NEW
Font size
WorksheetsEPP 5 First Quarter Examination
Total questions: 40
Worksheet time: 20hrs 0mins
Ano ang pangunahing layunin ng pagsunod sa mga patakaran ng netiquette kapag gumagamit ng internet?
Upang magmukhang mas propesyonal online
Upang humanga ang iba sa iyong kaalaman
Upang pahabain ang iyong mga mensahe
Upang matiyak ang magalang at responsableng komunikasyon
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan sa netiquette?
Isang uri ng online na laro
Isang paraan ng pagdidisenyo ng mga website
Isang set ng mga patakaran tungkol sa paggamit ng mga computer
Mga alituntunin para sa wastong pag-uugali kapag gumagamit ng internet
Bakit mahalagang hindi gumamit ng ALL CAPS kapag nag-e-email o nagpo-post online?
Ginagawa nitong mas makulay
Pinapadali nito ang mensahe
Maaaring ituring itong pasigaw o hindi magalang
Nakatutulong ito sa tamang pagbaybay ng mga salita
Nakakatanggap si Maria ng mensahe mula sa isang hindi kilalang tao na humihiling ng kanyang personal na impormasyon. Ano ang dapat niyang gawin?
Tanungin sila kung ano ang kailangan nila
Sagutin lamang ang kanyang buong pangalan.
Ibahagi ang kanyang mga detalye nang magalang
Huwag pansinin at ipagbigay alam sa kinauukulan ang laman ng mensahe.
Alin sa mga sumusunod na aksyon ang nagpapakita ng wastong netiquette kapag gumagamit ng search engine?
Maghanap ng mga sagot habang may exam
Kopyahin ang lahat ng impormasyon at ipost ito bilang iyo
Magpost ng mga tanong sa ALL CAPS upang makakuha ng mabilis na sagot.
Gumamit ng magagalang na mga keyword at suriin ang mga mapagkakatiwalaang site
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na halimbawa ng wastong netiquette kapag gumagamit ng social media?
Pagkopya ng nilalaman ng iba at pagpapanggap na ito ay sariling gawa
Pagbabahagi ng personal na impormasyon ng ibang tao nang walang pahintulot
Paggamit ng masasamang salita sa isang komento para ipahayag ang saloobin
Pagsagot sa isang online discussion nang may respeto kahit hindi sang-ayon sa
opinyon
Ano ang gamit ng web browser?
Para manood ng mga palabas sa TV
Para mag-edit ng mga larawan
Para pumunta at magbasa ng mga website
Para maglaro ng mga video games
Ano sa mga sumusunod ang halimbawa ng web browser?
YouTube
Microsoft Word
Mozilla Firefox
Ano ang gamit ng address bar sa isang web browser?
Upang manood ng mga larawan
Upang i-type ang mga URL ng mga website
Upang baguhin ang mga setting
Upang mag-download ng mga laro
Ano ang tawag sa isang programa na tumutulong sa iyo na maghanap ng impormasyon sa internet?
Calculator
Paint program
Search engine
Web browser
Kung kailangan mong magsaliksik para sa iyong takdang-aralin sa Science gamit ang internet, ano ang una mong dapat gawin gamit ang isang search engine?
I-type ang tanong sa address bar
Buksan ang isang drawing program
Mag-post ng tanong sa social media
I-type ang mga keyword na may kaugnayan sa iyong paksa sa search box.
Alin sa mga sumusunod na aksyon ang nagpapakita na ginagamit mo ang search engine nang responsable?
Maghanap ng mga sagot habang nasa klase
Buksan ang anumang site na may maraming larawan
I-click ang unang link nang hindi tinitingnan ang pinagmulan
Pumili ng mga pinagkakatiwalaang website na may tumpak na impormasyon
Si Ana ay gumagamit ng internet para sa kanyang takdang-aralin. Paano siya mananatiling ligtas online habang gumagamit ng web browser?
I-click ang lahat ng pop-up ads
Subukan ang lahat ng link na mukhang interesante
Bisitahin lamang ang mga website na inirerekomenda ng kanyang guro
I-share ang kanyang personal na impormasyon upang makakuha ng mas magandang resulta
Tinutulungan mo ang iyong nakababatang kapatid na gumamit ng search engine. Ano ang pinakamahusay na paraan upang gabayan siya?
Hayaan silang mag-type ng mga random na salita
Sabihin sa kanila na i-click ang pinakamakulay na link
Ipakita sa kanila kung paano mag-post ng mga tanong online
Tulungan silang gumamit ng mga ligtas at tamang search terms
Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng e-mail?
Maglaro ng online games
Gumuhit ng mga larawan
Gumawa ng mga website
Mag-send at tumanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng internet
Anong bahagi ng e-mail interface ang ginagamit upang i-type ang email address ng tatanggap?
Body text area
Inbox
To field
Subject box
Para saan ang subject line sa e-mail?
Para mag-send ng video
Para mag-attach ng larawan
Para isulat ang iyong buong pangalan
Para magbigay ng maikling ideya kung tungkol saan ang email
Kapag nag-attach ka ng file sa isang e-mail, ano ang ibig sabihin nito?
Binubura mo ang email
Binubuksan mo ang isang website
Idinadagdag mo ang isang kaibigan sa iyong contact list
Idinadagdag mo ang isang file tulad ng larawan o dokumento sa iyong mensahe
Saan ka magki-click upang ipadala ang email pagkatapos magsulat at mag-attach ng mga files?
Draft
Inbox
Reply Button
Send Button
Alin sa mga sumusunod ang hindi ligtas o hindi responsableng paraan ng paggamit ng E-Mail?
Paggamit ng malinaw na paksa (subject) sa bawat email
Paglalagay ng angkop na pagbati at pamamaalam sa mensahe
Pagsisiguro na tama ang email address ng padadalhan bago pindutin ang 'Send'
Pag-click agad sa mga kahina-hinalang link na ipinadala ng hindi kilalang nagpadala
Ano ang pinakamahalagang gawin bago ipadala ang isang email?
Magpadala ng email sa lahat ng kakilala
Ipadala agad kahit walang laman ang mensahe
Maglagay ng tamang email address ng tatanggap
Gumamit ng malalaking letra para kapansin-pansin
Ano ang dapat gawin kapag nakatanggap ng email mula sa hindi kilalang tao na may attachment?
Buksan agad ang attachment
I-forward ang email sa lahat ng kakilala
Sagutin agad ang email nang hindi iniisip
I-delete o huwag pansinin ang email kung kahina-hinala
Ano ang tamang etiquette sa pagsulat ng email?
Gumamit ng magalang na pagbati at pagtatapos
Magpadala ng mahahabang email na walang linaw na paksa
Gumamit ng malaking letra sa buong email para seryoso ang dating
Magpadala ng email ng madalas kahit walang mahalagang impormasyon
Gumawa ka ng Word document na may mahabang listahan. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na paraan upang ayusin ang listahan para sa mas madaling pagbabasa?
Palitan ang font na maging cursive
Magdagdag ng makulay na mga hugis sa bawat linya
Gawin mong lahat ng mga letra ay capital letters
Gumamit ng bullets o numbering upang malinaw na istruktura ang mga bagay
Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng animations sa isang slide presentation?
Para ilihis ang atensyon ng audience
Para lang palitan ang kulay ng background
Para gawing mas mahirap basahin ang slides
Para magdagdag ng kilos at makuha ang atensyon sa mahahalagang bahagi
Ano ang layunin ng paggamit ng mga animation sa isang presentasyon ng slide?
Binabago ang font ng text
Binubura ang hindi kailangang slides
Awtomatikong sina-save ang presentation
Nagdadagdag ng kilos sa mga teksto o larawan kapag lumilipat mula sa isang slide papunta sa isa pa
Bakit mo dapat insert ang audio o video sa isang presentasyon?
Upang pahabain ang presentasyon
Para magbigay aliw nang walang impormasyon
Upang palitan ang lahat ng nakasulat na nilalaman
Upang suportahan ang paksa at gawing mas kaaya-aya ang presentasyon
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng mga transition at animation sa isang presentasyon ng proyekto sa paaralan?
Paggamit ng maraming effects sa bawat slide
Pag-iwas sa lahat ng effects upang matapos nang mabilis
Paggamit ng mga transition para lamang sa mga larawan
Paggamit ng maayos at simpleng mga effects na tumutugma sa paksa at tumutulong sa pagpapaliwanag
Ano ang tawag sa mga piraso ng code na dinadrag at dinadrop upang lumikha ng isang program?
Commands
Codes
Blocks
Buttons
Aling bahagi ng block coding interface ang ginagamit upang ilagay at pagsamahin ang mga blocks?
Stage
Toolbox
Menu Bar
Script Area/ Workspace
Ano ang tawag sa bahagi ng interface kung saan makikita mo ang resulta ng programang nilikha?
Stage
Output Box
Preview Panel
Script Window
Ano ang layunin ng 'Toolbox' sa block coding environment?
Upang makita ang huling output
Upang mag-record ng tunog
Upang magdagdag ng background
Upang pumili ng mga block na gagamitin
Anong kulay ang karaniwang ginagamit para sa mga motion block sa Scratch (block coding tool)?
Asul
Berde
Dilaw
Kahel
Saang bahagi mo matatagpuan ang mga block tulad ng 'move 10 steps' o 'turn 15 degrees'?
Sound Blocks
Motion Blocks
Event Blocks
Looks Blocks
Ano ang dapat gawin upang maisagawa ang mga block na inilagay sa workspace?
I-save ang file
Burahin ang block
I-drag ang mga blocks sa toolbox
I-click ang Green Flag o specific block
Alin sa mga ito ang hindi bahagi ng user interface ng block coding?
Coding Area
Stage
Spreadsheet
Toolbox
Ano ang papel ng 'event blocks' sa block coding?
Nagpapagalaw sa mga Sprite
Nagpapatugtog ng tunog
Binabago ang hitsura ng sprite
Nagpapasimula ng mga aksyon sa isang programa
Alin sa mga sumusunod na block ang ginagamit upang simulan ang isang script kapag na-click ang green flag?
play sound until done
when green flag clicked
switch costume to
move 10 steps
Ano ang block na ginagamit upang pagalawin ang isang sprite sa pasulong na direksyon?
say Hello for 2 seconds
move 10 steps
Play sound Meow
switch backdrop to
Alin sa mga sumusunod ang tamang block upang palitan ang background ng iyong stage?
switch backdrop to beach
say beach for 2 seconds
move to beach
set sound to beach
