Worksheets1ST QUARTER APAN REVIEWER
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Paano matutukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar?
sa pamamagitan ng paggamit ng mga guhit latitud at longhitud
sa pamamagitan ng paggamit ng mga espesyal na guhit latitud at longhitud
sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kalapit bansa o anyong tubig na nakapaligid dito
sa pamamagitan ng paggamit ng mapa at globo upang ipakita ang eksaktong sukat ng lugar
Ano ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas ayon sa guhit latitud at longhitud?
4° at 20° H Latitud at 116° at 126° S Longhitud
4° at 21° H Latitud at 116° at 127° S Longhitud
4° at 30° H Latitud at 117° at 127° S Longhitud
4° at 31° H Latitud at 117° at 128° S Longhitud
Ano ang dapat mong gawin upang malaman ang eksaktong posisyon ng isang lugar gamit ang mapa?
gumamit ng mapang pang klima
alamin ang mga pangalan ng mga lugar sa mapa
alamin ang mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid dito
alamIn ang tiyak na lokasyon gamit ang mga guhit latitud at longhitud
Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, anong mga bansa ang nasa gawing hilaga ng Pilipinas?
Brunei, China, Japan
Brunei, China, Taiwan
China, Japan, Taiwan
China, Taiwan, Thailand
Bakit kailangan nating malaman ang relatibong lokasyon ng bansa?
para matukoy natin ang mga kalapit bayan at mga anyong tubig
para matukoy natin ang mga kalapit na lalawigan at mga anyong tubig sa labas ng bansa
para matukoy natin ang mga kalapit na bansa at lokasyong insular ng bansa batay sa kinalalagyan nito
para matukoy natin ang mga kalapit bansa at mga anyong tubig na nakapaligid dito batay sa mga pangunahin at pangalawang direksiyon
Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malinaw ang kaalaman sa hangganang sakop na teritoryo ng bansa?
madali ang pag-unlad ng bansa
magkakaroon ng kapayapaan sa bansa
mabilis ang pagtaas ng populasyon ng bansa
maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa
Sa iyong palagay, ang Pilipinas ba ay maituturing na isang bansa?
Opo. Dahil ito ay isang bansang malaya.
Opo. Dahil ito ay napaliligiran ng mga anyong tubig at anyong lupa.
Opo. Dahil ito ay may sariling kultura na maipagmamalaki sa buong mundo.
Opo. Dahil may mga naninirahang tao, may sariling teritoryo, may pamahalaan at may ganap na kalayaan
Ang mga sumusunod ay katangian ng isang lugar upang masabi na ito ay isang bansa maliban sa isa. Alin ito?
may ganap na kalayaan
may sariling pamahalaan
may naninirahang mga tao
pinamumunuan ng ibang bansa
Paano mo masasabing ang iyong bansang tinitirhan ay may pamahalaan?
kinakalinga ang mga dayuhan
hindi dinidinig ang daing ng mga mamamayan
may mga pansariling interes ang mga namumuno
tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa panahon ng kalamidad
Alin sa mga sumusunod ang hindi bahagi ng teritoryo ng Pilipinas?
kalupaang teritoryo
katubigang teritoryo
himpapawid na teritoryo
lupang teritoryo ng ibang bansa
hindi bahagi ng teritoryo ng Pilipinas?
kalupaang teritoryo
katubigang teritoryo
himpapawid na teritoryo
lupang teritoryo ng ibang bansa
Sa iyong palagay, bakit mahalaga na malaman ang hangganan at lawak na teritoryo ng isang bansa?
upang maging madali ang pagbibigay ng ayuda
upang maging maayos ang pamumuno ng mga nanunungkulan
upang mapanatili ang pagkakaisa ng mga namumuno at mga mamamayan
upang maiwasan ang suliraning pangkaayusan, pangkaligtasan at pangkapayapaan ng isang bansa
Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pagtatakda at pagsasabatas ng lawak at hangganang teritoryong sakop ng isang bansa maliban sa isa. Alin ito?
upang madali ang pagpasok ng mga dayuhan mula sa ibang bansa
upang maging tahimik at ligtas ang pamumuhay ng mga mamamayan nito
may mga lugar na ang may nagmamay-aring bansa lamang ang maaaring maglibot, manguha at gumamit ng yaman nito
nirerespeto ng bawat bansa ang teritoryo ng isa’t-isa kaya hindi nakapapasok ng walang pahintulot sa teritoryo ng isang bansa
Saang artikulo ng Saligang Batas ng Pilipinas nasasaad ang tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan at ipagtanggol ang bansa?
Artikulo I
Artikulo II
Artikulo III
Artikulo IV
Kung ang isang bagong teritoryo ay natuklasan malapit sa Palawan, paano makakaapekto ang Doktrinang Pangkapuluan sa pag-aangkin ng Pilipinas?
ang bagong teritoryo ay magiging pag-aari ng ibang bansa
ang bagong teritoryo ay hindi magiging bahagi ng Pilipinas
ang bagong teritoryo ay magiging bahagi ng isang bagong bansa
ang bagong teritoryo ay magiging bahagi ng Executive Economic Zone ng Pilipinas
Ano ang maaaring mangyari kung ang mga hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay hindi maayos na naitatakda at nasusunod?
maaaring itong magdulot ng pagtaas sa antas ng kalusugan ng bansa.
maaaring itong magdulot ng pagtaas sa bilang ng mga turista sa bansa.
maaaring itong magdulot ng pagbuti ng komunikasyon at transportasyon.
maaaring itong magdulot ng hindi pagkakaunawaan at alitan sa mga kalapit bansa na nag-aangkin ng teritoryo
Ano ang dahilan ng mga taga probinsiya kung bakit nais nilang manirahan sa mga lungsod?
naghahanap ng mapaglilibangan
naniniwala sila na maganda ang buhay sa lungsod
nagnanais na maging mayaman tulad ng mga nakatira sa lungsod
naghahanap ng magandang opurtunidad para umangat ang buhay
Gamit ang iskalang 1 cm = 5 000 km., ano ang distansiya ng bansang Laos mula sa Pilipinas kung ang layo nito ay 6 cm?
20000 KM
30000 KM
40000 KM
50000 KM
Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng pagiging kapuluan ng Pilipinas maliban sa isa. Alin ito?
may malawak tayong pangisdaan
marami tayong magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista
marami tayong pulo na nagsisilbing daungan ng iba’t ibang sasakyang pandagat
sa ating mga baybayin marami tayong mga daungan na siya ring dahilan kung bakit maaaring makapasok ang mga smuggler
Bakit mahalaga ang lokasyong insular ng Pilipinas sa usapin ng pangangalaga ng teritoryo?
dahil mas madali itong masakop ng ibang bansa
dahil hindi nito kailangan ang hukbong dagat para sa depensa
dahil hindi madaling makapasok ang mga turista sa ating bansa
dahil napalilibutan ito ng karagatan na nagsisilbing proteksiyon laban sa mga mananakop
Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng katangiang heograpikal ng bansa maliban sa isa. Alin ito?
nagkakaroon ng pag-unlad sa bansa.
nagsisilbing kanlungan ng mga rebelde
nagkakaroon ng pag-uugnayan ang iba’t ibang bansa
nagtataglay ng likas na yaman tulad ng yamang lupa, yamang mineral at yamang enerhiya
Paano nakakaapekto ang mga likas na yaman sa pag-unlad ng mga pamayanan sa ating bansa?
nakatutulong sa pagpapagawa ng mga gusali
nakatutulong upang mapabuti ang kalusugan ng mga mamamayan
nakapagbibigay ng libreng produkto at serbisyo sa mga pamayanan
wala itong nagiging epekto sa pag-unlad ng mga pamayanan sa ating bansa
Kung ikaw ay isang tagapag-alaga ng kapaligiran, ano ang gagawin mo upang maprotektahan ang mga bundok?
papayagan ang mga minero na makapagmina.
hahayaan ang mga mayayaman na magtayo ng mga pasyalan
magpapagawa ng mga kalsada upang maging magaan ang paglalakbay ng mga turista
hihikayatin na magtanim ng mga puno ang mga tao at magsagawa ng regular na paglilinis ng basura
ano ang maaring epekto ng pagkakaroon ng maraming anyong tubig tulad ng Dagat Sulu at Dagat Celebes?
Ang mga anyong tubig ay nagpapataas ng temperatura ng bansa.
Ang mga anyong tubig ay nagiging sanhi ng matinding init sa bansa.
Ang mga anyong tubig ay nagpapalakas ng ulan at nagdudulot ng malamig na klima.
Ang mga anyong tubig ay nagpapababa ng antas ng ulan at nagiging sanhi ng tagtuyot.
Alin sa mga sumusunod ang tamang paraan upang mapanatili ang kalinisan ng mga anyong tubig?
iwasan ang pag-recycle ng mga plastic
huwag magtapon ng basura sa mga anyong tubig
itapon sa dagat ang mga patay na alagang hayop
gumamit ng mga kemikal sa paglilinis sa mga ilog
