Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Panahon ng Katutubo

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Naisasalin ang panitikan noong Panahon ng Katutubo, sa paraang __________.

a)

pasalinbasa

b)

pasalindila

c)

pasalinsulat

d)

pasalintroniko

2.

Unang pangkat ng mga katutubong dumating at nanirahan sa kapuluan ng Pilipinas

a)

Negrito

b)

Indonesyo

c)

Malay

d)

Kastila

3.

Ikalawang pangkat ng mga katutubo na dumating sa kapuluan ng Pilipinas, mayroon na silang mga alamat at epiko, pamahiin at mga bulong na uri ng kanilang panitikan

a)

Negrito

b)

Indonesyo

c)

Malay

d)

Kastila

4.

Tawag sa sinaunang sistema o paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno noong Katutubong Panahon

a)

Baybayin

b)

Alibata

c)

Alpabeto

d)

Hiroglipiko

5.

Tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong ng tula

a)

indayog

b)

sukat

c)

talinghaga

d)

tugma

6.

Elemento ng tula na tumutukoy sa pagkakapareho ng bilang ng mga pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong

a)

indayog

b)

sukat

c)

talinghaga

d)

tugma

7.

Patulang panitikan na nagsilbing laro o libangan ng ating mga ninuno noong unang panahon na nagpapatalas ng isipan sapagkat ito'y paglalarawan na pinahuhulaan

a)

tanaga

b)

bugtong

c)

kasabihan

d)

salawikain

8.

Tinatawag din itong kantahing-bayan na nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma na kalaunan ay nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta

a)

epikong-bayan

b)

awiting-bayan

c)

karunungang-bayan

d)

kuwentong-bayan

9.

Awiting-bayan para sa pagdakila, pagsamba at panalangin na iniaalay ng mga katutubo kay Bathala

a)

dalit

b)

diona

c)

kutang-kutang

d)

talindaw

10.

Awiting-bayan tungkol sa paggaod habang namamangka

a)

dalit

b)

sambotani

c)

soliranin

d)

talindaw

11.

Awit ng mga binata sa Katagalugan para sa dalagang kanilang iniibig at nililigawan

a)

kundiman

b)

balitao

c)

soliranin

d)

dung-aw

12.

Mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhang may taglay na kapangyarihang supernatural

a)

epiko

b)

awiting-bayan

c)

salawikain

d)

tanaga

13.

Salitang Griyego na pinagmulan ng salitang epiko na nangangahulugang awit, salita o istorya

a)

esop

b)

pose

c)

opes

d)

epos

14.

Elemento ng epiko na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring maaring maging payak o komplikado

a)

banghay

b)

suliranin

c)

tauhan

d)

tunggalian

15.

Isa pang elemento ng epiko na tumutukoy sa paglalaban ng mga tauhang may katangiang angat sa karaniwan

a)

tunggalian

b)

suliranin

c)

tagpuan

d)

banghay

16.

Kilalang bayani sa rehiyon ng Ilocos dahil sa taglay niyang katapangan at kabayanihan

a)

Labao Dongon

b)

Lam-Ang

c)

Tuwaang

d)

Bantugan

17.

Panitikang nagsasalaysay ng mga pangyayari gamit ang mga larawan at lobo ng usapan

a)

komiks

b)

epiko

c)

tanaga

d)

tula

18.

Kinilalang 'Hari ng Komiks' na lumikha sa mga karakter na sina Darna, Captain Barbel, Dyesebel, Lastikman, Bondying at iba pa

a)

Mars Ravelo

b)

Pablo S. Gomez

c)

Lope K. Santos

d)

Jose P. Rizal

19.

Bahagi ng komiks na naglalaman ng diyalogo ng mga tauhan

a)

pamagat

b)

lobo ng usapan

c)

kahon ng salaysay

d)

larawang-guhit

20.

Uri ng pahayag na ang pangunahing layunin ay magbigay ng impormasyon

a)

ekspositori o paglalahad

b)

naratibo o pagsasalaysay

c)

deskriptibo o paglalarawan

d)

argumentatibo o pangangatuwiran

21.

Ang paninigarilyo ay masama sa kalusugan. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng mga mapanganib na kemikal tulad ng nikotina na nagdudulot ng mga sakit tulad ng kanser, alta presyon, paghina ng baga, paglapot ng dugo, pagbabara ng ugat at marami pang iba.

Ito ay bahagi ng ekspositoring __________.

a)

prosedyural

b)

sanhi at bunga

c)

personal na sanaysay

d)

pag-iisa-isa

e)

nagbibigay-katuturan

22.

Narito ang mga hakbang sa paglikha ng photo-essay: (1) pumili ng paksa; (2) kumuha ng mga larawan kaugnay ng paksang napili; (3) piliin ang mga larawang higit na magpapalutang ng paksa; (4) lagyan ng maikling kapsyon ang mga napiling larawan; at (5) pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sa kaisipang inilalahad.

Ito ay bahagi ng ekspositoring __________.

a)

prosedyural

b)

sanhi at bunga

c)

personal na sanaysay

d)

pag-iisa-isa

e)

nagbibigay-katuturan

23.

Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na may taglay na kapangyarihang supernatural.

Ito ay bahagi ng ekspositoring __________.

a)

prosedyural

b)

sanhi at bunga

c)

personal na sanaysay

d)

pag-iisa-isa

e)

nagbibigay-katuturan

24.

Habang tinitingnan ko ang mga larawan, hindi ko mapigilang mapaiyak. Naaalala ko ang kanyang kabutihan at ang mga aral ng buhay na itinuro niya sa akin.

Ito ay bahagi ng ekspositoring ___________.

a)

prosedyural

b)

sanhi at bunga

c)

personal na sanaysay

d)

pag-iisa-isa

e)

nagbibigay-katuturan

25.

Ang tauhan ay mahalagang elemento ng isang kuwento sapagkat ito ang nagbibigay-buhay at kumikilos sa mga panyayari. Protagonista ang tawag sa pangunahing tauhan at antagonista naman ang katunggali ng protagonista. Ang tauhang bilog ay mga tauhang nagbabago ng katangian habang nagpapatuloy ang kuwento habang ang tauhang lapad naman ay nananatili sa kaniyang katangian mula sa umpisa hanggang sa pagtatapos ng kuwento.

Ito ay bahagi ng ekspositoring __________.

a)

prosedyural

b)

sanhi at bunga

c)

personal na sanaysay

d)

pag-iisa-isa

e)

nagbibigay-katuturan