NEW
Font size
WorksheetsGMRC-REVIEW TEST (1ST QUARTER)
Total questions: 32
Worksheet time: 16mins
Ano ang ibig sabihin ng hilig?
A. Bagay na ayaw gawin
B. Bagay na mahirap gawin
C. Bagay na gustong gawin at nagbibigay saya
D. Bagay na ginagawa lang ng iba
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling kakayahan?
A. Kinokopya ang gawa ng iba
B. Laging umaasa sa kaklase
C. Ipinagmamalaki ang sariling gawa
D. Iniiwasan ang mahihirap na gawain
Paano mo mapapaunlad ang iyong hilig sa pagguhit?
A. Itago ang iyong mga guhit
B. Huwag na lang gumuhit
C. Magpraktis araw-araw at humingi ng payo
D. Hintayin na lang ang guro
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kakayahan?
A. Panonood ng TV
B. Pagkain ng kendi
C. Pag-awit sa harap ng klase
D. Pagtulog sa hapon
Bakit mahalaga ang pag-alam sa sariling hilig at kakayahan?
A. Para makipag-away
B. Para sa tiwala sa sarili at pag-unlad
C. Para gayahin ang iba
D. Para makaiwas sa gawaing bahay
Si Ana ay mahilig sumayaw. Ano ang dapat niyang gawin upang mapaunlad ito?
A. Tumigil sa pagsayaw
B. Mahiyang ipakita ang talento
C. Sumali sa mga sayawan at mag-ensayo
D. Umiwas sa mga kasayahan
Paano mo maipapakita ang tiwala sa sarili?
A. Tumayo sa harap ng klase at ibahagi ang iyong gawa
B. Manahimik at hindi magsalita
C. Laging sumunod sa ginagawa ng iba
D. Magtago ng mga ideya
Ano ang mangyayari kung patuloy mong papaunlarin ang iyong hilig at kakayahan?
A. Mawawalan ka ng kaibigan
B. Mabubuo ang tiwala sa sarili
C. Lalo kang mahihiya
D. Titigil ka sa pag-aaral
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng malasakit sa kapatid na may proyekto sa paaralan?
A. Bumili ng bagong laruan para sa sarili
B. Kumain sa fast food kahit may pagkain sa bahay
C. Inipon ang baon para makabili ng sapatos
D. Ibinigay ang extra na papel at lapis na hindi ginagamit
Bakit mahalagang matutong magtipid sa tahanan?
A. Para makabili ng mga bagong gadgets
B. Para hindi hingin ang pera ng iba
C. Para makapaglaro ng mas maraming online games
D. Para makatulong sa mga mahahalagang pangangailangan ng pamilya
Alin sa mga ito ang halimbawa ng tamang gawi sa pag-iimpok?
A. Pagtatabi ng bahagi ng baon araw-araw sa alkansya
B. Pagpapabili ng mamahaling laruan sa magulang
C. Pagkakagastos ng lahat ng perang natanggap
D. Pagpapalibre palagi sa kaibigan
Ano ang makatutulong upang maging matalino sa paggastos?
A. Pagbili ng gusto kahit hindi kailangan
B. Pagtatago ng pera kahit may nangangailangan
C. Pagbadyet ng pera para sa mas mahalagang gamit
D. Pag-utang ng gamit sa kaklase palagi
Anong kilos ang nagpapakita ng pagtutulungan sa tamang paglalaan ng gamit sa bahay?
A. Panonood ng TV buong araw
B. Paggamit ng papel sa magkabilang panig kapag may takdang-aralin
C. Pagpapabukas ng aircon kahit malamig
D. Pagtapon ng mga gamit na pwede pang gamitin
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng responsibilidad ng isang bata sa tahanan?
A. Pagtulong sa pagliligpit ng mga laruan
B. Paglalakad mag-isa sa gabi
C. Paggamit ng cellphone sa klase
D. Pag-iwan ng maruming pinggan sa mesa
Ano ang nararapat gawin ng bata kapag may iniatas na gawain ang magulang?
A. Sundin ito ng maayos at walang reklamo
B. Ipagpaliban muna at maglaro
C. Ipag-utos sa kapatid
D. Magtago sa kwarto
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagiging responsable sa paaralan?
A. Pagsunod sa guro
B. Pagsagot ng takdang-aralin
C. Pananakit sa kaklase
D. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan
Paano ipinakikita ng isang bata ang pagiging responsable sa paaralan?
A. Paggawa ng sariling gusto
B. Paggamit ng gadgets habang klase
C. Pagsunod sa mga alituntunin ng guro
D. Pagtatago ng mga gamit ng kaklase
Bakit mahalaga ang pagtupad ng bata sa mga tungkulin sa bahay at paaralan?
A. Para makatanggap ng premyo
B. Para maipakita ang pagiging responsable
C. Para sa mabilis na oras ng paglalaro
D. Para hindi mapagalitan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagiging masunurin sa tahanan?
A. Pagsunod sa utos ng magulang na magligpit ng kama
B. Pagtapon ng basura sa kalsada
C. Pagtulog nang huli kahit may pasok
D. Pag-alis ng walang paalam
Ano ang dapat gawin ng isang bata kapag may takdang-aralin?
A. Kalimutan ito
B. Ipagawa sa iba
C. Tapusin ito nang kusa at may sipag
D. Ipagpaliban hanggang sa huling araw
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaroon ng disiplina sa tahanan?
A. Pag-iwas sa mga gawaing bahay
B. Pagsunod sa iskedyul ng pag-aaral
C. Pagsigaw sa mga magulang
D. Paggugol ng oras sa paglalaro buong araw
Ano ang dapat gawin upang maipakita ang pananalig sa Diyos?
A. Kalimutan ang aral ng Diyos
B. Sundin ang sariling gusto
C. Sumunod sa mga aral ng Diyos
D. Gawin ang ayaw ng magulang
Alin sa mga sumusunod ang kilos na nagpapakita ng paggalang sa Diyos?
A. Pagdadamot sa kapwa
B. Pagdarasal bago kumain
C. Paninira sa ibang tao
D. Pag-iwas sa pagtulong
Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga aral ng Diyos?
A. Upang maging sikat
B. Upang magkaroon ng maraming kaibigan
C. Upang magpakita ng pagmamahal at paggalang sa Kaniya
D. Upang makuha ang gusto
Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pang-araw-araw?
A. Pagsigaw sa magulang
B. Pagmumura sa kapwa
C. Pagtulong sa nangangailangan
D. Pagkakalimot sa pagdarasal
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pananalig sa Diyos?
A. Pagsisimba tuwing Linggo
B. Pagbabasa ng Bibliya
C. Pagsuway sa magulang
D. Pagdarasal araw-araw
Ano ang epekto ng pagsunod sa aral ng Diyos sa pagkatao ng isang bata?
A. Nagiging pasaway
B. Nagkakaroon ng mabuting asal
C. Nawawalan ng kaibigan
D. Lumalayo sa magulang
Paano mo maipapakita na kinikilala mo ang Diyos sa iyong buhay?
A. Pagsasalita ng masama sa kapwa
B. Pagtatapon ng basura kahit saan
C. Paghingi ng tawad sa pagkakamali
D. Panunukso sa kaklase
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagsasabuhay ng aral ng Diyos?
A. Pagmamalaki sa sarili
B. Pagtulong sa kapwa nang taos-puso
C. Paninira ng gamit ng iba
D. Pagtatago ng katotohanan
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pansariling gawaing nakabubuti sa kapaligiran?
A. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan
B. Paggamit ng maraming plastik
C. Pagsusunog ng dahon sa bakuran
D. Pagsisira ng halaman sa parke
Ano ang maaaring mangyari kung walang disiplina ang mga tao sa kapaligiran?
A. Laging may taniman ng gulay
B. Malinis ang buong komunidad
C. Tumutubo ang maraming puno
D. Dumumi at magulo ang pamayanan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina para sa kalinisan ng kapaligiran?
A. Pagsunod sa tamang araw ng pagtatapon ng basura
B. Pagtatapon ng balat ng kendi sa kalsada
C. Pag-iwas sa pagtulong sa mga proyekto sa barangay
D. Pagpapabaya sa kalinisan ng bakuran
