WorksheetsFILIPINO 9 SHORT QUIZ
Total questions: 20
Worksheet time: 8mins
Ito ay isang panitikang nagmula sa Japan na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod.
A. tanaga
B. haiku
C. tanka
D. dula
Ito ay sinaunang tula ng mga Pilipino na binubuo ng tigpipitong pantig sa bawat taludtod ng bawat saknong.
A. tanaga
B. haiku
C. haiku
D. dula
May labimpitong bilang ang pantig na may tatlong taludtod na hinahati sa 5-7-5.
A. tanaga
B. haiku
C. tanka
D. dula
Madalas na paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kalikasan at pagbabago.
A. tanaga
B. haiku
C. tanka
D. wala sa nabanggit
Kadalasang kahulugan ng cherry blossoms sa tula ay:
A. pag-ibig
B. pagsibol
C. panahon
D. lahat ng nabanggit
Ito ay makahulugang tunog na ginagamit upang malinaw na maipahayag ang damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag.
A. Ponemang Suprasegmental
B. Diin
C. Tono
D. Hinto
Pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.
A. Ponemang Suprasegmental
B. Diin
C. Tono
D. Hinto
Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
A. Ponemang Suprasegmental
B. Diin
C. Tono
D. Hinto
Ang lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isantig sa salita.
A. Ponemang Suprasegmental
B. Diin
C. Tono
D. Hinto
Anong damdamin ang namayani sa pangungusap na ito: "Totoo! Ang laki ng
ahas!"
A. nagsasalaysay
B. nag-aalinlangan
C. nagtatanong
D. matinding emosyon
Anong bantas ang ginagamit sa pangungusap na nagsasalaysay
A. tuldok
B. kuwit
C. tandang padamdam
D. tandang pananong
Tukuyin kung ano ang tamang diin ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
"Ang sarap kumain ng tubo."
A. tu:BO
B. TU:bo
C. TU:BO(?)
D. tu:boh
Tukuyin kung ano ang tamang diin ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
"Napakaganda ng buhay ni Hanni sa lalawigan kaysa sa lungsod."
A. bu:hay(?)
B. bu:hay
C. BU:hay
D. bu:HAY
"Ikaw lamang ang pahinga ko sa mundong napakagulo at walang kasiguraduhan."
A. la:MANG
B. LA:mang
C. la:mang(?)
D. wala sa nabanggit
"Nakikita kita sa kabila ng dilim na nakapaligid sa akin."
A. ki:tah
B. ki:ta
C. KI:ta
D. ki:TA
Tukuyin ang kahulugan ng hinahanap sa pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang antala o hinto ng mga ito...
*Nagbibigay ito ng kahulugan na ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Jake na napagkamalan lamang na si Jay.
A. Hindi/ ako si Jake.
B. Hindi ako/ si Jake.
C. Hindi ako si Jake.
D. wala sa nabanggit
Ito ay nagpapahiwatig na ang kausap ay napagbibintangan sa isang bagay na hindi niya ginawa.
A. Hindi/ ako si Jennie.
B. Hindi ako/ si Jennie.
C. wala sa nabanggit
D. lahat ng nabanggit
Ito ay nagpapahayag na ang nagsasalita ay nagsasabing hindi siya si JK
A. Hindi/ ako si JK.
B. Hindi ako/ si JK.
C. Hindi ako si JK.
D. wala sa nabanggit
Ang mga pangunahing tauhan dito ay mga hayop at itinuturo dito ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa kapwa.
A. pabula
B. parabula
C. maikling kuwento
D. alamat
Siya ay tinawag na “Ama ng Sinaunang Pabula”.
A. Aesop
B. Hwanin
C. Hwanung
D. wala sa nabanggit
