NEW
Font size
WorksheetsARALING PANLIPUNAN 5
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Anong salita ang tumutukoy sa pag-iimbestiga ng mga pangyayari, na kinakailangang kasanayan sa pag-aaral ng kasaysayan?
pagsisiyasat
pagtatanong
kasaysayan
pagsasalaysay
Ano ang uri ng sanggunian ang naglalaman ng impormasyon na galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari?
primaryang sanggunian
sekundaryang sanggunian
tertiaryang sanggunian
wala sa nabanggit
Alin sa mga teorya ang nabuo dahil sa pinagsama-samang ideya na bunga ng masusing pananaliksik at pag-aaral ng mga siyentipiko?
core population
pacific theory
continental drift
plate tectonics
Ano ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan kaya’t maraming paglindol at pagsabog ng bulkan ang nararanasan?
Atlantic Ring of Fire
Equator
Northern Hemisphere
Pacific Ring of Fire
Ano ang tawag sa teorya na tungkol sa pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa malaking bahagi ng South America at Europa dahilan upang lumubog ang buong kalupaan ng mundo at mga tulay na lupa nito?
Austronesian Migration
Tulay na Lupa
Bulkanismo
Continental Drift
Ano ang tawag sa ideya at posibleng paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa resulta ng kanilang ginawang pag-aaral?
opinyon
palagay
teorya
paniniwala
Saan pinaniniwalaang nagmula ang mga ninuno ng mga Pilipino ayon sa teoryang Austronesian Migration ni Peter Bellwood?
Timog Tsina at Taiwan
Malaysia
Indonesia
Palau
Ayon kay Felipe Landa Jocano, sa ilang panahon hinati ang kasaysayan ng Pilipinas?
2
3
4
5
Ano ang naging batayan upang maging ebidensiya na ang Austronesian ang unang tao sa Pilipinas?
kaanyuan
wika
kultura
sistema ng kalakalan
Sino ang nagmungkahi ng teorya ng Core Population?
Wilhelm Solheim
Robert Fox
Henry Otley Beyer
Felipe Landa Jocano
Ito ang katawagan sa eksaktong lugar kung saan matatagpuan ang isang tao, bagay, o bansa. Anong salita ito?
longhitud
lokasyon
latitud
mapa
Ang salitang ito ay naglalarawan sa angular na distansya patimog o pahilaga na mula sa ekwador.
grid
longhitud
latitud
prime meridian
Ito ay naglalarawan sa angular na distansya pasilangan o pakanluran mula sa Prime Meridian.
longhitud
latitud
ekwador
grid
Ang mga sumusunod ay tungkulin ng datu MALIBAN sa isa. Ano ito?
Tumulong sa paglutas ng suliranin ng pamayanan sa pamamagitan ng pagpapayo.
Tumulong sa mga nangangailangan sa kanilang barangay.
Panatilihin ang kaligtasan ng barangay.
Maglayag at tumuklas ng iba pang bansa.
Sila ang mga mahuhusay na mandirigmang maharlika.
datu
lupon ng matatanda
bagani
babaylan
Ito ang ibinibigay ng aliping Tumarampuk sa datu bilang kapalit ng kanyang paninilbihan.
ginto
perlas
tela
palay
Ano ang papel na ginagampanan ng mga katalonan at babaylan sa sinaunang lipunan ng mga Pilipino?
Sila ang tagapamagitan sa mga diyos at tao, at nagbibigay ng pang-espiritwal na payo sa pamayanan
Sila ang pangunahing namumuno sa pakikipagkalakalan
Sila ang tagapagsalin ng tradisyon sa susunod na henerasyon
Sila ang namumuno sa mga digmaan
Ano ang unang kailangang gawin ng lalaki bago mapangasawa ang isang babae noong sinaunang panahon?
Manalo sa digmaan
Manguna sa isang pangangayaw
Magsilbi sa pamilya ng babae
Malagpasan ang pagsubok na ibibigay ng babaylan
Sa sinaunang lipunang Pilipino, sino ang mas may higit na karapatang magbigay ng pangalan sa anak?
ama
ina
lolo
lola
Noong sinaunang panahon, ito ay ibinibigay ng pamilya ng lalaki sa babaeng pakakasalan sa pamamagitan ng lupain, ginto, o ari-arian. Ano ito?
binukot
dote
alay
handog
