wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Gr5_Q1_Filipino: Denostasyon, Pag-angkop, Pang-uri

Total questions: 107

Worksheet time: 27hrs 45mins

Name
Class
Date
1.

___________ ay ang tuwiran o literal na kahulugan ng isang salita na karaniwang matatagpuan sa diksyunaryo.

a)

Pang-uri

b)

Pandiwa

c)

Denotasyon

d)

Konotasyon

2.

papel – gamit sa paaralan na sinusulatan

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

3.

buwaya - isang uri ng reptilya

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

4.

gintong kutsara – mayaman

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

5.

ahas – isang uri ng hayop

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

6.

pula - pagmamahal

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

7.

Matagal siyang makapagpatawad (hard for her to forgive) dahil matigas ang kanyang puso.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

8.

Kaawa-awa ang mga basang sisiw sa kulungan.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

9.

Si Luisa ay nanguha ng mga bato sa ilog upang ihanay sa harapan ng kanilang bahay.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

10.

Parang hangin na nawala ang mag-aaral ni Binibining Santos.

a)

Denotasyon

b)

Konotasyon

11.

Tumalbog sa malayo ang bola na nilalaro ng bata.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

12.

Ang mga ina ang ilaw ng tahanan.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

13.

Ang mga bata sa lansangan ay tila basang sisiw.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

14.

Ang lamig ng simoy ng hangin wari’y sasapit na ang taglamig.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

15.

Inilagy ni Ruel sa matibay na plastik ang dala-dalang pinya ng nanay.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

16.

Siya ay nanggaling sa pamilyang dugong bughaw.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

17.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat:

Ano ang dapat mo i-konsider sa pagbibigay ng pamagat ng isang talata?

(Dalawa ng sagot)

a)

Paksang Talata (pangunahing talata or main paragraph)

b)

Paksang-diwa (pangunahing diwa or main idea)

c)

Paksang-kuwento (pangunahing kwento or main story)

d)

Paksang pangungusap (pangunahing pangungusap)

18.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat:

Ano ang ibig sabihin ng pangunahing diwa?

a)

Ito ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata о kuwento.

b)

Ito ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento.

c)

Ito ang pangunahing talata.

d)

Ito ang pangunahing kwento.

19.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat:

Ano ang paksang pangungusap?

a)

Ito ang pinakabuod ng mga pangyayari sa talata o kuwento.

b)

Ito ang pangunahing talata.

c)

Ito ang pangunahing kwento.

d)

Ito ang pinagtutuunan ng mga detalye upang mabuo ang pangunahing diwa ng talata о kuwento.

20.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat:

Ginagamit ang malalaking titik o mahahalagang salita sa pamagat ng talata o kuwento.

(We use Capital Letters and important words for the title of the story)

a)

Tama

b)

Mali

21.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat:

Ang unang salita sa pamagat ay nagsisimula sa maliit na titik.

a)

Tama

b)

Mali

22.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

a)

Tubig Dagat

b)

Ang Pating

c)

Tubig Tabang

d)

Butanding

23.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

"Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan."

a)

Ang Pamilyang Pilipino

b)

Biyaya ng Diyos ang Pamilya

c)

Kailangang mapanatiling buo

24.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

"Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni Magellan ang Pilipinas,   gusto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari ng Espanya. Tinutulan ito ni Lapulapu at naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at naging sanhi ng pagkasawi nito sa laban."

a)

Ang Digmaan sa Pagitan ng mga Kastila

b)

Ang Pagdisbubre ni Magellan sa Pilipinas

c)

Ang Kabayanihan ni Lapu-Lapu

25.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

"Pinagmamalaki naman sa bahagi ng Rehiyon IV ang Puerto Galera na matatagpuan sa Oriental Mindoro. May 130 kilometro ang layo nito mula sa bahaging Timog ng Maynila. Dinarayo ng mga turista ang mapuputing buhangin sa mga beaches nito. Gayundin, napakaganda ng mga koral at iba pang laman-dagat na makikita sa kailaliman ng mga katubigan."

a)

Ang Kagandahan ng Puerto Galera

b)

Ang Resorts sa Oriental Mindoro

c)

Ang Mga Koral at Iba Pang Lamang Dagat sa Puerto Galera

26.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

"Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan"

a)

Ang Kapistahan

b)

Ang Tradisyong Pilipino

c)

Ang Bayanihan

27.

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat: Basahin at unawain ang talata. Piliin ang tamang sagot.

"Mahal na mahal ni Claudine ang kaniyang mga magulang. Tumutulong siya sa mga gawaing  bahay kahit hindi inuutusan. Malimit siyang nagwawalis ng kanilang sahig maging sa kanilang bakuran. Pinatutuka rin niya ang mga manok at pinaliliguan ang alagang aso. Kung araw ng Sabado, sumasama siya sa kaniyang ina sa pamamalengke para may tagadala ng basket. Siya ay maituturing na isang huwarang anak."

a)

Ang Mga Magulang

b)

Ang Mga Alagang Hayop sa Aming Bahay

c)

Isang Huwarang Anak

28.

Piliin ang tamang sagot:

___________ ay salitang naglalarawan ng katangian ng tao, hayop, bagay, o lugar.

a)

Pang-uri

b)

Pandiwa

c)

Denotasyon

d)

Pang-abay

29.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Matamis ang ubas na binili ng aking nanay.

a)

matamis

b)

ubas

c)

binli

30.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Mataas ang temperatura sa hilagang Luzon.

a)

temperatura

b)

mainit

c)

Luzon

31.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Nagluluto ng masarap na meryenda ang aking nanay.

a)

nagluluto

b)

masarap

c)

meryenda

32.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Makapal ang aklat na aking binabasa.

a)

Makapal

b)

aklat

c)

binabasa

33.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Malayo ang lugar na pinuntahan namin noong nakaraang bakasyon.

a)

Malayo

b)

pinuntahan

c)

lugar

34.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Malalim ang ilog kaya naman hindi kami nakatawid.

a)

Malalim

b)

ilog

c)

nakatawid

35.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Malakas ang ulan kaya bumaha sa aming lugar.

a)

malakas

b)

bumaha

c)

lugar

36.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Matiyaga ang mga batang nakikinig sa kanilang guro.

a)

matiyaga

b)

nakikinig

c)

batang

37.

Alin ang pang-uri sa pangungusap?

Magaganda ang mga bulaklak na makikita sa aming hardin.

a)

magaganda

b)

bulaklak

c)

makikita

38.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Ito ang kaantasang naghahambing ng katangian ng dalawang pangngalan o panghalip.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

39.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Ito ay naglalarawan ng tanging katangian ng pangngalan o panghalip.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

40.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Ito ay kaantasang tumutukoy sa namumukod o nangingibabaw na katangian ng pangngalan o

panghalip.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

41.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Gumagamit ito ng mga panlaping pinaka- ,napaka-, pagka, ubod, lubha, sobra, hari ng...

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

42.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Ito ay magkatulad o di - magkatulad.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

43.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Nagpapakita ng pinakamatindi o pinakasukdulang katangian ng paghahambing ng higit sa dalawang pangngalan o panghalip.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

44.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Mabagal ang pagong.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

45.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Ubod ng ganda ang ate ni Maria kaya maraming binata ang nabibighani sa kanya.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

46.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Magkasinsaya (equally happy) ang magkaibigang Dan at Neri.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

47.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Malakas ang ulan sa aming lugar.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

48.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Pinakamaputi si Melai sa magpipinsan.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

49.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Siya ay masunurin sa kanyang mga guro.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

50.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Pinakamasunurin siya sa buong klase.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

51.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Sina Ana at Benny ay magkasingtangkad.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

52.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop na nasa kulungan.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

53.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

54.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Mukhang antok pa ang bata kaya hayaan mo na matulog muna siya sa sopa.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

55.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Sinong bayani ang mas dakila para s aiyo, si Rizal o si Bonifacio?

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

56.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri.

Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.

a)

Lantay

b)

Pahambing

c)

Pasukdol

57.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

Kapag ang dalawang pangngalan o panghalip na pinaghahambing ay magkatulad o magkapareho

ang katangian. Ikinakabit sa salitang-ugat ang mga "unlaping" magkasing/magkasin, magsing/magsin at sing/sin.

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

58.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Magkasinsaya ang magkaibigang Dan at Neri."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

59.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Sina Ana at Benny ay magkasingtangkad."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

60.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Si Juan ay mas mahusay sa matematika kaysa kay Pedro sa agham."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

61.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Ang mga ibon ay may iba't ibang kulay kumpara sa mga paru-paro."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

62.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"sing + puti = simputi"

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

63.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Ang ilang prutas tulad ng mansanas ay matamis, samantalang (while) ang iba tulad ng lemon ay maasim."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

64.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"magkasing + bigat =magkasimbigat"

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

65.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Simbangis ng leon ang tigre"

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

66.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Si Maria ay mas matangkad kaysa kay Ana."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

67.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Ang nanay at tatay ko ay magkasimbait kaya mahal na mahal namin sila."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

68.

Pang-uri at Kaantasan ng Pang-uri --> Paghahambing

"Ang bundok ng Apo ay mas mataas kaysa sa bundok ng Pulag."

a)

Pahambing na Patulad

b)

Pahambing na Di- magkatulad

69.

Dalawang Uri ng Pahambing na Di -Magkatulad: Palamang at Pasahol:

Ang isa sa dalawang pinaghahambing na pangngalan o panghalip ay may mas mababang katangian sa pinaghahambingan.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

70.

Dalawang Uri ng Pahambing na Di -Magkatulad: Palamang at Pasahol:

Kapag ang isang pangngalan o panghalip sa dalawang pinaghahambing ay nakahihigit ang katangian.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

71.

Dalawang Uri ng Pahambing na Di -Magkatulad: Palamang at Pasahol:

Ginagamit ang mga sumusunod sa paghahambing: di-gaano, di -gasino, di-lubha at di-masyado

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

72.

Dalawang Uri ng Pahambing na Di -Magkatulad: Palamang at Pasahol:

Ginagamit ang mga sumusunod sa

paghahambing: higit, lalo, mas, di-hamak.

a)

Pahambing na Palamang

b)

Pahambing na Pasahol

73.

Tayutay: Simili at Metapora

______________Ito ay matalinhagang salita na nagpagpapanda sa pahayag. May iba’t ibang uri nito.

a)

Realidad

b)

Pantasya

c)

Tayutay

74.

Tayutay: Simili at Metapora

______________Ito ay mas tuwiran o direktang paghahambing.

a)

Simili

b)

Metapora

75.

Tayutay: Simili at Metapora

______________ Ito ay uri ng tayutay na naghahambing sa dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan to ng mga salitang katulad, kagaya, parang, gaya ng, kasing, sing, tila at iba pa.

.

a)

Simili

b)

Metapora

76.

Tayutay: Simili at Metapora

______________ Hindi ito gumagamit ng mga salitang pagtutulad.

.

a)

Simili

b)

Metapora

77.

Tayutay: Simili at Metapora

______________ Direktang sinasabi na ang isang bagay ay isa pang bagay upang ipahayag ang pagkakatulad ng kanilang mga katangian.

.

a)

Simili

b)

Metapora

78.

Tayutay: Simili at Metapora

______________ Mas matindi at mas makapangyarihan ang dating nito dahil sa diretsang pagpapahayag nito.

.

a)

Simili

b)

Metapora

79.

Tayutay: Simili at Metapora

"Parang leon ang tatay ko kapag nagagalit. (Inihahambing ang galit ng tatay sa galit ng leon."

a)

Simili

b)

Metapora

80.

Tayutay: Simili at Metapora

"Ang kanyang mga mata ay bituin sa dilim. (Ibig sabihin, ang kanyang mga mata ay nagniningning at nagbibigay liwanag.")

a)

Simili

b)

Metapora

81.

Tayutay: Simili at Metapora

"Ang tatay ko ay leon sa loob ng bahay. (Ibig sabihin, siya ang hari o dominante sa bahay)"

a)

Simili

b)

Metapora

82.

Tayutay: Simili at Metapora

"Ang boses niya ay tulad ng musika sa aking pandinig. (Inihahambing ang ganda ng boses sa ganda ng musika."

a)

Simili

b)

Metapora

83.

Tayutay: Simili at Metapora

"Ang bilis niya ay gaya ng kidlat nang siya'y tumakbo. (Inihahambing ang bilis ng pagtakbo sa bilis ng kidlat."

a)

Simili

b)

Metapora

84.

Tayutay: Simili at Metapora

"Si Juan ay buwaya sa pulitika. (Ibig sabihin, siya ay sakim at mapanlamang tulad ng isang buwaya.:

Metapora".)

a)

Simili

b)

Metapora

85.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang kasipagan ay ina ng kayamanan at kaginhawahan.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

86.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang kabutihan mo ang sagot sa aking panalangin.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

87.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang mga pangako mo ay tila mga sulat sa buhangin.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

88.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang magkapatid ay parang aso’t pusa kung mag-away.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

89.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang mga anak ni Grace ang mga anghel sa kanyang buhay.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

90.

Tayutay: Simili at Metapora

Si Rosa ay tila nanginginig na dahon sa takot.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

91.

Tayutay: Simili at Metapora

Marumi at gula-gulanit na basahan ang damit na suot ng batang lansangan.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

92.

Tayutay: Simili at Metapora

Parang maugong na lamok ang kapatid kong napakakulit.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

93.

Dahil laging nagpapatawa si Jessie, siya ang payaso ng aming klase.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

94.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang pag-ikot-ikot ng pilyong bata ay simbilis ng malakas na ipu-ipo.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

95.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang nanay ko ang araw ng aking langit.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

96.

Tayutay: Simili at Metapora

Ang silid na ito ay sindumi ng lugar ng mga baboy.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

97.

Tayutay: Simili at Metapora

Walis tingting sa kapayatan ang mga bata sa kalsada.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

98.

Tayutay: Simili at Metapora

Si Tikboy at Ambo ay aso at pusa kung mag-away.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

99.

Tayutay: Simili at Metapora

Sinlambot ng unan ko ang marshmallow.

a)

Simili

b)

Metapora

c)

Hindi tayutay

100.

Realidad at Pantasya:

___________ ay ang mundo na ginawa ng ating imahinasyon.

Ito ay mga ideya, kwento, at pangyayari na hindi totoo sa realidad.

a)

Realidad

b)

Pantasya

101.

Realidad at Pantasya:

___________ ay ang lahat ng bagay na totoo at nangyayari sa totoong buhay. Ito ay mga bagay na

maaari nating makita, mahawakan, marinig, o maramdaman.

a)

Realidad

b)

Pantasya

102.

Realidad at Pantasya:

___________ ay hindi imbento; ito ay may katotohanan. Ito ay nagtuturo sa atin kung paano mabuhay at maging responsable. Ito ang nagbibigay sa atin ng mga aral at karanasan na bumubuo sa ating pagkatao.

a)

Realidad

b)

Pantasya

103.

Realidad at Pantasya:

Kadalasan, ang___________ ay ginagamit para mag-aliw, magbigay inspirasyon, o magpaliwanag ng mga bagay sa malikhaing paraan.

a)

Realidad

b)

Pantasya

104.

Realidad at Pantasya:

Ito ay nagbibigay-daan sa atin na mangarap, maging malikhain, at takasan ang mga problema ng realidad sa maikling panahon. Dito natin natutuklasan ang ating imahinasyon.

a)

Realidad

b)

Pantasya

105.

Realidad at Pantasya:

"Ang kwento ni Harry Potter. Ang mga wizards, magic spells, at ang mundo ng Hogwarts ay lahat ay bahagi

ng pantasya. Kahit na nakakatuwa at nakaka-aliw basahin, alam nating hindi ito totoo.

Pantasya. "

a)

Realidad

b)

Pantasya

106.

Realidad at Pantasya:

"Ang panaginip. Kapag nananaginip tayo, nakakakita tayo ng mga bagay na kakaiba o imposibleng mangyari sa realidad. Halimbawa, ang panaginip na lumilipad ka. "

"

a)

Realidad

b)

Pantasya

107.

Realidad at Pantasya:

"Isang mag-aaral na nag-aaral nang mabuti para sa pagsusulit at nakakuha ng mataas na marka. Ang pag-aaral ay isang gawain sa realidad, at ang mataas na marka ay ang resulta ng kanyang pinaghirapan."

a)

Realidad

b)

Pantasya