akma ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal. Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan, lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan. Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Itinuturo ng katwiran na tayo'y umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan. Itinuturo ng katwiran na tayo'y magkaisang-loob, magkaisang-isip at akala, at tayo'y magkalakas na maihanap ng lunas ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan. Panahon nang dapat nating ipakilala na tayo'y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon, panahon nang dapat simulan ang pagsisisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawakasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan. Panahon na ngayong dapat makilala ng mga t ang pinagmulan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hakbang natin ay tumuntuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa atin ay inuumang ng mga kaaway.
Kastila
Tagalog
Espanya
bayan
Silangan
Kaya, O mga (a) ! Ating idilat ang nabulag na kaisipan, at kusang igugol sa ating kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa minimithing kaginhawahan ng bayang tinubuan.
Siya ang namuno sa pagtatatag ng samahang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Taguri: Ama ng Katipunan at Ama ng Himagsikang Pilipino
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Sagisag siya ng kabataang mapaghimagsik at nagsilbing kanang kamay ni Andres Bonifacio. Ang kaniyang sagisag-panulat ay Dimas Ilaw. Taguri: Utak ng Katipunan
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nagsilbi pa rin siyang lakas ng bayan. Wikang Espanyol ang gamit niya sa kaniyang mga akda Taguri: Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Apolinario Mabini
Nahahalinlulad sa Sampung Utos ng Diyos
Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
Huling Paalam
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Salin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios
Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
Huling Paalam
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo del Pilar
Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan
Huling Paalam
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Nagsilbing kodigo o saligang batas na dapat sundin ng mga katipunan ng mga anak ng bayan.
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim
Ningning at Liwanag
A Mi Madre
A La Patria
Katipunan ng mga sanaysay na busog sa makatas at matatayag na kaisipan.
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim
Ningning at Liwanag
A Mi Madre
A La Patria
Isang sanaysay na nagsusuri sa mga paraan ng pananaw o pagtingin sa mga bagaybagay at sitwasyon.
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim
Ningning at Liwanag
A Mi Madre
A La Patria
Isang madamdaming oda na isinulat bilang handog sa kaniyang ina.
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim
Ningning at Liwanag
A Mi Madre
A La Patria
Ito ay tula ng pag-ibig sa bayan. Naglalahad ito ng malalim na pag-ibig sa bayan.
Kartilya ng Katipunan
Liwanag at Dilim
Ningning at Liwanag
A Mi Madre
A La Patria
Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino
El Desarrollo y Caida de la Republica Filipina
El Verdadero Decalogo
Ang Tunay na Sampung Utos
El Desarrollo y Caida de la Republica Filipina
El Verdadero Decalogo
Paksa:
Hindi pangkaraniwan, malalim, at nangangailangan ng mas malalim na pagsusuri
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Paksa:
Kawili-wili
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Layunin:
Maglahad ng opinyon o impormasyon sa lohikal na paraan
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Layunin:
Manlibang, magbigay ng impormasyon sa mas magaang na paraan
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Paggamit ng Wika:
Gumagamit ng jargon (salitang ginagamit sa partikular na propesyon o grupo), simbolo, at arketipo
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Paggamit ng Wika:
Magaan, pamilyar
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Himig/Tono:
Seryoso
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
Himig/Tono:
Parangnakikipag-usap
PORMAL o MAANYONG SANAYSAY
DI-PORMAL o MALAYA
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
_____ marahil ang daigdig at maikling panahon na lamang ang nalalabi sa kanyang pag-inog.
Matanda
ipakahulugan
lansangan
ginagahol
mabibining
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Iyan ang maaaring _____ sa isang pagmamadali sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari at sa ikinikilos ng mga tao.
Matanda
ipakahulugan
lansangan
ginagahol
mabibining
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Ang mabilisang paglalakbay, ang agarang pagtatayo ng mga gusali at mga tahanan, ang madaling pag-aayos ng mga _____, ang mga ubos-kayang pagmamadali ng bawat isa upang maisakatuparan ang minimithi sa buhay—iya’y mga tanda ng kasalukuyang pamamayani ng damdamin na pagmamadali.
Matanda
ipakahulugan
lansangan
ginagahol
mabibining
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Pag malasin lamang kung paano magpatakbo ang mga dyip sa lansangan at wala tayong maitatanong kungdi: bakit tayo nagmamadali? Tayo ba'y _____ sa panahon at hindi na makapaglakbay nang may katamtamang bilis lamang at nang hindi mapanganib ang ating Buhay?
Matanda
ipakahulugan
lansangan
ginagahol
mabibining
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Wala na ang dating _____ hakbang ng ating mga dalaga, ang banayad na kilos na tulad ng pag-agos ng mga ilog. Pahangos ang lakad ng bawat isa sa atin. Ang mga ilang taong pagkailalim natin sa kaaway at ang pagkahinto ng ano mang dapat sanang iniunlad ng bansa ay nagbubunsod sa atin upang sa loob ng maikling panahon ay magawa ang dapat sanang nagawa na noong una.
Matanda
ipakahulugan
lansangan
ginagahol
mabibining
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Maraming nahinto sa pag-aaral at ngayo’y nangangamadamaling makatapos sa _____ ng karunungan. Ang mga napinsalang ari-arian sa panahon ng digma ay nais nating mapanumbalik sa dating kaayusan sa lalong maikling panahon maaari—kaya kailangan tayo’y magmadali. Maraming mga bagay nga ang nawala sa atin ang maaari nating tamuhin. Iyan ang mga pangangatwirang laganap ngayon.s
paglinang
kakambal
katamtaman
tsuper
pagkahapo
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Datapwa ang pagmamadali ay lagi nang _____ ng kawalang-ingat, hindi tayo makaaasang sa pagmamadali nating makagawa tayo nang buong husay ng isang bagay na gaya ng kung gagawin natin iyon nang maingat kahit na abutin ng matagal na panahon. At ang pagmamadali ay nangangahulugan din na upang matupad ang ating ninanais ay gagawin natin ang lahat ng paraan, mabuti man o hindi. Iyan kaipala ang dahilan kung bakit sa paghahangad ng ibang yumaman kaagad ay nililimot na nila ang sariling budhi at ang pananagutan sa harap ng bayan.
paglinang
kakambal
katamtaman
tsuper
pagkahapo
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Ayaw kong magmadali. Nais ko na kung ako’y nasa sasakyan ay _____ lamang ang takbo upang mapagmalas ko ang mga tanawing nararaanan. Ibig ko na ang isang gawain ay harapin ko nang buong ingat at walang diwa ng pagmamadali, upang yao'y magawa ko sa isang paraang kasiya-siya sa kalooban.
paglinang
kakambal
katamtaman
tsuper
pagkahapo
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Ngunit kapag ako'y nasa isang sasakyan na ay hindi ko maaaring sabihin na _____ na huwag pakabilisan ang takbo. At kung may ipinagagawa naman ang aking puno ay hindi ko rin masasabing mahaba pa ang mga araw at di pa magwawakas ang daigdig.
paglinang
kakambal
katamtaman
tsuper
pagkahapo
“Bakit Tayo Nagmamadali?” ni Gemiliano Pineda:
Kaya, sa ibigin ko man at sa hindi, ay napipilitan akong sumunod sa kilos ng kapwa, sa kilos na nagmamadali. At gaya ng nasabi ko, ang nagiging bunga nito ay ang aking _____. Ang mabilisang pagkilos ay madaling makapagpal sa isipan at di nagpapahintulot sa guniguni upang makapaglakbay nang malayo. At naaalala ko na ang pagmamadali upang matamo ang kadakilaan ay para na ring pagmamadali upang makarating sa huling hantungan.
paglinang
kakambal
katamtaman
tsuper
pagkahapo
”_____ Raw” ni Juanito E. Nazareno:
_____ ka nga ba o banyagang naligaw sa lupaing ito? Nakapagtataka at nakaiinis ngunit totoo na tayong _____ ay ayaw ng tatak _____. Bakya raw, walang class, pangmahirap daw ang yaring _____. Lahat ng bagay na yari o gawa dito ayaw natin, magmukhang estranghero sa lupaing ito? At iyan nga ang totoo, hindi mo ba napapansin? Tingnan mo na lamang ang karamihan ng mga taong gumagala sa Makati Commercial Center. Iba't ibang mga kulay ng buhok, may maputi, may mapula, may kape at kung anu-ano pa. Mga _____ ba iyan? Huwag mo nang itanong. Pati sa pagkain, hindi mo ba napapansin, ayaw na natin ngayon ng goto, puto't dinuguan, bibingka, at ano ang mga gusto natin ngayon? Hindi ba pizza pie, hamburger, spaghetti at ice cream? Puro banyaga ano? Ganyan tayong mga _____. Banyaga sa sariling bayan. Paano tayong uunlad at paano natin matutulungan ang mga industriyang _____ kung hindi natin tatangkilikin at itatataguyod ang sariling atin? Siguro oras na para magbago tayo. "Ah wait, heto na palang snack ko, spaghetti, pizza pie and coke."
(a)
