wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaalaman sa Wika

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Sa wikang Filipino dito unang nakabatay ang wika.

a)

Kultura

b)

Simbolo

c)

Tunog

d)

Tradisyon

2.

Alin sa sumusunod ang isa sa mga katangian ng wika ng Pilipinas.

a)

Ang wika ay dinamiko.

b)

Ang wika ay instrumento.

c)

Ang wika ay buhay.

d)

Wala sa nabanggit

3.

Ano ang tawag sa makabuluhang tunog ng wika?

a)

Ponema

b)

Ponolohiya

c)

Morpema

d)

Morpolohiya

4.

Ito ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng wika?

a)

Ponema

b)

Ponolohiya

c)

Morpema

d)

Morpolohiya

5.

Sa aling antas ng wika napabilang ang nakasalungguhit na salita sa pangungusap na “Sino ang ermat mo?”

a)

Pormal

b)

Di- Pormal

c)

Di- Tiyak

d)

Walang Kasarian

6.

Alin sa sumusunod ang pinakatumpak na kahulugan ng wika?

a)

Isang sistema ng mga tunog na ginagamit upang magpahayag ng damdamin at ideya

b)

Isang paraan lamang ng pagsulat

c)

Isang patakaran ng gobyerno tungkol sa komunikasyon

d)

Isang koleksyon ng mga salitang walang kahulugan

7.

Ano ang ibig sabihin ng katangiang “dinamiko” ng wika?

a)

Ang wika ay nagbabago at umuunlad sa paglipas ng panahon

b)

Ang wika ay ginagamit lamang sa paaralan

c)

Ang wika ay hindi nagbabago kailanman

d)

Ang wika ay limitado lamang sa pasalitang anyo

8.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng katangiang “arbitraryo” ng wika?

a)

Magkapareho ang kahulugan ng “aso” sa lahat ng bansa

b)

Ang salitang ginagamit ay napagkasunduan ng mga taong gumagamit nito

c)

May takdang tuntunin sa gramatika at pagbabaybay

d)

Pare-pareho ang anyo ng pagsulat sa lahat ng wika

9.

Bakit sinasabing ang wika ay “pantao” na kadalasang ginagamit natin?

a)

Dahil ginagamit ito ng hayop at tao sa parehong paraan

b)

Dahil likas lamang ito sa tao at may kakayahang magpahayag ng abstraktong kaisipan

c)

Dahil ito ay laging pormal

d)

Dahil ito ay nakabatay sa teknolohiya

10.

Ano ang pangunahing layunin ng wika ayon sa katuturan nito?

a)

Magbigay ng kaalaman, karanasan upang maisagawa ang mga bagay.

b)

Magpahayag ng damdamin, ideya, at saloobin upang magkaunawaan ang tao

c)

Magamit lamang sa pagsusulat

d)

Maging palamuti sa panitikan

11.

Ano ang tawag sa kakayahan ng isang taong makapagsalita ng dalawang wika?

a)

Bilinggwalismo

b)

Linggwalismo

c)

Multilinggwalismo

d)

Monolinggwalismo

12.

Ano ang tawag sa mga taong dalawa ang wikang kayang gamitin at bigkasin?

a)

Bilingguwal

b)

Lingguwal

c)

Multilingguwal

d)

Monolingguwal

13.

Sa konsepto ng wika ano ang ibig sabihin ng bilinggwalismo?

a)

Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng iisang wika

b)

Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng dalawang wika

c)

Kakayahan ng isang tao na makapagsalita at makaunawa ng iba’t ibang wika

d)

Wala sa nabanggit

14.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa layunin ng bilingguwal na edukasyon?

a)

Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika

b)

Maipalaganap ang wikang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa

c)

Maipababa ang tiwala sa sarili at sa ibang tao kung ito ay gagamitin.

d)

Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad at pagkakaisa

15.

Kailan ipinatupad ang BEP sa pamamagitan ng DECS ng Department Order No. 25, s. 1974?

a)

1994

b)

1995

c)

1996

d)

1997

16.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng instrumental na gamit ng wika?

a)

“Ilipat n’yo ang channel ng TV.”

b)

“Gusto ko ng gatas.”

c)

“Mabait ako.”

d)

“Nagpunta sa palengke si tatay.”

17.

ng instrumental na gamit ng wika?

a)

“Ilipat n’yo ang channel ng TV.”

b)

“Gusto ko ng gatas.”

c)

“Mabait ako.”

d)

“Nagpunta sa palengke si tatay.”

18.

Kapag ang wika ay ginagamit upang magbigay ng utos o direksyon sa gagawin ng iba, anong gamit ito?

a)

Interaksyonal

b)

Regulatori

c)

Heuristiko

d)

Personal

19.

“Share tayo sa chocolate.” — Anong gamit ng wika ang ipinapakita sa pangungusap na ito?

a)

Interaksyonal

b)

Regulatori

c)

Heuristiko

d)

Personal

20.

Kung ang layunin ng pahayag ay magpahayag ng damdamin o opinyon, anong gamit ng wika ito?

a)

Personal

b)

Heuristiko

c)

Instrumental

d)

Imahintatibo

21.

“Paano ginagawa ang ice cream?” — Ito ay halimbawa ng anong gamit ng wika?

a)

Heuristiko

b)

Representasyonal

c)

Regulatori

d)

Imahintatibo

22.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng imahinatimong gamit ng wika?

a)

“Gusto ko ng gatas.”

b)

“Nagpunta sa palengke si tatay.”

c)

“Parang bulsa ni Doraemon ang wallet ni daddy.”

d)

“Mabait ako.”

23.

Kapag ang layunin ng pahayag ay magbahagi ng impormasyon o datos, ito ay tinatawag na:

a)

Representasyonal

b)

Regulatori

c)

Instrumental

d)

Interaksyonal

24.

Ang gamit ng regulatori o regulatoryo naman ay nakapokus sa paggamit ng wika at sa pagbibigay ng utos o pagbibigay ng gabay sa posibleng gagawin ng ibang tao. Alin sa sumusunod ang halimbawa nito?

a)

gusto ko magpunta sa bukid

b)

hati tayo sa natirang bigas

c)

ilipat niyo ang nakuhang gamit

d)

masaya lang ako

25.

Ang interaksyonal naman na gamit ng wika ay nagbibigay-pansin sa pagpapahayag kaugnay ng pagbuo ng ugnayan o relasyon, o anumang gawain ng pakikisalamuha sa ibang tao. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng isang interaskyunal na wika?

a)

hatiin natin ang pera

b)

paano siya nakarating ditto?

c)

mabait akong tao

d)

parang superwoman si inay

26.

Ang instrumental na gamit ng wika ay nakatuon sa pagpahayag ng pangangailangan ng tao, tulad ng anumang kahilingan kaugnay ng pagkain, inumin, at iba pa. Saan sa ibaba ang tamang halimbawa sa intrumental na wika?

a)

ibalik mo ang sako

b)

para kang prinsesa

c)

gusto ko ng manggang hinog

d)

masayahin siyang tao

27.

Ang representasyonal o representatibo naman na gamit ay tumutukoy sa pagpapahayag ng datos at impormasyon. Sa aling halimbawa ang nagpapakita ng representasyunal na gamit ng wika?

a)

gusto ko kumain ng mais

b)

nagpunta sa palengke si ate

c)

parang ikaw si Digong

d)

mabait ka lang

28.

Sa gamit na heuristiko, ang pagpapahayag ay nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran ng nagsasalita. Alin sa sumusunod ang heuristiko?

a)

Paano ginawa ang sopas?

b)

Naglakad sa kalye.

c)

Gusto ko uminom ng kape.

d)

Ibalik mo ako sa palasyo!

29.

Alin sa sumusunod ay tumutukoy sa personal na gamit ng wika?

a)

Magandang babae ako.

b)

Paano ka nagbalik?

c)

Nagpunta sa parke.

d)

Ibalik mo siya sa akin.

30.

Alin sa sumusunod ang gamit na imahinatibo naman ay may kaugnayan sa pagpapahayag ng kwento at joke, at sa paglikha ng kapaligirang imaginary (kathang-isip).

a)

Mabait na tao si kuya.

b)

Gusto kong magluto ng kakanin.

c)

Nagpunta sa bukid si tatay.

d)

Parang isang reyna si nanay.

31.

Sino ang Australyanong lingwista na tinalakay ang tungkol sa “systematic functional linguistic model”?

a)

A. F. K. Halliday

b)

C. M. A. K. Halliday

c)

C. S. F. Halliday

d)

D. N. A. K. Halliday

32.

kol sa “ systematic functional linguistic model”?

a)

A. F. K. Halliday

b)

B. C. S. F. Halliday

c)

C. M. A. K. Halliday

d)

D. N. A. K. Halliday

33.

Ito ay mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang pagkakagamit ng mga salita.

a)

A. Panghalip

b)

B. Kohesyong gramatikal

c)

C. Pang-ugnay

d)

D. Pagpapatungkol

34.

Tumutukoy ito sa paggamit ng mga panghalip upang humalili sa pangngalan.

a)

A. Pagpapatungkol

b)

B. Ellipsis

c)

C. pagpapalit

d)

D. pang-ugnay

35.

Ito ay panghalip na ginagamit sa hilihan bilang pamalit sa pangngalang nasa unahan.

a)

A. Anapora

b)

B. Elipsis

c)

C. Katapora

d)

D. Pang-ugnay

36.

Ito ay mga salitang ipinapalit sa iba pang bahagi ng pangungusap na nauna ng banggitin.

a)

A. Berbal

b)

B. Nominal

c)

C. Clausal

d)

D. Pamalit/substitution

37.

Ano ang tawag sa paggamit ng mga pangatnig upang makabuo o pag-ugnayin ang isang pangungusap ay tinatawag na.

a)

A. Pang-ugnay

b)

B. Panghalip

c)

C. Pang-ukol

d)

D. Pang-abay

38.

Ang lahat ng mga ito ay Mga Panandang Kohesyong Gramatikal MALIBAN sa isa.

a)

A. Pagpapatungkol

b)

B. Elipsis

c)

C. Pang-ugnay

d)

D. Pang-abay

39.

Ang panghalip na “ito” ay halimbawa ng kohesyong gramatikal na tumutukoy sa.

a)

A. Bagay

b)

B. Lugar

c)

C. Hayop

d)

D. Tao

40.

Ang mga salitang pagpipilian sa ibaba ay mga halimbawa ng panghalip na ginamit sa pagtukoy ng lugar MALIBAN sa isa.

a)

A. Doon

b)

B. Dito

c)

C. Iyon

d)

D. Tayo

41.

“Matulungin si Fred sa mga salat sa pangangailangan kaya’t siya ay pinagpala ng ating Panginoon.” Ang pangungusap na ito ay halimbawa ng anong uri ng pagpapatungkol?

a)

A. Katapora

b)

B. Anapora

c)

C. Pang-ugnay

d)

D. Panghalip

42.

”Siya ay hindi karapat-dapat na aking iyakan. Si Trexie ay salawahan”. Ang pangungusap na ito ay nasa anong uri ng pagpapatungkol?

a)

A. Anapora

b)

B. Ellipsis

c)

C. Katapora

d)

D. Pamalit/substituton

43.

”Sa kanya ko nakita ang liwanag at kagandahan ng mundo na hatid nito’y pag.asa.” Ang panghalip na sinalungguhitan ay tumutukoy sa?

a)

A. Hayop

b)

B. Lugar

c)

C. Bagay

d)

D. Tao

44.

Nahihirapan na _________, wala kang ginawa kundi magpakasaya sa kaligayahan na ubod ng tamis at tuwa na para bang wala ng katapusan. Anong panghalip ang dapat mong maisulat sa puwang?

a)

A. Sila

b)

B. Siya

c)

C. Kami

d)

D. Tayo

45.

Hindi ka magtatagumpay sa iyong binabalak __________ ikaw ay ganid o gahaman. Anong pang-ugnay ang dapat mong gamitin sa puwang?

a)

A. Ngunit

b)

B. Datapwa’t

c)

C. Sapagkat

d)

D. Subalit

46.

Ilan lahat ang titik ng silabiko o pantigan?

a)

A. 17

b)

B. 18

c)

C. 19

d)

D. 20

47.

Kailan nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.

a)

A. Disyembre 19, 1972

b)

B. Disyembre 19, 1792

c)

C. Disyembre 29, 1792

d)

D. Disyembre 29, 1972

48.

Ayon sa bayaning ito, sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang pangwika.

a)

A. Marcelo H. del Pilar

b)

B. Dr. Jose P. Rizal

c)

C. Andres Bonifacio

d)

D. Apolinario Mabini

49.

Ano ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas?

a)

A. Barlaan at Josaphat

b)

B. Doktrina Kristiyana

c)

C. Nuestra Señora del Rosario

d)

D. Pasyon

50.

Sino ang kauna-unahang kastilang gobernador-heneral?

a)

A. Gobernador Tello

b)

B. Haring Felipe II

c)

C. Miguel Lopez de Legazpi

d)

D. Carlos IV