Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M3F1-SINAUNANG PANINIWALA

Total questions: 10

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Paano makatutulong ang paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa pagkakaroon ng “ginhawa” sa paghubog ng positibong pananaw sa buhay?

a)

Tinuturuan tayong palaging umasa sa anting-anting.

b)

Ipinapakita na may balanse ang katawan, isip, at espiritu.

c)

Pinapahina ang loob ng tao sa oras ng problema.

d)

Isinusuporta nito ang pamahiin laban sa agham

2.

Paano maisasabuhay ng mga kabataan ngayon ang konsepto ng “ginhawa” sa gitna ng makabagong pamumuhay?

a)

Sa pag-iwas sa teknolohiya

b)

Sa pagbili ng anting-anting

c)

Sa pag-aalaga ng sarili, balanse sa emosyon, at pakikipag-kapwa

d)

Sa pamumuhay sa kagubatan

3.

Bakit mahalagang kilalanin ang sinaunang paniniwala sa dimensyon ng buhay ng mga Pilipino?

a)

Upang mas maunawaan ang kultura at pagpapahalaga ng ating mga ninuno

b)

Upang mapanatili ang pamahiin

c)

Upang ituro kung ano ang maling paniniwala

d)

Upang itakwil ang makabagong agham

4.

Ano ang sinasabi ng sinaunang paniniwala sa kabilang-buhay tungkol sa pagtingin ng mga Pilipino sa kamatayan?

a)

Isang katapusan ng lahat

b)

 

Isang panibagong yugto na may kaugnayan sa kabutihang ginawa habang nabubuhay

c)

Isang pagkabigo ng pamilya

d)

Isang kasalanan sa mga diyos

5.

Kung ipagpapatuloy sa kasalukuyan ang paniniwala sa kabilang-buhay, paano ito makaaapekto sa pagpapasya ng isang tao?

a)

Magiging pabaya siya sa buhay

b)

Hihinto siya sa pag-aaral

c)

Magiging mas maingat siya sa kanyang kilos at asal

d)

Mawawalan siya ng interes sa modernong pamumuhay

6.

Paano nakaapekto ang paniniwala sa kabilang-buhay sa ugnayan ng sinaunang Pilipino sa kanilang pamilya at komunidad? 

a)

Pinilit nitong iwasan ang modernong paniniwala

b)

Nag-udyok ito ng takot sa matatanda

c)

Nagpalaganap ito ng karahasan

d)

Pinatatag nito ang respeto, ritwal, at pananagutan sa isa’t isa

7.

Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng kahalagahan ng paniniwala sa kabilang-buhay sa kultura ng sinaunang Pilipino?

a)

Pagtatago sa patay sa mga kweba

b)

Paggamit ng metal sa libingan

c)

Paglimot sa patay pagkatapos ng libing

d)

 

Ritwal ng paglilibing at paghahanda sa paglalakbay ng kaluluwa

8.

Ano ang ipinapakita ng paggamit ng herbal medicine at ritwal sa sinaunang paggagamot tungkol sa pananaw ng mga Pilipino sa kalusugan?

a)

Na pinapahalagahan ang kabuuang pagkatao – katawan, damdamin, at espiritu

b)

Na puro pamahiin lamang ang kanilang batayan

c)

Na mababa ang antas ng medisina noon

d)

Na panlabas lang ang mahalaga sa paggaling

9.

Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan pa rin ang tradisyunal na paggagamot ng mga Pilipino?

a)

 

Upang palitan ang modernong medisina

b)

Upang ibalik ang mga sinaunang paniniwala nang buo

c)

Upang maunawaan ang kultura ng holistic healing at magamit ang kaalaman sa makabuluhang paraan

d)

Upang matakot ang mga kabataan sa sakit

10.

Paano naiiba ang agimat sa anting-anting?

a)

Pareho silang proteksyon

b)

Ang agimat ay gawa sa tela

c)

Ang anting-anting ay ginagamit sa ritwal

d)

Ang agimat ay nagbibigay kapangyarihan, ang anting-anting ay proteksyon