wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paunang Pagtataya

Total questions: 40

Worksheet time: 39mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?

a)

Karapatan

b)

Isip at kilos-loob

c)

Kalayaan

d)

Dignidad

2.

Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a)

Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

b)

Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.

c)

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.

d)

Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

3.

Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang Gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a)

Nakasalalay ang tungkulin sa isip.

b)

Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.

c)

Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.

d)

May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

4.

Ano ang buod ng talata?

a)

Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.

b)

Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.

c)

Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.

d)

Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.

5.

Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?

a)

Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.

b)

Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

c)

Sumasali si danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.

d)

Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

6.

Anong tulong ang ibinibigay ng mga guro?

a)

Tulong sa edukasyon

b)

Tulong sa kaligtasan

c)

Tulong sa pagkain

d)

Tulong sa Kalusugan

7.

Sino ang tumutulong sa mga bata upang matamasa ang karapatang makapaglaro makapaglibang?

a)

Kaibigan

b)

Doktor

c)

Sundalo

d)

Guro

8.

Anu-ano ang iba't-ibang sektor sa pagpapalaki ng kabataan?

a)

Pamilya, Kaibigan at Kamag-anak

b)

Pamilya, Lipunan at Paaralan

c)

Pamilya, Pamayanan at Sarili

d)

Pamilya, Baranggay at Kapitbahay

9.

Kailan magiging makabuluhan ang karapatan ng isang tao?

a)

Magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kaniyang tungkulin na kilalanin at unawain ang pagkakapantay-­pantay ng lahat ng tao.

b)

Kung igagalang niya ang Karapatan ng ibang tao.

c)

Kung papaunlarin niya ang kanyang pangangatawan at isipan.

d)

Wala sa nabanggit.

10.

Paano natin matatamo ang kapayapaan sa lahat ng aspeto ng ating lipunan?

a)

Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa.

b)

Kung ang lahat ng tao ay walang paki sa kanyang kapaligiran.

c)

Kung ang mga tao ay nagdarasal.

d)

Kung ang lahat ng tao ay nag-aaral.

11.

Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?

a)

Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.

b)

Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.

c)

Mula sa kaisipan ng mga pilosopo

d)

Mula sa Diyos.

12.

Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong "First Do No Harm" sa mga medikal na doktor?

a)

Gawin lagi ang tama.

b)

Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananaki

c)

Gamutin ang sariling saki bago ang iba.

d)

Ingatan na huwag saktan ang tao.

13.

Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?

a)

Ibinubulong ng anghel.

b)

Itinuturo ng bawat magulang.

c)

Naiisip na lamang.

d)

Sumisibol mula sa konsensya.

14.

Maraming anyo ang likas na batas moral. Ano ang dapat gamitin upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?

a)

Isip at puso

b)

Isip

c)

Puso

d)

Wala sa Nabanggit

15.

Ang _____________ ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

a)

Mabuti

b)

Tama

c)

Tama at Mabuti

d)

Likas na Batas Moral

16.

Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:

a)

protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan

b)

ingatan ang interes ng marami

c)

itaguyod ang karapatang-­pantao

d)

pigilan ang masasamang tao

17.

Alin ang hindi kabilang na dahilan kung bakit mayroong batas?

a)

magkaroon ng kaayusan

b)

mabilis na makamit ang kaunlaran

c)

mailigtas ang mga tiwali at corrupt na tao

d)

mapangalagaan ang karapatan ng tao

18.

Ano ang pinakapundamental na batas na hinihingi ng magulang sang-­ayon sa likas na batas moral?

a)

batas ng tao

b)

mahalin ang sarili

c)

batas ng Diyos

d)

Ten Commandments

19.

Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas moral:

a)

Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.

b)

Pag­utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor.

c)

Pangungulit sa bata na maligo.

d)

Pagpipilit sa mga tao na magsimba

20.

Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?

a)

May pagsaklolo sa iba.

b)

Pagiging matulungin sa kapwa.

c)

Pagkampi sa tao.

d)

Tunay ang pagsunod s autos ng Diyos.

21.

Ang mga sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa:

a)

Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.

b)

Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.

c)

Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.

d)

Isang gawain ng tao na nangangailangan og orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain.

22.

Ang mga sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa:

a)

maipagmalaki ang kakayahan at karunungan

b)

kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangunahing pangangailangan

c)

makapag-ambag sa patuloy na pag-­angat at pagbabago ng agham at teknolohiya

d)

maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.

23.

Alin sa mga pahayag ang tama?

a)

Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.

b)

Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.

c)

Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.

d)

Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.

24.

Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao sa paggawa niya sa pag-unlad ng agham at teknolohiya?

a)

Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.

b)

Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

c)

Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto

25.

Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-­angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

a)

Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.

b)

Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.

c)

Si Romeo na nag-iexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.

d)

Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

26.

Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa isa.

a)

Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilala na siya sa kaniyang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.

b)

Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.

c)

Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sakaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang may maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.

d)

Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit, si Anthony ay magtatrabahao rito ng ilang taon.

27.

Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan sa ating buhay?

a)

Mabibiyaan ka sa ginawa mong kabutihan at mas maraming tao ang magiging malapit sayo.

b)

Mas maraming tao ang magtitiwala sayo, ang tiwala ay napakahalaga.

c)

Mas malapit ka sa ating panginoong Diyos at makakaasa ka sa kung ano man ang hihilingin mo.

d)

Lahat ng nabanggit.

28.

Paano natin maipagmamalaki ang produktong gawang Pilipino?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapakita na ikaw ay makabansa, may pagmamahal at pagpapahalaga sa bayan.

b)

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga komersyal sa radio pahayagan at telebisyon na nagpapakita ng kagandahan, kahusayan at kapakinabangan ng mga produktong Pilipino.

c)

Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produkto natin ­ ang pagsusuot ng mga damit, at palamuti sa ating katawan na gawa sa sarili nating bayan.

d)

Lahat ng nabanggit.

29.

Paano nasasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa?

a)

Kapag hindi iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.

b)

Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang kapwa.

c)

Kapag kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.

d)

Lahat ng nabanggit.

30.

Paano kinikilala sa ibang bansa ang Pilipino sa larangan ng paggawa?

a)

May mabagal na pagkilos at di pulidong pagtatrabaho

b)

May kasipagang angkin, hindi matatawaran

c)

May mataas na pagtingin sa sarili na ibinabatay sa trabahong nababagay sa kanila

d)

Sumusunod sa tamang oras ng pagpasok, pagpapahinga at pagtatapos sa paggawa

31.

Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?

a)

Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa ikabubuting panlahat?

b)

Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.

c)

Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa.

d)

Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.

32.

Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-­dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa?

a)

Bolunterismo

b)

Dignidad

c)

Pakikilahok

d)

Pananagutan

33.

Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?

a)

Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

b)

Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan

c)

Upang maibahagi ang sariling kakayahan o makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat

d)

Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan

34.

Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?

a)

Pananagutan

b)

Tungkulin

c)

Dignidad

d)

Karapatan

35.

Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?

a)

Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-­unlad.

b)

Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.

c)

Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.

d)

Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.

36.

Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos pusong pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pagkakaisa

b)

Kabutihang Panlahat

c)

Pag­unlad

d)

Naitataguyod ang Pananagutan

37.

Anu-ano ang dapat makita sa isang tao na nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pagmamahal, Malasakit, at Talento

b)

Panahon, Talento, at Kayamanan

c)

Talento, Panahon, at Pagkakaisa

d)

Kayamanan, Talento, at bayanihan

38.

Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kaniyang __________________.

a)
Pananagutan
b)

Tungkulin

c)

Dignidad

d)

Karapatan

39.

Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:

a)

Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.

b)

Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.

c)

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroongkamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.

d)

Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.

40.

Paano mo gagamitin ang talent sa iyong pagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Maging masaya sa iyong ginagawang pagtulong sa ibang nangangailangan.

b)

Pag aralan mo kung ano ang iyong talento at maari mong sabihin ang iyong talento sa mga grupong tumutulong sa mga nangangailangan.

c)

Ilaan mo ang iyong sobrang oras sa mga gawain bolunterismo at maging handa sa mga tungkulin na iaatang sa iyo.

d)

Lahat ng nabanggit.