Font size
WorksheetsREVIEW 1st QUARTER
Total questions: 85
Worksheet time: 45mins
Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
pamamahala ng negosyo.
pakikipagkalakalan.
pamamahala ng tahanan.
pagtitipid.
Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat ________.
pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan?
. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig.
Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo.
Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito.
May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig.
Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay __________.
may hangganan din.
kaunti lamang kayat madaling tugunan.
parami nang parami at walang katapusan.
kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan.
Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat _________.
lumiliit ang sukat ng daigdig
nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito.
nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito.
pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig.
Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao.
kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao.
pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na
luhong pangkatawan.
pangunahing pangangailangan.
hilig-pantao.
sekundaryong pangangailangan
Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan?
Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa.
Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan.
Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao.
Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid.
May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat?
Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling
makapasa sa kolehiyo.
Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang
makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito?
Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng mga gawain o programa para sa konserbasyon sa mga likas na yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa programa.
pagtatanim ng mga puno sa nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon.
pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop(endangered species)
patuloy na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan para sa komersiyo.
Ang sumusunod ay nagpapakita ng paggamit ni Nathan ng mahahalagang konsepto sa Ekonomiks upang makabuo ng matalinong pagdedesisyon maliban sa isa. Alin ito?
Pinag-iisipang mabuti ni Nathan ang kahihinatnan ng anumang desisyong kaniyang gagawin.
Binibili ni Nathan ang lahat ng bagay na kaniyang gusto kahit na hindi naman niya ito kailangan
Bago bilhin ni Nathan ang isang bagay ay tinitingnan niya kung saan siya higit na makakatipid ng hindi nasasakripisyo ang kalidad ng produkto
Nang pinili ni Nathan ang maglaro ng computer kaysa ang pumasok, nawala ang pagkakataon na matuto siya ng aralin sa araw na iyon.
Nanganganib na huminto sa pag-aaral si Rafael sapagkat natanggal sa trabaho ang kaniyang ama bilang isang messenger. Paano makatutulong kay Rafael ang kaalaman niya sa Ekonomiks sa sitwasyong kinakaharap ng kaniyang pamilya?
Maaaring magamit ni Rafael ang kaniyang kaalaman sa pamamahala at alokasyon upang makatulong sa pagbabadyet sa mga gastusin ng pamilya.
Mauunawaan ni Rafael ang mga batas kung bakit natanggal sa trabaho ang kaniyang ama.
Mauunawaan niya ang mga napapanahong isyu ng pamilya hinggil sa pagkakatanggal sa trabaho ng kaniyang ama.
Mahuhubog ang pag-uugali at gawi ni Rafael sa pagharap niya sa sitwasyong makaaapekto sa kaniyang sariling interes.
Bilang isang mamamayang Pilipino, paano makatutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay ang kaalaman mo sa ekonomiks?
Magagamit ko ang mga kaalaman ko sa mga batas at programa ng pamahalaan upang makatulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya
Magagamit ko ang mga kaalaman ko sa mga napapanahong isyu upang makilahok sa mga rally na isinasagawa laban sa pamahalaan.
Magagamit ko ang kaalaman ko sa ekonomiks sa aking pagbabadyet upang mabili ko ang lahat ng aking pangangailangan at kagustuhan.
Magagamit ko ang kaalaman ko sa ekonomiks upang makaiwas ako sa mga suliraning kinakaharap ng ating bansa.
Tinaguriang isang agham ang ekonomiks. Bilang isang agham, pinag-aaralan nito ang...
mga di maipaliwanag na pangyayari
mga patakaran sa pangangalaga ng kalikasan
mga solusyon sa mga suliranin ng bansa
epekto ng ginagawa niyang pagpili sa pagkamit ng kanyang pangangailangan
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pangmatagalang kalagayan kung saan ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi sapat para tugunan ang pangangailan at kagustuhan ng tao?
Kahirapan
Kakapusan
Kakulangan
Kagipitan
Ang Ekonomiks ay mula sa dalawang salitang Griyegong OIKONOMEIA na nangangahulugang:
oikos (bahay)/nomos (mamahala)
oikos (mamahala)/nomos (bahay)
oiko (bahay)/ nomeia (lipunan)
oiko (lipunan) nomeia (bahay)
isang pag-aaral sa pang-araw-araw na buhay ng tao, gaya ng kaniyang kita, kabuhayan, at lahat halos ng materyal na aspeto ng kaniyang buhay.
ekonomiks
batas
politika
Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:
Ito’y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
Ito’y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga nandarayuhan sa bansa.
ito’y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang tinutugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Alin dito ang hindi nagiging bunga ng kakapusan?
Pagtaas ng bilang ng mga krimen sa bansa.
Pagtaas ng presyo ng mga bilihin (inflation).
Pagtatanim ng palay.
Kaguluhan sa bawat lugar.
Bilang isang konsumer paano mo mapapamahalaan ang pambansang suliranin ng kakapusan, kailangan mong?
Matalinong pagdedesisyon at Pagtutulungan.
Isaalang-alang palagi ang kagustuhan kesa sa pangangailangan.
Unahin ang mga bagay na makakapagbigay ng kasiyahan.
Ang salitang griyegong pinagmulan ng salitang ekonomiks.
oikonomos
oikonomics
oikonomia
oikonomy
Habang ang pinakukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan ang mga pangangailangan at kagustuhan ng tao ay __________.
May hangganan din
Kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan
Parami nang parami at walang katapusan
Kaunti lamang kayat madaling tugunan
Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay ________.
Kakpusan ng mga pinagkukunang-yaman at dumaraming mga pangangailangan at kagustuhan ng tao
Pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya
Labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at kagustuhan ng tao
Pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
Kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan ng bigas, asukal, arina, langis at iba pang pangunahing pagkain
Kapag may mahabang pila sa mga tindahan at bagaman may pera, wala namang mabili
Kapag maraming nabibili sa tindahan
Kapag maraming nagkakasakit na mamamayan dahil sa gutom
Limitado ang pinagkukunang-yaman upang tugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Kakapusan
Kakulangan
Makroekonomiks
Maykroekonomiks
Ito ay panandaliang pagkawala ng balanse sa pamilihan na maaaring gawan ng paraan.
Makroekonomiks
Kakapusan
Maykroekonomiks
Kakulangan
Isang sikologo na nagsabing may iba’t-ibang antas ang pangangailangan ng isang tao.
Abraham Harold Maslow
Jean Piaget
Thomas Malthus
Albert Einstein
Mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay.
Kagustuhan
Pangangailangan
Luho
Wala sa nabanggit
Ito ang antas na tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng tao.
Saykolohikal
Sosyolohikal
Pisyolohikal
Medico legal
Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.
Kagustuhan
Pangangailangan
Pangangailangan at Kagustuhan
Wala sa nabanggit
Mga bagay na itinuturing na luho ng tao.
Kagustuhan
Pangangailangan
Pangangailangan at Kagustuhan
Wala sa nabanggit
Salik na nagsasabi na ang bawat tao ay may kanya kanyang hilig sa pagkain.
Edukasyon
Panlasa
Hanapbuhay
Edad
Ang salaping tinanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto o serbisyo.
Hanapbuhay
Panlasa
Kita
Edad
Batay sa Maslow's Hierarchy of Needs, ang pagkakaroon ng bahay, matatag na trabaho, at malusog na pangangatawan ay kabilang sa tinatawag na . . .
Esteem needs
Safety needs
Physiological needs
Needs for self-actualization
Alin sa mga sumusunod na pangangailangan ang pinakauna sa herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow?
Panlipunan
Kaganapan sa saliri
Kaligtasan
Pisyolohikal
Ikaw ay binigyan ng Php. 1,000 na allowanced ng iyong magulang. Paano mo ito gagastusin?
Ibibili ko ng mga bagong damit.
Ililibre ko ang mga kaibigan ko.
Bibilhin ko lamang ang dapat bilihin at iiwas sa mga di-kailangan.
Gagastusin ko ang lahat ng badyet sa pagbili ng pagkain.
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na isang kagustuhan ng tao?
Tirahan
Damit
Gamot
Alahas
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na dapat mayroon ang mga tao upang mabuhay ?
Pangangailangan
Edad
Panlasa
Kagustuhan
Ano ang salik na may malaking impluwensiya sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan?
Panlasa
Katayuan sa lipunan
Antas ng edukasyon
Kita
Ano ang mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao, halimbawa pagkain, damit, bahay?
Kagustuhan
Pangangailangan
Mithiin
Pangarap
Alin sa mga sumusunod ay halimbawa ng pangangailangan ng isang tao?
Malinis na tubig
Magarang kotse
Uso na Cellphone
Malaking bahay
Anong salik ng produksyon ang pinakauna at pinagmulan ng lahat ng mga hilaw na materyales
Paggawa
Kapital
Lupa
Entreprenyur
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa tatlong uri ng lakas-paggawa?
Skilled
Inskilled
Unskilled
semiskilled
Kapital na maaaring gamitin ayon sa kagustuhan ng Entreprenyur
Circulating o Iniikot
Fixed o Pirmihan
Free o Malaya
Specialized o Natatangi
Kapital na mabilis magpalit ng anyo.
Circulating o Iniikot
Fixed o Pirmihan
Free o Malaya
Specialized o Natatangi
Tinuturing na "Kapitan ng Industriya"
Lupa
Kapital
Entreprenyur
Paggawa
Kapital na may tiyak na gamit na hindi maaaring palitan o walang panghalili.
Circulating
Fixed
Free
Specialized
Kapalit ng Lupa bilang salik ng produksiyon
renta
tubo
interes
sahod
Kabayaran sa paggawa
renta
interest
sahod
tubo
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ay tinatawag na
Output
Input
Lupa
Paggawa
Isang proseso ng pagbuo ng kalakal at serbisyo.
(The process of creating products and servcices)
Allocation
Consumption
Production
Organization
Mga bagay na tumutugon sa pangangailangan ng tao
(a supply of materials or assets)
finances
goods
house
resources
Mga bagay na bigay ng Diyos at matatagpuan nsa pisikal na kapaligiran
(These are things made by God that are found in the physical environment)
animals
plants
mountains
all of the above
Itinuturing sila bilang lakas-paggawa
(They are considered as man-power)
animals
plants
humans
all of the above
Mga bagay na nilikha ng tao para sa kapaki-pakinabang na bagay.
(Things that are made by man to produce a new product)
animals
man-made
gadgets
all of the above
Pangunahing pinagkukunan ng hilaw na materyal
(The primary source of raw materials)
land
air
water
bank
Siyang nakakaisip ng mga bagong produkto
The one who creates new products and services)
capitalist
laborer
entrepreneur
seller
Ang mabibigat na kagamitan, makinarya at imprastruktura ay mga halimbawa nito
(Heavy equipments, machineries and infrastructures are examples of..)
consumer durables
fixed capital
goods
supplies
iTO ANG MGA SALIK NG PRODUKSIYON
(These are the factors of production)
land,capital,labor,entrepreneurship
fixed capital,consumer durable,labor,economy
goods,services,products,consumers
supplies,resources,land,entrepreneur
1. Proseso ng pagpapalit anyo ng isang bagay sa pamamagitan ng pagpoproseso sa mga input upang makagawa ng output.
Produksiyon
Alokasyon
Inobasyon
Pagmamanupaktura
Ang Input na hindi nagbabago kahit na magbago ang lebel ng produksyon.
Variable INPUT
Marginal Product
Fixed INPUT
Marginal INPUT
Ito ay isa sa uri ng sangkap sa produksyon na kung saan ito ay mga produktong intermediate na kinakailangang baguhin upang makabuo ng panibagong produkto.
Produktibong sangkap
Hilaw na sangkap
Variable Input
Fixed Input
Ito ay mga manggagawang may kakayahang pisikal
Yellow collar jobs
blue collar jobs
red collar jobs
white collar jobs
Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
kakaunti ang suplay
marami ang suplay
mataas ang presyo
mababa ang presyo
Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
Hindi sumusunod sa uso
Nahuhumaling sa suot ng mga artista
Binibili ang mga napapanahong gamit
Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita
Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti ang utang?
Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
Lumalaki ang ipon sa bangko
Walang utang na kailangang bayaran
Tumataas ang kakayahang kumonsumo
Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
Nagsasara ang mga malalaking tindahan
Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
Ito ang uri ng pagkonsumo kung saan ang isang produkto ay maaaring magdulot ng sakit o perwisyo sa katawan ng taong gumagamit.
Direkta o Tuwirang Pagkonsumo
Maaksayang Pagkonsumo
Mapanganib na Pagkonsumo
Produktibong Pagkonsumo
Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Mas madalas na bumili ng isda si Aling Maria dahil mas mura ito kumpara sa karne ng baboy.
Kita
Mga Inaasahan
Panlasa
Populasyon
Presyo
Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Ayon sa balita ay magkakaroon ng malakas na bagyo sa susunod na linggo, kaya marami na ang nagtungo sa pamilihan upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.
Kita
Mga Inaasahan
Panlasa
Populasyon
Presyo
Tukuyin kung anong salik ang nakaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Dahil sa liit ng suweldo na natatanggap ni Mang Diego ay pinagkakasya na lang ng kaniyang pamilya ang isang kilo ng bigas para sa dalawang araw.
Kita
Mga Inaasahan
Panlasa
Populasyon
Presyo
Sitwasyon blg 1 Matagal nang binabalik-balikan ni Justin ang sapatos na gustung-gusto niya sa isang mall. Pero hindi niya ito mabili dahil medyo mahal at naghihinayang siya sa pera. Subalit ng minsang nagkaroon ng sale at naging 50% discount ang presyo nito, hindi na siya nagdalawang isip, kanyang itong binili agad
Pagbabago sa presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demontration effect
Nung nagsisimula pa lang sa kanyang trabaho si Joan todo-budget niya ang kanyang pera. Madalas, nagbabaon siya ng pagkain para makatipid. Pero simula ng mapromote siya bilang manager, sa labas na ito madalas kumain at magshopping ng mamahaling mga gamit
Pagbabago ng presyo
Mga inaasahan
Pagkakautang
Kita
Demonstration effect
Habang sakay ng kanyang kotse si Rebecca, narinig nito ang balita na nakatakdang tumaas ng Php5.00 kada litro ang presyo ng gasolina kinabukasan. Kaya’t bago umuwi, dumaan muna siya sa gasolinahan para magpa-fulltank.
Kita
Demontration Effect
Pagkakautang
Mga Inaasahan
Pagbabago ng presyo
Malungkot si Tonyo na hindi niya mabibili ang bike na matagal ng hinihingi ng kanyang anak. Ito’y kahit katatanggap niya lang ng bonus at 13th month pay. Halos wala na kasing natira sa mga ito dahil napunta lang karamihan sa pagbabayad ng utang.
Pagbabago ng presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demonstration Effect
Dahil patok sa ngayon ang mga koreanovela, nahumaling si Rose Ann sa mga K-POP artist. Kaya ganun na lamang ang kanyang pagtitipid sa kanyang baon makabili lang ng mga souvenir items na may larawan ng kanyang paboritong K-POP artist
Pagbabago ng presyo
Kita
Mga Inaasahan
Pagkakautang
Demonstration Effect
3. Ano ang tawag sa pagbili at paggamit ng mga pangangailangan at kagustuhan at serbisyo?
PAGGASTOS
PAGKONSUMO
KAKULANGAN
KAKAPUSAN
Anong salik ang nakakaimpluwensiya sa mamimili kung saan nagbigay ito ng impormasyon upang hikayatin ang mga tao na tangkilikin ang isang produkto at serbisyo?
ETNICITY
KASARIAN
DEMONSTRATION EFFECT
SALES TALK
Ang pagkonsumo ay bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga salik ng pagkonsumo ang nakakaapekto sa paraan pagkonsumo ng isang abogado at isang construction worker?
a. Mga inaasahan c.pagbabago sa presyo
b. Pagkakautang d. kita
INAASAHAN
PRESYO
PAGKAKAUTANG
KITA
Minsan, madaling maimpluwensiyahan ng anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at maging sa internet ang mga tao , anong salik ito na nakakaapekto sa pagkonsumo?
INAASAHAN
KITA
PAGKAKAUTANG
DEMOSTRATION EFFECT
Si Leny ay guro sa pampublikong paaralan, nagsalary loan siya upang matustosan ang pag-aaral ng kanyang anak. Sa kadahilanang ito ay nabawasan ang kanyang pagkonsumo. Anong salik ito?
a. Mga inaasahan c.pagbabago sa presyo
b. Pagkakautang d. kita
INAASAHAN
PPRESYO
PAGKAKAUTANG
KITA
