Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EPP4_Q1_RECITATIONS

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng ICT?

a)

Inform and Communicate Technology

b)

Informing and Communicating Technology

c)

Informative and Communicative Technology

d)

Information and Communication Technology

2.

Halos lahat ng tao ay gumagamit ng produktong dulot ng teknolohiya kung kaya't masasabi na tayo ngayon ay nabubuhay sa tinatawag na ____________.

a)

Panahon ng Makina

b)

Panahon ng Kompyuter

c)

Panahon ng Teknolohiya

d)

Panahon ng Impormasyon

3.

Ang mga sumusunod ay ang ginagawa ng computer, maliban sa:

a)

Pag-imbak ng malalaking file at impormasyon.

b)

Pagproseso ng datos mula sa iba't ibang software.

c)

Pag-access ng internet at pagpapadala ng email.

d)

Paglikha ng pisikal na produkto gamit ang hilaw na kasangkapan.

4.

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng computing devices?

a)

Laptop

b)

Smartwatch

c)

Tablet

d)

Telebisyon

5.

Ito ay isang makabagong uri ng relo na nagbibigay ng eksaktong oras at may kakayahan ding tukuyin at itala ang vital signs, heart rate, at calories burned ng taong may suot nito.

a)

Laptop

b)

Smartphone

c)

Smartwatch

d)

Tablet

6.

Anong bahagi ng keyboard ang ginagamit sa pag-enter ng mga numero at arithmetic symbols?

a)

Cursor keys

b)

Function keys

c)

Numeric keyboard

d)

Alphanumeric keys

7.

Naglalaro si Andrei John ng roblox at ginagamit niya ang device na mayroong scroll wheel at dalawang buttons para sa pag-navigate at pagpindot ng mga options. Anong bahagi ng computer ang kanyang ginagamit?

a)

Monitor

b)

Keyboard

c)

System Unit

d)

Computer mouse

8.

May online class si Hengie, ngunit hindi niya marinig nang malinaw ang kanyang guro habang nagsasalita. Kailangan niyang ayusin ang output device na nagpapalabas ng tunog. Ano ang uri ng output devices ito?

a)

Keyboard

b)

Monitor

c)

Printer

d)

Speaker

9.

Nasira ang mouse ni Ivan dahil sa labis na paglalaro, kaya ginagamit niya ang keys na nagpapagalaw sa cursor pataas, pababa, kaliwa, at kanan. Anong bahagi ng keyboard ang kanyang ginagamit?

a)

Cursor keys

b)

Modifier keys

c)

Numeric keyboard

d)

Alphanumerical keyboard

10.

Ito ay isang uri ng output device kung saan makikita lahat ng naitala o natatanggap na datos at impormasyon.

a)

Keyboard

b)

Monitor

c)

Mouse

d)

System unit

11.

Gagamitin ni George ang kanyang social media account para mag-share ng mga fake news mula sa mapagkakatiwalaang sources lamang.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MARAHIL

d)

WALANG SAGOT

12.

Pinayuhan ni Henry ang kanyang mga kapamilya na mag-download ng apps mula sa hindi kilalang sources.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MARAHIL

d)

WALANG SAGOT

13.

Si Gabrielle ay humingi ng pahintulot sa isang mangguguhit bago i-share ang kanyang sining/arts at binanggit ang pangalan ng may-akda.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MARAHIL

d)

WALANG SAGOT

14.

Si Ben ay nagdesisyon na huwag mag-install ng pirated software sa kanyang computer, kahit na libre ito.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MARAHIL

d)

WALANG SAGOT

15.

Ipinanatili ni Joy ang pribadong password ng kanyang kaibigan at hindi ito ibinabahagi sa iba.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

MARAHIL

d)

WALANG SAGOT