wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kaalaman sa Kagandahang-Asal

Total questions: 11

Worksheet time: 6mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa kagandahang-asal na nararamdaman o ipinapakita sa pamamagitan ng mataas na pagkilala o pagtingin?

a)

Ideya

b)

Paggalang

c)

Pagsalungat

d)

Suhestiyon

2.

Ano ang tawag sa hindi maayos na ugnayan ng dalawa o higit pang panig?

a)

Ideya

b)

Paggalang

c)

Pagsalungat

d)

Suhestiyon

3.

Bakit mahalaga ang ideya o suhestiyon?

a)

Ito ay makapagbibigay ng mahalagang imbensiyon sa mundo.

b)

Ito ay makakatulong sa ating kapwa sa oras ng pangangailangan.

c)

Ito ay magbibigay ng kasiyahan at kaginhawahan sa ating kapwa.

d)

Ito ay makakatulong na makabuo ng isang konkretong ideya maaaring maging kapaki-pakinabang.

4.

Isa sa pinakamahalagang imbensiyon sa kasaysayan ng daigdig ay ang eroplano na likha ng Wright Brothers. Bukod sa siyensyang ginamit, alin sa mga sumusunod ang isa pang naging daan upang ito ay kanilang makamit?

a)

Humingi sila ng tulong sa kanilang kaibigan.

b)

Sila ay nagsumikap hanggang sa matapos ang kanilang imbensiyon.

c)

Dahil sa kanilang pinagsamang ideya ay nabuo ang kanilang imbensiyon.

d)

Dahil sa walang limitasyong imahinasiyon ng tao ay nakaisip sila ng isang bagay na magbabago sa takbo ng transportasyon sa daigdig.

5.

Pinagalitan si Menchie ng kaniyang nanay at alam niyang hindi siya ang may kasalanan. Kalaunan ay umamin sa kaniya ang kapatid niyang si Kris na siya talaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin na ito sa kanilang nanay patawarin lamang siya. Ano ang dapat gawin ni Menchie?

a)

Awayin ang kaniyang kapatid upang makaganti siya.

b)

Tanggapin ang suhestiyon ng kaniyang kapatid at patawarin siya.

c)

Isumbong ang kaniyang kapatid sa kanilang nanay upang siya ay maturuan ng leksiyon.

d)

Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong mangyari at hindi na ito mababawi pa.

6.

Isang tsismis ang ipinagkakalat ni Rosana sa kaniyang mga kaklase tungkol kay Tim sa pamamagitan ng isang text message. Ipinaalam ito kay Tim ng isa nilang kaklase. Sa muling pagkikita nina Rosana at Tim, ano ang dapat gawin ni Tim?

a)

Magtanim ng galit kay Rosana at huwag na itong kakausapin.

b)

Pabayaan na lamang ipagkalat ang tsismis dahil hindi naman ito totoo.

c)

Komprontahin si Rosana at awayin ito upang malaman niyang mali ang kaniyang ginawang paninira.

d)

Lapitan si Rosana at yayaing mag-usap ng maayos at alamin kung totoo ang sumbong na natanggap.

7.

Tuwing linggo ay nakaugalian na ni Manoy magpatugtog ng malakas ng kaniyang mga paboritong awitin na kung kaniyang tawagin ay Sunday’s Best. Sumapit ang isang linggo na sa kaniyang pagpapatugtog ay may pumunta sa kanilang bahay at nakiusap na hinaan ang kaniyang music dahil ang kaniyang kapitbahay ay may prayer meeting. Kung ikaw si Manoy, ano ang gagawin mo?

a)

Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang lugar na lamang sila mag-prayer meeting.

b)

Ititigi

8.

Kung ikaw si Manoy, ano ang gagawin mo?

a)

Pagsasabihan ang kapitbahay na sa ibang lugar na lamang sila mag-prayer meeting.

b)

Ititigil muna ang pagpapatugtog at maghanap ng ibang pagkakaabalahan bilang respeto sa kanilang aktibidad.

c)

Hihinaan ang pagpapatugtog at magdadabog upang malaman ng kapitbahay na nagambala nila ang aking pakikinig.

d)

Ipagpapatuloy ang pagpapatugtog ng malakas sapagkat ito ay ginagawa naman niya sa loob ng kanilang bahay.

9.

Kung ikaw si Jay-r, ano ang gagawin mo?

a)

Huwag pansinin ang kapatid at ipagpatuloy ang ginagawang proyekto.

b)

Sabihin sa kapatid na tutulong sa paglilinis pagkatapos ng ginagawang proyekto.

c)

Imungkahi na huwag na munang maglinis at hintayin dumating ang kanilang nanay upang siya ang maglinis.

d)

Pagsasabihan ang kapatid na huwag kang abalahin sa paggawa ng proyekto at hayaan na siya ang maglinis ng bahay.

10.

Ano ang dapat gawin ni Yen?

a)

Isumbong si Ken sa kanilang tatay upang mapagalitan ito at maturuan ng leksiyon.

b)

Pabayaan na lamang ang kapatid dahil masaya naman siya sa paglalaro ng mobile games.

c)

Takutin ang kapatid na magsusumbong sa kanilang tatay kundi siya hahatian sa nakuhang pera.

d)

Kausapin ang kapatid at imungkahi na mali ang kaniyang ginawa at umamin at humingi ng tawad sa kanilang tatay.

11.

Kung ikaw si Tracy, ano ang gagawin mo?

a)

Maiinis sa kapatid dahil mahirap gumawa ulit ng panibagong poster.

b)

Magpasalamat sa suhestiyon at subukang gawin ang iminungkahi ni Bea.

c)

Huwag na lamang itong pansinin at ilaban ang sariling gawa sa kompetisyon.

d)

Pakiusapan ang kapatid na siya na lamang ang gumawa ng poster na ilalaban sa kompetisyon.