WorksheetsReviewer in First Periodical Exam
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Ang mga nilalang sa daigdig ay nabubuhay at kumikilos sa
lithosphere, hydrosphere, atmosphere, at biosphere. Ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa
mga bahagi ng daigdig?
Ang mga bahagi ng daigdig ay malalaki.
Ang mga bahagi ng daigdig ay maganda.
Ang mga bahagi ng daigdig ay magkakaugnay.
Ang mga nilalang sa daigdig ay mahilig maglakbay
Ang malaking sahod sa bansang Amerika ang naghihikayat sa maraming Nurse na
Pilipino na magtrabaho doon. Anong tema ng heograpiya ang tinutukoy ng naunang
pahayag?
Lokasyon
Lugar
Paggalaw
Rehiyon
Alin sa sumusunod na mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa
mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?
Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.
Ang klima ng Pilipinas ay tag –araw at tag – ulan.
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog na bahagi ng Taiwan
Kabilang ang bansang Pilipinas sa rehiyon ng Timog Silangang Asya.
Paano nakatutulong ang kaalaman sa mga hangganan ng mga kontinente?
Mahalaga ito upang malaman kung aling kontinente ang pinakamalaki.
Nakatutulong ito upang matukoy kung anong wika ang ginagamit ng mga tao.
Nagiging gabay ito sa pagtukoy ng lokasyon at paglalakbay sa iba’t ibang panig
ng mundo.
Nagagamit ito sa pag-unawa sa heograpiya, kasaysayan at pagkakaugnay ng
mga bansa.
Kung pupunta ka sa bansa kung saan naroon ng Banaue Rice Terraces, saang
kontinente ka pupunta?
Antartica
Asya
Europa
Hilagang America
Nais makarating ni Jela sa kontinente ng Africa. Ano ang sikat na landmark ang maaring
makita ni Jela sa pagbisita niya sa Africa?
Christ the Redeemer
Pyramid of Giza
Statue of Liberty
Sydney Opera House
Ayon kay Alfred Wegener, ang mga kontinente ng daigdig ay patuloy pa ring umuusad
magpasahanggang ngayon. Anong Teorya ni Wegener ang tumutukoy sa
naunang pahayag?
Big Bang Theory
Continental Drift Theory
Evolution Theory
Scientific Continents Theory
Bago pa man ipagdiwang ni Jada ang kanyang ika-tatlumpung kaarawan ay nais niyang
maikot ang daigdig. Ilang kontinente ang dapat mabisita ni Jada bago niya maisakatuparan
ang kanyang pangarap?
2
4
7
9
Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
Kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
Kapag nagkaroon ng malaking populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura at sistema ng pagsulat
Bakit karamihan ng mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga lambak ilog tulad
ng Nile, Tigris-Ephrates, Indus at Huang he?
Madaling maprotektahan ang kanilang teritoryo.
Mataas ang kabundukan na pumapalibot sa lambak.
Mayaman ang lupa para sa Agrikultura at sagana sa tubig.
Napapaligiran ng disyerto na nagsisilbing natural na depensa
Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng kabihasnan ang pagkakaroon ng sistema
ng pagsulat?
Upang makalikha ng sining at panitikan
Upang maitala ang mga gawaing panrelihiyon
Upang madaling makipagkalakalan sa ibang kabihasnan
Upang mapanatili at maipasa ang kaalaman sa susunod na henerasyon.
Sa kabila ng benepisyong naidulot ng ilog Huang He sa pagbuo ng sinaunang
kabihasnan sa Tsina, bakit tinawag pa rin itong Pighati ng Tsina ( China’s Sorrow)?
Maraming nasirang pananim.
Ang pagbaha ay nagdulot ng pagkamatay ng maraming Tsino.
Kinain ng laki ng ilog maging ang mga tahanan na nakatayo sa tabi ng ilog.
Naging daan ang ilog upang mas madaling makarating ang mga mananakop
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga lambak ilog na nagbigay daan sa
pag- usbong ng mga sinaunang kabihasnan?
Ilog Aegean
Ilog Indus
Ilog Nile
Tigris at Euphrates
Paano nakatulong ang lambak ilog sa pakikipagkalakalan ng mga
sinaunang kabihasnan?
Naging mabilis ang transportasyon
Ginamit nila ang ilog upang makakuha ng isdang ibebenta.
Naging sentro ng pamilihan ng mga kabihasnan ang tabing ilog
Nakakuha ng maraming luwad upang gawing palayok at imbakan.
Bakit tinawag na “The Gift of the Nile” ang ilog Nile?
Nagtataglay ito ng maraming isda.
Nagdadala ito ng matabang lupa tuwing bumabaha
Ang pagbaha ay nagdulot ng pag-apaw ng ilog sa mga karatig lugar.
Dumami ang mga turista sa Ehipto dahil naging madali ang transportasyon
Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga sibilisasyong umusbong
sa Mesopotamia?
Akkadia
Assyria
Ehipto
Sumer
Ang cuneiform ay sistema ng pagsulat gamit ang stylus at luwad na tableta. Anong
sibilisasyon ang gumamit ng cuneiform?
Akkadia
Assyria
Ehipto
Sumer
Ano ang pagkakatulad nila Carlos Yulo at Hidilyn Diaz sa mga Minoans?
Parehong mahilig sa pagpapalaki ng katawan.
Parehong ginawaran ng mga gintong medalya.
Parehong nakilala sila Diaz,Yulo at mga Minoan sa palakasan o sports.
Parehong nakaranas ng gintong panahon at sinakop ng mga Mycenean.
Kung agrikultura ang ikinabubuhay ng mga Minoans, ano naman ang sa
mga Myceneans?
pagkaalipin
pakikidigma
pangangalakal
pagiging maharlika
Bakit yumaman ang mga sinaunang kabihasnan ng Gresya?
Nagpalakas ng pwersang military
Nakarating sa iba’t ibang isla ang mga produktong gawa sa lungsod
Napalilibutan ng karagatan ang mga ito kung kaya naging madali ang kalakalan.
Maraming kabundukan at kagubatan na pinagkukunan ng likas na yaman ang
mga ito.
Paano nakaapekto ang kalapitan ng Greece sa tatlong dagat sa kanilang pamumuhay?
Naging hadlang ito sa pagkakaroon ng sariling wika.
Nagresulta ito ng pagkakaroon ng iisang pamahalaan.
Napigilan ang paglalakbay ng mga Griyego sa iba pang lupain.
Nakatulong ito sa pag-unlad ng kalakalan at pakikipag- ugnayan.
Sa kabila ng mabato at mabundok na anyong lupa ay naging matagumpay pa rin ang
mga Griyego sa paglinang ng kanilang kabihasnan. Alin sa mga sumusunod na pangyayari
ang kahalintulad ng naging karanasan ng mga Griyego?
Madaling malungkot at sumuko si Celeste sa problemang nararanasan.
Dahil lumaking mayaman ay hindi na nagsikap si Cayla sa kanyang pag-aaral.
Limang kilometro ang layo ng bahay ni Ester mula sa paaralan ngunit hindi naging
hadlang ito upang siya ay makapagtapos sa pag-aaral.
Dahil sa hirap ng buhay, mas pinili ni Cayla na huwag na lamang mag-aral at manatili
na lamang sa kanilang bahay para hindi na makadagdag sa gastos ng pamilya.
Ang ating Agricultural Engineer ay interesadong matutuhunan ang kaparaanang
Chinampas o ang Floating Garden bilang tugon sa kakulangan ng lupa sa ating bayan.
Anong kabihasnan ang kanyang sasaliksikin upang mas lumalim ang kaalaman
sa Chinampas?
Aztec
Ehipto
Maya
Olmec
Ang pok-a-tok ay isang sinaunang laro ng mga Olmec na kahawig ng Basketball. Ngunit,
ano ang kaibahan ng Pok-a-Tok sa basketball na nilalaro sa kasalukuyan?
Paggamit ng bola.
Kadalasang libangan ng mga kalalakihan.
Paggamit ng ring kung saan dapat ipasok ang bola.
Ang kapitan ng natalong grupo ay iaalay bilang sakripisyo sa Diyos.
Bakit tinawag na Rubber People ang mga Olmec?
Marami silang suplay ng goma
Sila ay mahilig gumamit ng mga bagay na gawa sa goma.
Naniniwala sila sa Diyos na nagpapasana sa ani ng puno ng goma.
Sila ang kauna unahang gumamit ng dagta ng mga punong rubber o goma.
Paano napatunayan ng mga kabihasnang umusbong sa Mesoamerica ang kanilang
husay sa arkitektura?
Dahil sa larong pok-a-tok
Dahil sa pagkakalikha nila ng mga piramide o ceremonial centers
Kinilala nila ang jaguar bilang banal na hayop
Dahil sa nag-aalay sila ng buhay para sa kanilang mga diyos.
Paano nakatulong ang division of labor sa pag – unlad ng kabihasnang Sumer, lalo na
nang magkaroon ng sapat na pagkain at lumitaw ang iba’t ibang uri ng gawain sa lupain?
Nagbigay ito ng trabaho sa mga alipin.
Pinatigil nito ang malawakang pagsasaka
Nagkaroon ng espesyalisasyon sa gawain
Pinahintulutan nito ang pag-aangkin ng lupa.
Ang Caste System sa India ay sinaunang paghahati ng lipunan.Alin sa mga sumusnod
ang nagpapaliwanag sa sistemang Caste?
Ang lahat ng tao ay pantay pantay.
Dalawa ang pag –uuri ng tao sa lipunan.
Ang mga tao ay may iba’t ibang gawain sa lipunan.
Ang bawat mamamayan ay nabubuhay batay sa kanyang antas sa lipunan at bawat
antas ay may kaakibat na tungkulin at karapatan.
Ang bawat sinaunang lipunan ay mayroon kanya-kanyang estrukturang panlipunan na
nakabatay sa kanilang kalinangan o kapaligiran. Ang sistemang Caste ng India ay isang
halimbawa nito. Sa anong kondisyon nakabatay ito?
Natatanging galing at talino ng isang tao.
Katayuan sa lipunan ng magulang ng isang tao.
Ang pinuno ay mula sa mga angkan ng kanilang Diyos
Taglay na ari –arian at yaman ng pamilya ng isang tao.
Pagsunud –sunurin ang mga uri ng lipunan sa Egypt mula sa pinakamataas.
1. Matataas na opisyal ng pamahalaan
2. Pharaoh
3. Maharlika at Pari
4. Kawal at Eskriba
5. Mangangalakal at artisan
6. Magsasaka at alipin
1-2-3-4-5-6
2-1-3-4-5-6
3-1-2-4-5-6
4-1-2-3-5-6
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa sistemang Varna?
Brahmin
Dalit
Shudra
Vaishya
Paano nakakaapekto ang mga sinaunang estrukturang panlipunan sa lipunang
Pilipino ngayon?
Walang epekto
Parehong pareho sa kasalukuyan
May mga pagkakapantay pantay na agad noon
May ilang impluwensya pa rin tulad ng social classes.
Ang mga Dalit ay mga pangkat ng taong hindi itinuring na bahagi ng estruktura ng
lipunan sa ilalim ng Caste at kinilalang mga ”outcast”.Bilang isang mag-aaral paano mo
maisusulong ang paglaban kontra sa diskriminasyon sa inyong paaralan?
Huwag mambuska.
Punahin ang kapintasan ng iyong kaklase.
Hayaan na lamang ang mga bully basta hindi ikaw ang iniinis.
Huwag makipag usap sa mga taong may ibang relihiyon at paniniwala.
Ang demokrasya ay ipinakilala ng Athens sa mundo. Sa paanong paraan naipapakita
ang demokrasya sa ating bansa?
Ang mga mayayaman ang prayoridad sa mga serbisyo pampubliko.
Libre lamang ang pag-aaral ng mga bata sa mga pampublikong paaralan
Ang mga mamamayan ang pumipili sa mga susunod na pinuno ng bansa sa
pamamagitan ng eleksyon.
Ang mga politiko sa Pilipinas ay may kapangyarihan na tumakbo sa posisyon kahit
ilang beses nila ito naisin.
Kabilang sa mga tradisyon ng pamilyang Hindu ang ipagkasundo ang pag –aasawa ng
kanilang anak na babae. Sa ilalim ng relihiyong ito, umaasa lamang ang mga kababaihan sa
kanilang asawa sapagkat hindi silang nabibigyan ng man. Ano ang nais ipahiwatag ng mga
naunang pahayag sa katayuan ng mga kababaihan sa relihiyong Hindu?
Itinuturing na sagrado ang mga babae sa relihiyong Hindu.
Sa ilalim ng relihiyong Hindu pinaniniwalaan na dapat pangalagaan ang
mga kababaihan.
Ang mga Hindu ay naniniwala na dapat bigyan ng pantay karapatan ang mga lalaki
at babae.
Higit na pinapahalagahan ang mga lalaki sa pamilyang Hindu samantala mababa
ang pagtingin sa mga kababaihan.
Sa Asya nagsimula ang karamihan ng mga pangunahing relihiyon sa daigidig. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga relihiyong Abrahamic?
Christianity
Islam
Judaism
Shintoism
Tama bang maging batayan ng pakikitungo sa tao ang kanyang relihiyon?
Opo , dahil magkakaiba kami ng paniniwala.
Opo , dahil hindi po kami magkakaintindihan.
Hindi po,kailangan lamang ng respeto sa kanya kanyang paniniwala.
Hindi po, dahil baka magalit ang ibang relihiyon kapag hindi kinausap.
Anu – ano ang pagkakatulad ng mga relihiyong Judaismo, Islam at Kristiyanismo?
Iisa lamang ang bibliyang ginagamit
Magkakatulad na monoteistikong relihiyon
Magkakatulad lang kanilang mga doktrina
Magkakatulad ang kanilang mga pagdiriwang
Sa ibat-ibang bansa sa Asya na naniniwala sa Buddhism, makikita ang rebulto at
larawan ni Buddha sa ibat-ibang anyo: mayroong payat, malusog, nakangiti, natutulog
at nasa anyo ng meditation. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay isang sining na maituturing.
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay nagsisilbing gabay sa pamumuhay.
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay mahalaga sa mga nananampalataya dito
Ang mga larawan at anyo ni Buddha ay napapakita ng ibat-ibang aspeto ng
pamumuhay ng tao
Ang Pilipinas ay bansa sa Asya na may malalim na pananampalataya sa Katolisismo,
patunay nito ay pagkakaroon ng altar sa bawat tahanan at pagdarasal gamit ang
rosaryo. Anong kaisipan ang mabubuo sa pahayag na ito?
Ang pagdarasal ay mahalagang gawain sa buhay ng mga Katoliko.
Ang pagkaroon ng altar ay bahagi na sa tahanan ng bawat Katoliko.
Ang altar at rosaryo ay mahalagang pagkakakilanlan ng mga Katoliko
Ang paggamit ng rosaryo ay malaking tulong sa pagdarasal ng mga Katoliko
Isa sa mga aral ng Hinduism ang paggalang sa bagay na may buhay, dahilan kung bakit
umiiwas sila sa pagkain na may buhay tulad ng karne ng hayop. Kung ikaw ay may
kaibigan na kabilang sa paniniwalang ito, paano mo maipakikita ang paggalang sa
kaniyang paniniwala?
Hindi ko siya isasama sa mga handaan
Hindi ko siya bibigyan ng mga pagkain na bawal sa kanya.
Hindi ko sasabihin ang mga sahog na ginamit ko sa pagluluto.
Hindi ko sasabihin kung ano ang mga nakahandang pagkain.
Ang paggamit ng geometric pattern at paulit-ulit na pattern ang isa sa pangunahing istilo
at disenyo na ginagamit ng mga Muslim sa kanilang Arkitektura at Sining. Makikita ito sa
mga tela na kanilang ginagamit at disenyo ng gusali na kanilang ginagawa. Ano ang
nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
Ang sining at arkitektura ay gabay sa pagbuo ng mga istraktura.
Ang sining at arkitektura ay maaaring maging pagkakakilanlan ng isang relihiyon.
Ang sining at arkitetura ang nagsilbing inspirasyon upang higit na manampalataya
ang tao.
Ang sining at arkitektura ay magandang daan upang mahikayat ang tao sa
pagtangkilik sa pananampalataya ng iba.
Bilang isang Asyano, tunay na kahanga-hanga at maipagmamalaki na sa aitn nagmula
ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ano ang kahalagahang nakapaloob sa
damdaming ito?
Masasabi nating superyor ang ating lahi at namumukod-tangi sa iba
Mas angat tayo sa iba dahil sa atin nagmula ang sinaunang kabihasnan
Dapat nating ingatan ang kabihasnang ito upang di magaya sa iba
Mahalaga ang naging papel ng mga sinaunang kabihasnang ito na nagsilbing
pundasyon ng kasalukuyan
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng kasaysayan ng daigidig?
Matukoy ang mga lugar na makikitaan ng mga templo.
Makilala ang mga bansang mahilig sa mga pagkaing maaanghang.
Malaman ang mga museo na maaaring pasyalan sa iba pang bansa sa daigdig.
Maunawaan at mapahalagahan ang interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na
nagbigay daan sa pagkakakilanlan at pagtugon sa nagbabagong kapaligiran
Bilang isang mag-aaral, paano mo maikakabit ang kahalagahan ng sinaunang
kabihasnan sa kasalukuyang pamumuhay ng tao?
Ginagamit ni Lei ang teknolohiya upang makapanglamang ng kapwa.
Araw-araw na nilalabag ni Jhonny ang batas trapiko kahit na may mga enforcer.
Sinisigurado ni Arlene na wasto ang baybay ng mga bawat salitang
kanyang sinusulat.
.Sa kanyang pagkain, pinipilit ni Laiza na kumain ng karneng baboy ang kanyang
kaibigang Muslim.
