Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

HELE 4 - Q1 EXAMINATION

Total questions: 32

Worksheet time: 26mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing gamit ng computer sa pananaliksik?

a)

Paglalaro ng online games

b)

Pagproseso at pagkuha ng impormasyon

c)

Pag-edit ng larawan lamang

d)

Panonood ng pelikula

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa ICT?

a)

Smartphone

b)

Radyo

c)

Ballpen

d)

Internet

3.

Kung isang mag-aaral ang gagawa ng presentasyon at isusumite ito online, anong aspeto ng ICT ang kanyang ginagamit?

a)

Komunikasyon lamang

b)

E-commerce

c)

Pagpoproseso at pagbabahagi ng impormasyon

d)

Paglalaro ng video games

4.

Ano ang ibig sabihin ng Internet?

a)

Isang uri ng software

b)

Network ng mga network na pinag-uugnay ang mga computer

c)

Isang application para lamang sa pakikipag-chat

d)

Isang uri ng computer virus

5.

Alin ang halimbawa ng trabaho na nalikha dahil sa ICT?

a)

Magsasakay

b)

Call center agent

c)

Mekaniko

d)

Mangingisda

6.

Bakit mahalaga ang computer sa paaralan?

a)

Para lamang maglibang

b)

Upang mapabilis ang paggawa ng proyekto at pananaliksik

c)

Para maglaro ng mga online games sa klase

d)

Para makinig ng musika habang nag-aaral

7.

Kung isang kumpanya ay gumamit ng ICT upang magbenta ng produkto online, anong tawag dito?

a)

E-commerce

b)

Globalisasyon

c)

Call conferencing

d)

Virtual meeting

8.

Anong aspeto ng ICT ang nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng online meetings kahit nasa ibang-ibang lugar ang mga kalahok?

a)

E-commerce

b)

Komunikasyon

c)

Pagpo-proseso ng data

d)

Panonood ng pelikula

9.

Ano ang isang magandang epekto ng ICT sa negosyo?

a)

Pinahihirap ang komunikasyon

b)

Pinabagal ang produksiyon

c)

Pinagagaan at pinabibilis ang proseso

d)

Nililimitahan ang mga oportunidad

10.

Isang mag-aaral ang gumagamit ng smartphone upang magpadala ng file sa kaklase gamit ang messenger. Anong uri ng teknolohiya ang kanyang ginagamit?

a)

ICT

b)

E-commerce

c)

Spreadsheet

d)

Offline application

11.

Elektronikong kagamitan na ginagamit sa pagproseso ng data at impormasyon.

(a)  

12.

Pinagsama-samang mga network na nag-uugnay sa mga computer sa buong mundo.

(a)  

13.

Tumutukoy sa paggamit ng teknolohiya para sa komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.

(a)  

14.

Uri ng nakakapinsalang software na idinisenyo upang sirain ang sistema o magnakaw ng impormasyon.

(a)  

15.

Isang uri ng malware na nagpaparami ng sarili at kumakalat sa pamamagitan ng network o e-mail.

(a)  

16.

Uri ng programang naglalagay ng mga hindi kanais-nais na advertisement sa computer o browser nang walang pahintulot ng gumagamit.

(a)  

17.

Programang ginagamit ng cybercriminal upang makontrol ang isang computer nang hindi nalalaman ng may-ari.

(a)  

18.

Uri ng dokumentong nakaimbak sa elektronikong paraan.

(a)  

19.

Gamit ng ICT na nagpapahintulot sa pagbebenta at pagbili ng produkto online.

(a)  

20.

Isang hakbang sa pagpapanatili ng seguridad sa computer na nag-i-install ng proteksyon laban sa mga virus at malware.

(a)  

21.

Ibigay ang limang gamit ng computer sa paaralan.​

4 lines
22.

Kahalagahan ng ICT.

4 lines
23.

Ang Internet ay isang uri ng computer na ginagamit lamang sa malalaking kumpanya.

a)

TAMA

b)

MALI

24.

Ang ICT ay nakatutulong lamang sa pakikipagkomunikasyon at walang kinalaman sa trabaho.

a)

TAMA

b)

MALI

25.

Ang e-commerce ay isang paraan ng pagbili at pagbebenta ng produkto gamit ang ICT.

a)

TAMA

b)

MALI

26.

Ang paggamit ng computer ay makatutulong sa paggawa ng proyektong pampaaralan at pananaliksik.

a)

TAMA

b)

MALI

27.

Ang soft copy ay tumutukoy sa mga dokumentong naka-imbak nang elektronik.

a)

TAMA

b)

MALI

28.

Ang paggamit ng ICT ay nakakatulong lamang sa negosyo at walang kinalaman sa edukasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

29.

Ang computer ay ginagamit lamang para sa paglalaro at panonood ng pelikula.

a)

TAMA

b)

MALI

30.

Ang malware ay isang uri ng programang nakakasira o nakakaapekto sa performance ng computer.

a)

TAMA

b)

MALI

31.

Ang Internet ay isang koleksiyon ng maraming magkakaugnay na computer network sa buong mundo.

a)

TAMA

b)

MALI

32.

Ang ICT ay nakakatulong sa mabilis na pagpapakalat ng impormasyon at mas mahusay na komunikasyon.

a)

TAMA

b)

MALI