wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Maikling Kwento Quiz

Total questions: 45

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagsusulat ng maikling kwento?

a)

Magbigay ng teknikal na kaalaman

b)

Ikuwento ang isang karanasan sa maikling paraan

c)

Ipaliwanag ang mga patakaran at batas

d)

Maghatid ng detalyadong ulat ng kasaysayan

2.

Ano sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang maikling kwento?

a)

May isang impresyon

b)

May isang tagpuan

c)

May detalyado at mahahabang paglalarawan ng mga tauhan

d)

Maikli at tuwirang pagsasalaysay

3.

Bakit itinuturing na mahalaga ang maikling kwento sa panitikan?

a)

Dahil ito ay bahagi ng kasaysayan at kultura

b)

Dahil palaging may halong katatawanan

c)

Dahil ito ay ginagamit lamang sa paaralan

d)

Dahil ito ay isinulat lamang ng mga sikat na manunulat

4.

Sino ang naglalaro ng mga kaganapan at nagbibigay-buhay sa isang kwento?

a)

Tagpuan

b)

Tauhan

c)

Banghay

d)

Tema

5.

Ano ang tawag sa oras at lugar kung saan nagaganap ang kwento?

a)

Tagpuan

b)

Banghay

c)

Tema

d)

Tauhan

6.

Ang sunud-sunod na daloy ng mga pangyayari sa isang kwento ay tinatawag na:

a)

Temang

b)

Plot

c)

Climax

d)

Pagsusuri

7.

Saang bahagi ng kwento nagaganap ang sukdulang kapanabikan?

a)

Wakas

b)

Kasukdulan

c)

Kakalasan

d)

Simula

8.

Ano ang elemento na tumutukoy sa problema na kinaharap ng pangunahing tauhan?

a)

Banghay

b)

Tunggalian

c)

Suliranin

d)

Tagpuan

9.

Kung ang tunggalian ay nagaganap sa loob ng isipan ng tauhan, anong uri ito?

a)

Taong laban sa Tao

b)

Taong laban sa Sarili

c)

Taong laban sa Kalikasan

d)

Taong laban sa Lipunan

10.

Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng kwento?

a)

Simula - Krisis - Kasukdulan - Wakas

b)

Simula - Kasukdulan - Krisis - Wakas

c)

Simula - Wakas - Kasukdulan - Krisis

d)

Simula - Gitna - Wakas

11.

Ano ang elemento na naglalaman ng aral o mensahe ng kwento?

a)

Tema

b)

Banghay

c)

Tauhan

d)

Tagpuan

12.

Ano ang bahagi ng kwento na nagpapakita kung paano nalutas ang problema?

a)

Simula

b)

Suliranin

c)

Kasukdulan

d)

Kakalasan

13.

Ano ang tawag sa pangunahing ideya na sumasaklaw sa buong kwento?

a)

Tema

b)

Tagpuan

c)

Banghay

d)

Kakalasan

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng maikling kwento?

a)

Upang magbigay aliw

b)

Upang magturo ng aral

c)

Upang ipaliwanag ang isang teoryang siyentipiko

d)

Upang ilarawan ang isang karanasan

15.

Bakit mahalaga para sa mga estudyante na matutunan ang mga elemento ng isang maikling kwento?

a)

Upang makagawa ng kanilang sariling kwento nang malinaw

b)

Upang matutunan ang mga teknikal na salita sa agham

c)

Upang makapasa lamang sa pagsusulit

d)

Upang i-memorize ang lahat ng mga akda

16.

Ano ang ibig sabihin ng denotatibo?

a)

Direkta o literal na kahulugan ng isang salita

b)

Malalim na kahulugan batay sa damdamin

c)

Kahulugan batay sa sitwasyon

d)

Kahulugan na nagmumula sa inferensya

17.

Ano ang kahulugan ng konotatibo?

a)

Teknikal na kahulugan

b)

Pormal na kahulugan

c)

Kahulugan na may simbolismo o nakatagong emosyon

d)

Scientific na kahulugan

18.

Ang salitang “bituin” na tumutukoy sa mga talang nakikita sa langit ay halimbawa ng:

a)

 Konotatibo

b)

Denotatibo

c)

Pahiwatig

d)

Tambalang salita

19.

Ano ang denotatibong kahulugan ng salitang 'puso'?

a)

Simbulo ng pag-ibig

b)

Bahagi ng katawan na nag-uugnay ng dugo

c)

Sentro ng emosyon

d)

Habag

20.

Ano ang halimbawa ng denotatibo?

a)

Leon - matapang na tao

b)

Leon - isang mabangis na hayop na nakatira sa gubat

c)

Leon - pinuno ng grupo

d)

Leon - simbolo ng tapang

21.

Ano ang kauna-unahang nobela na isinulat sa Pilipinas?

a)

Noli Me Tangere

b)

Barlaan at Josaphat

c)

Si Tandang Basio Macunat

d)

El Filibusterismo

22.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng nobela sa iba pang anyo ng panitikan?

a)

Mas maikli at mas simple

b)

Mas mahaba at mas malawak ang saklaw

c)

Walang mga tauhan

d)

Binubuo lamang ng tula

23.

Ano ang tawag sa paksa o ideya na nakapaloob sa gitna ng kwento?

a)

Banghay

b)

Tema

c)

Mandato

d)

Perspektibo

24.

Sino ang nagsalin ng Barlaan at Josaphat sa Tagalog?

a)

Padre Miguel Lucio Bustamante

b)

Dr. Jose Rizal

c)

Padre Antonio De Borja

d)

San Juan Damaceno

25.

Ano ang elemento ng nobela na nagpapakita ng aral o mensahe ng may-akda?

a)

Perspektibo

b)

Mandato

c)

Estilo

d)

Tagpuan

26.

Ano ang tawag sa natatanging paraan ng paggamit ng wika ng isang manunulat?

a)

Perspektibo

b)

Mandato

c)

Estilo

d)

Tagpuan

27.

Ano ang tawag sa sunud-sunod na mga pangyayari sa isang nobela?

a)

Tema

b)

Tauhan

c)

Banghay

d)

Estilo

28.

Anong uri ng nobela ang tumatalakay sa mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan at katiwalian?

a)

Nobelang Pag-ibig

b)

Klasikong Nobela

c)

Nobelang Kritika sa Lipunan

d)

Nobelang Misteryo

29.

Alin sa mga sumusunod ang isang nobela na nagmula sa Pilipinas?

a)

Ang Alchemist

b)

Crime and Punishment

c)

Mga Ibong Mandaragit

d)

Harry Potter at ang Bato ng Salamangkero

30.

Ano ang anyo ng panitikan na pinakamahaba at nagtatampok ng magkakaugnay na kwento ng mga tao at lipunan?

a)

Tula

b)

Maikling kwento

c)

Nobela

d)

Sanaysay

31.

Ano ang pangunahing Tagpuan sa tula?

a)

Sa tabi ng ilog

b)

Sa hardin

c)

Sa bundok

d)

Sa tabi ng dagat

32.

Ano ang inilarawan sa unang saknong ng tula?

a)

Ulan

b)

Pagsibol ng mga rosas

c)

Paglipad ng mga ibon

d)

Pagsasayaw ng hangin

33.

Ano ang epekto ng "hanging ginto" sa may-akda?

a)

Nagdulot ng kalungkutan

b)

Humupa ang emosyon

c)

Nagbigay ng enerhiya at kasiyahan

d)

Huminto sa kanya

34.

Ano ang ibig sabihin ng 'yakap ng langit'?

a)

Ulan

b)

Pagpapahayag ng pag-ibig at kapayapaan

c)

Pag-ikot ng mundo

d)

Pagdating ng gabi

35.

Ano ang tayutay na ginamit sa pariral na 'hanging ginto'?

a)

Personipikasyon

b)

Metapora

c)

Simile

d)

Hyperbole

36.

Sa 'tawa ng hangin,' anong tayutay ang makikita?

a)

Simile

b)

Personipikasyon

c)

Metapora

d)

Pag-uulit

37.

Ano ang simbolo ng rosas sa tula?

a)

Yaman

b)

Pag-ibig

c)

Kalayaan

d)

Karunungan

38.

Ang 'yakap ng langit' ay maaaring mangahulugan:

a)

Pagpapatawad at kapayapaan

b)

Malalakas na hangin

c)

Matinding ulan

d)

Pagsikat ng araw

39.

Ano ang pangunahing tema ng tula?

a)

Pag-ibig sa kalikasan

b)

Pag-ibig sa bansa

c)

Pakikipagsapalaran

d)

Panampalataya

40.

Ano ang nangingibabaw na emosyon ng may-akda sa tula?

a)

Kalungkutan

b)

c)

Kaligayahan at kapayapaan

d)

Takot

41.

Ano ang pinakamahusay na depinisyon ng isang sanaysay?

a)

Isang maikling kathang-isip na may isang impresyon

b)

Isang akda na nagpapahayag ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda

c)

Isang makatang akda na nagpapahayag ng damdamin

d)

Isang salaysay na kasaysayan na ikinuwento ng isang tao

42.

Ano ang halimbawa ng isang pormal na sanaysay?

a)

Talaarawan ng isang estudyante

b)

Sanaysay tungkol sa kahalagahan ng edukasyon gamit ang pormal na wika

c)

Kuwento ng bakasyon ng isang pamilya

d)

Paglalarawan ng isang masayang karanasan

43.

Ano ang halimbawa ng isang impormal na sanaysay?

a)

Pagsusuri ng ekonomiya ng bansa

b)

Pagsusulat ng talumpating pampulitika

c)

Pagbabahagi ng personal na karanasan sa unang araw ng klase

d)

Pananaliksik sa agham at teknolohiya

44.

Ano ang HINDI kasama sa mga elemento ng isang sanaysay?

a)

Temang

b)

Banghay

c)

Wika at istilo

d)

Katawan

45.

Ano ang tumutukoy sa tema ng sanaysay?

a)

Pangkalahatang ideya o paksa ng sanaysay

b)

Paraan ng paglalarawan

c)

Paghahati ng mga ideya sa bawat talata

d)

Pagbibigay ng mga konkretong halimbawa