NEW
Font size
WorksheetsQ1-AP-QUIZZIZ 1
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Isang historyador na Amerikano ang sumulat ng kasaysayan ng Pilipinas para gamitin sa mga paaralan sa Amerika. Anong pananaw sa kasaysayan ang kanyang ginamit?
Pangsilang Pananaw
Panrehiyong Pananaw
Pangkaming Pananaw
Pantayong Pananaw
Si Ginoo Santos, isang Pilipino, ay nagsulat ng aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas na layong ipakita sa mga turista ang mga magagandang lugar at kultura ng bansa. Anong pananaw ang kanyang ipinapakita?
Panlahatang Pananaw
Pangsilang Pananaw
Pantayong Pananaw
Pangkaming Pananaw
Isang guro sa kasaysayan ang nagtuturo sa kanyang mga estudyanteng Pilipino gamit ang wikang Filipino at nakatuon sa kapakanan ng kapwa Pilipino. Anong pananaw ito?
Pangkaming Pananaw
Pangsilang Pananaw
Pantayong Pananaw
Pansariling Pananaw
Sino ang siyentipikong nagpasimula ng Teoryang Tulay na Lupa?
Dr. Bailey Willis
Eduard Suess
Alfred Wegener
Charles Darwin
Ano ang layunin ng mga kwento sa mitolohiya ayon sa binasa?
Magbigay ng eksaktong tala ng kasaysayan
Magturo ng agham at teknolohiya
Magpatunay ng siyentipikong teorya
Magpaliwanag ng mahahalagang balangkas ng buhay sa paraang sagisag
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng apat na yugto ng kasaysayan ayon sa Teorya ng Core Population?
Incipient → Formative → Baranganic → Emergent
Formative → Incipient → Emergent → Baranganic
Formative → Emergent → Incipient → Baranganic
Emergent → Incipient → Baranganic → Formative
Kung isa ka sa mga anak nina Malakas at Maganda na napadpad sa isang isla na walang ibang tao, alin sa mga sumusunod na hakbang ang pinakamainam na gawin upang mabuhay?
Maghintay na may dumating na ibang tao upang tulungan ka.
Gumamit ng mga bato at kahoy upang makagawa ng simpleng kasangkapan para manghuli ng pagkain.
Maglakad-lakad lang sa paligid ng isla upang makita ang tanawin.
Umupo sa tabing-dagat at magpahinga buong araw.
Kung gagamit ka ng globo para sa isang presentasyon, paano mo magagamit ito upang ipakita ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas?
Ihambing ang Pilipinas sa mga bansang nasa Hilagang Asya.
Gumuhit ng watawat ng Pilipinas sa ibabaw ng globo.
Hanapin ang Pilipinas at tukuyin ang koordinado ng latitud at longhitud nito.
Ituro lamang kung saan ito matatagpuan sa Asya.
Ano ang angular na distansya pahilaga o patimog mula sa ekwador?
Longhitud
Latitud
Grid
Prime Meridian
Ano ang tawag sa mala-parihabang espasyo sa ibabaw ng globo na nabubuo sa pagtatagpo ng mga linya ng latitud at longhitud?
Latitud
Longhitud
Grid
Prime Meridian
Sa pagitan ng anong digri ng Hilagang Latitud matatagpuan ang Pilipinas?
0° at 10°
4° 23’ at 21° 25”
54° at 127°
116° at 127°
Sa pagitan ng anong digri ng Silangang Longhitud matatagpuan ang Pilipinas?
4° 23’ at 21° 25”
0° at 90°
116° at 127°
54° at 127°
Kung ang isang bansa ay matatagpuan sa pagitan ng 4° Hilagang Latitud at 21° Hilagang Latitud, ano ang klima na malamang na mararanasan nito?
Polar
Tropikal
Temperate
Disyerto
Kung ikaw ay sultan at nais magpatupad ng bagong batas tuKung ikaw ay sultan at may dalawang mungkahing batas tungkol sa kalakalan—isa ay mula sa mga mangangalakal at isa ay mula sa mga nakatatanda sa barangay—kanino ka unang makikipagpulong upang masuri at mapagtibay ang pinakaangkop na batas?
Umalohokan
Mga mangangalakal
Ruma bichara
Lupon ng matatanda sa barangay
Ano ang dalawang bahagi ng Panahon ng Bato?
Paleolitiko at Neolitiko
Prehistoriko at Historiko
Metal at Ginto
Panahon ng Lumang Kahoy at Bagong Kahoy
Ano ang tawag sa panahong hindi pa naiimbento ang paraan ng pagsulat?
Historikong panahon
Prehistorikong panahon
Panahon ng Bato
Panahon ng Metal
Kung ikaw ay isang arkeologo at nakatagpo ka ng talim ng sibat at kampit sa isang lugar, paano mo masasabing ito ay kabilang sa Maunlad na Panahon ng Metal?
Dahil gawa ito sa bato
Dahil mas pino at mas mahusay ang pagkakagawa kumpara sa mga naunang kasangkapan
Dahil natagpuan ito sa Palawan
Dahil ginamit lamang sa kalakalan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng sinaunang lipunang Pilipino sa kababaihan?
Ang kababaihan ay may tungkuling magluto at mag-alaga ng mga anak.
Ang kababaihan ay nagsisilbing tagapamagitan sa mga diyos at tao, at tagapag-ingat ng kaalaman ng pamayanan.
Ang kababaihan ay kailangang magbigay ng dote sa pamilya ng lalaki bago ikasal.
Ang kababaihan ay laging gumagawa ng tela at basket para sa kalakalan.
Kung susuriin ang tungkulin ng babaylan sa sinaunang lipunang Pilipino, alin sa mga sumusunod ang maaaring ituring na implikasyon nito sa pamamahala ng komunidad?
Pinatitigil ng babaylan ang kalakalan kapag hindi maganda ang panahon.
Nagbibigay ng patnubay sa pagsasaka at panlipunang gawain ang babaylan, kaya’t may impluwensya sila sa takbo ng pamayanan.
Tinitiyak ng babaylan na lahat ng kasal ay may sapat na dote.
Ang babaylan lamang ang may karapatang magpataw ng parusa sa lumalabag sa batas.
Batay sa kaugalian sa panliligaw at pag-aasawa noon, ano ang ipinapahiwatig nito tungkol sa pagpapahalaga ng sinaunang Pilipino sa relasyon at pamilya?
Ang kasal ay nakabatay lamang sa utos ng babaylan.
Walang karapatan ang babae sa pagpili ng mapapangasawa.
Mahalaga ang pagpapakita ng tiyaga at kakayahang magtaguyod bago ikasal.
Mas pinapahalagahan ang yaman kaysa sa pag-ibig.
Ano ang uri ng alipin na naninirahan sa sarili nilang bahay at nagbibigay ng taunang tribute sa datu?
Aliping Namamahay
Aliping Saguiguilid
Ayuey
Tumarampuk
Ano ang tungkulin ng mga maharlika sa barangay?
Magbayad ng buwis sa datu
Tulungan ang datu sa pagtanggol at pagpapanatili ng kapayapaan sa
barangay
Maging alipin ng datu
Pamunuan ang barangay
Bakit mahalaga ang ugnayan ng kalakalan sa pagitan ng Ilaya at Ilawud?
Upang magkaroon ng mas maraming lupang sakahan
Upang matugunan ang pangangailangan na wala sa kanilang kapaligiran
Upang magkaroon ng magkaparehong produkto ang dalawang pamayanan
Upang makilala ang kultura ng ibang bansa
Kung paghahambingin ang Taong Tabon at Taong Callao, alin ang pinakamahalagang konklusyon mula sa datos ng kanilang edad?
Mas matanda ang Taong Tabon kaysa sa Taong Callao, kaya ito ang unang tao sa Pilipinas
Mas matanda ang Taong Callao kaysa sa Taong Tabon, kaya maaaring mas maaga ang pagdating ng tao sa Pilipinas kaysa sa dating paniniwala
Magkasabay lamang nabuhay ang Taong Callao at Taong Tabon sa magkakaibang lugar
Magkaiba ang lahi ng Taong Callao at Taong Tabon kaya hindi magkaugnay ang kanilang pinagmulan
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng teorya ni Peter Bellwood at Willhelm Solheim II?
Magkaiba ang pinagmulan ng Austronesian ayon sa kanila
Magkaiba ang panahon ng pagdating ng Austronesian sa Pilipinas
Magkaiba ang gamit ng Austronesian sa pakikipagkalakalan
Magkaiba ang uri ng bangka na ginagamit ng Austronesia
