Font size
WorksheetsAP 7 MASTERY TEST
Total questions: 55
Worksheet time: 29mins
Ang salitang Heograpiya hango sa salitang geo na ang ibig sabihin ay ______at graphien na ang ibig sabihin ay pagsulat.
Earth
Geology
Rocks
Fossils
Ang Asya ay nakahati sa ______ rehiyon batay sa pagkakatulad ng pagkakakilanlan ng mga magkalapit na bansa
2
3
4
5
Ang Timog-Silangang Asya ay nakatapat malapit sa equator at may klimang _________, kung kaya’t lahat ng bansa rito ay nakakaranas ng tiyak na tag-ulan at tagtuyot na panahon.
Arid
Tropical
Polar
Tundra
Ang hangin na nanggagaling sa Indian Ocean sa buwan ng Abril hanggang Setyembre ay tinatawag na hanging _________.
Amihan
Habagat
Easterlies
Low Pressure
Ito ang anyong tubig na naghihiwalay sa Pilipinas mula sa Indonesia
Sulu Sea
Celebes Sea
Bashi Channel
Philippine Sea
Ito ang anyong tubig na napagigitnaan ng dalawang kalupaan, at kadalasang ginagamit bilang mga pangunahing ruta ng kalakalan sa Timog-Silangang Asya.
Kipot
Look
Ilog
Karagatan
Ito ang pinakamalaking pulo sa Timog-Silangang Asya na may tatlong bansang nakabahagi.
Greenland
Borneo
Luzon
Hawaii
Isang bulkan sa Indonesia na nagatala ng pinakamalakas na pagsabog noong 1883.
(a)
Ito ang tawag sa paraan ng pagtatanim sa mabundok na lupain kung saan gumagawa ng mala-hagdan na sakahan.
(a)
Ito ang paraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar gamit ang coordinates
(a)
Ang Timog-SIlangang Asya, bagamat isang rehiyon, ay kalipunan ng magkakaibang wika, kultura, at pagkakakilanlan, kung kaya’t ito ay inihalintulad sa isang (a) .
Ang wikang Cebuano ay isa lamang sa mga dayalektong kabilang sa pamilya ng wika sa Timog-Silangang Asya na kung tawagin ay (a) .
Ito ay tumutukoy sa grupong kinabibilangan na itinuturing ng isang tao para sa kanyang sarili.
(a)
Ang pangkalupaang Timog-Silangang Asya ay tinatawag ding (a) dahil sa pagiging malapit nito sa dalawang bansa (India at China) na may malaking impluwensiya rin sa kultura ng mga bansa.
Ito ay tumutukoy sa paraan ng ugnayan sa pagitan ng tao at ng mga institusyon sa isang lipunan.
(a)
Ang pagkakaiba-iba ng mga pangkat-etnolinggwistiko sa Timog-Silangang Asya ay nagdulot ng pagkakaisa at mabilis na integrasyon sa lipunan
TAMA
MALI
Ang ugnayang pangkapangyarihan sa Thailand at Vietnam ay may impluwensiya ng relihiyon.
TAMA
MALI
Ang lipunang sekular ay mayroong paghihiwalay ng papel ng estado at relihiyon.
TAMA
MALI
Ang sistemang caste o uri sa ilang lipunan sa Timog-Silangang Asya ay nagpapakita ng pantay-pantay na pagtingin sa bawat kasapi ng lipunan
TAMA
MALI
Ang kolonyalismo ay nakaapekto sa pananampalataya ng mga bansa sa rehiyon, kaya’t may mga bansang Kristiyano.
TAMA
MALI
Isa sa mga pakinabang ng pagkakaroon ng maraming pangkat-etnolinggwistiko ay ang paglawak ang kultura at pagkakaunawaan.
TAMA
MALI
Ang Islam ay lumaganap sa rehiyon hindi lamang sa pananakop kundi pati sa kalakalan.
TAMA
MALI
Ang Pilipinas ay isang halimbawa ng lipunang di-sekular
TAMA
MALI
Ang Absolute Monarchy ay isang sistema ng pamahalaan kung saan limitado ang kapangyarihan ng isang hari.
TAMA
MALI
Ang pagboto ng mga kinatawan na sila ring boboto sa isang pagtitipon o assembly upang pag desisyonan ang mga batas na ipapatupad at mga usaping pampamahalaan ay isang tanda ng republika.
TAMA
MALI
Ang mga wikang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray, Hiligaynon, Malay, Javanese, at Sundanese ay kabilang sa pangkat-etnolingguwistiko na tinatawag na:
Austroasiatic
Tibeto-Burman
Tai-Kadai
Papuan
Austronesian
Ang mga wikang pangkalupaan katulad ng Mon, Khmer, at Vietnamese ay kabilang sa pangkat-etnolingguwistiko tinatawag na _________.
Austroasiatic
Tibeto-Burman
Tai-Kadai
Papuan
Austronesian
Ang mga wika tulad ng Bamar, Karen, Naga, at Kachin ay kabilang sa pangkat na tinatawag na _________.
Austroasiatic
Tibeto-Burman
Tai-Kadai
Papuan
Austronesian
Ang Thai, Lao, at Shan ay kabilang sa pangkat na _________.
Austroasiatic
Tibeto-Burman
Tai-Kadai
Papuan
Austronesian
Ang mga wika tulad ng Ternate, Asmat, Maybrat, Abun, Tehit, at Fataluku ay kabilang sa mga wikang _________.
Austroasiatic
Tibeto-Burman
Tai-Kadai
Papuan
Austronesian
Itinuturo nito ang paraan ng pamumuhay na sang-ayon sa Four Noble Truths at Eightfold Path.
Kristiyanismo
Budismo
Islam
Ang relihiyong ito ay dinala sa Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng mga mangangalakal mula sa Arabia at Persia noong ika-13 siglo.
Kristiyanismo
Budismo
Islam
Tunguhin ng mga tagasunod sa relihiyong ito ang maabot ang nirvana o ang kalagayang malaya mula sa paghihirap at pagdurusa.
Kristiyanismo
Budismo
Islam
Itinuturo ng relihiyong ito paraan ng pamumuhay na sumusunod sa limang pangunahing haligi ng kanilang paniniwala at sa mga patakaran at kautusan ng Koran.
Kristiyanismo
Budismo
Islam
Ito ay dinala ng mga mananakop na Espanyol sa Pilipinas.
Kristiyanismo
Budismo
Islam
Alin sa sumusunod ang katangiang pisikal ng Singapore bilang bahagi ng Timog-Silangang Asya?
Nasa pagitan ito ng Dagat Timog Tsina at Karagatang Indian.
Kilala ito dahil sa Tubbataha Reefs.
Mayaman ito sa yamang mineral tulad ng ginto.
Isa ito sa mga nangungunang prodyuser ng seaweed.
Alin sa dalawang bansa o kontinenteng nakalista sa ibaba ang may malaking impluwensiya sa Timog-Silangang Asya dulot ng pisikal na pagiging malapit nito sa rehiyon?
ang kontinente ng Australia
ang Amerika at Europa
ang India at Tsina
ang arabia at Espanya
Alin sa mga sumusunod na mga bansa ang HINDI dinaraanan ng Ilog Mekong?
Thailand
Laos
Malaysia
Cambodia
Sa aling bahagi ng Timog-Silangang Asya matatagpuan ang Pilipinas?
sa Karagatang Indian
sa Karagatang Pasipiko
pangkontinenteng Timog-Silangang Asya
pangkapuluang Timog-Silangang Asya
Ano ang tawag sa rehiyon kung saan ang Ilog Mekong ay naghihiwalay sa mas maraming maliliit na sanga patungong Dagat Timog Tsina?
Mekong Delta
Mekong Valley
Mekong Plateau
Mekong Basin
Kung isa kang magsasaka, aling panahon ang pinakaabangan mo upang magkaroon ng sapat na irigasyon sa iyong palayan?
Tag-ulan
Tag-lamig
tag-init
tag-araw
Kung ikaw ay isang environmentalist na nagnanais pag-aralan ang epekto ng klima sa biodiversity ng Timog-Silangang Asya, saan ka mag-uumpisa?
mga kagubatan sa Timog-Silangang Asya
mga palayan sa Vietnam
mga kapatagan sa Laos
mga ilog sa Myanmar
Bakit limitado ang interaksyon ng mga sinaunang pamayanan sa kapatagan at kabundukan ng Pilipinas?
dahil mahirap na terrain o kalupaan
dahil sa kakulangan sa komunikasyon
dahil sa kawalan ng kagustuhang mag-ugnayan
dahil sa kagustuhan nilang manatili sa kanilang komunidad.
Alin sa sumusunod ang epekto ng pagkakaroon ng masaganang likas na yaman sa kultura ng mga bansa sa pangkapuluang Timog-Silangang Asya?
pagkakaroon ng iba’t ibang tradisyon sa pangingisda, sining, at musika
pagkakaroon ng mataas na kita sa bansa
pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon
pagkakaroon ng malalakas na relasyong diplomatiko sa iba’t ibang bansa
Paano naging mahalaga ang mga dagat at karagatan na nakapaligid sa Pilipinas?
Naging dahilan ito upang magkaroon ng malalim na ugnayan sa mga bansa sa Aprika.
Pinigilan nito ang mga dayuhan na pumasok sa Pilipinas at sa rehiyon.
Nagsilbi itong hangganan at ugnayan sa iba’t ibang bansa sa Timog-Silangang Asya.
Nagbigay ito ng espesyal na ruta papuntang Europa.
Ang sumusunod ay ang mga bansang katatagpuan ng mga lenggwaheng Austroasiatic, maliban sa:
Cambodia
Vietnam
ilang bahagi ng Thailand
Indonesia
Alin sa ma sumusunod na salik sa palaganap ng mga pangkat-etnolingguwistiko ang tumutukoy sa pangingibabaw ng impluwensiyang kultural, relihiyon, o ekonomik sa iba pang grupo.
Asimilasyon
Kalakalan
Migrasyon
Politikal
Ang sumusunod ay mga bansang may lipunang sekular, maliban sa:
Brunei
Pilipinas
Indonesia
Thailand
Alin sa sumusunod na na pahayag ang hindi TAMA?
pinalalim at pinayaman ng iba’t ibang sistema ng pananampalataya ang kultura ng Timog-Silangang Asya.
Maraming kaugalian at tradisyon sa Thailand, Myanmar, at Cambodia ang nagmula sa Budismo.
Mas marami ang bilang ng mga naniniwala sa Budismo kaysa Kristiyanismo as Pilipinas.
May iba’t ibang sekta sa pananampalatayang Kristiyano gaya ng Romano Katoliko, Iglesia ni Kristo, Born Again Christian, at iba pa.
Alin sa sumusunod ang pinakamahusay na nagpapakita ng tamang ugnayan sa pahayag na ito? Awtokratikong Pamamahala : ____________ :: Demokratikong Pamamahala : Kalayaan
Diktadura
Batas Militar
Karapatang Pantao
Pang-aabuso
Laguna Copperplate Inscription : Ugnayang panrehiyon :: Manunggul Jar : ______
Kalakalan
Kultura
Pananampalataya
Pamahalaan
Srivijaya : Karagatan :: Khmer : ______
Bundok
Disyerto
Ilog
Kapatagan
Rajah : Srivijaya :: Datu : ______
Khmer
Majapahit
Pilipinas
Vietnam
Barter system : Kalakalan :: Baybayin : ______
Pananampalataya
Panitikan
Pamahalaan
Pagsasaka
Khmer : Angkor Wat :: Ifugao : ______
Dambana
Hagdan-hagdang Palayan
Katipunan
Lantaka
