wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay sa Filipino 7.1

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tinutukoy na elemento ng teksto kapag pinag-uusapan ang pagkakaroon ng pangunahing ideya o tema?

a)

Estilo

b)

Estruktura

c)

Paksa

d)

Tono

2.

Ano ang layunin ng paggamit ng mga kulay sa isang visual na elemento ng teksto?

a)

Upang mapadali ang pag-print ng teksto

b)

Upang gawing maganda ang layout ng teksto

c)

Upang ipahayag ang emosyon o tono ng mensahe

d)

Upang gawing mas mahirap ang pag-unawa sa teksto

3.

Sa pagsusuri ng isang teksto, paano mo matutukoy kung ang mga detalye ay may kinalaman sa pangunahing ideya ng teksto?

a)

Sa pamamagitan ng pag-tutuon sa haba ng teksto

b)

Sa pamamagitan ng pag-tutuon sa damdamin ng may-akda

c)

Sa pamamagitan ng pag-tutuon sa mga detalye na hindi umaayon sa tema

d)

Sa pamamagitan ng pag-tutuon sa mga detalye na nagpapalakas o nagpapaliwanag sa pangunahing ideya

4.

Ano ang maaaring epekto ng tamang paggamit ng mga simbolo sa isang visual na presentasyon ng teksto?

a)

Nag-aalis ng kahulugan ng teksto

b)

Nagbibigay ng mga personal na opinyon

c)

Nagiging mas mahirap intidihin ang mensahe

d)

Nagpapalakas ng kakayahang magpahayag ng mensahe

5.

Alin sa mga sumusunod na elemento ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng impormasyon sa isang biswal na presentasyon?

a)

Font Style

b)

Layout

c)

Paglalarawan

d)

Pamagat

6.

Ano ang pangunahing layunin ng deskripsyon sa isang tekstong ekspositori?

a)

Magkuwento ng isang saloobin

b)

Magbigay ng tuwirang opinyon

c)

Magbigay ng diretsong instruksyon

d)

Ilarawan ang mga detalye at katangian ng isang bagay o ideya

7.

Ano ang tinutukoy ng estereotipo sa isang tekstong biswal?

a)

Ang pagbuo ng bagong ideya

b)

Ang pagpapakita ng personal na karanasan

c)

Ang pagtuon sa mga teknikal na aspeto ng biswal

d)

Ang paggamit ng mga pangkaraniwang kaisipan na may kinalaman sa isang pangkat

8.

Uri ng pagkakasunod-sunod na tumatalakay sa mga magkakaugnay na pangyayari ayon sa tamang panahon at oras, ano ang tinutukoy nito?

a)

Ekspositori

b)

Kronolohikal

c)

Prosidyural

d)

Sikwensyal

9.

Anong elemento ng tekstong biswal ang tumatalakay sa mga katangian na ipinapataw sa mga grupo ng mga tao dahil sa kanilang lahi, nasyonalidad at oryentasyon?

a)

Edad

b)

Kasarian

c)

Estereotipo

d)

Antas ng Pamumuhay

10.

Bakit kinakailangan ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga akda o gawain?

a)

Kailangan kasi

b)

Para tama palagi ito.

c)

Upang mas magandang tingnan

d)

Upang mas maging maayos ang kalalabasan nito.

11.

Ano ang pangunahing layunin ng isang tekstong ekspositori?

a)

Mang-aliw sa mga mambabasa

b)

Magkuwento ng isang fiction na kwento

c)

Magbigay ng opinyon tungkol sa isang paksa

d)

Magbigay ng impormasyon at paliwanag tungkol sa isang

12.

Alin sa mga sumusunod na bahagi ng isang tekstong ekspositori ang tumutukoy sa pagpapakilala ng paksa?

a)

Katanungan

b)

Konklusyon

c)

Panimula

d)

Paglalahad ng mga detalye

13.

Ano ang tinutukoy ng “pagtukoy sa paksa” sa isang tekstong ekspositori?

a)

Pagsusuri ng estilo ng pagsulat

b)

Pagbibigay ng isang bagong ideya

c)

Pagbuo ng mga tanong para sa diskusyon

d)

Paglalarawan ng mga pangunahing ideya at detalye na ukol sa paksa

14.

Paano mo malalaman kung ang isang teksto ay ekspositori?

a)

Kapag ang teksto ay naglalaman ng mga tula at salawikain

b)

Kapag ang teksto ay naglalaman ng mga tauhan at kwento

c)

Kapag ang teksto ay nagbibigay ng mga personal na opinyon

d)

Kapag ang teksto ay nagbibigay ng mga detalye, paliwanag, at impormasyon tungkol sa isang paksa

15.

Alin sa mga salawikain ang hindi nagsasaad ng sanhi at bunga?

a)

Ang taong gipit, sa patalim kumakapit

b)

Kung may sipag at tiyaga, may nilaga

c)

Kapag may sinuksok, may madudukot

d)

Magbiro ka sa lasing, wag lang sa bagong gising

16.

Sa isang tekstong ekspositori, ano ang tinutukoy ng estruktura ng sanhi at bunga?

a)

Ang paghahati ng teksto sa mga bahagi nito

b)

Ang pagpapahayag ng personal na opinyon

c)

Ang pagbuo ng konklusyon mula sa mga ideya

d)

Ang pagtalakay sa mga kaganapan na nagdudulot ng mga epekto

17.

Paano mo matutukoy ang sanhi at bunga sa isang tekstong ekspositori?

a)

Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga detalye ng paksa

b)

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng estilo ng pagsulat

c)

Sa pamamagitan ng pagsuri sa mga pangungusap na nag-uugnay ng mga kaganapan

d)

Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan na kasama sa teksto

18.

Paano mo masusuri ang representasyon ng edad sa isang tekstong biswal?

a)

Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kulay na ginamit

b)

Sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangalan ng artist

c)

Sa pamamagitan ng pag-check sa haba ng teksto

d)

Sa pamamagitan ng pagsusuri kung ang mga tauhan ay nagpapakita ng aktwal na katangian ng kanilang edad

19.

Ano ang kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?

a)

bunga

b)

dahilan

c)

sanhi

d)

ugat

20.

Alin sa mga sumusunod na elemento ang maaaring isama sa bayograpikal na sanaysay upang maging multimodal?

a)

Liham

b)

Talumpati

c)

Sanaysay lamang

d)

Larawan, video, at infograpiko