Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q2 AP Reviewer

Total questions: 76

Worksheet time: 38mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing papel na ginagampanan ng kababaihan sa sinaunag lipunan ng Timog - Silangang Asya?

a)

Nagsisilbing tagapamahala ng tahanan, mangangalakal at tagapangalaga ng kultura at tradisyon

b)

Nagsisilbing tagapagtanggol ng bayan

c)

Nangangasiwa sa tahanan

d)

Gumagawa ng gawaing bahay

2.

Paano nakamit ng mga kababaihan ang mataas na posisyon sa lipunan noong sinaunang panahon?

a)

Sa pamamagitan ng pagiging lider sa pamahalaan

b)

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa kalakalan ng pampalasa, tela, at ginto

c)

Sa pamamagitan ng pagiging mandirigma sa digmaan

d)

Sa pamamagitan ng paglilingkod sa simbahan

3.

Ano ang pagkakaiba ng papel ng kababaihan noon at ngayon?

a)

Noon ay pantay ang papel ng kababaihan at kalalakihan sa kalakalan at pamumuno; ngayon mas limitado ngunit patuloy ang pag-unlad tungo sa pagkakapantay-pantay.

b)

Noon at ngayon ay walang pagbabago.

c)

Noon ay walang karapatan ang kababaihan; ngayon ganap na silang pantay sa kalalakihan.

d)

Noon ay mas limitado ang papel ng kababaihan kaysa sa kasalukuyan.

4.

Sino ang namumuno sa mga sinaunang pamayanan sa Timog-Silangang Asya?

a)

Babaylan

b)

Datu

c)

Mangangalakal

d)

Magsasaka

5.

Ano ang bumubuo sa istruktura ng lipunan noong sinaunang panahon?

a)

Maharlika, mangangalakal, at datu

b)

Maharlika, malayang tao, at alipin

c)

Rajah, babaylan, at mandirigma

d)

Pinuno, magsasaka, at artisano

6.

Sino ang kabilang sa pinakamataas na uri ng lipunan na may mataas na antas at malapit sa pinuno?

a)

Alipin

b)

Malayang tao

c)

Maharlika

d)

Mangangalakal

7.

Sino ang mga may sariling lupa at ari-arian at hindi sakop ng pagiging alipin?

a)

Maharlika

b)

Malayang tao

c)

Datu

d)

Babaylan

8.

Sino ang naglilingkod o nagbabayad ng utang sa kanilang amo sa sinaunang lipunan?

a)

Maharlika

b)

Malayang tao

c)

Alipin

d)

Rajah

9.

Sino-sino ang karaniwang kabilang sa malawak na kahulugan ng pamilya sa sinaunang lipunan?

a)

Magulang, anak, lolo, lola, tiyuhin, tiyahin, at pinsan

b)

Magulang, anak, kaibigan, guro, at kapitbahay

c)

Magulang, anak, lider, at mandirigma

d)

Magulang, anak, datu, at babaylan

10.

Ano ang itinuturing na pangunahing yunit ng lipunan?

a)

Paaralan

b)

Pamahalaan

c)

Pamilya

d)

Simbahan

11.

Alin sa mga sumusunod ang pinapahalagahan sa loob ng pamilya?

a)

Pagpapahalaga sa yaman

b)

Paggalang sa nakatatanda

c)

Pakikidigma sa ibang tribo

d)

Pagpili ng pinuno

12.

Ano ang pangunahing yunit ng sosyalisasyon?

a)

Paaralan

b)

Simabahan

c)

Pamilya

d)

Pamahalaan

13.

Ano ang layunin ng sosyalisasyon?

a)

Para turuan ang bata magsalita

b)

Para matutong maglaro

c)

Para turuan ang kasapi ng lipunan ng wastong paguugali

d)

Para magturo ng kasaysayan

14.

Kailan nagsisimula ang paghubig ng tamang asal ng isang bata?

a)

Kapag siya ay nasa paaralan

b)

Kapag siya ay nasa trabaho

c)

Sa pamilya, mula pagkabata

d)

Kapag siya ay may asawa na

15.

Ano ang ibig sabihin ng "Ang pamilya ay yunit ng produksyon"?

a)

Pag aaral ng ekonomiya

b)

Pagbibigay ng serbsiyo

c)

Paglikha ng mg bagay at serbisyo na kailangan ng tao

d)

Pagpaparami ng produkto para ibenta

16.

Bakit tinuring ang pamilya bilang yunit ng produksyon noong unang panahon?

a)

Dahil sila ang namumuno sa lipunan

b)

Dahil sila ang gumagawa at namamahagi ng produkto

c)

Dahil sila ang nagbabayad ng buwis

d)

Dahil sila ang nagtuturo sa mga bata

17.

Ano ang tawag sa mga bagay na nililikha upang matugunan ang pangangailangan ng tao?

a)

Pananim

b)

Serbisyo

c)

Produkto or goods

d)

Laro

18.

Ano ang tawag sa pamilya kung saan ang ama o pinakamatandang lalaki ang kinikilalang may pinakamalaking kapangyarihan sa tahanan?

a)

Matriyarcal

b)

Patriyarcal

c)

Egalitarian

d)

Nukleyar

19.

Ano ang tawag sa pamilya kung saan ang ina o sinumang pinakamatandang babae ang may ganap na kapangyarihan sa tahanan?

a)

Matriyarcal

b)

Patriyarcal

c)

Egalitarian

d)

Nukleyar

20.

Ano anyo ng pamilya kung saan ang mag asawa ay pantay na nagbabahagi ng kapangyarihan sa pagpapasya?

a)

Matriyarcal

b)

Patriyarcal

c)

Egalitarian

d)

Nukleyar

21.

Anong uri ng pamilya ang kasama ang mga lolo, lola, tiyahin, tiyuhin at iba pang kamaganak sa iisang tahanan?

a)

Matriyarcal

b)

Patriyarcal

c)

Egalitarian

d)

Pinalawak (Extended)

22.

Anong uri ng pamilya ang binubuo ng magulang at mga anak lamang?

a)

Nukleyar

b)

Patriyarcal

c)

Egalitarian

d)

Pinalawak (Extended)

23.

Saan matatagpuan ang kabihasnang Funan?

a)

Vietnam at Cambodia

b)

Thailand

c)

Laos

d)

Myanmar

24.

Ano ang ambag ng Funan sa kultura?

a)

Pag-imbento ng baril

b)

Pagpapalaganap ng Hinduismo at Budismo

c)

Pagkakaroon ng monarkiya

d)

Pagbuo ng dike

25.

Saan umunlad ang kabihasnang Angkor?

a)

Thailand

b)

Cambodia

c)

Laos

d)

Vietnam

26.

Ano ang pangunahing ambag ng Angkor?

a)

Baybayin

b)

Angkor Wat

c)

Borobudur

d)

Taj Mahal

27.

Sino ang kilalang pinuno ng Pagan na nagtatag ng Budismo bilang opisyal na relihiyon?

a)

Angkor Wat

b)

Suryavarman II

c)

Anawrahta

d)

Jayavarman VII

28.

Ano ang pangunahing naganap sa ilalim ng Toungoo Dynasty?

a)

Pagsakop sa halos buong Myanmar

b)

Pag-imbento ng baril

c)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

d)

Pagbuo ng Taj Mahal

29.

Ano ang ambag ng Dinatiyang Toungoo?

a)

Pagpapalakas ng sentralisadong pamahalaan

b)

asin at palay

c)

mananakop sa ibang bansa

d)

pagimbento ng baril

30.

Saan umunlad ang Le Dynasty?

a)

Laos

b)

Vietnam

c)

Myanmar

d)

Thailand

31.

Sino ang pinuno ang nagpalaya sa Vietnam laban sa China?

a)

Le Loi

b)

Shwezigon Pagoda

c)

Borobudur

d)

Taj Mahal

32.

Ano ang pangunahing lokasyon ng kabihasnang Ifugao?

a)

Palawan

b)

Cordillera

c)

Mindoro

d)

Laguna

33.

Ano ang tanyag na ambag ng Ifugao?

a)

Angkor Wat

b)

Banaue Rice Terraces

c)

Baybayin

d)

Barong

34.

Ano ang pangunahing ekonomiya ng Ifugao?

a)

Pagmimina

b)

Pagsasaka ng palay

c)

Pangingisda

d)

Pag-aalaga ng hayop

35.

Saan matatagpuan ang Kalinga?

a)

Mindanao

b)

Hilagang Luzon

c)

Visayas

d)

Palawan

36.

Ano ang nagsisilbing simbolo ng batok?

a)

Pananampalataya

b)

Katapangan at karangalan

c)

Karangyaan

d)

Pangingisda

37.

Sino si Apo Whang-Od?

a)

Prinsesa ng Ifugao

b)

Pinakamatandang mambabatok

c)

Rehente ng Toungoo

d)

Mandirigmang Khmer

38.

Anong uri ng sining ang kanyang pinreserba ni Apo Whang-Od?

a)

Pagpipinta

b)

Batok o tradisyunal na tattoo

c)

Eskultura

d)

Arkitektura

39.

Ano ang ambag sa larangan ng pagsusulat ng Kabihasnang Tagalog?

a)

Hiragana

b)

Baybayin

c)

Sanskrit

d)

Alibata

40.

Sino ang nakarating sa Cape of Good Hope noong 1488?

a)

Bartolomeu Diaz

b)

Vasco da Gama

c)

Pedro Cabral

d)

Christopher Columbus

41.

Saang lungsod sa India unang nakarating si Vasco da Gama?

a)

Calicut

b)

Bombay

c)

Goa

d)
  1. Delhi

42.

Kailan natuklasan ni Pedro Cabral ang Brazil?

a)

1488

b)

1492

c)

1500

d)

1521

43.

Ano ang pangalan ng bansang natuklasan ni Pedro Cabral?

a)

India

b)

Indonesia

c)

Brazil

d)

Portugal

44.

Kailan nagsimula ang unang paglalayag ni Columbus patungong Kanluran?

a)

1488

b)

1492

c)

1500

d)

1521

45.

Ano ang pangalan ng kontinente na ipinangalan mula kay Amerigo Vespucci?

a)

Europa

b)

Amerika

c)

Asya

d)

Aprika

46.

Sino si Amerigo Vespucci?

a)

Isang manlalayag na Portuges

b)

Isang manlalayag na Italyano

c)

Isang Espanyol na hari

d)

Isang Pranses na siyentipiko

47.

Ilan ang barko na dinala ni Ferdinand Magellan sa kanyang paglalakbay noong 1519?

a)

Tatlo

b)

Apat

c)

Lima

d)

Anim

48.

Kailan nagsimula ang paglalayag ni Magellan patungong silangan?

a)

1492

b)

1519

c)

1521

d)

1500

49.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa limang barko ni Magellan?

a)

Trinidad

b)

Victoria

c)

Santa Maria

d)

Concepción

50.

Anong ekspedisyon ang sinalihan ni Antonio Pigafetta?

a)

Ekspedisyon ni Vasco da Gama

b)

Ekspedisyon ni Ferdinand Magellan

c)

Ekspedisyon ni Christopher Columbus

d)

Ekspedisyon ni Amerigo Vespucci

51.

Ano ang pangunahing ginawa ni Antonio Pigafetta sa ekspedisyon?

a)

Siya ang kapitan ng barko

b)

Siya ang tagasulat o kronista ng mga pangyayari

c)

Siya ang tagapagluto ng tripulante

d)

Siya ang tagagawa ng mapa

52.

Sino si Enrique de Malacca?

a)

Isang Portuges na manlalayag

b)

Isang alipin at tagasalin ni Ferdinand Magellan

c)

Isang sundalong Espanyol

d)

Isang hari ng Malacca

53.

Saang lugar sa Pilipinas unang dumaong si Magellan?

a)

Cebu

b)

Homonhon Island

c)

Mactan, Cebu

d)

Leyte

54.

Sinong pinuno ng Cebu ang nahikayat na magpabinyag ng Katoliko?

a)

Don Pedro

b)

Rajah Humabon

c)

Magellan

d)

Lapu-Lapu

55.

Ano ang pinakatanyag na nagawa ni Padre Pedro de Valderama?

a)

Siya ang unang pari na nagsagawa ng misa sa Pilipinas

b)

Siya ang unang misyonerong nagturo ng Kristiyanismo sa China

c)

Siya ang nagsalin ng wika sa Cebuano

d)

Siya ang unang gobernador sa Cebu

56.

Sino ang pinuno ng mga mandirigmang Pilipino sa Labanan sa Mactan?

a)

Rajah Humabon

b)

Datu Zula

c)

Lapu-Lapu

d)

Ferdinand Magellan

57.

Ano ang nangyari kay Ferdinand Magellan sa Labanan sa Mactan?

a)

Nakatakas siya patungong Cebu

b)

Siya ay napatay sa labanan

c)

Siya ay nahuli ni Lapu-Lapu

d)
  1. Siya ay nagbalik sa Espanya

58.

Paano natalo ni Cortez ang mga Aztec?

a)

Sa pamamagitan ng diplomasiya

b)

Sa tulong ng mga kaalyadong tribo at sa paggamit ng baril at kanyon

c)
  1. Sa pamamagitan ng paglalason

d)

Sa pammamagitan ng sakit kagaya ng influenza, small pox at tigdas

59.

Ano ang isa sa mga negatibong epekto ng kolonyalismo at imperyalismo?

a)

Pagpapalawak ng kalakalan

b)

Pagkawala ng kalayaan ng mga sinakop na bansa

c)

Pagtaas ng antas ng pamumuhay

d)
  1. Pagkakaroon ng makabagong teknolohiya

60.

Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

a)

Paghahanap ng pampalasa

b)

Pagpapalaganap ng relihiyong Islam

c)

Paghahanap ng pampalasa, ginto at iba pang likas na yaman

d)

Pagpapalaganap ng sining ng Renaissance

61.

Ano ang ibig sabihin ng “White Man’s Burden”?

a)

Paniniwala na mga kanluranin na sila ay mas nakakahigit upang makontrol ang likas na yaman at mercado ng Asya

b)

Paniniwalang pantay ang lahat ng lahi

c)

Paniniwala sa demokrasya

d)

Pananampalataya ng mga Kristiyano

62.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng pananakop sa Ikalawang Yugto?

a)

Industriyalisasyon

b)

Hilaw na materyales

c)

Bagong pamilihan

d)

Paglaganap ng Edukasyon

63.

Anong bansa ang sumakop sa India?

a)

France

b)

Great Britain

c)

Netherlands

d)

Spain

64.

Aling bansa ang sinakop ng France sa Asya?

a)

Vietnam

b)

Indonesia

c)

Malaysia

d)

Thailand

65.

Kailan idineklara ang Batas Militar sa Pilipinas?

a)

Setyembre 21, 1972

b)

Hunyo 12, 1972

c)

Oktubre 1, 1973

d)

Agosto 21, 1971

66.

Sa anong dokumento o kautusan ipinatupad ang Batas Militar?

a)

Proclamation No. 1081

b)

Proclamation No. 1017

c)

Executive Order No. 27

d)
  1. Republic Act No. 1425

67.

Ano ang pangunahing dahilan na ginamit ni Marcos sa pagdedeklara ng Batas Militar?

a)

Upang pigilan ang paglaganap ng komunismo at kaguluhan sa bansa

b)

Upang palakasin ang ekonomiya

c)

Upang magdaos ng halalan

d)

Upang alisin ang mga dayuhan

68.

Ano ang nangyari sa karapatang pantao ng mga mamamayan sa ilalim ng Batas Militar?

a)

Pinalakas ang kalayaan sa pamamahayag

b)

Nilimitahan ang karapatang pantao at kalayaan sa pamamahayag

c)

Pinalakas ang karapatang magprotesta

d)
  1. Wala itong epekto

69.

Anong uri ng pamahalaan ang umiral sa panahon ng Batas Militar?

a)

Demokrasya

b)

Diktadura

c)

Monarkiya

d)

Republika

70.

Kailan tuluyang natapos ang Batas Militar?

a)

Enero 17, 1981

b)

Pebrero 25, 1986

c)

Disyembre 30, 1980

d)

Hulyo 4, 1982

71.

Ano ang pangyayaring nagpatalsik kay Ferdinand Marcos sa kapangyarihan?

a)

Rebolusyong Pilipino

b)

EDSA People Power Revolution

c)

Rebolusyong Pranses

d)

Rebolusyong Katipunan

72.

Anong epekto ng Batas Militar sa ekonomiya ng bansa?

a)

Lubos na umunlad ang kabuhayan ng lahat

b)

Lumubog ang ekonomiya dahil sa utang at katiwalian

c)

Naging pantay ang pamumuhay ng mga Pilipino

d)

Nawala ang kahirapan

73.

Saan pinatay si Ninoy Aquino noong siya ay bumalik sa Pilipinas noong 1983?

a)

Luneta Park

b)

Mactan Airport

c)

Manila International Airport (Ngayon ay NAIA)

d)

Malacañang

74.

Ano ang ibig sabihin ng NAMFREL?

a)

National Movement for Free Leaders

b)

National Movement for Free Leaders

c)

National Alliance for Fair Elections

d)
  1. National Movement for Federal Elections

75.

Kailan muling naibalik ang demokrasya sa Pilipinas?

a)

Pebrero 7, 1986

b)

Pebrero 25, 1986

c)

Marso 25, 1986

d)

Setyembre 21, 1986

76.

Sino ang naging pangulo ng Pilipinas matapos ang pagbagsak ni Ferdinand Marcos?

a)

Fidel V. Ramos

b)

Corazon Aquino

c)

Imelda Marcos

d)

Benigno Aquino Jr.