wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Panitikan

Total questions: 26

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang isa sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila.

a)

Alibata

b)

Alpabetong Filipino

c)

Baybayin

d)

Alpabetong Pilipino

2.

Bakit itinuturing na mayaman ang kaban ng ating panitikan bago pa man dumating ang mga kastila?

a)

Sapagkat may mga nalikha ng panitikan ang ating mga ninuno.

b)

Dahil sinira ito ng mga kastila

c)

Dahil mahilig silang magsulat noon

d)

Kitang-kita ito sa mga ebidensya sa kasalukuyan kaya tayong may pinag-aaralan

3.

Ang mga sumusunod ay mga gawain ng ating mga ninuno upang maipasa sa susunod na henerasyon ang panitikan, liban sa?

a)

Binubulong nila ito sa bawat miyembro ng kanilang pamilya

b)

Paulit-ulit na pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa ito’y matanim sa kanilang isipan.

c)

Kalimitang nagtitipon-tipon ang mga katutubo upang pakinggan ang mga salaysayin, pamamahayag at iba pa.

d)

Sa palagiang pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan

4.

Ayon sa teorya ni Peter Bellwood tungkol sa pinagmulan ng ating lahi, naniniwala siyang pinagmulan ng ating lahi ang _____________.

a)

Ita

b)

Malay

c)

Indones

d)

Austronesian

5.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa ay mayroon na tayong sariling panitikan. Ang pahayag na ito ay_________.

a)

Tama, dahil matatalino ang ating mga ninuo kung saan nakabuo na sila ng sistema ng pamumuno.

b)

Tama, dahil may sarili na silang sistema ng pagsulat.

c)

Mali, dahil umasa ang ating mga ninuno sa mga Kastila.

d)

Mali dahil walang panitikan ang makikita sa kasalukuyan.

6.

Ang mga sumusunod ay naglalarawan sa sawikain, liban sa:

a)

nagpapahayag ng isang katotohanan

b)

mas maiksi at simple

c)

katumbas ng Idiom sa Ingles

d)

tuwirang naglalarawan sa mga bagay o pangyayari

7.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?

a)

Bugtong

b)

Salawikain

c)

Sawikain

d)

Alamat

8.

Isa itong palaisipan na nasa uri ng laro na nagpapatalas sa isip ng ating mga ninuno.

a)

Bugtong

b)

Salawikain

c)

Sawikain

d)

Alamat

9.

Binigyan ka ng takdang-aralin ng iyong guro sa Filipino 7 na magsaliksik tungkol sa mga karunungang-bayan, kung saan magbibigay ka ng kasabihan upang maging buo ang loob ng iyong kausap. Anong kasabihan ang pipiliin mo?

a)

Kung hindi ukol, hindi bubukol

b)

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa

c)

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo

d)

Pagnagtanim ng hangin, bagyo ang aanihin

10.

Anong kasabihan ang maibibigay mo sa iyong kaibigang gastador?

a)

Ang lumakad ng matulin, kung masugat ay malalim

b)

Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga

c)

Ang kalusugan ay kayamanan

d)

Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng dibdib

11.

Magsisikap ako sa aking pag-aaral at itaga mo sa bato, balang araw ay walang sinuman ang mangmamaliit sa akin o maging sa aking pamilya. Ano ang kasalungat ng salitang itaga mo sa bato?

a)

Pakatandaan

b)

Kalimutan

c)

Pinapangako

d)

Dinaramdam

12.

Upang lumawak ang isip anong kasabihan ang dapat isabuhay at isaisip?

a)

Sa anumang lalakarin, makapito munang isipin

b)

Kung hindi ukol, hindi bubukol

c)

Anak na di paluhain, ina ang patatangisin

d)

Ang hind

13.

Ang mga sumusunod ay elemento ng karunungang -bayan, liban sa:

a)

Persona 

b)

Estilo

c)

Tugma  

d)

Kahulugan

14.

Ang mga sumusunod ay elemento ng karunungang -bayan, liban sa:

a)

Persona

b)

Tugma

c)

Estilo

d)

Kahulugan

15.

Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga na maunawaan at pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng ating mga ninuno?

a)

Upang malaman ang kasaysayan at pinagmulan ng ating bansa.

b)

Dahil ito ay parte ng ating asignatura sa Filipino 7

c)

Dahil sumasalamin ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng ating mga ninuno na siyang sumasalamin sa kultura ng ating bansa

d)

Dahil kailangang pag-aralan

16.

Ang ipinahahayag ng karunungang-bayan ay pasalita lamang. Ang pahayag ay________.

a)

Tama, dahil pasalita lang lahat ito.

b)

Mali, dahil ang karunungang-bayan ay maaaring ihayag ng pasalita o pasulat.

c)

Tama, dahil ang ating mga ninuno ay walang sistema ng pagsulat

d)

Mali, dahil isinasaad mula sa kasaysayan na tayo ay mula sa mga Austronesian

17.

Nagsimula ito bilang mga tula na may sukat at tugma ngunit sa kalaunan ay nilapatan ng himig at naipahayag na pakanta, kung saan ito’y sumasalamin sa pang-araw-araw na pamumuhay ng ating mga ninuno.

a)

Awiting-bayan

b)

Musika

c)

Awit

d)

Panitikan

18.

Ang awitin na “Ili-Ili tulog anay” ay isang halimbawa ng¬¬¬ ___________.

a)

Oyayi

b)

Kundiman

c)

Soliranin

d)

Dalit

19.

Alin sa sumusunod na awiting-bayan ang tungkol sa paggaod ng habang namamangka?

a)

Diona

b)

Talindaw

c)

Soliranin

d)

Kumintang

20.

Sino ang persona sa awiting “Paruparong Bukid?

a)

Paruparo

b)

Matandang babae

c)

Dalaga

d)

Bakla

21.

Ano ang damdaming nangingibabaw sa awiting “Dandansoy”?

a)

Saya

b)

Takot

c)

Galit

d)

Lungkot

22.

Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa awiting “Bahay Kubo”?

a)

Pagiging masinop

b)

Pagiging masipag

c)

Pagiging mapagmahal

d)

Pagiging makadiyos

23.

Ang awiting “Dandansoy ay popular sa Bisaya, kung saan ito ay tumutukoy sa ___________.

a)

Isang ama na mga ngalang Dandansoy na nawalay sa kanyang pamilya.

b)

Isang mangingisdang si Felimon, na mahilig makipagkita sa kanyang minamahal.

c)

Kwento ng isang babae at ng kanyang minamahal na may ngalang Dandansoy.

d)

Kwento ni Filemon at ng kanyang asawa.

24.

Kinikilala siya bilang hari ng Philippine Comics.

a)

Benjamin Pascual

b)

Ferdinand Pisigan Jarin

c)

Marcial Custodio Ravelo

d)

Pedro Bukaneg

25.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng salitang “epos” liban sa?

a)

Awit

b)

Salita

c)

Sawikain

d)

Tula

26.

Ang bigay-kaya ay bahagi ng tradisyon na kaugalian hinggil sa pag-aasawa. Ang salitang may diin ay may kahulugan na _________.

a)

Regalo o pera sa magulang

b)

Uri ng isda na Malaki

c)

asawang lalaki

d)

kasuotang pambabae