wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Komunikasyon at Pananaliksik sa Filipino

Total questions: 36

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na kahulugan ng wika ayon kay Henry Gleason?

a)

Isang sistema ng mga tunog na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

b)

Isang masistemang balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo.

c)

Isang koleksyon ng mga salita na ginagamit ng mga tao sa isang bansa.

d)

Isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at ideya ng isang indibidwal.

2.

Ayon sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon, ano ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas?

a)

Cebuano

b)

Filipino

c)

Ingles

d)

Tagalog

3.

Ano ang ibig sabihin ng bilingguwalismo?

a)

Ang kakayahan ng isang tao na makapagsalita ng dalawang wika.

b)

Ang paggamit ng higit sa dalawang wika.

c)

Ang paggamit ng katutubong wika ng isang rehiyon.

d)

Ang pag-aaral ng iba't ibang wika sa paaralan.

4.

Ano ang pangunahing layunin ng wika bilang isang kasangkapan ng tao sa lipunan?

a)

Upang lumikha ng mga batas at patakaran.

b)

Upang makipag-ugnayan at magkaunawaan ang mga tao.

c)

Upang magturo ng kultura at tradisyon.

d)

Upang maipahayag ang damdamin at saloobin ng mga indibidwal.

5.

Ano ang kahulugan ng "lingua franca"?

a)

Wikang ginagamit ng isang partikular na grupo o rehiyon.

b)

Wikang katutubo sa isang lugar na ginagamit ng lahat ng tao.

c)

Wikang ginagamit ng dalawang tao na may magkaibang wika upang magkaunawaan.

d)

Pambansang wika na ginagamit sa opisyal na gawain ng gobyerno.

6.

Ayon sa teorya ng wika, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng masistemang balangkas?

a)

Upang madaling matutunan ng mga bata ang wika.

b)

Upang maayos na maisaayos at magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.

c)

Upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan.

d)

Upang maipasa ang karunungan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

7.

Ano ang ibig sabihin ng terminong "berbal na komunikasyon"?

a)

Pakikipagtalastasan gamit ang kilos ng katawan.

b)

Pakikipag-usap gamit ang mga salita.

c)

Pakikipag-ugnayan gamit ang mga simbolo.

d)

Pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng teknolohiya.

8.

Ayon kay Thomas Carlyle, ano ang tungkulin ng wika sa tao?

a)

Itinuturing ang wika na saplot ng kaisipan.

b)

Bilang tagapag-ingat ng kultura.

c)

Bilang paraan ng pag-aaral ng ibang wika.

d)

Bilang isang paraan ng pakikipagkalakalan.

9.

Wika na kadalasan ay nagmula o sinasalita sa loob ng tahanan

a)

Ekolek

b)

Etnolek

c)

Idyolek

d)

Sosyolek

10.

Nagkita sa isang tindahan ang dalawang magkaibigan sa kanilang barangay. Nasambit ng isa ang ganito…… “Feeling ko teh, winning ang outfit mo today.”

a)

Sosyolek

b)

Dayalek

c)

Idyolek

d)

Etnolek

11.

Sir, gamit mo ba lesson plan o daily log? Ma’am sa dami nating gawain bilang adviser malaking bagay na daily log na ang gagamitin ko.

a)

Idyolek

b)

Sosyolek

c)

Rehistro

d)

Dayalek

12.

Ano ang tawag sa wika kapag walang pare-parehong pagsasalita sa lahat ng gumagamit nito?

a)

Homogeneous

b)

Heterogeneous

c)

Idyolek

d)

Dayalek

13.

Ano ang ibig sabihin ng "Jejemon" o "Jejespeak"?

a)

Paghahalo ng Tagalog at Ingles na "pasosyal"

b)

Pagkakaroon ng espesyal na bokabularyo ng isang propesyon

c)

Paghalo ng mga numero, simbolo, at titik sa pagsulat

d)

Pansariling estilo ng pagsasalita ng mga tao

14.

Ano ang tawag sa barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na pangkat mula sa isang lugar tulad ng lalawigan o rehiyon?

a)

Dayalek

b)

Ekolek

c)

Jargon

d)

Sosyolek

15.

Wikang ginagamit batay sa antas o katayuan sa lipunan?

a)

Dayalek

b)

Gay Lingo

c)

Sosyolek

d)

Jargon

16.

Barayti ng wika na sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad

a)

Dayalek

b)

Etnolek

c)

Idyolek

d)

Sosyolek

17.

Ito ay pinauso at ginamit ng isang sangay ng lipunan natin na nakaugat sa kulturang popular ng kabataang gumagamit ng text messaging sa kanilang pakikipag-komunikasyon.

a)

Homogenous

b)

Heterogenous

c)

Jejemon

d)

Rehistro

18.

Ang paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino sa programang “The Buzz “ay nakilala natin at naging marka ito ng kanyang pagkakakilanlan sa larangan ng Telebisyon. Anong barayti ng wika ito?

a)

Dayalek

b)

Etnolek

c)

Idyolek

d)

Taglish

19.

Iisang anyo at uri o barayti ang wikang ginagamit sa isang lingguwistikong komunidad.

a)

Bilingguwal

b)

Heterogenous

c)

Homogenous

d)

Monolingguwal

20.

Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming kasalong wika, nananatili pa rin ang barayti at baryasyon nito kahit pa sabihing mayroong pambansang wika.

a)

Bilingguwalismo

b)

Heterogenous

c)

Homogenous

d)

Multilingguwalismo

21.

Ano ang pangunahing layunin ng wika sa isang grupo ng tao?

a)

Upang lumikha ng komplikadong istruktura ng lipunan

b)

Upang magbigay ng isang universal na mensahe sa lahat ng tao.

c)

Upang pag-ugnayin ang grupo ng tao at tukuyin ang kanilang lingguwistikong komunidad

d)

Upang tukuyin ang antas ng pormalidad ng komunikasyon

22.

Paano naiiba ang komunikasyon bilang aksyon mula sa komunikasyon bilang interaksyon?

a)

Ang komunikasyon bilang aksyon ay naglalaman ng pagpapalitan ng impormasyon sa dalawang tao, samantalang ang komunikasyon bilang interaksyon ay isang proseso ng pagpapadala ng mensahe.

b)

Ang komunikasyon bilang aksyon ay nakatuon sa pagpapadala ng mensahe mula sa sender patungo sa receiver, samantalang ang komunikasyon bilang interaksyon ay nagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang tao.

c)

Ang komunikasyon bilang aksyon ay isang proseso ng pagbibigay ng feedback, samantalang ang komunikasyon bilang interaksyon ay nagmumula sa sender.

d)

Ang komunikasyon bilang aksyon ay nagpapakita ng simbolo, samantalang ang komunikasyon bilang interaksyon ay nakatuon sa kahulugan

23.

Ano ang pangunahing layunin ng oratorical o frozen style ng komunikasyon?

a)

Upang magbigay ng personal na feedback sa maliit na grupo

b)

Upang makipag-usap sa mga kaibigan at pamilya

c)

Upang magsalita sa harap ng publiko na may malaking bilang ng manonood

d)

Upang magbigay ng opinyon sa isang forum

24.

Sa anong sitwasyon ang karaniwang ginagamit ang consultative style ng komunikasyon?

a)

Sa mga informal na pag-uusap sa pamilya

b)

Sa mga usapan sa mga kaibigan

c)

Sa opisina at mga pulong

d)

Sa mga malapit na relasyon at personal na pakikipag-ugnayan

25.

Paano naiiba ang komunikasyong intrapersonal mula sa komunikasyong interpersonal?

a)

Ang komunikasyong intrapersonal ay nangyayari sa pagitan ng dalawang tao, habang ang komunikasyong interpersonal ay nagaganap sa sariling isip.

b)

Ang komunikasyong intrapersonal ay gumagamit ng mensahe sa sariling isip, habang ang komunikasyong interpersonal ay nagaganap sa pagitan ng dalawang tao.

c)

Ang komunikasyong intrapersonal ay may mas malalim na kahulugan kaysa sa komunikasyong interpersonal.

d)

Ang komunikasyong intrapersonal ay nangangailangan ng malaking bilang ng tagatanggap, samantalang ang komunikasyong interpersonal ay para sa maliit na grupo

26.

Anong uri ng komunikasyon ang ginagamit kapag ang mensahe ay ipinapadala sa isang malaking bilang ng tagatanggap na maaaring sagot-tanong?

a)

Komunikasyong Intrapersonal

b)

Komunikasyong Interpersonal

c)

Komunikasyong Pampubliko

d)

Komunikasyong Pangmasa

27.

Paano makakatulong ang komunikasyong pangmasa sa pagpapalaganap ng impormasyon?

a)

Ang komunikasyong pangmasa ay nagbibigay ng personal na feedback sa isang maliit na grupo ng tagatanggap.

b)

Ang komunikasyong pangmasa ay gumagamit ng telebisyon upang makipag-ugnayan sa malaking bilang ng mga di nakikitang tagatanggap.

c)

Ang komunikasyong pangmasa ay tumutok sa interaksyon sa pagitan ng dalawang tao.

d)

Ang komunikasyong pangmasa ay ginagamit sa personal na relasyon at malapit na pakikipag-ugnayan.

28.

Ano ang pangunahing layunin ng komunikasyon bilang transaksyon?

a)

Upang lumikha ng pagpapalitan ng impormasyon sa pagitan ng dalawang tao.

b)

Upang magpadala ng mensahe mula sa sender patungo sa receiver.

c)

Upang magbahagi ng kahulugan at unawaan sa pagitan ng isa o higit pang tao.

d)

Upang magbigay ng pormal na impormasyon sa publiko.

29.

Ano ang pangunahing katangian ng komunikasyong computer mediated?

a)

Ang komunikasyon ay nangyayari sa pamamagitan ng mga papel at tinta.

b)

Ang komunikasyon ay gumagamit ng telebisyon para sa malawak na pagbibigay ng impormasyon.

c)

Ang komunikasyon ay isinasagawa sa pamamagitan ng communication networks at teknolohiya.

d)

Ang komunikasyon ay nakatuon sa personal na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng malalapit na kaibigan.

30.

Alin sa mga sumusunod ang tamang halimbawa ng casual style ng komunikasyon?

a)

Pagsasalita sa harap ng malaking audience sa isang pampublikong pagdinig.

b)

Pagbibigay ng mga instruksyon sa isang pormal na pulong sa opisina.

c)

Pagsusulat ng isang akademikong papel para sa isang klasrum.

d)

Usapan sa pagitan ng mga magkaibigan tungkol sa kanilang araw.

31.

Nag-chat si Jas sa kanyang ama. Anong gamit ng wika ang pangungusap?

a)

Instrumental

b)

Interaksyunal

c)

Personal

d)

Regulatori

32.

Pakiabot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.

a)

Heuristiko

b)

Instrumental

c)

Personal

d)

Regulatori

33.

Anong tungkulin ng wika ang nakatuon sa pagpapahayag ng personal na emosyon, damdamin, at opinyon?

a)

Regulatori

b)

Heuristiko

c)

Personal

d)

Repsentasyunal

34.

Ano ang pangunahing gamit ng wika sa instrumental na tungkulin ayon kay Halliday?

a)

Upang ipahayag ang personal na damdamin.

b)

Upang magbigay ng impormasyon at magturo.

c)

Upang makipag-ugnayan at bumuo ng relasyon.

d)

Upang magbigay ng utos o direksyon upang matugunan ang pangangailangan.

35.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng regulatori na gamit ng wika?

a)

"Gumawa ka ng sanaysay tungkol sa paborito mong libro." "Magbigay ka ng limang halimbawa ng mga hayop."

b)

"Huwag kalimutan ang mga patakaran sa parke."

c)

"Ipakilala mo ang iyong sarili sa klase."

d)

"Magbigay ka ng limang halimbawa ng mga hayop."

36.

Ano ang layunin ng wika sa tungkuling interaksyonal ayon kay Halliday?

a)

Upang makipag-ugnayan at bumuo ng relasyon sa iba.

b)

Upang ipahayag ang mga ideya at impormasyon.

c)

Upang magbigay ng utos o direksyon.

d)

Upang tuklasin ang mga bagong kaalaman.