wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Pilipinong Sayawing Pambayan (Folk Dances)

Total questions: 16

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

______________ ay isang makulay at masayáang sayaw mulang Bayambang, Pangasinan. Malimit itong sinasayaw kung kasalan at mga pista. Sa sayaw, tinutukoy nitó ang mahirap na tungkuling timbangin ang tatlong baso na nakapatong sa noo at sa dalawang palad ng isang babae hábang sumasayaw. Mabigat din ang mga baso dahil may lamang alak o anumang likido.

a)

Binasuan

b)

Cariñosa

c)

Itik-itik

2.

______________ ay isang tradisyonal na sayaw Pilipino na nangangahulugang magiliw o mapagmahal. Ito ay isang sayaw ng panliligaw na nagpapakita ng pagkamahiyain, pagkamalambing, at pagkagiliw ng mga Pilipino. Ito ay nagmula sa Panay Island, partikular sa Iloilo, noong panahon ng mga Kastila.

a)

Binasuan

b)

Cariñosa

c)

Itik-itik

3.

______________ isang katutubong sayaw mula sa Surigao del Norte. Ginagaya ng sayaw na ito ang mga galaw ng itik o pato—tulad ng paglalakad, pagtuka, at paglangoy. Karaniwang sinasayaw ito sa mga kasalan at kasiyahan bilang simbolo ng kasayahan, liksi, at malikhaing diwa ng mga Pilipino.

a)

Binasuan

b)

Cariñosa

c)

Itik-itik

4.

______________ ay isang sayaw na may impluwensiyang Muslim. Nagmula sa mga tribong Maranao ng Mindanao sa Pilipinas. Ipinapakita ng sayaw ang iba’t ibang paraan ng pagsusuot ng malong, isang payak ngunit napakagamit na piraso ng tela.

a)

Kappa malong-malong

b)

Pandango sa Ilaw

c)

Maglalatik

5.

______________ ay isang katutubong sayaw na unang itinanghal sa Biñan, Laguna kung saan ang mga kalahating bao ay ikinakabit sa mga mananayaw na lalaki. Makikita ang mga bao ng niyog sa dibdib, likod, hita, at balakang. Sumasayaw sila habang pinupukpok ng mga bao sa katawan at kapwa mananayaw na gamit ang bao sa kamay.

a)

Kappa malong-malong

b)

Pandango sa Ilaw

c)

Maglalatik

6.

______________ ay sinasabing nag-simula sa Mindoro, ang ikapitong – pinakamalaking isla sa Pilipinas. Ang sayaw ng mga ilaw ay nahahalintulad sa mga alitaptap (firefly) sa dapit-hapon at sa gabi. Ito ay makulay at hindi pangkaraniwan dahil ang babaeng mananayaw ay may tatlong lampara o "tinghoy” (oil lamp) – isa sa ulo at dalawa sa likod ng bawat kamay.

a)

Kappa malong-malong

b)

Pandango sa Ilaw

c)

Maglalatik

7.

______________ (tinatawag ding Daling-Daling sa Sulu o Mengalai sa Sabah) ay tradisyunal na sayaw ng mga Tausug na kilala sa eleganteng galaw ng kamay gamit ang mahahabang metal na kuko (janggay). Ang pangalan ay nangangahulugang sumayaw, o maaaring handog. Kadalasang isinasayaw ito sa mga kasalan at piyesta.

a)

Sayaw sa Bangko

b)

Sayaw sa Banga

c)

Pangalay o Fingernail

8.

______________ isang tradisyonal na sayaw mula sa mga Kalinga sa Cordillera. Sa sayaw na ito, ang mga mananayaw (karaniwang kababaihan) ay nagbabalancing mabibigat na banga o palayok sa kanilang ulo habang nagsasayaw nang may liksi at biyaya.

a)

Sayaw sa Bangko

b)

Sayaw sa Banga

c)

Pangalay o Fingernail

9.

______________ ay sinasayaw na nakapatong a makitid na bangko. Kailangan na ang mga mananayaw ay magaling bumalansa dahil nangangailangan ng makailang ulit na akrobatikong kalinangan dito. Nagsimula ang ganitong sayaw sa bangko bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop. Ito rin ay naging kilala sa lugar ng Pangapisan, Lingayen at Pangasinan.

a)

Sayaw sa Bangko

b)

Sayaw sa Banga

c)

Pangalay o Fingernail

10.

______________ ay gumagaya sa mga galaw ng mga ibong tikling habang naglalakad sa pagitan ng mga tangkay ng damo, tumatakbo sa mga sanga ng puno, o umiiwas sa mga bitag na kawayan na inilalagay ng mga magsasaka ng palay. Ginagaya ng mga mananayaw ang maalamat na liksi at bilis ng ibong tikling sa pamamagitan ng mahusay na pag-indayog at pag-iwas sa malalaking kawayan.

a)

Tinikling

b)

Singkil

c)

Subli o sublian

11.

______________ ay isang tradisyonal na sayaw at panrelihiyong ritwal mula sa Bauan at Alitagtag, Batangas. Ang salitang subli ay mula sa “subsub” (nakayuko) at “bali” (bali o pilay), na tumutukoy sa paraan ng pagsayaw kung saan ang mga lalaki ay tila nakayuko o pilay ang kilos.

Isinasayaw ito bilang alay at debosyon kay Mahal na Poong Santa Cruz.

a)

Tinikling

b)

Singkil

c)

Subli o sublian

12.

______________ ay isang tradisyonal na sayaw ng mga Maranao mula sa Mindanao. Ginagamit dito ang mahahabang kawayan na pinapalo at pinagpapatungan habang ang pangunahing mananayaw (karaniwang isang prinsesa) ay maingat na sumasayaw sa pagitan ng mga ito. Ipinapakita ng sayaw ang kariktan, biyaya, at tapang ng prinsesa sa gitna ng lindol o unos, habang sinasagip ng kanyang prinsipe. Karaniwang ginagamit ang abaniko o pamaypay bilang bahagi ng kasuotan, at ang mga galaw ay puno ng dignidad at kagandahan.

a)

Tinikling

b)

Singkil

c)

Subli o sublian

13.

______________ ay inilalarawan bilang isang sayaw ng panliligaw at madalas na ipinapakita sa mga kasalan at iba pang pagtitipon sa lipunan. May tatlong bahagi ang sayaw na ito. Kinagigiliwan ng mga taga-Visayas, lalo na ng mga Waray sa Silangang Visayas sa Pilipinas.

a)

Pantomina

b)

Kuratsa

c)

La Jota Moncadeña

d)

Kini-kini

14.

______________ ay nangangahulugang “Royal Walk” o Lakad-Hari. Isinasayaw ito ng mga babaeng Maranao gamit ang mga panyong kanilang hawak. Ang ganda ng mga panyo at ang husay at biyaya sa kanilang pag-indayog ay nagpapakita ng mataas na antas ng kanilang pinagmulan sa lipunan.

a)

Pantomina

b)

Kuratsa

c)

La Jota Moncadeña

d)

Kini-kini

15.

______________ ay isang katutubong sayaw ng panliligaw mula sa Bicol. Ang pangalan nito ay mula sa salitang Kastila na pantomime, na nangangahulugang “pagsasayaw o pagkilos nang walang salita.”

Ipinapakita sa sayaw ang panunuyo ng lalaki at ang pagpapakipot ng babae. Madalas itong isinasayaw sa mga kasalan, at tinatawag ding “Dance of the Doves” dahil ginagaya nito ang kilos ng mga kalapati na nagpapakita ng pagmamahalan.

a)

Pantomina

b)

Kuratsa

c)

La Jota Moncadeña

d)

Kini-kini

16.

______________ ay hango sa isang lumang sayaw na Kastila, na pinagsama ang galaw ng sayaw na Kastila at Ilocano, kasabay ng musikang Kastila at castanets. Isa ito sa pinakakilalang bersyon ng sayaw na Jota mula sa Aragon. Sa Moncada, Tarlac, tinatawag itong Jota Florana, na sinasayaw kasabay ng tugtugin ng instrumentong kahoy na tallelet.

a)

Pantomina

b)

Kuratsa

c)

La Jota Moncadeña

d)

Kini-kini