NEW
Font size
WorksheetsGRADE 5 PART I: Pagsusulit sa Pagbenta ng Alagang Hayop
Total questions: 23
Worksheet time: 12mins
Ito ay isang paraan ng pagbibigay anunsyo na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon ukol sa ipagbibiling alagang hayop.
social media
paggawa ng flyer o brochure
pagdadala sa pamilihan
direct selling
Paraan ng pagbebenta sa pamamagitan ng pagpopost sa internet ng mga impormayon ukol sa alagang hayop na iniaalok sa mga interesdong bumili.
paggamit ng social media
paggawa ng brochure
pagdadala sa pamilihan
paglalako sa kalsada
Si Mang Pedring ay nais na ipagbili ng lahatan ang mga alagang hayop. Anong paraan ng pagbebenta ang ipinakakita ng sitwasyon?
Tingian
Maramihan
per piraso
per dosena
Ipinagbili ni Mang Serapin ang mga alagang baboy sa halagang ₱ 20,000.00. Kung ang puhunan niya ay ₱ 9,500.00, magkano ang kinita ni Mang Serapin?
₱ 9,000.00
₱ 9,500.00
₱ 10,000.00
₱ 10,500.00
Nagbabalak kang mag-alaga ng manok na nangingitlog. Kailangan mo ng ₱ 1,000.00 para sa kulungan, ₱ 500.00 para sa hayop na paparamihin, ₱ 1000.00 para sa patuka, bitamina at gamot. Magkano ang puhunang dapat mong ihanda?
₱ 2,000.00
₱ 2,500.00
₱ 3,000.00
₱ 3,500.00
Paano nakatutulong ang pagbebenta ng mga produktong poultry sa kabuhayan?
Nagbibigay ito ng dagdag na kita sa mga tao
Nakapagpapasaya lamang sa mga bata
Nakababawas ng oras sa paglalaro
Nagpapataas ng presyo ng mga bilihin
Napansin mong ang ilang manok sa kulungan ay may mahihinang balahibo at hindi gaanong kumakain. Ano ang pinakamainam na gawin?
Pabayaan lang dahil normal iyon
Bigyan ng mas maraming tubig
Tignan kung may sakit at ihiwalay muna
Ipagbili agad bago mamatay
Kapag ang itlog ay madaling mabasag at may kakaibang amoy, ano ang maaring dahilan nito?
Tama ang pag-iimbak
Sariwa pa ang itlog
Mali ang paraan ng pag-iimbak
Bago pa lamang ang itlog
Kapag ikaw ay magbebenta ng itlog, alin sa mga ito ang pinakamainam na gawin?
Pumili ng malinis at hindi basag na itlog
Isama lahat, kahit may basag
Ibenta agad kahit marumi
Lagyan ng tubig ang karton
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakaiba ng natural at komersyal na pag-aalaga ng poultry?
Pareho silang gumagamit ng antibiotics
Ang natural ay gumagamit ng organic feed, ang komersyal ay may halong kemikal
Parehong ginagamitan ng artipisyal na ilaw 24 oras
Ang natural ay mas mabilis ang paglaki ng manok
Kung nais mong makatulong sa kalinisan ng paligid ng poultry area, ano ang nararapat mong gawin?
Itapon ang dumi ng manok sa ilog
Gamitin ang dumi ng manok sa paggawa ng compost
Iwanan na lang ito sa labas ng kulungan
Takpan ng dahon ang dumi ng manok
Kung ikaw ay gagawa ng kulungan ng mga inahing manok, alin ang pinakamainam na disenyo?
Sarado at walang bintana
May sapat na hangin, ilaw, at lugar para sa pag-itlogan
Maliit at madilim upang hindi sila maingay
Walang sahig para madaling linisin
Kung masikip at madilim ang kulungan ng mga manok, ano ang maaaring maging epekto nito?
Mas lalakas silang kumain
Magiging tahimik at masunurin sila
Magkakaroon ng stress at sakit ang mga manok
Mas madalas silang mangitlog
Bakit mahalaga ang tamang pabahay para sa mga poultry animals?
Upang hindi sila makakain ng iba pang hayop
Upang maging maginhawa, malusog, at ligtas sila
Upang hindi sila makalipad palabas ng bahay
Upang madali silang mahuli ng tao
Ano ang pangunahing layunin ng pagbibigay ng bitamina sa mga poultry animals?
Upang mabilis silang tumanda
Upang maging maganda ang kulay ng balahibo
Upang lumaki nang malusog at maiwasan ang sakit
Upang madagdagan ang kanilang timbang
Kung ikaw ay isang batang tumutulong sa magulang sa pagtutuos ng kita, alin ang wastong hakbang?
Ibawas ang puhunan sa kabuuang benta upang makuha ang kita
I-multiply ang puhunan sa presyo
Idagdag ang gastos sa kabuuang benta
Ibawas ang presyo ng patuka sa bilang ng manok
Kung ikaw ay gagawa ng flyers para sa iyong mga alagang manok, alin sa mga ito ang dapat mong isama?
Larawan, presyo, at contact number
Paboritong pagkain ng manok
Kwento tungkol sa pag-aalaga
Mga larawan ng ibang hayop
Si Aling Rosa ay gumastos ng ₱3,000 para sa patuka, ₱1,000 sa bitamina, at ₱1,500 sa tubig at kuryente. Kung ang kabuuang benta niya ay ₱8,000, magkano ang kanyang tubo?
₱2,500
₱3,500
₱4,000
₱5,000
Ano ang pagkakaiba ng tingian at maramihang pagbebenta?
Ang tingian ay bultuhan, ang maramihan ay per piraso
Ang tingian ay kakaunti lamang ang binebenta, ang maramihan ay bultuhan o lansakan
Parehong paraan ng pagbebenta sa iisang mamimili
Walang pagkakaiba
Ano ang layunin ng pagtutuos ng kabuuang gastos, puhunan, at kita sa pagbebenta ng poultry animals?
Upang malaman kung kumita o nalugi
Upang makakuha ng bagong alagang hayop
Upang malaman ang presyo ng karne sa pamilihan
Upang dagdagan ang puhunan
Kapag nagpost ng maling impormasyon tungkol sa produktong ibinebenta online, ano ang maaaring maging epekto nito?
Mas maraming bibili
Mawawala ang tiwala ng mamimili
Tataas ang kita
Lalong sisikat ang produkto
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng poultry animals?
Kaalaman at kakayahan ng mag-aalaga
Target market o kliyente
Uri ng kasuotan ng mag-aalaga
Pagpili ng lugar na pag-aalagaan
Paghambingin ang free range at intensive na paraan ng pag-aalaga. Ano ang pagkakaiba nila?
Sa free range, nakakulong ang mga manok; sa intensive, nakakalaya.
Sa free range, malayang gumagala ang mga manok; sa intensive, nakakulong ang mga ito.
Parehong nakakulong ang mga manok.
Parehong nasa natural na kapaligiran.
