WorksheetsEsP 10 Q1 REVIEWER
Total questions: 32
Worksheet time: 16mins
“Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?
may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
kapareho ng tao ang Diyos.
kamukha ng tao ang Diyos.
inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
Ano ang tinutukoy ng “mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob” ayon sa aral ng pagpapakatao?
Paghanap ng pinakamadaling paraan para sa sariling kapakinabangan
Pag-abot sa pinakamataas na kabutihan at katotohanan.
Pagsunod lamang sa dikta ng damdamin
Pagpapahalaga sa materyal na yaman bilang sukatan ng tagumpay
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na tumatanda na.
Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak
Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kihiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
Ito'y may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan.
Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular na mga bagay.
Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkilala sa sariling kahinaan sa pagpapasya at paggawa ng konkretong hakbang upang malagpasan ito?
Pinipilit gawin ang lahat nang mag-isa kahit alam na mahina sa isang bagay
Ipinagwawalang-bahala ang pagkakamali at umaasa na maaayos ito nang kusa
Humihingi ng payo sa iba at nagsasanay upang mapabuti ang kakayahan sa pagpapasya.
Laging iniiwasan ang pagdedesisyon upang hindi magkamali
Bakit hindi masasabing tama ang paggamit ng kalayaan kung ito ay nakakasama sa iba?
Dahil ang tunay na kalayaan ay may hangganan sa kabutihan at karapatan ng kapwa.
Dahil mas maganda kung lahat ay laging masaya
Dahil mas mabuti kung walang pipigil sa iyo
Dahil ang kalayaan ay dapat walang limitasyon
May nakita kang mali sa isang impormasyon online. Paano mo gagamitin ang paghahanap ng katotohanan?
I-verify muna sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian bago maniwala.
I-share agad para mas maraming makaalam
Pagsamahin ang totoo at hindi para maging mas kawili-wili
Kalimutan na lang kahit alam mong mali
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang may pagmamahal at paglilinkod?
Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso.
Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng walang kasinungalingan.
Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay ng ayuda sa mga bahay ampunan kahit kaunti.
Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit dahil may lakad sila ng kanyang kaibigan.
Bakit hindi masasabing tama ang paggamit ng kalayaan kung ito ay nakakasama sa iba?
Dahil ang tunay na kalayaan ay may hangganan sa kabutihan at karapatan ng kapwa
Dahil mas maganda kung lahat ay laging masaya
Dahil mas mabuti kung walang pipigil sa iyo
Dahil ang kalayaan ay dapat walang limitasyon
Isang matandang kapitbahay ang nangangailangan ng tulong sa pagbili ng pagkain. Ano ang gagawin mo upang maipakita ang pagmamahal at paglilingkod?
Iwasan siya para hindi mabigyan ng tulong
Tulungan siyang mamili at iabot ang kanyang pinamili sa bahay
Sabihin na iba na lang ang tumulong
Magpanggap na walang narinig
Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya?
Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay.
Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina.
Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor.
Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor.
Ano ang tinutukoy ng “mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob” ayon sa aral ng pagpapakatao?
Paghanap ng pinakamadaling paraan para sa sariling kapakinabangan
Pagsunod lamang sa dikta ng damdamin
Pag-abot sa pinakamataas na kabutihan at katotohanan
Pagpapahalaga sa materyal na yaman bilang sukatan ng tagumpay
May narinig kang tsismis tungkol sa kaklase mo. Ano ang dapat mong gawin upang hanapin ang katotohanan?
Agad maniwala at ikalat ito
Magsaliksik muna at alamin ang totoo mula sa maaasahang pinagmulan
Huwag magtanong at manahimik
Sabihin sa iba para sila na ang mag-imbestiga
Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
Kung magsasanib ang tama at mabuti
Nakakita ka ng pitaka sa kalsada na may laman na pera at ID. Ano ang pasiyang ayon sa konsiyensiya?
Ibulsa ang pera at itapon ang ID
Ibalik sa may-ari gamit ang nakalagay na impormasyon
Itago para may magamit sa sariling pangangailangan
Ipamigay sa mga kaibigan
Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya?
Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral
Kung magsasanib ang tama at mabuti
Isang kaibigan mo ang humiram ng gamit ngunit hindi pa naibabalik. Ayon sa Likas na Batas Moral at tamang konsiyensiya, ano ang dapat mong gawin?
Paalalahanan siya nang maayos na ibalik ang gamit
Agawin ito pabalik kahit masaktan siya
Kalimutan na lang kahit kailangan mo pa
Sabihin sa iba para mapahiya siya
May kalayaan kang gumamit ng social media. Ano ang responsableng paggamit?
Magbahagi ng impormasyon na totoo at makakatulong
Mag-post ng maling balita para sumikat
Mang-insulto ng kapwa sa comments
Magpaskil ng pribadong impormasyon ng iba
Bakit mahalagang suriin ang epekto ng ating pasya sa iba bago kumilos?
Dahil mas gusto ng tao ang sumunod sa uso
Dahil mas mahirap magdesisyon kapag huli na
Dahil ang kalayaan ay kaakibat ng responsibilidad sa sarili at kapwa
Dahil ayaw ng tao ng may nagagalit
Ayon sa pahayag, paano nasusukat ang tunay na kalayaan?
Sa dami ng bagay na ating napagdedesisyunan nang mag-isa.
Sa paggamit nito upang magmahal at maglingkod sa iba.
Sa kakayahang umiwas sa anumang obligasyon.
Sa pag-abot ng sariling ambisyon.
May community clean-up drive sa inyong barangay. Anong dapat mong gawin upang maisabuhay ang tunay na kalayaan?
Sumali at magdala ng sariling gamit para makatulong.
Magtago sa bahay para hindi mapagod.
Dumaan lang para mag-picture at umalis.
Magpanggap na may sakit para hindi sumali.
Paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa pagluluto upang tumugon sa tawag ng paglilingkod?
Magluto para sa sarili lamang.
Magbenta ng pagkain at itago ang lahat ng kita.
Gumawa ng feeding program para sa mga batang lansangan.
Maghanda ng pagkain ngunit para sa mga kaibigan lang.
Nakakita ka ng kaklase na nahirapan sa kanyang gawain. Gusto mong tumulong pero may lakad ka kasama ang barkada. Ano ang kilos na nagpapakita ng tunay na kalayaan?
Piliin ang lakad dahil mas gusto mong mag-enjoy.
Tumulong muna sa kaklase bago sumama sa lakad.
Iwasan siya para hindi ka maistorbo.
Sabihin na wala kang oras at umalis.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paglabag sa dignidad ng mahihirap at indigenous groups dahil sa kahirapan?
Pagbibigay ng libreng edukasyon at serbisyong medikal
Pagbawal sa kanila na gamitin ang sariling wika sa paaralan
Pagpapalakas ng kanilang kabuhayan sa lokal na komunidad
Pagkakaloob ng pantay na oportunidad sa trabaho
Bilang estudyante, paano ka makakalikha ng inisyatiba para matulungan ang mahihirap sa inyong barangay?
Mag-organisa ng community feeding program na may kasamang edukasyon sa kalusugan
Maghintay lang ng proyekto mula sa gobyerno
Magbigay ng tulong sa iilang kakilala lang
Mag-post lang sa social media nang walang aksyon
Kapag may tao na may ibang relihiyon, paano mo maipapakita ang pagkilala sa kanyang dignidad?
Respeto sa kanyang paniniwala at kalayaan
Pagpuna sa kanyang pananampalataya
Pagbabawal sa kanya na magdasal
Pagtatawanan siya
Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng taong mababa ang tingin sa sarili?
Pakikinig sa kanyang saloobin at pagbibigay ng suporta.
Pagpapakita ng awa ngunit walang konkretong tulong.
Pagbibigay lamang ng payo nang hindi siya kinakausap nang maayos.
Pagpapakita ng iyong tagumpay upang siya ay mahikayat.
Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
Kusang-loob
makasarili
pagmamahal
responsibilidad
Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
Ang paggawa ng kahit anong gusto mo kahit may masaktan
Ang kakayahang mamuhay nang walang limitasyon at pananagutan
Ang pagiging malaya sa paggawa ng tama ayon sa batas, moralidad, at respeto sa kapwa
Ang pagiging makapangyarihan sa lahat ng bagay
Sa paghahanap ni Pedro ng mapapasukan na paaralan, naghanap siya ng masmalapit sa kanilang tinitirhan para makatipid ng pamasahe. Gusto niyang maglakad na lamang dahil tatlo na silang magkakapatid na mag-aaral at halos hindi magkasya ang araw-araw na kita ng kanyang mga magulang. Aling salik ng pagpapasya ang isinaalang-alang niya sa paghahanap ng paaralan?
Mga payo o Gabay
Impormasyon
Pagkakataon
Sitwasyon
Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa:
Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay
Kasama ng mga hayop,likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralain ang mga anak
Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan,lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan magkamali
Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.
