wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 10 1ST QUARTER EXAM

Total questions: 60

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga.

a)

Lipunan

b)

Komunidad

c)

Bansa

d)

Organisasyon

2.

Si Andre ay isang kapitan ng Brgy. Agustin, nang lumikas sila sa baha, siya at ang kanyang mga kagawad ang nangunguna sa pagrescue sa mga bata at kalauna'y nagpapakain sa mga nakatira sa evacuation center. Ang kanilang ginawa ay__________.

a)

Kultura

b)

Folkways

c)

Gampanin (Roles)

d)

Mores

3.

Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.

a)

Isyu

b)

Kasaysayan

c)

Kontemporaryong Isyu

d)

Kultura

4.

Ano ang ibig sabihin ng "kontemporaryong isyu"?

a)

Isyu na nangyari noong panahon ng Kastila

b)

Mga lumang isyung pampulitika

c)

Mga isyung may kinalaman sa hinaharap

d)

Mga isyung napapanahon at may malaking epekto sa lipunan

5.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?

a)

Pananakop ng mga Amerikano

b)

Epekto ng climate change

c)

Pagkakatatag ng Katipunan

d)

Panahon ng pre-kolonyal

6.

Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang kaalaman sa kontemporaryong isyu upang makatulong sa pagtugon sa suliraning pangkapaligiran sa inyong lugar?

a)

Iwasan ang pagtalakay sa isyu upang hindi lumaki ang problema

b)

Mag-organisa ng mga aktibidad gaya ng tree planting at clean-up drive

c)

Maghintay na lang ng aksyon mula sa gobyerno

d)

Huwag pansinin ang isyu dahil hindi naman ito direktang epekto sa sarili

7.

Paano mo maipapakita ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu sa social media?

a)

Sa pamamagitan ng pagpo-post ng memes tungkol sa isyu

b)

Sa pagbabahagi ng personal na opinyon kahit walang basehan

c)

Sa pagsuporta sa mga viral trends lamang

d)

Sa pagbabahagi ng tama at mapanuring impormasyon tungkol sa mga isyu

8.

Ano ang pinaka-angkop na paraan upang gamitin ang iyong kaalaman sa kontemporaryong isyu kung may kaklase kang nalilito tungkol sa climate change?

a)

Sabihin sa kanya na mag-research na lang mag-isa

b)

Iwasan ang pakikipag-usap tungkol sa isyu

c)

Ipaliwanag sa kanya ang sanhi at epekto ng climate change gamit ang mga natutunan sa klase

d)

Pagtawanan siya dahil hindi niya ito alam

9.

Kung may balitang may paglabag sa karapatang pantao sa inyong lugar, ano ang dapat mong gawin bilang isang mag-aaral na may kaalaman sa kontemporaryong isyu?

a)

Huwag itong pag-usapan upang maiwasan ang gulo

b)

Manatiling neutral kahit mali ang nangyari

c)

Ibahagi ang balita sa iba at hikayatin silang maging mapagmatyag at makialam

d)

Sumali sa kaguluhan para ipakita ang pagtutol

10.

Paano nakaaapekto ang maling paggamit ng social media sa paghubog ng opinyon ng mamamayan sa mga isyung panlipunan?

a)

Nagiging mas mabilis ang pagkalat ng impormasyon, totoo man o hindi.

b)

Tinuturuan nito ang mga tao kung paano umiwas sa usaping panlipunan.

c)

Mas nakakatulong ito upang mabawasan ang pakikialam ng mga tao.

d)

Lalong nagiging totoo ang lahat ng nababasa online.

11.

Paano nakatutulong ang pag-aanalisa ng kontemporaryong isyu sa paghubog ng responsableng mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng nakikita sa social media.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tsismis tungkol sa isyu.

c)

Sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip at makataong pagpapasya.

d)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga problemang panlipunan.

12.

Ano ang maaaring maging epekto sa lipunan kung hindi pag-aaralan ng mga kabataan ang kontemporaryong isyu?

a)

Magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga kabataan.

b)

Mawawala ang interes ng mga kabataan sa pakikilahok sa mga usaping panlipunan.

c)

Matututo ang mga kabataan ng disiplina at respeto.

d)

Tataas ang antas ng edukasyon sa bansa.

13.

Paano nakatutulong ang pag-aanalisa ng kontemporaryong isyu sa paghubog ng responsableng mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagsunod sa lahat ng nakikita sa social media.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng tsismis tungkol sa isyu.

c)

Sa pamamagitan ng kritikal na pag-iisip at makataong pagpapasya.

d)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga problemang panlipunan.

14.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-makatwirang dahilan kung bakit dapat pag-aralan ng mga kabataan ang mga kontemporaryong isyu?

a)

Upang makasabay sa mga trending topics online.

b)

Upang maging kritikal sa pag-unawa at pagbibigay ng opinyon sa mga isyung panlipunan.

c)

Para makapagkomento sa lahat ng isyu sa social media.

d)

Para matutong umiwas sa mga balitang negatibo.

15.

Alin sa mga sumusunod ang mas mainam na gawin ng isang mamamayang nakararanas ng diskriminasyon sa kanyang komunidad?

a)

Gumanti at manlait din ng ibang tao.

b)

Manahimik na lang upang hindi na lumaki ang isyu.

c)

Magpakalat ng impormasyon sa social media para balikan ang nanakit.

d)

Maghain ng reklamo at hikayatin ang edukasyon hinggil sa karapatang pantao.

16.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong lumikha ng proyekto upang ipalaganap ang kahalagahan ng kontemporaryong isyu, alin ang pinaka-akmang gawin?

a)

Gumawa ng sayaw tungkol sa kasaysayan.

b)

Gumawa ng vlog na nagpapaliwanag ng isang isyung panlipunan at ang epekto nito sa mga kabataan.

c)

Magpost ng meme na nagpapatawa tungkol sa gobyerno.

d)

Manahimik na lang upang hindi ma-involve.

17.

Paano mo magagamit ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu upang makalikha ng solusyon sa isang problemang panlipunan?

a)

Pagbuo ng konkretong plano o kampanya na may layuning magmulat ng mamamayan.

b)

Pagpost ng negatibong opinyon online.

c)

Pagsasawalang-bahala sa mga isyu upang makaiwas sa stress.

d)

Pagsuporta sa mga sikat na artista na may political opinion.

18.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalala ang suliranin sa solid waste sa mga lungsod sa Pilipinas?

a)

Kakulangan ng mga mamamayan sa kaalaman sa tamang pagtatapon ng basura

b)

Maraming natural na kalamidad na tumatama sa bansa

c)

Lumalaking populasyon sa mga lalawigan

d)

Pagtaas ng presyo ng mga bilihin

19.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI direktang epekto ng hindi maayos na pamamahala ng solid waste sa kalusugan ng mamamayan?

a)

Pagdami ng kaso ng dengue at iba pang sakit

b)

Pagsikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan

c)

Pagdami ng daga at langaw sa mga komunidad

d)

Pagbara ng mga kanal na sanhi ng baha

20.

Paano naiiba ang epekto ng solid waste sa mga urban na lugar kumpara sa rural na lugar sa Pilipinas?

a)

Mas maraming basura ang nabubuo sa rural dahil sa kakulangan ng teknolohiya

b)

Ang urban areas ay may mas mataas na konsentrasyon ng basura na nagdudulot ng mas malaking panganib sa kalusugan at kalikasan

c)

Pareho lang ang epekto sa urban at rural

d)

Mas maraming nagrerecycle sa urban kaya mas kakaunti ang epekto

21.

Kung ipatutupad ang isang batas na magpapataw ng mas mataas na multa sa maling pagtatapon ng basura, alin sa mga sumusunod ang posibleng resulta nito?

a)

Lalong dadami ang basura dahil sa takot ng mga mamamayan

b)

Mawawala ang problema sa basura agad-agad

c)

Matututo ang mga mamamayan na maging responsable sa ka

22.

sumusunod ang posibleng resulta nito?

a)

Lalong dadami ang basura dahil sa takot ng mga mamamayan

b)

Mawawala ang problema sa basura agad-agad

c)

Matututo ang mga mamamayan na maging responsable sa kanilang basura

d)

Liliit ang populasyon sa lungsod

23.

Ano ang ugnayan ng illegal logging sa pagguho ng lupa at pagbaha sa mga lugar na malapit sa kagubatan?

a)

Walang kinalaman ang illegal logging sa mga sakuna

b)

Illegal logging ay nagpapabagal sa daloy ng tubig sa ilog

c)

Ang pagkawala ng mga puno ay nagdudulot ng pagkawala ng natural na harang laban sa pagguho at pagbaha

d)

Ang illegal logging ay nagdudulot lamang ng pagkawala ng kita ng gobyerno

24.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na paghahambing sa epekto ng pagkasira ng kagubatan at epekto ng urbanisasyon?

a)

Pareho silang nagdudulot ng pagdami ng hayop sa kagubatan

b)

Urbanisasyon lamang ang may epekto sa biodiversity

c)

Ang parehong suliranin ay nagdudulot ng pagkawala ng tirahan ng mga hayop at pagbabago sa klima

d)

Ang pagkasira ng kagubatan lang ang may epekto sa klima

25.

May nakita kang barangay na walang maayos na pasilidad para sa segregasyon ng basura. Bilang isang mamamayang may kamalayan sa solid waste management, ano ang pinakaangkop na hakbang na maaari mong gawin?

a)

Maghintay na lang ng aksyon mula sa LGU

b)

Magsagawa ng community meeting upang ipanukala ang segregation system

c)

Magreklamo sa social media tungkol sa barangay

d)

Magtapon ng sariling basura sa ibang lugar

26.

Sa inyong paaralan, napansin mong walang tamang lagayan para sa nabubulok at di-nabubulok na basura. Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa waste management upang tumugon dito?

a)

Ipagwalang-bahala ito dahil hindi mo naman trabaho

b)

Mag-imbita ng NGO upang pamahalaan ang basura sa paaralan

c)

Magmungkahi sa guro o lider ng klase na magpatayo ng hiwalay na basurahan at turuan ang mga kamag-aral

d)

Tumulong magtapon ng basura kahit saan para mabawasan ito sa paaralan

27.

Kung ikaw ay bahagi ng isang Sangguniang Kabataan at nais mong makatulong sa pagbawas ng basura sa inyong komunidad, alin sa mga sumusunod ang pinakaepektibong proyekto?

a)

Magbigay ng libreng plastik para sa mga gustong magtapon ng basura

b)

Maglunsad ng clean-up drive tuwing Pasko lamang

c)

Magpatupad ng paligsahan sa pag-recycle at composting sa bawat bahay

d)

Magtayo ng bagong tambakan ng basura

28.

Ikaw ay bahagi ng isang organisasyon na nagtutungo sa mga komunidad malapit sa kagubatan. Ano ang pinakamabisang hakbang na maaari mong gawin upang tumugon sa ilegal na pagtotroso?

a)

Pagsabihan ang mga tao na huwag magputol ng puno

b)

Hikayatin ang mga lokal na mamamayan na magtanim at pangalagaan ang kagubatan kapalit ng alternatibong kabuhayan

c)

Magtago na lang kapag may nangyayaring pagputol ng puno

d)

Manahimik dahil baka mapahamak

29.

Sa inyong lugar ay may mga kabataang hindi pa mulat sa kahalagahan ng kagubatan. Anong gawain ang makatutulong upang maisabuhay nila ang wastong pangangalaga sa yamang gubat?

a)

Manood ng videos tungkol sa kagubatan

b)

Gumawa ng poster tungkol sa kagubatan

c)

Isama sila sa tree-planting at forest clean-up activities

d)

Mag-lecture tungkol sa deforestation

30.

Dalawang barangay ang nagsagawa ng programa para sa solid waste: Barangay A: Naglagay ng color-coded bins pero hindi nagturo ng tamang segregation. Barangay B: Nagturo ng tamang segregation pero walang sapat na basurahan. Bilang isang tagasuri, alin sa dalawang barangay ang may mas epektibong hakbang, at bakit?

a)

Barangay A, dahil may basurahan kahit walang edukasyon

b)

Barangay B, dahil nauuna ang tamang kaalaman bago ang pasilidad

c)

Barangay A, dahil mas importante ang aksyon kaysa kaalaman

d)

Barangay B, dahil kahit walang basurahan ay pwedeng itapon kahit saan

31.

May panukala ang isang lokal na pamahalaan na putulin ang ilang bahagi ng gubat upang bigyang daan ang isang eco-tourism project na magdadala raw ng trabaho. Bilang isang environmental evaluator, ano ang pinakaangkop na pasya?

a)

Paboran ang proyekto basta may trabaho

b)

Irekomenda ang proyekto kahit walang assessment

c)

Tutulan ang proyekto hangga't walang malinaw na environmental impact assessment

d)

Suportahan ito basta't may reforestation program

32.

Isang lugar sa bundok ay nawalan na ng maraming puno dahil sa illegal logging. Bilang isang estudyante, anong makabagong proyekto ang maaari mong ipanukala upang tugunan ang problemang ito habang isinasama ang lokal na komunidad?

a)

Magtanim ng puno tuwing Linggo ng Wika

b)

Gumawa ng long-term community reforestation project na may kasamang livelihood gaya ng pagtatanim ng herbal plants o fruit-bearing trees

c)

Manghingi ng donasyon mula sa ibang bansa para ipatigil ang illegal logging

d)

Magpadala ng liham sa DENR para sila ang magtanim

33.

Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

a)

risk

b)

Hazard

c)

Vulnerability

d)

Disaster

34.

Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.

a)

risk

b)

Hazard

c)

Vulnerability

d)

Disaster

35.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na hakbang ng isang barangay upang maiwasan ang pagbaha sa panahon ng tag-ulan?

a)

Magtayo ng evacuation center sa mataas na lugar

b)

Magpatayo ng evacuation center sa mataas na lugar

c)

Maglunsad ng regular na clean-up drive sa mga kanal at estero

d)

Magpalabas ng public advisory sa social media

36.

Sa ilalim ng RA 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010, anong sangay ng pamahalaan ang pangunahing responsable sa koordinasyon ng mga hakbang sa disaster management?

a)

Department of Environment and Natural Resources (DENR)

b)

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

c)

Department of Health (DOH)

d)

Department of Public Works and Highways (DPWH

37.

Anong praktikal na hakbang ang maaaring gawin ng isang komunidad upang mapababa ang epekto ng landslide sa kanilang lugar?

a)

Magtanim ng mga punong-kahoy sa gilid ng bundok

b)

Maghintay ng tulong mula sa gobyerno

c)

Lumikas lamang kapag may aktwal nang landslide

d)

Magtayo ng mga bahay sa paanan ng bundok

38.

Sa dalawang komunidad na parehong binaha, mas maraming nasawi sa isang komunidad na may informal settlers sa tabing-ilog. Ano ang nagpapaliwanag dito?

a)

Mas mataas ang vulnerability ng komunidad dahil sa lokasyon at kahirapan

b)

Mas matagal ang ulan sa komunidad na iyon

c)

Kulang ang babala ng PAGASA sa buong bansa

d)

Parehong may risk ang dalawang komunidad

39.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagsusuri sa konsepto ng "risk" sa disaster management?

a)

Risk ay kombinasyon ng hazard, exposure, at vulnerability

b)

Risk ay tumutukoy lamang sa posibilidad ng sakuna

c)

Risk ay pareho lang ng hazard

d)

Risk ay tumutukoy sa dami ng ayuda pagkatapos ng sakuna

40.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mitigation strategy sa harap ng banta ng landslide sa isang komunidad?

a)

Pagpapatupad ng relocation bago pa man magkaroon ng landslide

b)

Pagbibigay ng family packs sa mga biktima

c)

Paglilista ng mga pangalan ng pamilyang apektado

d)

Pagtayo ng tent sa evacuation center

41.

Ang mga magsasaka sa isang bayan sa Ilocos ay nagsimulang gumamit ng drought-resistant na pananim dahil sa epekto ng El Niño. Ano ang ipinapakita nitong hakbang?

(a)  

42.

Ang mga magsasaka sa isang bayan sa Ilocos ay nagsimulang gumamit ng drought-resistant na pananim dahil sa epekto ng El Niño. Ano ang ipinapakita nitong hakbang?

a)

Mitigation

b)

Recovery

c)

Adaptation

d)

Response

43.

Ang paaralan ng Spring IS ay nagsagawa ng taunang earthquake and fire drills. Paano mo masusuri kung naging epektibo ang mga ito sa pagpapalakas ng resilience ng mga mag-aaral?

a)

Tumaas ang grado ng mga mag-aaral sa araling panlipunan

b)

Napuno ng likes at shares sa social media ang drill

c)

Maayos at mabilis ang naging kilos ng mga mag-aaral sa aktwal na lindol

d)

Dumami ang estudyanteng gustong maging fire volunteer

44.

Ang lokal na pamahalaan ng Alabel ay nagpatupad ng urban greening project upang mapababa ang epekto ng matinding init. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na ebidensiyang nagtataguyod sa bisa ng adaptation strategy na ito?

a)

Naging mas maganda ang tanawin sa paligid

b)

Bumaba ang temperatura sa mga lugar na may urban greening kumpara sa walang punong lugar

c)

Nadagdagan ang mga street vendors sa paligid ng proyekto

d)

Tumaas ang halaga ng lupa sa mga lugar na may tanim

45.

Bilang isang civil engineer sa lokal na pamahalaan, iniatas sa iyo ang pagbuo ng flood mitigation project para sa urban area. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na hakbang upang simulan ang disenyo ng proyekto?

a)

Magpatayo agad ng pader sa gilid ng ilog

b)

Ipagbawal ang pagtatapon ng basura sa mga estero

c)

Magsagawa muna ng hazard and vulnerability assessment ng lugar

d)

Magbigay ng libreng lifebuoy sa mga pamilya

46.

Isang lokal na pamahalaan ang nagnanais bumuo ng programa upang gawing "resilient" ang kanilang komunidad sa harap ng mga lindol. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-akmang bahagi ng programang ito?

a)

Pagbuo ng earthquake information campaign tuwing may lindol lamang

b)

Pagpaplano ng relief distribution pagkatapos ng lindol

c)

Pagsasanay sa mga residente ng first aid, search and rescue, at regular na earthquake drills

d)

Pagpapalakas ng security force para maiwasan ang looting pagkatapos ng sakuna

47.

Bakit mahalaga ang kahandaan ng mga mamamayan tuwing may banta ng kalamidad, tulad ng bagyo o lindol?

a)

Upang hindi maabala ang mga opisyal ng gobyerno

b)

Upang masigurong may makukuhang ayuda pagkatapos ng sakuna

c)

Upang maiwasan o mabawasan ang pinsala at panganib sa buhay at ari-arian

d)

Upang makaiwas sa evacuation center

48.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa panahon ng sakuna?

a)

Pagkuha ng maraming relief goods kahit hindi naman kailangan

b)

Pagsunod sa mga paalala ng awtoridad tungkol sa paglikas

c)

Pagpapakalat ng impormasyon kahit hindi kumpirmado

d)

Pagtangging lumikas dahil walang tiwala sa gobyerno

49.

Ang inyong paaralan ay magsasagawa ng earthquake drill. Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang disiplina sa panahon ng drill?

a)

Manatili sa silid-aralan at mag-obserba lamang

b)

Sumunod sa tagubilin ng guro at maayos na lumabas ng silid

c)

Umupo at maglaro ng mobile games habang may drill

d)

Magtanong kung totoo ang lindol bago kumilos

50.

Matapos ang isang lindol, may mga nasugatan sa inyong barangay. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang kooperasyon sa panahon ng pagtugon sa sakuna?

a)

Pag-iwas sa pagtulong dahil hindi ito responsibilidad

b)

Pagpapadala ng tulong ngunit umaasang makakakuha ng kapalit

c)

Pagtutulungan ng mga residente sa paglilikas at pagtulong sa mga biktima

d)

Pagkuha ng litrato at pagpo-post sa social media para kumalat ang balita

51.

Anong posibleng dahilan ang nagpapakita ng kakulangan sa disiplina at kooperasyon ng mga tao?

a)

Hindi sapat ang bilang ng relief goods na naipamahagi

b)

Hindi sumunod ang ilan sa mga paalala ng lokal na pamahalaan at nagdulot ng kaguluhan sa evacuation center

c)

Masyadong malakas ang bagyo kaya hindi nagawa ang evacuation

d)

Maraming tao ang walang radyo o telebisyon upang makatanggap ng babala

52.

Paano mo masusuri ang ugnayan ng kahandaan, disiplina, at kooperasyon sa pagpapababa ng panganib sa isang komunidad na madalas tamaan ng baha?

a)

Kahandaan lang ang mahalaga dahil ito ang nag-iingat sa mga tao

b)

Disiplina ang kailangan dahil ito ang nagpipigil sa panic ng mga tao

c)

Kooperasyon ang susi sapagkat dito nakasalalay ang tulong ng bawat isa

d)

Ang tatlong ito ay magkakaugnay at sabay na nagpapatibay ng kakayahan ng komunidad na harapin ang panganib

53.

Sa isang bayan na madalas bahain, ipinatupad ang striktong patakaran na dapat lumikas ang lahat sa itinalagang evacuation center kapag may babala. Paano mo masusuri ang epekto ng disiplina sa pagsunod sa patakarang ito?

a)

Nakakatulong ito upang mabawasan ang panganib at maiwasan ang pinsala sa buhay

b)

Nagdudulot ito ng abala sa mga residente tuwing may babala

c)

Hindi ito importante kung sapat ang tulong pagkatapos ng baha

d)

Nakakasira lamang ito ng ekonomiya ng bayan

54.

Kung ikaw ang tagapangulo ng disaster response team sa isang bayan, paano mo bibigyang-halaga ang tatlong konsepto na kahandaan, disiplina, at kooperasyon upang mapabuti ang pagtugon sa isang malakas na bagyo?

a)

Magbibigay ka lamang ng relief goods pagkatapos ng bagyo

b)

Ipapagawa mo ang mga evacuation plan, magpapatupad ng mahigpit na panuntunan, at palalakasin ang teamwork ng mga tao

c)

Aasahan mong ang bawat isa ay gagawa ng sarili nilang paraan ng pagtugon

d)

Ipapaliban mo muna ang mga plano hanggang sa may mangyaring sakuna

55.

Ano ang unang hakbang sa pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan?

a)

Pagbuo ng emergency response team

b)

Pagsasagawa ng risk assessment

c)

Pagpapatayo ng evacuation center

d)

Pamimigay ng relief goods

56.

Sa ilalim ng CBDRRM Plan, anong hakbang ang tumutukoy sa pagkilala sa mga hazard at kahinaan ng isang komunidad?

a)

Mitigation

b)

Preparedness

c)

Risk Assessment

d)

Recovery

57.

Kung ang inyong barangay ay palaging binabaha tuwing tag-ulan, anong hakbang sa CBDRRM Plan ang dapat ninyong isagawa upang maprotektahan ang mga residente?

a)

Magdaos ng sports fest

b)

Magtayo ng drainage system at evacuation center

c)

Magplano ng community fiesta

d)

Magbenta ng life jackets online

58.

Bilang opisyal ng barangay, paano mo magagamit ang hazard map sa paggawa ng CBDRRM Plan?

a)

Bilang palamuti sa opisina

b)

Para makita kung saan ligtas magtayo ng mga bahay

c)

Para malaman kung sino ang may utang sa barangay

d)

Para malaman kung kailan ang piyesta

59.

Napansin mo na ang mga residente ay hindi dumadalo sa mga DRRM seminar. Ano ang maaaring dahilan nito?

a)

Wala silang pakialam

b)

Hindi sila naanyayahan ng maayos o kulang sa impormasyon

c)

Ayaw nilang lumabas ng bahay

d)

Takot sila sa seminar

60.

Mayroong dalawang lugar sa barangay: isa ay nasa tabi ng ilog at isa ay mataas na bahagi ng lupa. Saan mas nararapat ilagay ang evacuation center, at bakit?

a)

Sa tabi ng ilog dahil malapit ito sa tubig

b)

Sa mataas na lugar upang maiwasan ang pagbaha

c)

Sa ilog para madaling maabot ng bangka

d)

Sa parehong lugar para may pagpipilian