NEW
Font size
WorksheetsFilipino Quarter 1
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Ano ang pamagat ng nabasang pabula?
Ang Aso at ang Karne
Ang Karne sa Sanga
Ang Aso at ang Uwak
Ang Uwak at ang Karne
Sino-sino ang tauhan sa pabula?
aso at agila
uwak at agila
aso at uwak
uwak at pusa
Alin ang sa mga sumusunod ang katangian ni Aso?
mabait
masayahin
mapanlinlang
matulungin
Bakit nagalit si Ciara sa kaniyang kapatid na si Hero?
Makulit ang kaniyang kapatid.
Hindi sumama sa kaniyang nanay si Hero.
Masyadong malikot ang nakababatang kapatid.
Pinaglaruan ang papel na sinulatan ng kaniyang takdang-aralin.
Paano ipinakikita ni Ciara ang pagmamahal sa kapatid?
binibigyan niya ng kendi.
inaalagaan niya ito.
pinagsasabihan niya ang kapatid.
isinusumbong niya ang kapatid sa nanay.
Kung ilalarawan natin si Hero, alin sa mga sumusunod na pahayag ang angkop sa kanya?
Mabait
Makulit
Malikot
Mapagmahal
Paano nakalimutan ni Ciara ang galit sa kaniyang kapatid?
Nagpakitang-gilas ito
Niyakap siya nito ng mahigpit
Binigyan siya nito ng pagkain
Nakita niyang sugatan ito at umiiyak
Alin sa mga sumusunod ang pangngalang tumutukoy sa tao?
Araw ng Kalayaan
Dr. Jose Rizal
palengke
mesa
"Si Veronica ay pumunta sa palengke." Ano panghalip panao ang maaring gamitin sa salitang nakasalungguhit?
Ako
Siya
Kami
Sila
Sina Aling Martha at Mang Kardo ay nagtanim ng maraming gulay sa likod ng kanilang bahay. Anong bahagi ng pananalita ang mga nakasalungguhit?
Pangngalan
Panghalip
Pandiwa
Pang-uri
“Aw, Aw, Aw!” malakas na tahol ng aso na parang di-mapakali. Ano ang nais niyang mangyari batay sa kanyang ikinikilos?
nag -aalala
nagmamadali
humihingi ng tulong
nagmamakaawa
Sabi ni Aso, “Tulong! Tulong! Maawa kayo sa akin, gutom na gutom na ako”. Ano ang gusto niyang gawin?
magpapansin
magmakaawa
magmadali
humingi ng tawad
Noong narinig ni pusa ang panaghoy ng Aso, alin dito ang kanyang ginawa?
Nilapitan si Aso
Nilayuan niya ito
Pinagalitan ang sarili
Tinawanan ng malakas
Nalalapit na ang pista ng barangay. May patimpalak ang pinakamalinis na Sitio kaya ang mga residente ay nagkakaisa sa pagjilinis at pag-aayos ng kanilang lugar. Anong sawikain ang angkop sa salitang may salungguhit?
kapit-bisig
bantay-salakay
ulilang lubos
mataas ang lipad
Madaling-araw pa lamang ay gumagayak na si Mang Pido upang magsaka ng kaniyang lupain.
Kailangan niyang madoble ang kanilang ani. Ninanais niyang maiahon ang kanilang buhay na mahirap. Alin ang angkop na sawikain ng salitang may salungguhit?
antay-salakay
mataas ang lipad
suntok sa buwan
isang kahig isang tuka
Napaka imposible ang pangarap ni Athena na makarating sa Amerika subalit naniniwala siya na habang may buhay ay may pag-asa. Alin sa mga sumusunod na salita ang angkop na sawikain ng salitang may salungguhit?
bantay-salakay
kapit-bisig
ulirang anak
suntok sa buwan
Ano ang problemang dapat lutasin na nais iparating ng may-akda?
Ang paghalo-halo ng mga basura.
Ang kakulangan sa trak ng basura.
Ang paglala sa problema ng basura.
Ang hindi paghahakot ng mga basurero sa mga basura.
Paano mababawasan ang pagdami ng basura?
Paggawa ng pataba mula sa nabubulok na basura.
Ipatupad ang pagbabawal sa paggamit ng 'single use plastic'.
Pagrerecycle sa mga basurang maaari pang mapakinabangan.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Paano mapakinabangang muli ang mga nabubulok na basura?
Itinatapon sa sapa at ilog.
Ipinapakain sa mga alagang hayop.
Itinatapon sa bakanteng lote at kinakalat ng mga aso.
Inilalagay sa compost pit para maging pataba sa mga halaman.
May humintong ambulansiya sa tapat ng bahay ni Gng. Teresita Mendoza. Maraming tao ang nang-usyuso sa mga pangyayari. Ano kaya ang nangyari kay Gng. Teresita Mendoza?
Napahinto lamang ang ambulansiya.
Naubusan ng gasolina ang ambulansiya.
Dadalhin sa ospital si Gng. Teresita Mendoza.
May inihatid lamang kay Gng. Teresita Mendoza.
Maraming mag-aaral ang hihinto ngayong pasukan dahil sa pandemiya. Ano sa palagay mo ang nangyari?
Ayaw na nilang mag-aral.
Natatakot siya sa bagong guro ( kasi mga mag-aaral).
Walang perang pantustos ang kanilang mga magulang.
Nababahala sa pagkalat ng lumalaganap na pandemiya.
Kaarawan ni Steve ngayon araw subalit hindi man lamang naalala ng kaniyang mga magulang. Ano ang pinakamabuting gagawin ni Steve?
maglalayas siya
hindi siya uuwi sa kanilang bahay
magtanim ng galit sa kaniyang mga magulang
hahayaan niya na lang dahil lilipas din ang araw na ito
Gusto mong lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Paano ka magpapaalam sa iyong mga magulang?
Aalis po ako kasama ng aking mga kaibigan.
Hinihintay na ako ng aking mga kaibigan sa labas, paalam.
Maaari po ba akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan?
Payagan ninyo akong lumabas kasama ang aking mga kaibigan.
Gusto mong makipaglaro sa labas kasama ang inyong mga kaibigan. Humingi ka ng pahintulot sa iyong ina ngunit ayaw kang payagan dahil sobrang init sa labas. Ano ang iyong sasabihin?
Sige na inay, payagan na po ninyo ako.
Aalis pa rin ako, Inay kahit hindi ninyo ako papayagan.
Opo, Inay, gagawa na lang po ako ng aking takdang-aralin.
Naku, Inay, wala naman po akong gagawin dito sa bahay kaya payagan na ninyo ako.
Si Marko ay isang mabuting bata. Ano ang wastong panghalip panao para sa nakasalungguhit na salita?
Ako
Ikaw
Siya
Tayo
Nakibahagi sa proyekto ng ating pangkat. Anong panghalip ang ginamit dito?
Atin
Ng
Sa
Tayo
Ngayon lang siya nakakita ng ganito. Anong panghalip ang ginamit sa pangungusap?
Ako
Niya
Siya
Ating
Pagkatapos mong mapanood ang pelikula, nakadama ka ng paghanga. Anong elemento ng pelikula ang nasalungguhitan?
tema
kaisipan
tauhan
tagpuan
Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula tungkol sa magkaibigan samakatuwid, ito ay masasabing kathang-isip. Anong uri ng elemento ng pelikula ang nasalungguhitan?
uri
tema
bahagi
wakas
Naging malinaw ang paghahatid ng mensahe ng pelikula dahil sa detalyado ang mga pangyayari. Anong uri ng elemento ng pelikula ang nasalungguhitan?
tema
kaisipan
tauhan
pagkasusunud-sunod ng mga pangyayari
Nakagawian na ng mga tao sa barangay ang pagsunog ng basura na siya pa lang dahilan ng pagkakasakit ng mga bata ng asthma. Ano ang maaaring solusyon mo sa ganitong suliranin?
Iwanan lang sa daanan ang mga basura.
Itapon ang mga basura sa ilog, sapa, at dagat.
Ilagay sa loob ng sako at sunugin ang mga basura.
Ipunin at i-segregate ang mga basura at itapon sa tamang tapunan.
Noong bata pa ako, kasama ang aking mga pinsan ay madalas kaming naliligo sa sapa tuwing nagbabakasyon kami sa lugar ng lola ko. Malinis, maputi at maraming isda ang nag-uunahan sa paglangoy sa sapa. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw. Ngayon, sobrang nakadidismayang isipin dahil maitim na ang tubig nito sapagkat napabayaan at ginawa ng paliguan ng kalabaw. Ano ang pwede mong gawin para maibalik ang dating hitsura ng sapa?
Pabayaan na lang ito.
Iiyak at huwag ng bumalik sa lugar na iyon.
Pagalitan ang mga taong nagdadala ng kanilang kalabaw sa sapa.
Ireport sa mga opisyal ng barangay para pagsabihan ang mga taong lumalapastangan sa sapa.
Maraming namamatay na mga bata sa kabilang barangay dahil sa sakit na Dengue. Ano ba ang maaaring solusyon nito?
Ipagwalang bahala ang 4 o'clock habit.
Tumulong sa paglilinis ang sambayanan.
Huwag makiisa sa programang Clean up Drive ng gobyerno.
Ipaubaya ng gawaing paglilinis sa mga opisyal ng barangay.
Ang pagsuot ng face mask ay mahalaga upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
Sang-ayon ako para sa kaligtasan ng lahat.
Hindi ako sang-ayon dahil sagabal ito sa paghinga.
Sang-ayon ako upang umunlad ang hanalbuhay ng mga negosyante.
Hindi sigurado sa sagot.
Umiwas sa mga taong may lagnat, ubo at sipon. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
Sang-ayon ako dahil maaaring makahawa sila.
Hindi ako sang-ayon dahil nakakaawa ang kalagayan nila.
Hindi ako sang-ayon dahil hindi naman sila manghahawa.
Hindi sigurado sa sagot.
Ang taong nakisalamuha sa pasyenteng positibo sa virus ay kailangang humingi ng agarang atensiyong medical. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
Sang-ayon ako upang masuri kung nahawaan.
Hindi ako sang-ayon dahil magastos ang magpatingin sa doktor.
Sang-ayon din pero wala lang.
Hindi sigurado sa sagot.
Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at umaagos na tubig. Ano ang iyong opinion o reaksiyon?
Sang-ayon ako upang matanggal ang virus na kumapit sa aking kamay.
Hindi ako sang ayon dahin mauubos kaagad and sabon.
Hindi ako sang-ayon sa umaagos na tubig dahil maaksaya.
Hindi sigurado sa sagot.
Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki at nag-aruga sa kaniyang mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan. Ano ang pamagat ng talata?
Ang Ulila
Ang Ulilang si Andres
Sariling Pagsisikap
Magulang ni Andres Bonifacio
Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin. Ano ang pamagat ng talata?
Ang Ifugao
Taniman ng Ifugao
Kahanga-hangang Tanawin
Ang Hagdan-hagdang Palayan
Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. Isinilang siya sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kanilang bahay ay nasa tapat ng kasalukuyang istasyon ng tren ng Tutuban. Ang kaniyang ama si Santiago Bonifacio ay isang sastre. Ang kaniyang ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay. Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio. Ano ang pamagat ng talata?
Si Andres Bonifacio
Mga Magulang ni Andres
Si Catalina de Castro
Trabaho ng mga Magulang
Ano ang unang pangyayari?
Maagang pumunta sa bukid si Ruben
Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.
Ano ang unang ginawa niya pagdating niya sa bukid?
Maagang pumunta sa bukid si Ruben
Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.
Ano ang huling pangyayari?
Maagang pumunta sa bukid si Ruben
Tinignan ang kanyang mga alagang hayop para pakainin ang mga ito
Pinuntahan niya ang kanyang mga pananim na okra, talong at kalabasa upang diligan
Sumakay siya sa kanyang alagang kalabaw upang simulan ang ibang pang mga trabaho sa bukid.
Hahanapin ni Nena nag pinagsama-samang mga mapa sa iisang aklat. Anong aklat sanggunian ang kanyang kukunin?
Almanac
Atlas
Diksiyonaryo
Ensayklopidya
Nais kong makita ang impormasiyon tungkol sa iba't ibang paksa na nakaayos ng paalpabeto. Anong aklat sanggunian ang aking kukunin?
Almanac
Atlas
Diksyunaryo
Ensayklopidya
Gusto ni Linda na malaman ang kahulugan, tamang pagpapantig, pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas ng mga salita. Anong aklat sanggunian ang kanyang kukunin?
Almanac
Atlas
Diksyunaryo
Ensayklopidya
Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon na naman ang hangad kong makita. Anong aklat sanggunian ang aking kukunin?
Almanac
Atlas
Ensayklopidya
Tesawro
Alin sa mga sumusunod ang tama ang pagkakasulat sa pangalan ng kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon?
Kalihim leonor m. briones
Kalihim Leonor M. briones
Kalihim Leonor M. Briones
Kalihim leonor M. Briones
Anong letra ang nagpapakita ng wastong pagkakasulat sa pangalan ng punong-guro na nagbigay ng paliwanag ukol sa pagbubukas ng klase?
A. Gng. ramos
B. Gng. Ramos
C. gng. ramos
D. gng. Ramos
Anong bantas ang ilalagay mo sa pahayag na ito?
Kuwit
Tuldok
Tandang Padamdam
Tandang Pananong
