wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO 4

Total questions: 45

Worksheet time: 27mins

Name
Class
Date
1.

Isang uri ng kuwentong pambata na gumaganap ay mga hayop.  kumikilos, nag-iisip, at nagsasalita na parang tao.

a)

Alamat

b)

Pabula

c)

Maikling kuwento

d)

Sanaysay

2.

Sila ang mga gumaganap sa kwento. Kadalasan ito ay mga hayop.


a)

Tema

b)

Banghay

c)

Tagpuan

d)

Tauhan

3.

Ito ang lugar at oras ng kaganapan ng kwento.

a)

Tauhan

b)

Banghay

c)

Tagpuan

d)

Pabula

4.

Bahagi ng banghay na nagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin na kinakaharap ng pangunahing tauhan.

a)

Wakas

b)

Gitna

c)

Simula

d)

Kasukdulan

5.
  1. Ang nagsisilbing dugo ng bawat kuwento. Ito ang nagpapadaloy at nagbibigay ng interes sa istorya.

a)

Pababang Aksyon

b)

Suliranin

c)

Papataas na Aksyon

d)

Kasukdulan

6.

Dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin. Isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan sa inilahad na suliranin.

a)

Suliranin

b)

Papataas na Aksyon

c)

Pababa na Aksyon

d)

Kasukdulan

7.

Dito makikita ang kakalasan. Sa kakalasan, sa mga kumbensyunal o tradisyonal na kuwento, madalas maglagay ng ganito ang mga manunulat.

a)

Kasukdulan

b)

Papataas na Aksyon

c)

Pababa na Aksyon

d)

Suliranin

8.

Maaaring ang wakas ay masaya, malungkot, o nagbubukas sa iba pang ideya o tinatawag na open-ended.

a)

Simula

b)

Suliranin

c)

Wakas

d)

Kasukdulan

9.

Ang Pagong at ang Agila

Isang araw, sa isang liblib na kagubatan, nagtagpo ang isang Agila at isang Pagong sa tabi ng ilog. Ang Agila, na matalim ang paningin at malakas lumipad, ay mayabang na nagmamalaki sa kanyang kakayahan. Samantalang ang Pagong, mabagal at tahimik, ay tahimik na nanonood sa paligid.

"Tingnan mo ako, Pagong," sabi ng Agila, "hindi mo kayang makipagsabayan sa bilis ko. Mas mataas pa akong lumilipad kaysa sa mga ulap, at kahit anong layunin ko ay tiyak kong matutupad."

Sumagot ang Pagong ng may ngiti, "Oo nga, Agila. Ikaw ay mabilis at mataas lumipad. Pero hindi ba't hindi lahat ng bagay ay nasusukat sa bilis? May mga bagay na nangangailangan ng tiyaga."

Hindi nakuntento ang Agila sa sagot ng Pagong at nagmungkahi ng isang hamon. "Sige, Pagong, subukan natin kung sino sa atin ang unang makakarating sa kabilang pampang ng ilog! Magkaiba tayo ng lakas, pero sigurado akong kaya kong talunin ka."

"Tama, subukan natin," sagot ng Pagong na tahimik na nagsimula ng maglakad sa pampang.

Habang lumilipad ang Agila nang mabilis, agad siyang nakarating sa kabila. Ngunit nang siya'y huminto at lumingon, nakitang ang Pagong ay dahan-dahang tumatahak sa ilog, sinusubok ang bawat hakbang.

Pagkalipas ng ilang oras, natapos na ang Agila sa kanyang mabilis na paglipad at inisip na siya'y panalo. Ngunit nang tumingin siya sa kabilang pampang, laking gulat niya nang makita niyang dumating na ang Pagong at tumaas sa dulo ng bundok.

Dahil sa mabilis na paglipad, hindi na napansin ng Agila ang ilang mga hadlang at mga bato sa kanyang daraanan. Samantalang ang Pagong, sa kabila ng mabagal na paglakad, ay hindi minadali ang kanyang landas, kaya't nakaiwas siya sa mga pagsubok sa daan.

"Dahil sa iyong pagmamadali, Agila," wika ng Pagong, "hindi mo napansin ang mga hadlang sa iyong daraanan. Ang tiyaga at ang masusing pag-iisip ay mas mahalaga kaysa sa bilis."

9.

Ilagay ang SIMULA, GITNA at WAKAS ng kuwento.

4 lines
10.

Ito ang literal na kahulugan ng isang salita. Ito ang kahulugan makikita sa diksyunaryo.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

c)

Donotasyon

d)

Kenotasyon

11.

Ito ang malalim at masining na kahulugan batay sa damdamin, kultura, o pananaw ng tao. Maaaring magtaglay ito ng positibo o negatibong kahulugan.

a)

Konotasyon

b)

Denotasyon

c)

Donotasyon

d)

Kenotasyon

12.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng denotasyon ng salitang “ahas”?

a)

Isang uri ng hayop na gumagapang at makamandag

b)

Kaibigang mapanlinlang

c)

Taong traydor o taksil

d)

Taong naninira ng iba

13.

Ano ang konotatibong kahulugan ng salitang “bituin” sa pangungusap na: “Siya ang bituin ng gabi”?

a)

Isang makislap na bagay sa langit

b)

Ilaw sa kalangitan

c)

Isang planeta na malapit sa buwan

d)

Isang sikat na artista o maganda

14.

Alin sa mga sumusunod ang may konotasyon ang salitang ginamit?

a)

Ang mangga ay hinog na.

b)

Ang aso ay tumahol buong gabi.

c)

Ang puso niya ay bato.

d)

Ang ulan ay bumuhos nang malakas.

15.

Ang salitang “ilaw ng tahanan” ay may konotasyong tumutukoy sa:

a)

law sa loob ng bahay

b)

Ina o nanay ng pamilya

c)

Malaking kandila

d)

Dekorasyong may ilaw

16.

Alin ang denotatibong kahulugan ng salitang “utak”?

a)

Simbolo ng katalinuhan

b)

Pinuno ng grupo

c)

Bahagi ng katawan na nasa loob ng ulo

d)

Taong laging may plano

17.

Ano ang konotasyon ng salitang “lantang gulay”?

a)

Malusog na gulay

b)

Bata na mahilig sa gulay

c)

Matandang mahina na ang katawan

d)

Gulay na bagong pitas

18.

Ang salitang “kidlat” ay may denotasyong:

a)

Simbolo ng biglaang pangyayari

b)

Ilaw na makikita sa langit kapag umuulan

c)

Isang superhero

d)

Mabilis na tao

19.

Alin ang may konotasyong negatibo?

a)

Anghel

b)

Ulo ng pamilya

c)

Halimaw sa bait

d)

Ilaw ng tahanan

20.

Ano ang denotasyon ng salitang “tigre”?

a)

Mabagsik na ama

b)

Uri ng mabangis na hayop

c)

Guro na masungit

d)

Taong matapang

21.

“May ginintuang puso ang bata.” Ano ang ibig sabihin ng konotasyon nito?

a)

May gintong alahas

b)

Mahilig sa kulay ginto

c)

Mapagbigay at mabait

d)

Mahilig sa puso-pusuan

22.

Mga kaganapan na hindi makatotohanan o mahirap paniwalaan.

a)

PANTASYA

b)

REALIDAD

23.

Mga pangyayari o kaganapan na nangyayari sa totoong buhay.

a)

PANTASYA

b)

REALIDAD

24.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pantasya?

a)

Isang prinsesang may kapangyarihang lumipad

b)

Isang batang nag-aaral araw-araw

c)

Isang guro na nagtuturo sa paaralan

d)

Isang mangingisdang nangingisda sa dagat

25.

Alin ang halimbawa ng realidad?

a)

Nagsasalitang aso

b)

Bata na pumapasok sa klase araw-araw

c)

Lumilipad na bahay

d)

Prinsesang may kapangyarihan

26.

Alin sa mga sumusunod ang pantasya?

a)

Pagbabasa ng libro

b)

Pagtutulungan ng pamilya

c)

Paglipad ng tao gamit ang pakpak

d)

Paghuhugas ng pinggan

27.

Ano ang realidad sa pang-araw-araw na buhay?

a)

Paggamit ng kompyuter sa pag-aaral

b)

Pagtulog ng higanteng dragon sa kuweba

c)

Pagsasalita ng mga halaman

d)

Pagpunta sa buwan gamit ang walis

28.

ito ay isang uri ng tayutay kung saan ginagamit ng mga salitang ginaya o kumakatawan sa tunog ng bagay, hayop, tao o kilos sa paglalarawan sa tunog na naririnig sa paligid

a)

Pabula

b)

Onomatopeya

c)

Pangatnig

d)

Talasalitaan

29.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng onomatopeya?

a)

Ang aso ay tumatakbo sa parke

b)

Si Ana ay nagbabasa ng libro

c)

"Aw! Aw!" ang tahol ng aso

d)

Si Pedro ay kumakain ng mangga

30.

Alin ang tunog na nagpapakita ng onomatopeya?

a)

Malamig na hangin

b)

Masarap na ulam

c)

"Tik-tak" ng orasan

d)

Mataas na bundok

31.

Alin ang halimbawa ng onomatopeya?

a)

Ang ibon ay lumilipad sa langit

b)

"Kwak! Kwak!" ang sigaw ng pato

c)

Ang bata ay naglalaro ng bola

d)

Ang guro ay nagtuturo sa klase

32.

Alin sa mga ito ang HINDI onomatopeya?

a)

"Langitngit" ng pinto

b)

"Kalabog" ng nahulog na kahon

c)

"Sipol" ng hangin

d)

Maliwanag na ilaw

33.

Ano ang tunog na naririnig mula sa kulog?

a)

"Dagundong!"

b)

"Sipol!"

c)

"Tik-tak!"

d)

"Aw-aw!"

34.

Alin ang onomatopeya mula sa kuliglig?

a)

"Kri-kri-kri"

b)

"Tik-tak"

c)

"Kalabog"

d)

"Aw-aw"

35.

Mga kataga o salitang nag-uugnay ng mga salita sa salita, parirala, sugnay, o pangungusap.

a)

Tasalitaan

b)

Onomatopeya

c)

Pabula

d)

Pangatnig

36.

Ito ay nagdurugtong ng dalawang magkatimbang na salita o bahagi ng pangungusap na may pantay na halaga o importansya.

a)

Pangatnig na Di-Magkatimbang

b)

Pangatnig na Magkatimbang

37.

to ay nagdurugtong ng sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na makapag-iisa.

a)

Pangatnig na Di-Magkatimbang

b)

Pangatnig na Magkatimbang

38.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pangatnig na magkatimbang?

a)

Dahil masama ang panahon, walang pasok.

b)

Bibili si Ana at si Maria ng prutas.

c)

Uuwi ako kapag tumila ang ulan.

d)

Mag-aral ka nang mabuti upang makapasa.

39.

Ano ang pangatnig na ginamit sa pangungusap na: “Magluluto siya o kakain na lang sa labas.”

a)

at

b)

kung

c)

o

d)

sapagkat

40.

Alin sa mga sumusunod ang pangatnig na di-magkatimbang?

a)

o

b)

at

c)

kung

d)

ni

41.

“Nag-aral siya nang mabuti upang makapasa sa pagsusulit.” Ano ang uri ng pangatnig?

a)

Di-magkatimbang

b)

Magkatimbang

c)

Panapos

d)

Pamukod

42.

ito ay lipon grupo ng salita na binubuo na may simuno at panaguri ngunit maaaring buo ang diwa o hindi.

a)

Sugnay

b)

Pangatnig

c)

Pangungusap

d)

Sugnay na Di makapag-iisa

43.

Grupo ng mga salita na bumubuo ng isang diwa.

a)

Pangatnig

b)

Pangungusap

c)

Sugnay

d)

Sugnay na Di makapag-iisa

44.

Ano ang tinatawag na hugnayang pangungusap?

a)

Pangungusap na may iisang diwa lamang

b)

Pangungusap na walang sugnay

c)

Pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na di-magkatimbang

d)

Pangungusap na may dalawang sugnay na parehong makapag-iisa

45.

Alin ang halimbawa ng hugnayang pangungusap?

a)

Malakas ang ulan.

b)

Kumain siya at natulog.

c)

Hindi siya lumabas dahil umuulan.

d)

Si Maria ay nag-aral at si Ana ay naglaro.