NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Pangungusap
Total questions: 60
Worksheet time: 30mins
Kapag bumagyo sa aming lugar.
Pangungusap
Hindi Pangungusap
Masayang naglaro ang mga bata sa labas.
Pangungusap
Hindi Pangungusap
Habang hinihintay ang guro.
Pangungusap
Hindi Pangungusap
Ang aso ni Maria ay kumakain ng buto.
Pangungusap
Hindi Pangungusap
Dahil sa malakas na hangin kagabi.
Pangungusap
Hindi Pangungusap
Ano ang simuno sa pangungusap: Ang bata ay nagbabasa ng libro.
Ang bata
Nagbabasa
Ng libro
Ay
Ano ang panaguri sa: Si Ana ay tumutula sa entablado.
Si Ana
Ay
Tumutula sa entablado
Sa entablado
Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging simuno?
Pangalan ng tao
Pangngalan
Pandiwa
Layon
Piliin ang tamang panaguri: Ang mga manlalaro ay masigasig sa ensayo.
Ang mga manlalaro
Masigasig sa ensayo
Ay
Sa ensayo
Alin sa mga sumusunod ang may buong kaisipan?
Dahil nahuli siya sa klase
Naglakad siya ng mabilis papunta sa paaralan
Habang naglalakad siya
Kapag umulan
Umuulan kaya hindi kami lumabas. Anong uri ng pangungusap ito?
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Kumain si Liza ng agahan at nagbasa siya ng aklat.
Payak
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Masayang nagsasalita si Ginoo habang nakikinig ang mga mag-aaral.
Hugnayan
Langkapan
Tambalan
Payak
Alin sa mga sumusunod ang tambalang pangungusap?
Habang umuulan, naglalaro ang mga bata.
Nag-aral siya ng mabuti kaya mataas ang kanyang marka.
Si Gina ay tumatakbo sa palaruan.
Kapag may bagyo, walang pasok.
Anong pangungusap ang payak?
Si Ana ay maganda at matalino.
Tumakbo si Pedro sa palaruan.
Nagluto si Ina ng ulam at naglaba rin siya.
Hindi umuwi si Carlo dahil gabi na.
Umuulan kaya nagdala kami ng payong, ngunit nabasa pa rin kami dahil malakas ang hangin.
Hugnayan
Tambalan
Langkapan
Payak
Nagluto si Nanay, habang nagwalis si Ate.
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Payak
Alin sa mga pangungusap ang hugnayan?
Si Ben ay mabait ngunit tahimik.
Hindi ako pumasok dahil may sakit ako.
Tumakbo ako at nadapa.
Si Carlo ay matalino.
Anong kayarian ng pangungusap ang may dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at may isa o higit pang di-makapag-iisang sugnay?
Payak
Hugnayan
Langkapan
Tambalan
Sumayaw siya habang kumakanta ang mga kaklase niya.
Tambalan
Hugnayan
Langkapan
Payak
Alin sa sumusunod ang sugnay na makapag-iisa?
Dahil umuulan
Kung aalis ka
Nagsimula na ang klase
Kapag may pasok
Anong uri ng sugnay ang 'habang naghuhugas siya ng pinggan'?
Makapag-iisa
Di-makapag-iisa
Alin ang pang-ugnay para sa tambalang pangungusap?
habang
dahil
ngunit
kapag
Piliin ang di-makapag-iisang sugnay:
Nag-aaral si Jose
Tumakbo siya sa ulan
Kung hindi mo ako tutulungan
Umalis sila papunta sa parke
Ano ang tawag sa pangungusap na may isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa?
Payak
Hugnayan
Tambalan
Langkapan
Anong pangungusap ang gumamit ng pang-ugnay na 'upang'?
Kumain kami sa labas upang makasama ang pamilya.
Natulog si Ben at si Ken.
Dumating ang guro, kaya nagsimula na ang klase.
Nagsayawan sila habang bumubuhos ang ulan.
Piliin ang pangungusap na may tatlong sugnay.
Nagluto si Lola ng sinigang.
Kumain kami at naglaro pagkatapos.
Naghugas ako ng pinggan, naglinis ng mesa, habang si Ate ay naglilinis ng sahig.
Hindi pumasok si Juan.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng langkapang pangungusap?
Umuulan habang naglalakad kami.
Kumain siya at uminom ng tubig.
Naglinis ako ng kuwarto at nag-aral ako, dahil may pagsusulit bukas.
Si Maria ay nag-aaral ng mabuti.
Paano mo tutukoyin ang sugnay na makapag-iisa?
Bitin ang ideya
May simuno lamang
Buo ang diwa at may simuno at panaguri
Wala itong kahulugan
Alin sa mga sumusunod ang tamang gamit ng pang-ugnay na 'kung'?
Kumain kami ng tinapay, kung umuulan.
Umiiyak si Ana kung nadapa siya.
Tutulungan kita kung kailangan mo ako.
Nagluto siya kung gutom siya.
Alin sa mga sumusunod ang hindi layunin ng liham?
Magpasalamat
Mag-anyaya
Mangutya
Mangumusta
Ginagamit ang liham upang ipahayag ang:
Lihim
Komiks
Damdamin at balita
Balangkas
Paano tayo nakatutulong sa pagkakaibigan sa pamamagitan ng liham?
Sa pagtuturo ng aralin
Sa pagbibigay ng pagkain
Sa pagpapahayag ng pag-aalala at pangungumusta
Sa pagbibigay ng regalo
Alin sa mga sumusunod ang uri ng liham na nagpapahayag ng pasasalamat?
Liham-pasasalamat
Liham-paanyaya
Liham-pagmumura
Liham-paghanga
Kapag nais mong malaman ang kalagayan ng kaibigan, anong liham ang iyong isusulat?
Liham-pasasalamat
Liham-pangkaibigan
Liham-pagbati
Liham-kalakal
Alin ang halimbawa ng paksa ng liham?
Paghuhugas ng pinggan
Pagbili ng sapatos
Paghingi ng tawad sa isang pagkakamali
Pagtulog sa hapon
Anong gamit ng liham ang nagpapakita ng respeto at malasakit sa kaibigan?
Pananakot
Pagbibigay ng babala
Pagtanggap at pangungumusta
Paninisi
Kapag nais mong anyayahan ang isang kaibigan sa kaarawan mo, anong uri ng liham ang iyong gagamitin?
Liham-pagbati
Liham-paanyaya
Liham-pasasalamat
Liham-pamimilit
Anong bahagi ng liham ang nagpapahayag ng pangunahing mensahe?
Pamuhatan
Katawan
Lagda
Bating Pangwakas
Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng liham?
Lagda, Katawan, Pamuhatan, Bating Panimula, Bating Pangwakas
Katawan, Bating Panimula, Lagda, Pamuhatan, Bating Pangwakas
Pamuhatan, Bating Panimula, Katawan, Bating Pangwakas, Lagda
Bating Panimula, Katawan, Lagda, Pamuhatan, Bating Pangwakas
Ano ang tawag sa bahagi ng liham na nagsasaad ng lugar at petsa ng pagsulat?
Pamuhatan
Katawan
Lagda
Bating Pangwakas
Anong bahagi ng liham ang nagsasaad ng magalang na pagbati sa sinusulatan?
Katawan
Bating Panimula
Lagda
Pamuhatan
Ano ang tawag sa magalang na pamamaalam sa liham?
Pamuhatan
Katawan
Bating Pangwakas
Lagda
Alin ang halimbawa ng bating panimula?
Lubos na gumagalang,
Elaiza S. Lagman
Mahal kong Kaibigan,
Agosto 12, 2025
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bating pangwakas?
Mahal kong Kaibigan,
Barangay Mapagmahal
Agosto 10, 2025
Nagmamahal,
Anong bahagi ng liham ang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng sumulat?
Lagda
Katawan
Bating Panimula
Pamuhatan
Ano ang dapat taglayin ng katawan ng liham?
Lihim na mensahe
Pormang pormal
Pangunahing mensahe
Mga sagot sa tanong
Ang “Lubos na gumagalang,” ay kadalasang ginagamit sa liham para sa:
Kaibigan
Guro o taong iginagalang
Kalaro
Kaklase
Ano ang makikita sa pamuhatan?
Petsa at lugar
Katawan ng mensahe
Pamamaalam
Pangalan ng kaibigan
Ano ang tawag sa espasyo sa gilid ng papel?
Indention
Capitalization
Margin
Format
Ano ang “indention”?
Paglalagay ng petsa sa liham
Espasyo sa dulo ng papel
Bahagyang pagpasok ng unang salita sa talata
Paglalagay ng pirma
Kailan ginagamit ang malaking titik?
Sa gitna ng pangungusap
Sa pagtapos ng liham
Sa simula ng pangungusap, pangalan, lugar, araw
Sa bawat salita
Alin sa mga sumusunod ang hindi wastong kapitalisasyon?
Mahal kong Nanay,
barangay Mapagmahal
Agosto 12, 2025
Ginang Santos
Aling bahagi ng liham ang dapat nakahiwalay ng talata?
Lagda
Katawan
Pamuhatan
Bating Pangwakas
Ang “143 Mother Ignacia St., City of Baliwag, Bulacan” ay bahagi ng:
Lagda
Katawan
Pamuhatan
Bating Pangwakas
Bakit mahalagang gumamit ng bating pangwakas?
Upang mapahaba ang liham
Para maging masaya ang liham
Para magpakita ng respeto at pamamaalam
Upang magpatawa
Ano ang kahalagahan ng lagda sa liham?
Upang malaman kung kailan isinulat
Upang makita kung sino ang sumulat
Para maging pormal
Para dagdagan ang espasyo
Ang liham ay nagpapakita ng:
Karahasan
Pakikipagtalo
Pagkakaibigan at damdamin
Pagbebenta
Bakit mahalagang sundin ang wastong bahagi at pormat ng liham?
Para mahaba ang sulat
Upang madaling maunawaan ang mensahe
Para maging makulay
Para magmukhang makabago
Ano ang tawag sa aklat na ginagamit upang malaman ang kahulugan ng mga salita?
Atlas
Ensayklopidya
Diksiyonaryo
Almanac
