wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO

Total questions: 22

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Denotatibo vs. Konotatibo

Denotatibo: Literal na kahulugan (hal: "ginto" = uri ng metal).

Konotatibo: Simbolikong kahulugan (hal: "ginto" = kayamanan o tagumpay).

Ilagay sa baba:N/A

4 lines
2.

1. Ano ang tawag sa literal na kahulugan ng salita?

a)

Konotatibo

b)

Denotatibo

3.
  1. Kung ang salitang “ginto” ay nangangahulugang kayamanan o tagumpay, ito ay anong uri ng kahulugan?

a)

Konotatibo

b)

Denotatibo

4.

3. Ang (a)   na kahulugan ay tumutukoy sa tunay o literal na pakahulugan ng salita.

5.

Kuwento: "Tahanan ng Isang Sugarol"

Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katabi ang bunsong anak habang nagsasampay ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot ng bata ang sampayan. Pagod na sin Lian-chiao sa katatapos na labahin at walang tigil na pagtratrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwan ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa pagsusugal nang wala pang hapunan.

Ilagay sa baba:N/A

4 lines
6.

4.Ano ang pangunahing suliranin ni Lian-chiao sa kwento?

a)

a) Kakulangan sa pagkain

b)

b) Mapang-abusong asawa

c)

c) Kakulangan ng tubig

d)

d) Pagkakasakit ng anak

7.
  1. Ano ang ipinakita ng akda tungkol sa kababaihan sa lipunan?

a)

a) Madalas na nagdurusa at nagtitiis

b)

b) Malaya at pantay sa karapatan

c)

c) Malakas at makapangyarihan

d)

d) Walang responsibilidad

8.

6: Si (a)   ay laging abala sa pagsusugal at hindi nag-aalaga sa kanyang pamilya.

9.

• Kuwento: "Hashnu, Ang Manlililok ng Bato"

Si Hashnu ay isang manlililok ng bato na masipag ngunit hindi kuntento sa kanyang buhay. Nais niyang maging mayaman kaya siya’y naging mangangalakal, ngunit nang makita niyang mas makapangyarihan ang prinsipe, hiniling niyang maging prinsipe. Kalaunan ay napagtanto niyang mas makapangyarihan ang araw kaysa sa prinsipe, kaya siya’y naging araw; subalit natakpan siya ng ulap at hiniling na maging ulap. Nang siya’y maging ulap, napawi naman siya ng hangin, kaya nais niyang maging hangin. Ngunit hindi rin niya matinag ang bundok, kaya naging bundok siya. Dumating ang isang manlililok ng bato na kayang hubugin ang bundok, at noon niya natanto na ang tunay na makapangyarihan ay ang manlililok. Sa huli, hiniling niyang muli siyang maging manlililok ng bato at natutunan niyang tanggapin ang kanyang simpleng pamumuhay.

Ilagay sa baba:N/A

4 lines
10.

7. Ano ang natutunan ni Hashnu sa huli?

a)

a) Ang tao ay dapat maging hari

b)

b) Ang tao ay walang kapangyarihan

c)

c) Ang bawat isa ay may sariling kalakasan

d)

d) Ang araw ang pinakamakapangyarihan

11.

8. Ano ang simbolo ng araw sa kwento?

a)

a) Kasipagan

b)

b) Hangganan ng kapangyarihan ng tao

c)

c) Bagong pag-asa

d)

d) Katarungan

12.

9. Sa huli, muling hiniling ni Hashnu na maging (a)   upang magamit ang kanyang tunay na lakas.

13.

Tanka vs Haiku

Tanka:

5-7-5-7-7 sukat ng bawat taludtod

5 taludtod

mas mahaba at nagbibigay-diin sa mas detalyong emosyon

31 bilang ng pantig

Haiku:

5-7-5 sukat ng bawat taludtod

3 taludtod

mas maikli at nakatuon sa mga simpleng tanawin o karanasan

17 bilang ng taludtod

Ilagay sa baba:N/A

4 lines
14.

10. Ilang pantig mayroon ang isang haiku?

a)

a) 31

b)

b) 12

c)

c) 21

d)

d) 17

15.

11. Ano ang pangunahing paksa ng haiku?

a)

a) Malalalim na damdamin

b)

b) Kasaysayan

c)

c) Simpleng tanawin o karanasan

d)

d) Pananampalataya

16.

12. Ang tanka ay may (a)   taludtod at kabuuang 31 pantig.

17.

Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan

ni Jose Corazon de Jesus

Puting kalapati, libutin itong sandaigdigan,

Ihasik sa lahat ng dako ng ating bayan;

Dalhin mo ang balitang bagong kapayapaan,

At ang mga tao’y muling pagkakaisahin.

Ikaw na puti’t busilak na ibon ng pag-ibig,

Sa dibdib ng tao ay lagi mong ipaabot

Ang hiling ng lahat, ang mithiin ng bawat dibdib,

Na magkaroon ng kapatiran at bagong pag-irog.

Puting kalapati, sa iyong mga pakpak,

Nakasabit ang pangarap ng sangkatauhan;

Sa paglipad mo’y dalhin ang pag-asa’t tuwa,

Na sa lahat ng bansa’y maghari ang ligaya.

Ilagay sa baba:N/A

4 lines
18.

13. Ano ang kasingkahulugan ng salitang libutin sa tula?

a)

a) Palipasin

b)

b) Iwanan

c)

c) Ikutin

d)

d) Itigil

19.

14. Ang puting kalapati ay simbolo ng (a)   .

20.

15. Ano ang ipinapahiwatig ng pagiging malapit ng mga pamilyang Tsino?

a)

a) Hindi sila nagsasama-sama

b)

b) Laging magkakahiwalay

c)

c) Hindi nakikialam ang magulang

d)

d) Malapit at sama-sama kahit may sariling pamilya na

21.

16. Ano ang ipinahihiwatig ng bawal itusok ang chopsticks sa gitna ng kanin?

a)

a) Simbolo ng kamatayan

b)

b) Simbolo ng kaligayahan

c)

c) Simbolo ng kasal

d)

d) Simbolo ng pera

22.

17. Ang matandang nag-alaga sa nagsasalaysay ay si (a)   .