wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 1ST QUARTER EXAM

Total questions: 60

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing tunguhin ng isip?

a)

Magdesisyon batay sa damdamin

b)

Kumilos nang walang pag-iisip

c)

Mag-isip at umunawa ng katotohanan

d)

Magpasiya agad-agad

2.

Ano ang mataas na gamit ng isip?

a)

Pagpapasya batay sa bugso ng damdamin

b)

Pag-unawa sa mga detalye ng pelikula

c)

Pagkilala sa tama at mali batay sa katwiran

d)

Pagbibigay ng sariling opinyon sa lahat ng bagay

3.

Pinili ni Carla na tumulong sa kaklase kaysa maglaro. Alin ang ginamit niya?

a)

Kilos-loob na batay sa pansariling kagustuhan

b)

Mataas na gamit ng damdamin

c)

Mataas na gamit ng isip at kilos-loob

d)

Wala sa nabanggit

4.

Ano ang pagkakaiba ng isip sa kilos-loob?

a)

Isip ay tumutukoy sa pag-ibig; kilos-loob sa galit

b)

Isip ay nagbibigay direksyon; kilos-loob ay nagpapatupad ng pasya

c)

Isip ay emosyonal; kilos-loob ay walang damdamin

d)

Wala silang pagkakaiba

5.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maling paggamit ng isip at kilos-loob?

a)

Pagpapasya base sa makatuwirang pag-iisip

b)

Pagpapatawad sa nagkasala

c)

Pagdesisyon dahil sa matinding galit

d)

Pagkilala sa tama at mali

6.

Paano masusuri kung tama ang paggamit ng isip at kilos-loob?

a)

Kung napasaya ang lahat

b)

Kung nakabuti ito sa sarili at kapwa

c)

Kung mabilis ang naging desisyon

d)

Kung walang nakapansin

7.

Ano ang kahulugan ng kahinaan sa pagpapasya?

a)

Mabilis magdesisyon

b)

Kakulangan sa kakayahang gumawa ng tamang desisyon

c)

Pagkakaroon ng maraming opinyon

d)

Kumpiyansa sa lahat ng desisyon

8.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kahinaan sa pagpapasya?

a)

Maingat sa bawat hakbang

b)

Hindi marunong makinig sa opinyon ng iba

c)

Gumagawa ng plano bago magdesisyon

d)

Nagpapasya base sa ebidensya

9.

Kung alam mong padalus-dalos ka sa pagpapasya, ano ang tamang hakbang upang ito ay maiwasan?

a)

Magpasya agad para matapos na

b)

Kumonsulta sa mapagkakatiwalaang tao

c)

Kalimutan ang problema

d)

Iwasan ang lahat ng desisyon

10.

Ano ang maaaring epekto ng hindi pagkilala sa sariling kahinaan sa pagpapasya?

a)

Mas mabilis ang pagdedesisyon

b)

Mas nagiging maingat sa aksyon

c)

Maaaring humantong sa maling pasya

d)

Nagiging determinado sa buhay

11.

Kung gagawa ka ng isang "decision checklist", ano ang dapat isama?

a)

Opinyon ng lahat ng kakilala

b)

Emosyonal na reaksyon sa sitwasyon

c)

Mga tanong gaya ng: Ano ang layunin? Anong opsyon? Ano ang maaaring kahihinatnan?

d)

Araw ng paggawa ng desisyon

12.

Paano ka makakabuo ng konkretong plano upang matugunan ang iyong kahinaan sa pagpapasya?

a)

Gumawa ng random na listahan

b)

Magsimula agad kahit walang plano

c)

Magtakda ng layunin, hakbang, at tagasuri

d)

Huwag pansinin ang kahinaan

13.

Ang isip ay ginagamit upang...

a)

kontrolin ang damdamin ng iba

b)

linlangin ang sarili at ang iba

c)

magnilay at magpasya batay sa katotohanan

d)

sundin ang dikta ng lipunan

14.

Paano nagkakaugnay ang kilos-loob sa pagmamahal?

a)

Ito ay nagbibigay ng pansariling kaligayahan

b)

Ginagamit ito upang makuha ang gusto mo

c)

Pinipili nito ang mabuti para sa kapwa

d)

Lumilikha ito ng emosyon para sa sarili

15.

Kung may nakita kang bata na umiiyak dahil nawawala ang kanyang magulang, paano mo magagamit ang isip at kilos-loob sa sitwasyong ito?

a)

Ipagkibit-balikat at umalis

b)

Tawanan siya upang tumigil sa pag-iyak

c)

Hanapin ang magulang niya at samahan siya habang naghihintay

d)

Kunin ang kanyang gamit at iwanan siya

16.

Sa isang proyekto, hindi tumutulong ang isa mong ka-grupo. Ano ang dapat mong gawin upang mapanatili ang pagmamahal at paglilingkod?

a)

Siraan siya sa guro

b)

Magalit sa kanya sa harap ng lahat

c)

Kausapin siya nang maayos at hikayatin siyang tumulong

d)

Gawin na lang lahat at huwag siyang pansinin

17.

Ano ang maaaring mangyari kung ang kilos-loob ay hindi ginagabayan ng isip sa paghahanap ng katotohanan?

a)

Mas magiging makatao ang kilos

b)

Magkakaroon ng maling desisyon o aksyon

c)

Mas madali ang mga gawain

d)

Walang epekto sa desisyon

18.

Paano nagtutulungan ang isip at kilos-loob upang makapili ng mabuti?

a)

Ang isip ay nagbibigay ng emosyon, at ang kilos-loob ay sumusunod sa damdamin

b)

Ang isip ay naglalayon, at ang kilos-loob ay tumatanggi sa layunin

c)

Ang isip ay naghahatid ng kaalaman, at ang kilos-loob ay pumipili batay dito

d)

Wala silang koneksyon

19.

Kapag ginamit ang isip at kilos-loob sa pagmamanipula ng iba, ito ay isang halimbawa ng...

a)

makataong kilos

b)

pagmamahal sa kapwa

c)

maling paggamit ng kakayahang moral

d)

wasto at makatarungang pasya

20.

Piliin ang kilos na higit na nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob:

a)

Pagtulong sa kapwa upang makakuha ng kapalit

b)

Pagbibigay ng donasyon para lamang sa papuri

c)

Pagtulong sa matanda kahit walang nakakakita

d)

Pag-iwas sa responsibilidad sa grupo

21.

Ano ang ibig sabihin ng "paghahanap ng katotohanan" sa konteksto ng moral na kilos?

a)

Pagkakaroon ng maraming kaalaman

b)

Pagtanggap ng anumang sinasabi ng iba

c)

Pagsisikap na alamin kung ano ang tama batay sa konsensya at katwiran

d)

Pagkiling sa opinyon ng karamihan

22.

Ang tunay na paglilingkod ay ipinapakita sa pamamagitan ng:

a)

Pagtulong lang sa mga taong kilala mo

b)

Pagbibigay ng sobra sa iyong kakayahan

c)

Paglilingkod kahit walang kapalit

d)

Pagpapakita ng awa kahit hindi mo gusto

23.

Kung nakita mong may batang umiiyak dahil nawala ang kanyang magulang sa palengke, ano ang angkop na kilos upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod?

a)

Hayaan siya dahil hindi mo naman siya kilala

b)

Tawagin ang security o tulungan siyang makahanap ng magulang

c)

Umalis agad at wag nang makialam

d)

I-video at i-post sa social media

24.

Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paghahanap sa katotohanan?

a)

Kopyahin na lang ang sagot ng katabi kapag mahirap ang tanong

b)

Gumamit ng internet para alamin ang tamang sagot at suriin ito

c)

Magtanong sa kaklase kung anong sagot niya at yun na rin ang piliin

d)

Iwasan ang paggawa ng assignment para hindi mapagod

25.

Alin sa mga sumusunod na kilos ang hindi nagpapakita ng tunay na paghahanap ng katotohanan?

a)

Pag-aaral ng dalawang panig ng isyu bago magdesisyon

b)

Pagkopya ng sagot para lamang makapasa

c)

Pakikipagdiskurso sa iba tungkol sa moral na isyu

d)

Pagkilatis sa impormasyon sa social media

26.

Sa isang proyekto, lahat ng kasamahan mo ay ayaw tumulong. Anong kilos ang magpapakita ng iyong kakayahang maglingkod at magmahal?

a)

Hayaan na lang silang hindi tumulong

b)

Ipagkalat sa iba na tamad ang grupo mo

c)

Gawin ang kaya mo at hikayatin silang tumulong

d)

Huwag na ring gawin ang proyekto

27.

Pumili ka ng tama: Alin sa mga ito ang pinakamagandang gawin kapag may alitan sa pagitan ng dalawang kaibigan?

a)

Pumanig agad sa mas malapit mong kaibigan

b)

Iwasang makialam sa usapan

c)

Pakinggan ang parehong panig at hikayating magkaayos

d)

Pagtawanan ang away nila

28.

Ano ang pangunahing layunin ng Likas na Batas Moral?

a)

Maparusahan ang masasamang tao

b)

Magtakda ng batas sa simbahan

c)

Gabayan ang tao sa paggawa ng mabuti at iwasan ang masama

d)

Magsilbing batayan ng sibil na bata

29.

Paano ipinahahayag ang Likas na Batas Moral?

a)

Sa pamamagitan ng damdamin lamang

b)

Sa kautusan ng simbahan

c)

Sa konsensyang gumagana ayon sa katuwiran

d)

Sa mga panlabas na batas ng pamahalaan

30.

Kung may nakita kang pitaka sa daan, anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang dapat mong sundin?

a)

Panatilihin ang nahanap na pitaka

b)

Ibalik ito sa may-ari o isuko sa kinauukulan

c)

Ibahagi ang laman sa mga kaibigan

d)

Gamitin ito para

31.

Sa isang sitwasyong may nasasaktan dahil sa paninirang puri, ano ang tamang gawin batay sa Likas na Batas Moral?

a)

Manahimik na lamang

b)

Makisali sa paninirang puri

c)

Ituwid ang pagkakamali at ipagtanggol ang totoo

d)

Layuan ang taong sinisiraan

32.

Bakit itinuturing na unibersal ang Likas na Batas Moral?

a)

Dahil ito ay para lamang sa mga Kristiyano

b)

Dahil ito ay isinulat sa Bibliya

c)

Dahil ito ay naka-ugat sa likas na katuwiran ng tao

d)

Dahil ito ay ipinag-uutos ng gobyerno

33.

Ano ang magiging epekto kung hindi susundin ng tao ang Likas na Batas Moral?

a)

Mawawalan ng halaga ang relihiyon

b)

Mawawala ang pagkakaisa sa lipunan at malalabag ang dignidad ng tao

c)

Lalong uunlad ang lipunan

d)

Magiging masaya ang lahat

34.

Tama bang ihalintulad ang Likas na Batas Moral sa personal na opinyon? Bakit?

a)

Oo, dahil pareho lang silang base sa damdamin

b)

Hindi, dahil ang Likas na Batas Moral ay naka-ugat sa unibersal na katuwiran, hindi sa pansariling pananaw

c)

Oo, dahil lahat ng tao ay may kani-kaniyang paniniwala

d)

Hindi, dahil wala itong batayan sa realidad

35.

Ano ang dapat isaalang-alang ng tao sa pagpapasya batay sa Likas na Batas Moral?

a)

Sariling kagustuhan

b)

Utos ng nakararami

c)

Mabuti at makataong layunin, ayon sa katwiran

d)

Kagustuhan ng pamahalaan

36.

Ano ang tawag sa kakayahang makilala ang tama at mali sa kilos ng tao batay sa panloob na tinig ng isipan at damdamin?

a)

Kalooban

b)

Konsiyensiya

c)

Isip

d)

Damdamin

37.

Anong uri ng pasya ang bunga ng mabuting konsiyensiya?

a)

Pasya ng damdamin

b)

Pasya ng lipunan

c)

Pasya ng isip lamang

d)

Pasya ng kabutihan

38.

May nakita kang matandang nahulog ang gamit sa daan. Ano ang nararapat gawin batay sa konsiyensiya?

a)

Dumaan na lang at huwag makialam

b)

Tawagin ang iba para tumulong

c)

Pulutin at ibalik ang gamit sa matanda

d)

Umalis kaagad sa lugar

39.

Nais mong sumama sa lakad ng barkada kahit may proyekto kang kailangang ipasa bukas. Ano ang dapat mong piliin kung pakikinggan ang iyong konsiyensiya?

a)

Sumama at bahala na sa proyekto

b)

Ayusin muna ang proyekto bago sumama

c)

Magpasa ng huling kopya kahit hindi tapos

d)

Magpatulong sa iba kahit hindi ikaw gumawa

40.

Pumili ng tamang hakbang na maaaring isulat sa isang journal entry upang mas mapatatag ang konsiyensiya.

a)

Gawin kung ano ang madali kahit mali

b)

Magmuni muni sa mga nagawang desisyon araw-araw

c)

Umiwas sa mga gawaing may pananagutan

d)

Gumaya sa desisyon ng kaibigan

41.

Ano ang ibig sabihin ng maling pasya?

a)

Pasya na naaayon sa tamang prinsipyo

b)

Pasya na hindi pinag-isipan nang mabuti

c)

Pasya na tinulungan ng kaibigan

d)

Pasya na may gabay ng magulang

42.

Bakit mahalagang itama ang maling pasya?

a)

Upang maiwasan ang responsibilidad

b)

Upang makaiwas sa trabaho

c)

Upang maituwid ang pagkakamali at matuto

d)

Upang mapasaya ang lahat

43.

Kung nasaktan mo ang iyong kaibigan dahil sa isang maling biro, ano ang dapat mong gawin?

a)

Iwasan siya habang buhay

b)

Magkunwaring walang nangyari

c)

Humingi ng tawad at ipaliwanag ang iyong panig

d)

Maghanap ng ibang kaibigan

44.

Gumawa ka ng maling pasya na hindi magsauli ng wallet na napulot mo. Ano ang angkop na kilos upang maitama ito?

a)

Itago ang wallet para walang makaalam

b)

Ibenta ang laman ng wallet

c)

Isauli ito sa may-ari o sa awtoridad

d)

Isali ito sa koleksyon mo

45.

Kung ikaw ay gumawa ng desisyong nanakit sa damdamin ng iyong magulang, anong malikhaing paraan ang maaari mong gawin upang itama ito?

a)

Gawan sila ng sulat na may paghingi ng tawad at pangakong pagbabagong-loob

b)

Iwasan muna sila hanggang lumamig ang sitwasyon

c)

Bumili ng bagong gamit bilang kapalit

d)

Magbiro para mapatawa sila

46.

Sino ang pangunahing may pananagutan sa paggamit ng kalayaan?

a)

Pamahalaan

b)

Simbahan

c)

Bawat indibidwal

d)

Guro

47.

Ano ang maaaring maging epekto ng kalayaang walang pananagutan?

a)

Pagkakaroon ng kaayusan

b)

Pagkakaisa ng bawat isa

c)

Kakulangan sa disiplina at kaguluhan

d)

Mas malawak na pagkakaintindihan

48.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan?

a)

Pagsunod lamang kung kailan gusto

b)

Pagpapahayag ng opinyon kahit nakakasakit

c)

Pagpapasya ayon sa kabutihan ng nakararami

d)

Pagtutol sa batas dahil sa sariling kagustuhan

49.

Ang isang taong gumamit ng kalayaan upang manira ng iba ay maaaring masabing:

a)

Ginagamit ang kalayaan sa tama

b)

Isang halimbawa ng responsableng mamamayan

c)

Abusado sa kanyang karapatan

d)

Marunong magpahayag ng sarili

50.

Paano mo ipapakita ang tunay na kalayaan sa iyong komunidad?

a)

Pagtutol sa anumang batas

b)

Pagpapahayag ng opinyon kahit masakit

c)

Pagtulong sa kapwa at paggalang sa karapatan ng iba

d)

Paglabag sa patakaran basta hindi nahuhuli

51.

Ano ang ibig sabihin ng kalayaan?

a)

Pagkakaroon ng kapangyarihang gawin ang kahit anong nais

b)

Pagpili at paggawa ng tama ayon sa konsensiya

c)

Hindi pagsunod sa utos ng magulang

d)

Paggawa ng sariling batas sa buhay

52.

Kung may kaklase kang niloloko sa social media, alin sa mga sumusunod ang tamang paggamit ng iyong kalayaan?

a)

Sumali sa panlalait

b)

Manahimik na lang

c)

I-report ang pangyayari at ipagtanggol ang kaklase

d)

I-share ang post para makita ng iba

53.

Inalok ka ng kopya ng sagot sa exam. Ano ang dapat mong gawin bilang malayang tao?

a)

Tanggihan at magsikap mag-aral

b)

Tanggapin para hindi bumagsak

c)

Huwag sagutin ang exam

d)

Magbayad para sa sagot

54.

Pinili ni Andrea na tumigil sa pag-aaral para magtrabaho at tulungan ang pamilya. Ang kanyang pasya ay isang:

a)

Maling paggamit ng kalayaan

b)

Wastong desisyon ayon sa pagmamahal at responsibilidad

c)

Pagtataksil sa sarili

d)

Walang kinalaman sa Kalayaan

55.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na plano upang gamitin ang kalayaan sa pagtulong sa komunidad?

a)

Magsimula ng proyekto ng paglilinis sa barangay

b)

Manood ng TV habang may naglilinis

c)

Magbakasyon tuwing clean-up drive

d)

Mag-post sa social media pero walang ginagawa

56.

Bakit may dignidad ang bawat tao?

a)

Dahil sa kanyang kayamanan

b)

Dahil siya ay may mataas na posisyon

c)

Dahil siya ay likha sa wangis ng Diyos

d)

Dahil sa kanyang edad

57.

Alin sa mga sumusunod ang hindi batayan ng dignidad?

a)

Edukasyon

b)

Pagiging tao

c)

Pagkakaroon ng konsensya

d)

Pagkakapantay-pantay

58.

Isang estudyanteng may kapansanan ay tinutukso ng kanyang mga kaklase. Aling kilos ang nagpapakita ng paggalang sa kanyang dignidad?

a)

Sumama sa panunukso

b)

Pagtanggol at pakikisama sa kanya

c)

Pag-iwas na makialam

d)

Pagtawag sa guro para pagalitan siya

59.

Ang iyong kamag-anak ay walang pinag-aralan ngunit marangal na namumuhay. Paano mo siya mapapahalagahan?

a)

Iwasang kausapin

b)

Ipagmalaki sa iba ang kanyang pagkukulang

c)

Kilalanin ang kanyang kabutihang-loob

d)

Ipagkumpara siya sa mga propesyonal

60.

Ano ang iyong masasabi sa paniniwalang 'mas mahalaga ang mayayaman kaysa sa mahihirap'?

a)

Tama, dahil sila ay matagumpay

b)

Mali, dahil ang dignidad ay hindi nakabase sa yaman

c)

Tama, dahil sila ang nagbibigay ng trabaho

d)

Depende sa sitwasyon