WorksheetsAP/JAP 6 - 1st Grading Period
Total questions: 65
Worksheet time: 33mins
Name
Class
Date
1.
Aling mga pulo ang naidagdag sa teritoryo ng Pilipinas sa Kasunduan sa Washington noong 1900?
a)
Batanes at Turtle Islands
b)
Cagayan, Sulu, at Sibutu
c)
Mangsee at Spratly Islands
2.
Ano ang territorial sea ayon sa batas ng Pilipinas?
a)
Ang lugar na umaabot ng 200 nautical miles mula sa baybayin
b)
Ang buong rehiyon ng Karagatang Pasipiko
c)
Ang lugar na umaabot ng 12 nautical miles mula sa baybayin
3.
Ano ang estratehikong kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas?
a)
Ito ay mahalagang ruta ng kalakalan at transportasyon
b)
Nagsisilbi lamang itong base militar
c)
Mahalaga lamang para sa turismo
4.
Ano ang EEZ at gaano ito kalayo?
a)
Economic Extension Zone, 100 nautical miles
b)
Exclusive Economic Zone, 200 nautical miles
c)
Extended Economic Zone, 150 nautical miles
5.
Anong ang layunin ng Dekretong Edukasyon ng 1863?
a)
Layunin ng Dekretong Edukasyon ng 1863 ay buksan ang pampublikong paaralan sa mga pilipino.
b)
. Layunin ng Dekretong Edukasyon ng 1863 ay mag-aral ang mayayamang mamamayan
c)
Layunin ng Dekretong Edukasyon ng 1863 ay makapag-aral ang mga Espanyol sa Pilipinas.
6.
Ayon sa Artikulo II, Seksyon 4 ng Saligang Batas, ano ang maaaring ipagawa ng pamahalaan sa mga mamamayan?
a)
Magbayad lamang ng karagdagang buwis
b)
Magbigay lamang ng suportang pinansyal
c)
Maghandog ng serbisyong militar o sibil
7.
Ano ang pangunahing epekto ng pandaigdigang kalakalan sa Pilipinas?
a)
Pagbaba ng komunikasyon sa ibang bansa
b)
Pag-unlad ng ekonomiya at paglaganap ng mga liberal na ideya
c)
Paghiwalay sa mga dayuhang ideya
8.
Anong mahalagang pangyayari noong 1869 ang nagpaikli ng ruta sa pagitan ng Silangan at Kanluran?
a)
Pagbubukas ng Daungan ng Maynila
b)
Pag-unlad ng ekonomiya at paglaganap ng mga liberal na ideya
c)
Pagbubukas ng Suez Canal
9.
Sino ang liberal na Gobernador Heneral ng Espanyol na nagbigay ng mas maraming karapatan sa mga Pilipino?
a)
Carlos Maria De la Torre
b)
John Locke
c)
Jean Jacques Rousseau
10.
Paano nakatulong ang edukasyon sa pagsibol ng nasyonalismo?
a)
Nagturo ng wikang Espanyol
b)
Nagpalawak ng pananaw ng mga Pilipino tungkol sa sarili at bansa
c)
Nagturo lamang ng kasanayan sa kalakalan
11.
Anong termino ang tumutukoy sa mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya?
a)
Mestizos
b)
Insulares
c)
Peninsulares
12.
Anong grupo ang bumuo ng gitnang uri sa lipunang Pilipino?
a)
Karaniwang mamamayan
b)
Mga opisyal militar
c)
Ilustrados, Mestisong Espanyol
13.
Anong tawag sa mga edukadong Pilipino na nag-aral sa mga kolehiyo at unibersidad?
a)
Mestizos
b)
Ilustrados
c)
Ilustrados, Mestisong Espanyol
14.
Anong grupo ang kalaunan ay binuo ng mga edukadong Pilipino?
a)
Intelligentsia
b)
Peninsulares
c)
Mestizos
15.
Ano ang isang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan?
a)
Pagbaba ng produksyong agrikultura
b)
Mas mabagal na transportasyon
c)
Pagbuti ng transportasyon at komunikasyon
16.
Ano ang tawag sa pag-aalsa noong 1872 na kinasangkutan ng mga sundalo at manggagawa dahil sa sobrang paniningil ng buwis ?
a)
Kilusang Propaganda
b)
La Liga Filipina
c)
Cavite Mutiny
17.
Uri ng paring kinabibilangan ng halos ng mga prayleng Espanyol tulad ng mga Agustino, Dominikano, at Heswita?
a)
Paring Regular
b)
Paring Sekular
c)
Wala ang sagot sa pagpipilian
18.
Sino ang HINDI kabilang sa tatlong paring martir na kilala bilang GOMBURZA?
a)
Mariano Gomez
b)
Jacinto Zamora
c)
Antonio Luna
19.
isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1872 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pag garote sa tatlong pari, gumamit ng panulat, papel, at karunungan para maiparating ang kanilang karaingan sa kinauukulan sa mapayapang paraan?
a)
La Liga Filipina
b)
Kilusang Propaganda
c)
Katipunan
20.
Sino ang unang patnugot ng La Solidaridad, at mahusay na orador?
a)
Jose Rizal
b)
Graciano Lopez Jaena
c)
Marcelo H. Del Pilar
21.
Ano ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda?
a)
Isulong ang karahasan laban sa mga mananakop
b)
Magtatag ng hiwalay na simbahan
c)
Maghangad ng mapayapang reporma at pantay na karapatan
22.
isang samahan na itinatag noong Hulyo 3, 1892, ni José Rizal sa Manila. Ang layunin ng samahan ay ang magtatag ng reporma at pagbabago sa ilalim ng pamahalaang Kastila?
a)
Hispano-Filipino Association
b)
Katipunan
c)
La Liga Filipina
23.
Sa anong paraan pinatay ang tatlong Paring Martir?
a)
Pagbaril
b)
Paggarote
c)
Pagbitay
24.
Ano ang tawag sa opisyal na pahayagan ng Katipunan?
a)
Kalayaan
b)
La Solidaridad
c)
Diariong Tagalog
25.
Anong kasunduan ang napirmahan sa pagitan ng Sultan ng Jolo at ng mga Amerikano?
a)
Kasunduan sa Paris
b)
Kasunduang Bates
c)
Kasunduan sa Look ng Maynila
26.
Ano ang iniutos ni Koronel Jacob Smith sa Balangiga bilang paghihiganti?
a)
Hulihin ang lahat ng sundalong Pilipino
b)
Sunugin ang mga militar na gusali lamang
c)
Patayin ang lahat ng lalaking edad 10 pataas
27.
Ano ang sagisag-panulat ni Jose P. Rizal?
a)
Dimasalang
b)
Taga-ilog
c)
Tikbalang
28.
Siya ang naging “utak ng Katipunan” at sumulat ng Kartilya ng Katipunan?
a)
Emilio Aguinaldo
b)
Andres Bonifacio
c)
Emilio Jacinto
29.
Sino ang nagsiwalat ng impormasyon tungkol sa Katipunan sa paring kastila na si Padre Mariano Gil?
a)
Teodoro Patiño
b)
Emilio Aguinaldo
c)
Apolonio de la Cruz
30.
Anong pangyayari ang nagmarka ng simula ng Himagsikang Pilipino laban sa mga mananakop na Espanyol noong ika-23 Ng Agosto 1896?
a)
Ang pagkakatuklas sa Katipunan
b)
Ang Sigaw sa Pugad Lawin
c)
Ang pag-atake sa palimbagan
31.
Ano ang dalawang paksiyon ng Katipunan?
a)
Magdiwang at Magdalo
b)
Magsaya at Magdiwang
c)
Magdalo at Matagumpay
32.
Isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng dalawang paksiyon ng Katipunan sa Cavite at ang kauna-unahang halalan sa kasaysayan ng Plipinas?
a)
Republika ng Biak na Bato
b)
Kumbensyon sa Tejeros
c)
Ang Sigaw sa Pugad Lawin
33.
Ano ang tawag ng mga Amerikano sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop?
a)
Brown Americans
b)
Filipino Americans
c)
Little brown Americans
34.
Ano ang tawag ng mga Amerikano sa mga Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop?
a)
Brown Americans
b)
Filipino Americans
c)
Little brown Americans
35.
Alin sa mga isports na ito ang HINDI ipinakilala ng mga Amerikano?
a)
Basketball
b)
Sepak takraw
c)
Baseball
36.
Isang estratehiya na ginamit ng mga Amerikano upang patahimikin ang mga Pilipino at pigilan ang anumang uri ng paglaban laban sa kanilang pamamahala?
a)
Susog Spooner
b)
Batas Jones
c)
Patakarang Pasipikasyon
37.
Anong pangyayari noong 1898 ang nagmarka ng simula ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?
a)
Labanan sa Look ng Maynila
b)
Balangiga massacre
c)
Batas Jones
38.
Sino ang unang Gobernador Militar ng Amerika sa Pilipinas?
a)
Arthur MacArthur
b)
William Howard Taft
c)
Wesley Merritt
39.
Ang Unang Komisyon ng Pilipinas ay kilala rin bilang:
a)
Komisyon Taft
b)
Komisyon Schurman
c)
Komisyon Roosevelt
40.
Ang Unang Komisyon ng Pilipinas ay kilala rin bilang:
a)
Komisyon Taft
b)
Komisyon Schurman
c)
Komisyon Roosevelt
41.
Anong batas ang nangako ng kalayaan sa Pilipinas pagkatapos maitatag ang isang matatag na pamahalaan?
a)
Batas Payne-Aldrich
b)
Susog Spooner
c)
Batas Jones
42.
Ano ang pangunahing tungkulin ng Pambansang Asemblea noong 1935?
a)
Pagbibigay ng serbisyong medikal
b)
Pagpapalabas ng batas para sa buong bansa
c)
Paghirang ng pangulo
43.
Anong batas pang-ekonomiya ang nagpahintulot sa mga produktong Pilipino na makapasok sa U.S. nang walang buwis ngunit may quota?
a)
Batas Payne-Aldrich
b)
Batas Jones
c)
Batas Tydings-McDuffie
44.
Ang panahon ng Commonwealth ay idinisenyo upang:
a)
Magbigay ng agarang kalayaan
b)
Ihanda ang Pilipinas para sa pamamahala sa sarili
c)
Magtatag ng permanenteng pamamahala ng Amerika
45.
Ano ang pangunahing layunin ng Ikalawang Komisyon ng Pilipinas (Komisyon Taft)?
a)
Magdeklara ng agarang kalayaan
b)
Magsimula ng pamahalaang militar
c)
Magtatag ng pamahalaang sibil
46.
Ang unang misyon para sa kalayaan sa Estados Unidos ay pinamunuan ni:
a)
Sergio Osmeña
b)
Manuel L. Quezon
c)
Claro M. Recto
47.
Kilala bilang Lakambini ng Katipunan?
a)
Agueda Kahabagan
b)
Melchora Aquino
c)
Gregoria De Jesus
48.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing tungkulin ng Ehekutibong Sangay?
a)
Gumawa ng batas
b)
Magpapatupad ng batas
c)
Maghusga ng kaso
49.
Ang Korte Suprema ay kabilang sa anong sangay ng pamahalaan?
a)
Hudikatura
b)
Lehislatura
c)
Ehekutibo
50.
Ano ang pangunahing layunin ng Tydings–McDuffie Act ng 1934?
a)
Bigyan ng ganap na kalayaan ang Pilipinas kaagad
b)
Magtatag ng sampung taong Pamahalaang Komonwelt bilang paghahanda sa kalayaan
c)
Ipaalis ang lahat ng tropang Amerikano sa Pilipinas agad
51.
Ano ang pangunahing layunin ng Patakarang Homestead sa Pilipinas?
a)
Magtayo ng mga pabrika sa mga pampublikong lupa
b)
Magbenta ng lupa sa dayuhang kompanya
c)
Ipagkaloob ang bahagi ng pampublikong lupa sa mga Pilipinong handang linangin ito
52.
Ayon sa 1935 Konstitusyon, ano ang tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa sa pamumuno ni Jaime C. de Veyra?
a)
Tukuyin at paunlarin ang magiging batayan ng Wikang Pambansa
b)
Magpatayo ng paaralang pang-agrikultura
c)
Magtatag ng pambansang bangko
53.
Ano ang pangunahing layunin ng Constitutional Convention (ConCon) noong Hulyo 10, 1934?
a)
Magtayo ng mga pabrika para sa Commonwealth
b)
Bumuo at sumulat ng Saligang Batas ng Pilipinas bilang paghahanda sa kalayaan
c)
Mag-organisa ng hukbong sandatahan para sa Amerika
54.
Bakit naging mahalaga ang pagtuturo ng Ingles sa sistemang edukasyon noong panahon ng Amerikano?
a)
Upang maging pangunahing wika ng pagtuturo at komunikasyon sa mga paaralan
b)
Upang madaling makipagkalakalan sa mga bansa sa Asya
c)
Upang palitan ang lahat ng katutubong wika
55.
Sino ang Amerikanong sundalo na unang nagpaputok sa Pilipino sa Panulukan ng Sta. Mesa na nagpasiklab ng Digmaang Pilipino–Amerikano?
a)
Januario Galut
b)
Jacob Schurman
c)
William Walter Grayson
56.
What is the Japanese word for "father"?
a)
Okasan
b)
Otosan
c)
Musuko
57.
Which word means "table lamp" in Japanese?
a)
Denki sutando
b)
Kagi
c)
Heya
58.
What does "akai" mean?
a)
Blue
b)
Many
c)
Red
59.
What is the Japanese word for "nine"?
a)
hachi
b)
kyū
c)
san
60.
Which word means "bookstore"?
a)
Honya
b)
Pan-ya
c)
Omochaya
61.
十
a)
hachi
b)
ju
c)
kyu
62.
二十三
a)
nijuusan
b)
nijuuni
c)
nijuuichi
63.
三十五
a)
thirty six
b)
thirty eight
c)
thirty five
64.
十四
a)
senventeen
b)
fourteen
c)
sixteen
65.
ひらがな
a)
nihon
b)
Nihongo
c)
seito
100 %
