NEW
Font size
WorksheetsWW 21. Review - Baitang 5
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Alin sa sumusunod ang halimbawa ng simili?
Ang puso niya ay bato sa katigasan.
Ang kanyang mga mata ay kumikislap na parang mga bituin.
Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.
Ang silid-aralan ay pugad ng karunungan.
“Isang leon sa tapang si Andres.” Anong uri ng tayutay ang ginamit?
Simili
Metapora
Personipikasyon
“Ngumingiti ang araw sa pagsikat nito.” Anong tayutay ang ipinakita?
Simili
Metapora
Personipikasyon
Alin sa mga pangungusap ang hindi halimbawa ng metapora?
Ang kanyang puso ay bato sa katigasan.
Ang silid-aralan ay pugad ng karunungan.
Si Maria ay tulad ng isang rosas sa kanyang kagandahan.
Isang leon sa tapang si Andres.
“Ang tinig niya ay gaya ng awit ng ibon.” Anong uri ng tayutay ang ginamit?
Simili
Metapora
Personipikasyon
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pang-abay na panang-ayon?
Hindi ko gusto ang maingay na lugar
Oo, sasama ako sa iyo.
Kung magsisipag ka, ikaw ay magtatagumpay.
Wala akong nakitang ibon sa puno.
“Ayaw kong umalis nang maaga.” Anong uri ng pang-abay ang ginamit?
Panang-ayon
Pananggi
Kondisyonal
Alin ang halimbawa ng pang-abay na kondisyonal?
Tunay na mahalaga ang edukasyon.
Sakali mang bumagyo, manatili na lamang sa bahay.
Oo, gagawin ko ang aking takdang-aralin.
Wala akong baong pagkain.
“Siyempre, gagawin ko ang aking takdang-aralin.” Anong uri ng pang-abay ito?
Panang-ayon
Pananggi
Kondisyonal
“Kapag umulan, hindi kami matutuloy sa palaro.” Ang pang-abay na ginamit ay—
Panang-ayon
Pananggi
Kondisyonal
Alin sa pangungusap ang nagpapakita ng pokus sa tagaganap?
Ipinagluto ni Maria ang kanyang kapatid ng sopas.
Naglinis si Ana ng silid-aralan.
Ipinagtahi ni Lola ang kanyang apo ng damit.
Ipinaglinis ng guro ang mga mag-aaral ng silid.
“Ipinagluto ni Pedro ang kanyang ina ng tinola.” Anong pokus ng pandiwa ang ginamit?
Tagaganap
Tagatanggap
Ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na: “Sumulat ang guro ng liham.”
Tagaganap
Tagatanggap
Alin sa pangungusap ang halimbawa ng pokus sa tagatanggap?
Kumain ng mangga si Pedro.
Naglinis si Ana ng silid-aralan.
Ipinagtahi ni Lola ang kanyang apo ng damit.
Nagsulat ang bata sa pisara.
“Ipinaglinis ng guro ang mga mag-aaral ng silid.” Ano ang simunong tumatanggap ng kilos?
Guro
Silid
Mag-aaral
Liham
Ano ang unang hakbang upang mas maintindihan at mapaglabanan ang iyong takot?
Huminga nang malalim at dahan-dahan
Kilalanin kung ano at bakit ka natatakot
Magpokus sa kasalukuyan
Manalangin o magdasal
Anong gawain ang makatutulong upang kumalma ang katawan at isipan sa oras ng kaba?
Maghanda at mag-ensayo
Huminga nang malalim at dahan-dahan
Magpokus sa kasalukuyan
Humingi ng suporta
Kung ang isang estudyante ay kinakabahan sa darating na pagsusulit, alin sa sumusunod ang makatutulong sa kanya?
Huwag isipin ang takot at huwag na lang mag-aral
Maghanda at mag-ensayo
Umiwas sa lahat ng sitwasyon na nakakatakot
Mag-isip ng pinakamasamang mangyayari
Ano ang nararapat gawin kung ang negatibong kaisipan ay patuloy na pumapasok sa isipan?
Palitan ito ng positibong pananaw
Baliwalain ang nararamdaman
Umiwas sa ibang tao
Puwersahin ang sarili na huwag matakot
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pag-aalaga sa sarili upang maiwasan ang labis na takot?
Laging puyat at madalas kumain ng fast food
Sapat na tulog, tamang pagkain, at ehersisyo
Pag-iwas sa mga gawaing nakakatakot
Pagpapabaya sa kalusugan
